The Best Breyk-Up Lines

kaye_md's picture

Ang mga sumusunod ay hango sa mga totoong buhay at pangyayari. Base ito sa mga tunay na karanasan ng mga kaibigan ku. Kilala nyu na kung cno kau. Patnubay ng magulang ay kailangan.

8. I think its time for us to let go               

Parang natululog lang ah! Cancer patient?! Mga hanggang bukas na lang yung itatagal ng buhay nya kaya kailangan mag-let go na agad sila bago pa mahuli ang lahat!!! Tipong pagkatapos masabi ito eh biglang bubula yung bibig ng nagsabi sabay mangingisay.

Advantage:               

Ok to dahil di masyadong nakakasama ng loob, kasi nga pagkatapos kang mabanatan nito eh mamamatay na agad yung nagsabi. Hindi mu na magagawa pang magalit dahil magpapanic ka na at maghahanap ng pinaka malapit na ospital!!

Best Location:               

 Kailangan pa ba imemorized yan?! Isa lang naman best location para  d2 eh, sa may bangin na may damo damo tapos sa baba ng bangin may dagat at madaming bato. Kailangan mahangin at nakatalikod yung magsasabi na tipong nakaakap sa sarili at mukang giniginaw habang hinahangin yung buhok. Tapos yung pagsasabihan naman malayo ng 2 hakbang sa likod. At wag kakalimutan na dapat makulimlim o kaya naman sunset para mas baduy. Perfect!!!  

7. Tigilan na natin ito!!!                 

Napakaganda diba?! Drama kung drama ang labanan! Yung mga tipong eksena sa pelikula na biglang dadating yung lalake at lalapitan yung girlfriend niya at hahawakan sa braso na tipong mapapaharap pa sa kanya at magugulo yung buhok, sabay bitaw ng break up line na to. Kasunod nun cympre stuck up c girlfriend at di makakapagsalita. After 2 years saka pa lng nya mare2alized yung mga nagyari, ang maganda nyan huli na ang lahat at wala na cyang magagawa!!!

Advantage:          

 Sabi ku nga diba mabilis ang mga pangyayari dito at delayed reaction ang girlfriend kaya highly effective ito. Kc bago cya makaphysterical eh nakaalis ka na.

Best Location:              

Preferably sa madaming tao para mahiyang emotional breakdown ang pinagsasabihan mu. Siyempre pag over crowded mahihiya yun magwala dba?! Ibig sabihin safe ka at hindi ka sa ospital susunduin ng pamilya mu.

6. I need space              

Laging isa lang ang tanong ku sa mga nagsasabi nito… Anu ka astronaut??? Astronaut lang kasi para saken ang may kailangan ng space kaya kung hindi ka naman lumalabas ng mundo eh walang gamit para sayo ang space, maliban na lang kung lugar ka o kaya naman computer, malamang kailangan mu din to. Pag may nagsabi sa inyo nito itawag nyo agad sa NASA cguradong kulang pa mga astronauts na ipinapadala sa Saturn, pasamahin nyo na.

Advantage:            

Kylangan pa bang imemorize yan?! Edi siyampre may ex kang astronaut, ang resulta sikat ka!!! Akalain mung yung ex mu ang isa sa mga unang taong tatapak sa Saturn?!

 Best Location:           

  Mas ok sabihin na lang to sa telepono, kasi hinde ito safe ibanat sa personal. Ito kasi ang isa sa mga top 5 na dahilan ng patayan sa metro manila. Masakit sa ulo ito at nakakainsulto! Parang pinalalabas pa kc ng nagsabi na sobrang obsessed yung pinagsabihan nito sa kanya at pinagtatayo pa cya ng altar at inaalayan ng pagkain gabi gabi.

5. Its not you it’s me            

 Kamusta naman yon?! Hindi mu maintindihan kung gago ba o gago yung nagsabi eh! Masyadong anemic at kulang sa sustansya. Dapat to pakainin muna ng gulay at prutas para maging kapakipakinabang at makatulong sa mga kabataan! Isa pa hindi din magandang halimbawa sa mga tao dahil nagpro2mote ito ng katangahan at panggagaya dahil pupusta ku na hindi nmn tlga original linya ito ng nagsabi. Stop Piracy!!!  

Advantage:            

Madaling gawin at madali din ihanap ng alibi. Pwde kang umarte at sabihing ikaw lahat ang may kasalanan kaya hindi ka masasaksak ng karelasyon mu pgktpos mu tong sabihin. Advisable ang linyang ito sa mga sadyang bobo at walang kakayahang mag-icp. Hindi mu na kylangan ng utak dahil hindi naman original.         

  Best Location:              

 The best ito over dinner!!! Ung mga tipong kakatapos nyo lang kumain at kasalukuyang nag-dedessert. Sabay hahawakan mu ngaun yung kamay ng karelasyon mu sabay sabing… (Insert endearment or name here) Its not you it’s me.

 4. I cannot do this                 

  Christopher d e Leon is that you?! Artistang artista ang dating diba?! Siguradong napulot to sa mga kabaduyang pelikula nung 80’s and 90’s. Saktong sakto to kapag tipong konti na lang,  magpapatayan na kayo sa daan. Diba beem?! (hehe patawad pare nasabi ku ang tunay na pangalan mo! Sori pare promis di nila malalaman satin satin lang to!) Bagay na bagay nga pala to sa mga artist o kaya maartist!!!

Advantage:                

 Sa sobrang balahura nitong linyang to eh hindi na nanaisin ng pinagsabihan na karelasyon na humingi ng paliwanag. Ibig sabihin panalo dahil isusumpa ka na nya at di na nanaising Makita pang muli. (tristan at eden, kayo ba yan?! Panday?!)  

Best Location:               

 Siyempre sa kalye! Specifically sa may sakayan ng jeep sa Kalaw tapos gabi pa! (Beem sori talaga di ku na talaga uulitin) Eksena to kasi pagkasakay sa jeep ng pinagsabihan mu malaki ang tsansa na tatalon siya habang umaandar ang jeep. Pagdasal mu lang na di sya mag-iwan ng suicide note, kundi headline bukas ngaun ang broadcast! Susunugin ka ng taong bayan!!!  

 3. Pasensya ka na dalawa kayo.. Mahal kita pero mas mahal ku siya               

  Bakit hindi mu pa tinatlo o kaya inapat para naman happy together?! Baka naman gusto mu mag dinner pa tayo, wala lang bonding lang! Wag natin haluan ng malisya friend friends lang.  Ang maganda niyan may pilian pa parang game show!! For 1M pesos. Ang tanong: Cnu ang mas mahal mu sa kanilang 2?? (sasagot si boylet) Ahmm.. siya po?! (ituturo ang karibal). Sure ka na ba?? Yes?! Congratulations nanalo ka ng 1 million pesos!!! At dahil siya ang pinili mu may bonus kang pangkabuhayan showcase at Trip for 32 sa boracay!! Parang field trip lang!!

Advantage:                 

At dahil milyonaryo na ang ex mu pwde ka ng magpalibre sa kanya at humingi ng kitchen showcase habang sinasabing: libre mu naman aku for old time’s sake lng. Sinaktan mu naman aku eh!!!

Best Location:                

Pinaka maganda to sa ulanan!! Pero kailangan samahan nyo din ng konting habulan at iyakan anyway di naman mapapansin yung luha dahil umuulan. Habang tumatakbo ngaun si ate maaabutan siya ni kuya at pag naabutan siya kylangan umiiyak na siya. Parang eksena sa pelikula at diperensya lang mas muka kayong tanga at kinabukasan siguradong may pulmunya kayo pareho. ( pulmuya together?! how sweet!)                    

 2. (Sahihin mu na lahat wag mu lang saabihing ayaw mu na)… AYAW KO NA!!!                                        

 Lakas!!! San ka lulugar?! Pagkatapos mung masabihan nito maghahanap ka na agad ng lubid para matapos na lahat. Lord I’m ready na lang ang masasabi mu. Pang- FAMAS talaga to dahil yung pagsasabihan nito cguradong iyak tawa pgkatapos!! Not to mention pareho pang my participation yung mag-jowagers. Ibang level ng acting ang kailangan mu dito!!!

Advantage:                  

 Super duper effective to as in!!! Asahan mu pgkatapos mu tong masabi manginginig yung girlfriend/boyfriend mu at 2 lang ang kahihinatnan nya: either suicide or suicide. Ay tsaka meron pa palang isa… suicide!

Best Location:                 

 Pinakamaganda to sa bahay or condo basta somewhere private. Tandaan na dapat sa pinto pa lang nagsisimula na kayong magbatuhan ng rear view mirror, banga or kahit anong matatalim na bagay! Tapos pagdating sa kwarto saka mu lang to sasabihin, para hindi masira ang moment. Malinaw?!

1. Siguro nga hindi kita talaga minahal kasi nagawa ku maghanap ng iba.               

Tantananan tanan!!!! Ito ang pinaka panalo sa lahat ng mga linyang nabitawan sa kasaysayan nga tao. At ang maganda nyan hindi ito pwdeng sabihin ng basta kung sino lang na pontio pilatong napadaan sa lupa at nagkorteng tao… In short pang gwapo lang!!! Kung may kapal ka ng mukang sabihin ito, dapat bathala ka ng wagas na pagsinta, masarap kahit walang palaman! 

Advantage:            

Pag nasabihan ka nito ibig sabihin gwapo ang boylet mu. Di bale magpaloko ka sa gwapo wag lang sa panget. Mas masakit magago at masabihan ng linyang ito ng panget dahil hindi lang sampal yun sa pagkato mu para kang binaril nun at tinapak tapakan! Kamusta ka naman nun?! Double dead!!! (Beem ibig bang sabihin nito multo ka na?! hehe sori  pare nabigla lang aku!)

Best Location:              

Napaka versatile ng break-up line na ito dahil pwede mong sabihin to sa personal kung gusto mung mapaaga ang buhay mu or sa fone kung gusto mung may konting oras ka pa para makapag-paalam ka sa mga mahal mu sa buhay.

Last Say:Sa bawa't masisirang relasyon, may redhorse na sasalubong 


malupetiks

malupetiks,why? akalain mo yun naisip mo yun,may experience ka na ba sa nakaraan? bravo i love it really.natawa talaga ako...........what more pa kaya kung kakwentuhan pa kita Cool

kaye_md's picture

3 yrs too late

maraming salamat. cge susunod kwe2ntuhan kita para mas matawa ka Smile

Starblaze's picture

additional break-up

additional break-up lines:

1. Sorry, but i need to tell you this....wala ka palang Matris

Best Location/time: After having Sex

 

2. Sorry, pero mali ang akala ko.....3 inches ka lang pala

Best Location/time: After having Sex!

 

3. Sumpain ako sa ginawa ko....pero mas mahal ko ang Ate mo

Best Location/time: when u're not gettin a hard on

 

 

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

daily_sam's picture

Ayos!

Hahahaha! Eto lang pala ang gamot sa boring kong araw!

I don't know if this is an original composition BUT granting that it is...GENIUS ka Girl! Salute! ;)

Thanks for the hearty laugh! :D

"Sometimes, I think the things I remember are more real than the things I see..."