Teatro (warning:j.luna)

j luna's picture
|
Teatro
"..Vice that had lost its glitter was a hundred times more boring than virtue that had lost its glitter."-Yukio Mishima
                                     I
      “Nasan na yung babae?”, tanong ko kay Maning. Nakaupo kami sa isang mesa sa Mcdo, sa tabi ng salamin na dingding. Naiinip na ako, inip na rin ang Hapon na nakaupo sa tabi ni Maning. Kanina pa ito tingin ng tingin sa kanyang relo. “ Genki desu?”, tanong ni Maning “Hai.”, sagot nito- pero kitang-kita parin ang inip sa mga kunot ng noo nito. Naalala ko tuloy noong una akong ipinakilala ni Maning sa Hapon, last week, dito rin sa lugar na ito. “Ano ba Maning?! Hindi ako tumatrabaho ng bakla.”, nasambit ko kay Maning, habang ang aking mga mata ay nakatingin sa matandang Hapon na malagkit ang tingin sa akin. “Tanga, hindi kita ibinubugaw dyan kay tanda.”, sabi ng bakla. Ipinaliwanag nya sa akin ang pakay ng Hapon- dose mil daw, para sa isang tatlumpung minutong video. Twelve thou- ‘di na masama, kung ikukumpara sa kinikita ko kada gabi sa pagla-live show sa Quiapo. Naiinip na ko, at kinakabahan- iniimagine ko kung ano kaya ang hitsura ng makakapareha ko. Palingon-lingon ako, alerto sa bawat babaeng daraan. Pinagbalingan ko ang French fries na nakahain sa harapan namin, habang ang Hapon naman at si Maning ay busy sa pagkukuwentuhan.
       “Bakit nagayon ka lang?”, sabi ni Maning, sa dalagang kararating lang. Nakangiti ang Hapon- tila gandang-ganda sa babaeng nakatayo sa aming harapan. Tangina, ‘di ko talaga magets ang tipo ng mga foreigner. Ewan ko ba kung saang tabi-tabi ito nakuha ni Maning, pero kitang-kita ko ang satisfaction sa mga mata ng Hapon. Exotic ito para sa kanya, ako naman ay natigilan sa nakita kong tattoo ng “Guardians” sa kanyang braso.
-EEEW!!! Pero para sa halagang dose-mil, ‘di na ito masama. Kahit ipakain pa sa akin ang “ano” nya.
         Ipinakilala sa akin ni Maning ang babae, ngumiti s’ya. May hitsura din naman pala s’ya kung tutuusin. – Pwede na. Napaka-casual ng introduction naming. Parang strictly business lang talaga ang usapan. Nagbigay ng briefing si Maning tungkol sa gagawin namin, tungkol sa gustong makita ng Hapon, at siyempre ang pinaka-importante, ang presyuhan, at sistema ng bayaran. Wala nang masyadong tao sa Mcdo sa ganitong oras ng gabi, kaya Malaya kaming nakapag-usap. Nang okay na ang lahat, at tapos nang kumain ang babae ay lumabas na kami ng Mcdo. Pumara si Maning ng taxi, at nagtungo kami sa isang motel.
*
         Ang napiling kuwarto nila Maning ay iyong walang mga salamin sa kisame , at dingding- para daw natural na natural ang dating ng setting. Inilabas ng Hapon mula sa kanyang backpack ang isang hi-tech na Handicam, yung tipong kayang mag-burn ng cd,  at pinrogram niya ito. Nag-usap uli kami ni Maning at ng babae. Ipinaliwanag ng bakla ang sistema, at sequence ng mga gagawin naming eksena.
*
        Medyo mahabang proseso ang paggawa ng isang dalawampu’t-lima hanggang apatnapung minutong video. Oo, totoo- kasi napakaimposible naman talagang mangyari sa tunay na buhay ang mga napapanood natin sa mga triple-x na video. Sa tunay na buhay, kaya ng isang karaniwang lalake na marating ang rurok sa loob lamang ng labinlima, hanggang dalawampung minuto, o mas mababa pa: tapos lalambot na ang kanyang pututoy, at kailangan pa uling magpainit, at magpakundisyon bago mag- ready to fight uli si Manoy. Pero sa mga porno, kahit ilang pasirku-sirko, at kung saan-saang butas na isinusubo at ipinapasok si Manoy, ay buhay na buhay parin ito- minsan tatlong beses pa nga sa isang eksena nilalabasan ang bida.
      Dahil imposible ngang magtalik sa ganito kahabang oras, ang isang maikling triple-x na video ay ginagawa sa loob ng ilang ‘take’, at tumatagal ng ilang araw ang bawat shooting: ang mga nakuha, at piling eksena sa bawat ‘take’, ay ini-edit at pinagdudugtong-dugtong ng director na gumagawa ng video. Ang shooting ng videong gagawin namin, ay maaaring tumagal ng tatlo hanggang apat na araw, depende sa kung gaano ako katagal bago labasan. Pag-nag climax ako sa shooting, wrap-up na muna, pahinga buong araw—bukas na ang sunod na shoot. Syempre, para tayung-tayo si Manoy. at hindi kami lantutay ng kapareha ko.
                                     II
                                  
       Sabi ng katambal ko, noong nasa taxi kami ay first time n’ya raw itong gagawa ng triple-x. Taga-Pasay daw siya at nagtatrabaho sa eskinita sa tabi ng Rotonda Hotel, kung saan kumikita siya ng tatlongdaang-piso kada putok. Sa tantiya ko ay mas matanda siya sa akin. Sa dulang gaganapan namin, siya ang leading lady.
      Pagdating sa motel, ang una nyang ginawa sa loob ng kuwarto ay ang ilabas mula sa kanyang bag: ang isang lighter, foil, tooter na gawa sa pinutol na antenna ng t.v., at isang tig-pisong pakete ng otabs. Inalok niya ako- tumanggi ako, kaya nag-session siyang mag-isa.
*
      Lights…camera…ACTION!!! Tumaas ang telon.
Pumasok sa banyo ang babae, at nagbukas ng shower, sinabon at hinilod niya ang kanyang katawan, habang nilalandi, at inaakit niya ang camera. Pinaligaya niya ang kaniyang sarili, sabay sa pagbagsak ng tubig sa kanyang kaselanan. Close-up sa mga bula ng sabon, at sa daliring labas- masok sa laman..Nakalimutan ng babaeng i-lock ang pinto ng banyo , at aksidenteng papasok si Adonis nanaka-tuwalya lang, at aabutan niya si eba sa gitna ng kanyang pagpaparaos—walang creativity ang gumawa ng script namin, ganito din ang istorya ng mga videong napapanood ko. Binuhat ko ang kanyang basang katawan, at inihiga sa carpet. Gumapang ang aking kamay sa kanyang madulas na balat, at nilaro ng aking mga daliri ang kumpol ng buhok sa ibabaw ng kanyang pagka-babae. Nagdikit ang aming mga basang labi. Sa kanyang trabaho ay bawal ang magpahalik sa labi—kailangan kasing magkaroon ng dingding sa pagitan ng personal na damdamin , at ng tunay na buhay: trabaho lang walang personalan. Pero iba ito, ito ay ang teatro: kailangan mong magpanggap na gusto mo ang ipinapakain sa iyo, kailangang magpanggap ka na gusto mo ang katambal mo—kailangan mong pekein ang init, at sarap ng pagniniig sa maskara ng pekeng senswalidad.
       Hindi ito t.v., o pelikula, ito ay ang teatro: tunay na penetrasyon, tunay ang mga kadyot,tunay na tinggil, puke, katas ng kepyas, tunay na bayag, tite, bulbol, tamod: Live Action: pero peke—pekeng ungol, halinghing, himas: pekeng sarap.
       Habang umaandar ang camera, ay nagkabuhol-buhol ang mga binti, at bisig na nangingintab sa pawis. Isinampa ko ang kanyang mga paa sa aking mga balikat, habang nilalaro ng aming mga kamay ang kanyang mga dibdib. Lumipat ako ng posisyon, humiga sa kanyang tagiliran, iniangat ang kanyang binti, at isinampa sa aking baywang—pagkatapos ng ilang sargo mula sa ganitong posisyon, humiga ako at sumakay siya sa akin..Pati tirik ng mga mata, pati ungol—peke, alam ko—dahil wala akong nadaramang init.
     Pagkatapos ng ikaapat na posisyon, ay sumenyas ako sa Hapon: “Cut!!!”, nilabasan na ako. Tumayo ang babae, at nagsindi ng yosi, at pumasok sa banyo para umihi. Kinamayan ako ng Hapon, Very Good daw sabi ni Maning: perfect daw, nakatapos kami ng sampung minutong eksena, siguradong mabilis daw naming matatapos ang videong ito. Nagbibihis ako, habang nire- review ng Hapon ang mga nakuhang eksena sa kanyang handicam, nakangiti siya. Bago kami lumabas ng kuwarto, kami ng babae ay tinawag ni Maning: iniabot niya sa amin ang paunang bayad para sa aming serbisyo.

Tapos na ang unang eksena…………Ibinaba na ang telon.
………Bukas uli.
                                      (9/11/05)
                                                                                      -j.luna

j.luna

j luna's picture

Okay..

Wow...Okay...