Inihahandog ng Linangan sa Imahen Retorika at Anyo (LIRA) at Ortigas Foundation ang isang panayam tungkol sa Kasaysayan ng Balagtasan. Ang panayam ay gaganapin sa Agosto 10, 2008, Linggo, 9:00 nang umaga hanggang 12:00 nang tanghali sa Ortigas Foundation Library, Ortigas Building, Ortigas Avenue, Pasig City.
Ang pangunahing tagapagsalita ay si Dr. Galileo Zafra, isang literary historian, kritiko, at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas.


