The Blogger (6)

napoleon1815's picture
|

“PAANO ko pala malalaman ang progress ng pag-trace mo kay Death Watcher?” mayamaya’y tanong ni Sidney kay Owen. Nakabawi na ang dalaga sa kilig ng pagpisil sa kamay niya ng binatang hacker.

“I’ll call you, don’t call me,” mahinahon nitong sagot.

“May time frame ba tayong pinag-uusapan?”

“Two days at the most, Sidney. Madali para sa akin na pasukin ang set-up ni Death Watcher. The person won’t even detect the intrusion.”

“Wow! Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako.”

“Don’t. May bayad namang naghihintay sa akin. O, nalimutan mo?”

Namula ang dalaga. Ang kanyang kapurihan ang sinasabi ni Owen. Ito ang idineklara niyang pambayad sa effort ng guwapong hacker. “H-Hindi ko nalilimutan. Hindi rin ako nagba-back out.”

“Got to go. Gusto mong pahatid?” Itinuro ni Owen ang kotseng nasa unahan ng parking space ng coffee shop.

Tumanggi ang dalaga. “May dala rin akong kotse. Thanks, anyway.”

 

MAGDAMAG na inupuan ni Owen ang computer niya sa bahay. Hindi siya naninigarilyo pero mahilig sa kape. Sa magdamag yata ay nakalimang cup siya ng piping hot black coffee. Brewed, of course.

Nang nakakasampung oras na siya sa harap ng computer ay nakdama na siya ng pagod at inis. Hindi pala madaling tukuyin si Death Watcher, kanyang naunawaan.

Mali ang sabi niya kay Sidney na ‘it’s a walk in the park’; na kayang-kaya niya ang nais ipagawa ni Sidney.

Tinulugan muna niya nang limang oras ang problema. Naghilik siya; meaning mahimbing siyang nakatulog dahil sa mental fatigue.

 

SI SIDNEY ay gising, binabasa ang latest blog ni Death Watcher. Tama ang hula niya na lalo pang patindi ang dusa nito at ng mga kaanak sa kamay ng napakasamang tao.

“Hindi pa nakuntento sa bunso kong kapatid ang halimaw. Pati si Lorenz ay ginalaw na rin, gaya ng paggalaw kay Dais.

Bakit pa kaya hindi na lang kami mabaliw ng Mommy ko? Bakit kailangang makita pa namin ang pagluray ng halimaw sa kapurihan nina Dais at Lorenz?...”

“Gaga! Gaga! Gagaaa!” sigaw na ni Sidney sa harap ng kanyang PC. Muntik-muntikan na niyang ihagis sa bintana ang monitor--dahil sa labis na inis kay Death Watcher.

Pahablot niyang hinugot sa outlet ang plug ng computer. Panay buntunghininga siyang nahiga na sa kama.

Umagang-umaga ay ginising siya ng tawag ni Owen. “Okay na, Sidney. Alam ko pati saktong address ni Death Watcher.”.........

 

“TAGA-city proper sina Death Watcher?” dudang tanong ni Sidney nang magkaharap na sila ni Owen, sa bahay ng huli.

“No, Sidney…ang ibig kong sabihin, nasa city proper ang pinagmumulan ng blog ni Death Watcher. Not necessarily na dito na nga sila nakatira ng mother and sisters niya,” paliwanag ng hacker.

“Pero ayon sa blog ni Death Watcher, silang mag-iina ay nakakulong sa isang bahay na malayo sa kapitbahay at nasa ilang na lugar…”

“Natitiyak kong hindi mali ang research ko, Sidney. Posible sigurong palipat-lipat sila ng safehouse ng sinumang bumibihag sa kanila.”

“At laging dala ang computer? Laging may connection sa internet?”

Napantastikuhan si Owen sa kasimplehan ng takbo ng utak ni Sidney. “Hindi ka pala computer savvy.

Hindi mo ba alam na nadadala ang laptop kahit saan at kung may internet card ay walang problema?”

Pahiyang-pahiya si Sidney. Noon nga palang wala pa silang DSL ay sa internet card sila nagre-rely.

“Of course I know that,” sabi niya, trying to save face. “Nalimutan ko lang po, sir.”
Natawa si Owen sabay pisil sa kanyang baba. “Pikon ka pala. Magandang pikon.”

“What now?”

“What now, Sidney?” Inulit ng guwapong hacker ang tanong ng dalaga. “Ikaw ang nagsabing ang trabaho ko lang ay ibigay sa iyo ang whereabouts ni Death Watcher.

It’s your ballgame now.”

Napalunok ang dalaga. Wala bang pakiramdam ang lalaking ito/ Hindi alam na siya ay…nais patulong?

Alangan namang nag-iisa siyang pupunta kina Death Watcher, right?

“Busy ka, Owen?”

“Sa pag-claim ng aking prize? No! I have all the time, Sidney.” Tinapunan siya ng hacker ng tinging punumpuno ng desire.

Lalo namang napalunok si Sidney. Ano ba namang lalaki ito at naniningil na agad? 

At hindi ba nito alam na siya ay wala pang karanasan sa s-e-x? That she is still a virgin?

“Owen Madrid, hindi pa nga natin napapatunayang tama ang bigay mong address. Paano kung wala pala diyan si Death Watcher? What if palpak pala…?”

“Hindi pa ako pumapalpak bilang hacker, Sidney. Naiinsulto ako.”

“Kung gayo’y puntahan muna natin.”

“Natin? Kasama ako sa mapanganib mong pagsugod kina Death Watcher?” Napantastikuhan sa ideya ni Sidney ang hacker........

 

NAKAHALATA si Sidney. “Tutol kang samahan ako, ha, Owen?”

“Ayoko nga. Wala ‘yan sa usapan,” walang ngiting sagot ng hacker.

“Okay. Kung gayo’y titiyakin ko munang tama ang information mo about Death Watcher, bago ka maningil ng bayad.” Itinago ni Sidney ang agam-agam. Hindi siya panatag na nag-iisa sa unfamiliar places.

Saglit lang nag-isip si Owen. Napabuntunghininga. “Malabo. Makikita mo ang address na sinasabi ko pero hindi mo naman basta mapapasok.

Kung kukuha ka ng pulis para mag-raid ay lalong malabo dahil hahanapan ka muna ng pulisya ng basihan para mag-raid. Hindi sila basta maniniwala sa blog ni Death Watcher, Sidney!”

“Alam mo naman pala. Ganyan din naman ang naisip ko. Kaya nga ang plano ko’y tuklasin muna ang dapat tuklasin saka ako hihingi ng tulong sa authorities!” mahaba ring paliwanag ni Sidney.

“Playing hero, ha? Paano kung basta ka barilin ng bumibihag kina Death Watcher? Or worse rereypin ka muna bago patayin.”

Kinilabutan si Sidney pero ayaw patalo sa takot. “Bahala na. Kakayanin kong mag-isa. When everything is over, saka natin pag-usapan ang inaasam mong… masagwang kabayaran.”

“Fine! Ang galing mong magpa-guilty! Kailan tayo aalis?”

Nabuhayan ng loob ang dalaga. “Sasamahan mo na ako, Owen ?”

 

ANO pa nga ba? Pero may presence of mind silang huwag magdala ng sasakyan. They took a taxi instead. “Sa Kalye Industria, manong.”

Magkatabi sa backseat sina Owen at Sidney. Walang imikan, aywan kung ano ang mga laman ng isip.

“May dala ka ba?”

“Dala na ano, Owen?”

“Baril or anything na panlaban…just in case…”

“Wala. Babae akong law-abiding citizen, ‘no.”

Si Owen ay wala ring sandata. Hindi siya na-train sa magulong bahagi ng mundo; ang expertise lang niya talaga ay nakasentro sa computers.

Bumaba sila ng taxi di-kalayuan sa umano’y kinaroroonan nina Death Watcher. “Hayun ang saktong bahay, Sidney.

Ayon sa aking pag-aaral, na 90 percent accurate, land-based ang set-up nila.”

Isang decrepit 3-storey building ang kanilang pinasok. Madilim ang hagdan, walang elevator.

Wala ring bantay. Marumi ang lugar.

Tumigil sila sa tapat ng isang saradong pinto. “This is it, Sidney. Moment of truth na ‘to.” .........

 

NASA 3rd floor ng luma-maruming residential building sa lunsod ang tinukoy ni Owen na kinaroroonan nina Death Watcher. Parang ayaw maniwala ni Sidney. Ibang-iba ang lugar sa minimention ni Death Watchr sa blog nito.

“Malayo nga raw sila sa kapitbahay at nasa ilang na lugar. Owen, there must be some mistake…” 

“Walang mali sa technique ko. I’m sure dito nga nagmumula ang blog ni Death Watcher; narito sila ng pamilya niya kasama ang taong nagpaparusa sa kanila,” matatag na sabi ng hacker.

Napabuntunghininga si Sidney. “Okay, pasukin na natin. Kung mali e di humingi tayo ng sorry…”

“Sa ganitong sitwasyon, kailangan ang gulatan, Sidney. Hindi gago ang malupit na tao kung basta tayo papapasukin. Tiyak na itatago agad sina Death watcher and family…o kaya ay tayo ang gugulatin.”

Naunawaan ni Sidney ang nais mangyari ni Owen. Hindi sila kumatok. Sa halip ay maingat na pinihit ng binata ang door knob. Nakasusi iyon. Pakiramdam nila’y walang tao.

“What now, gigibain natin ang pinto?” tanong ni Sidney, pabulong.

May dinukot na card sa bulsa si Owen. Isinilid sa siwang ng pinto, sa tapat ng susian.

Click. Mahimalang nabuksan ng card ang pinto. Bukod pala sa pagiging hacker, may special skill din si Owen sa mga keyholes.

Pumasok na sila nang buong ingat. Walang tao sa salas. Posibleng nasa ibang bahagi ng bahay. Patingkayad na nag-imbestiga ang dalawa sa tatlong rooms doon.

“Owen…” May itinuro si Sidney sa sulok ng maliit na silid.

“Bukas ang computer. Ibig sabihi’y lumabas lang ang sinumang narito, anumang sandali ay babalik,” bulong ni Owen, nagpapakatatag.

Mabilis na tinipa ng hacker ang keyboard. Tap-tap-tap-tap.

“What are you doing?”

“Sidney, kailangang malaman natin kung dito nga galing ang blog ni Death Watcher.”

“Pero baka tayo mahuli ng may-ari. Trespassing tayo!”

“Sidney, relax ka lang, okay?”

Iiling-iling ang dalaga. Hindi mapakali.

Sandali lang ay tukoy na ni Owen. “Bingo! Narito ang next blog ni Death Watcher, hindi pa tapos! Kinu-compose pa!”........

 

“KUNG gayo’y narito si Death Watcher?” tanong ni Sidney kay Owen. Sila ng hacker ay nasa loob ng room na may naka-on na computer. Nabasa nila sa screen ang hindi pa tapos na blog ni Death Watcher.

“Yes, Sidney, narito siya supposedly. Kung siya nga ang gumagawa ng blog na ito…”

Napakunot-noo si Sidney. “Of course si Death Watcher ang gumagawa ng blog na ‘to! Kilala ko na ang panulat niya, Owen!”

“Hey, stop. Hindi tayo magkalaban. Sinabi ko lang ang posibilidad.”

“Nakakainis kasi ang scenario mo. Bakit pa kaya tayo nagpagod kung hindi pala totoo si Death Watcher?”

“Then, we must search the place again. Baka nakakulong lang dito ang kapamilya ni Death Watcher.”

“Paano kung nakabantay din pala, nagtatago, ang taong nagpaparusa sa kanila? Baka biglain tayo?” Nakakadama ng takot si Sidney.

“Bahala na. Ang kailangan muna ay makita natin si Death Watcher and family. Kung kailangan nila ang tulong ay tutulong agad tayo.” Nagpapalakas lang naman ng loob si Owen. Alam niyang wala siyang alam sa martial arts o anumang depensa.

Hinanap nila sa buong lugar sina Death Watcher. Pati sa most unlikely place gaya ng Comfort Room.

“Wala talagang tao rito…”

“Meron, Sidney… Kung wala’y bakit bukas ang computer?”

“Baka itinakas na ng taong malupit si Death Watcher at mag-anak…baka umiba na ng taguan.”

“Wait…may padating! I can hear it…” sabi ni Owen, nakatitiyak.

“M-magtago tayo! Dali!” Hinila ni Sidney ang hacker sa likod ng malaking cabinet. Abut-abot ang kaba ng dalaga.

Niyakap ni Owen mula sa likuran si Sidney, Tinakpan ng isang kamay ang bibig ng dalaga.

“Huwag ka talagang lilikha ng ingay. Lagot tayo…”

Bumukas ang pinto. Isang payat na lalaking mukhang addict na hindi naliligo ang bumungad, may pagtataka.

Narinig nina Owen at Sidney ang galit na tinig nito. “Putang ama! May nakapasok ba, ha? Meron ba?”

Nagkatinginan ang dalawa. Nalimutan nilang i-lock ang pinto!

Mailap ang tingin ng bagong dating-- sa seradura ng pinto at sa paligid ng kabahayan.

Mayamaya’y maingat nang pinasok ang silid ng computer, hawak sa kamay ang icepick.

Pigil ang hininga nina Owen at Sidney.........

 

“NALIMUTAN ko lang bang i-lock ang pinto, ha? At nalimutan ko rin bang isara muna ang blog sa computer?  Malilimutin pa  ba ako sa daga ngayon, ha?” malakas na tanong sa sarili ng mukhang addict na lalaki, thinking aloud.

Lalo namang halos pinigil nina Owen at Sidney ang paghinga. Katabi ng lalaki ang icepick; takot ang dalawa sa karahasan.

Nakita nilang naupo sa harap ng computer ang mukhang addict. Nagsimulang tumipa sa mismong blog ni Death Watcher.

Nagkatinginan sina Owen at Sidney, iisa ng nasa-isip. Bakit ang mukhang addict ang nagsusulat sa blog ni Death Watcher? 

Ito ba ang malupit na taong nagpaparusa sa mag-iina?  Nabuko ba ng taong ito si Death Watcher na gumagawa ng blog na nagdidiin sa krimen nito?

Buhos ang isip at damdamin ng mukhang addict sa sinusulat. Bigla bang maiiba at magkakaluku-luko ang nasimulang blog ni Death Watcher?  Ganoon kapag may nakialam sa original work ng iba, di ba?

“Hinayupak!  Kailangan kong uminom ng kape!  I need some piping hot coffee, man!”  Tumayo ang lalaki, mukhang aburidong lumabas ng silid, tinungo ang gawi ng kusina.

Bulungan sina Owen at Sidney. 

“Sisilipin ko lang ang sinulat niya,” sabi ni Sidney.

“What for?” tanong ni Owen. 

“Basta.”

Ang purpose ni Sidney ay para patunayang hindi ang mukhang addict ang nagsulat ng blog; na dinugtungan lang nito ang sinimulang i-compose ni Death Watcher.

Maging si Owen ay nakitingin; inanalyze nila ang sinulat ng lalaki. 

Kinilabutan sila, nagkaisa ng palagay.

“Owen…this is not true..”

“N-naloko tayo at ng napakaraming tagasubaybay ng blog ni Death Watcher, Sidney…” 

Namemorize na yata nila ang last 5 lines ng sinulat ng lalaking mukhang addict. Dugtong sa inakala nilang sinimulan ni Death Watcher:

“Wala na bang hustisya sa mundo?  Pati ba ang Diyos ay tuluyan nang natulog, kinalimutan na kaming mag-iina? 

Ginalaw na rin ako ng taong napakalupit sa harap mismo ng aking ina at dalawang kapatid na babae…Gusto ko nang mamatay. Mas matamis ang mamatay…”

Napaiyak si Sidney sa pagngingitngit. “N-Napeke tayo. Hindi si Death Watcher ang gumagawa sa blog…wala palang Death Watcher na dapat kong kaawaan at tulungan…”............

 

 

Talleyrand