The Amazing Adventures of Pedro in filipinowriter.com

Alam nyo ba ang natutunan ko sa pagsusulat sa tinagal-tagal ng paglilibot ko sa filipinowriter.com? Eto,  dapat pala ay walang sense ang sasabihin mo kasi pag may sense hindi pagtutuunan ng pansin at oras, kailangan din mababaw ka kasi yung karamihan ng akda na nakapagpabago ng pananaw ko at nagpayaman ng aking kaisipan ayun at nasa archive lahat dun ako nagbabasa eh sa mga akda ng nilumang panahon dalawa o isang taon nang nai-post walnga gustong mag-comment eh kasi interesante at intelihente ang laman baka nga naman lumabas ang mga abo at tokwang laman ng utak pag nagkumento kaya dedma na lang safe di ba?  Eto pa pag di magkamali ka at nakapagkumento ka at nahalata na nag-iisip ka at nasaktan ang ego ng sumulat ayun at humanda ka sa gyera hindi lang isa ang makakalaban mo kundi lahat ng kabaranggay. Hay naman hanggang dito na lang ba talaga?


Ay sus, Penduko!

Imbis na ikaw ang maghintay, eh di ikaw nalang ang magkoment. Problema ba yun? Pakita mo sa kanila yung talino mo para makita nila kung gaano kababaw ang pagiisip nila. Oh, di ba? Tapos!

ayown!

ala ey ginagawa ko na po yown! sagot dito at sagot doon hay gamera ikaw naman inday at ako'y sukang suka na. adios!

Ayoko tol, no tanks!

Kapag ako ang nagkoment ako tinatarayan nakakapagot lalo.

ay sya sige na lang

ay sya wag na la-ang at ako'y may tinutugis pang tulisan sa mundo ng kababalaghan. Hayaan na ang ang mga iyan at may bagong idol na akong sibusubaybayan.

o talaga? sino naman yan

o talaga? sino naman yan idol mo na yan? baka ako rin maging idol ko sya... he he he...