The Blogger (7)

napoleon1815's picture
|

LABIS ngang nagngingitngit si Sidney sa natuklasan. “Kaya pala wala man lang tayong makitang palatandaan dito ni Death Watcher at ng pamilya…kaya pala ibang-iba ang place na ito sa nasa blog supposedly ni Death Watcher…kasi’y fiction lang pala, kathang-isip lang ng kung sinong demonyong lalaking ‘yon ang lahat!

“Wala palang Death Watcher sa totoong buhay…walang mag-iinang pinarurusahan…walang magkakapatid na dalagang inaabuso, Owen…”

“Sidney, calm down. Baka babalik na ang blogger, we have to hide!”

Pero bigla nang tumambad ang mukhang addict na lalaki, hawak ang ice-pick, nais na yatang magwala sa galit sa dalawang intruder.

“Nabisto n’yo ang sikreto ko, ha? Ang pinakatatagu-tago kong lihim ay alam na ninyo? Na imahinasyon ko lang si Death Watcher & company? That I am THE Blogger?”

Iniamba na nito ang ice-pick.

“Eeeeee! Huwag po!” Nagpanic si Sidney, buong akala’y sasaksakin na ng aburidong blogger.

Si Owen na mas matangkad sa blogger ay naunahan ng takot. Nakadepensa kay Sidney pero hindi magkalakas-loob na unahan ang kalaban. Kasi nga’y hindi bayolenteng tao.

Gayunma’y nagpapakatatag. “Huwag na huwag mong sasaktan ang babaing ito. I’m warning you!”

Nagtitigan nang matalim ang dalawang lalaki.

Tad. Malakas na sipa sa ugpungan ng hita ang pinawalan ng tipong addict; sapol sa balls si Owen.

“Aaaah!” sigaw ng hacker, napaluhod sa sahig sa tindi ng sakit.

Si Sidney ay nakagat ang labi, takot na takot na.

Dalawang karate chop ng blogger ang nagpawala sa malay nina Owen at Sidney; bagsak sila sa maruming linoleum ng munting silid.

NANG matauhan ay nakagapos na sa isang sulok ang dalawa; nabuglawan nila ang nakangising mukha ng lalaking may ice-pick.

May hawak itong video cam sa kanang kamay, nakatutok kina Sidney at Owen. Saka napansin ni Sidney na bukas ang kanyang blusa, kita ang itim niyang brassiere.

“Bastos! Mamatay ka na sana!” nanggagalaiting sigaw ng dalaga.

“Bakit mo kami kinukunan? Itigil mo ‘yan!” tanong-utos ni Owen.

“Ilalagay ko ang video ninyo sa…You Tube,” kaswal na sabi ng blogger, mala-demonyo ang ngisi. 

“Nooo!” tutol ni Sidney. Ayaw niyang makita ng mundo sa very unglamorous situation.............

 

 

“DID you hear me, people? Ilalagay ko sa You Tube ang pagpaparusa ko sa inyo!” sigaw kina Sidney at Owen ng baliw-baliw na yatang blogger.

“Hindi n’yo dapat nabisto ang sikreto ni Death Watcher! Bago ninyo ako mawasak sa publiko, kayo na muna ang gugutayin ko sa sama ng loob at dusang walang pangalawa!”

Lalo namang na-shock si Sidney. “Owen, do something!”

Iba naman ang takbo ng isip ng binatang hacker. Ibinulong kay Sidney habang ang mukhang addict na lalaki ay inaayos ang video cam.

“Okay lang ‘yon. Mas madali tayong matutunton kung mabubulabog ang pulisya at mga makakakita sa’tin sa You Tube.”

Hindi na-gets ni Sidney ang ibig sabihin ni Owen; basta ayaw niyang makita ng mga tao in her unglamorous moments, laluna at kita pa ang nakahantad niyang bra sa bukas na blusa.

Umiling nang umiling si Sidney, bumabalong ang luha. “This is hell! Hindi tayo dapat nagkaganito!”

“Ito ang resulta ng pagiging super-naïve mo, Sidney…” bulong ni Owen. “Ako namang gago, hindi rin nag-isip, nagpauto …”

Pero nadismaya si Owen nang piringan sila ng walanghiyang tao.

“Makikita ng mundo ang pagpaparusa ko sa inyo pero hindi nila kayo makikilala agad-agad. Bago kayo matunton dito, kung sakali at gano’n sila kagaling, kayong dalawa ay tigok na!

“At ako si Death Watcher a.k.a. The Blogger hindi pahuhuli ng buhay! At habang buhay ako I will be the greatest Blogger of them all!” mahabang sabi nito.

Hindi nakatutol sina Owen at Sidney nang busalan sila at tuluyang piringan. Ungol at piglas ang tanging nagawa nila.

Pinagsasampal naman sila; si Owen ay binatukan pa nga.

May kasama pang mura. “Mga hinayupak kayo! An’ lalakas ng loob ninyong mga ulul kayo! May magagawa ba kayo ngayon, ha?”

Sinimulan na ng malupit na tao ang pagkuha ng video kina Sidney at Owen. Tiniyak pa nga na ang bra ng dalaga ay hantad na hantad.

Uuummp.Ummp…Hu-hu-huuu. Ungol at iyak ito ni Sidney.

Si Owen ay nanggigigil sa galit pero walang magawa. Matibay ang pagkakagapos sa kanila.

“Tsapter muna! Manghuhula ang madlang pipol kung sino kayo! Kakilala ba nila? Kapitbahay? Pero matitiyak nilang tunay, hindi arte lang, ang inyong torture video!”................

 

 

ANG VIDEO cam ay naka-mount sa tripod. Kita sa eksena ang pagpaparusa ng mala-demonyong blogger kina Sidney at Owen. Pero wise ang blogger na itotiniyak na laging nakatalikod sa kamera, hindi makikilala ng tao.

Ang nakikita nang husto sa video ay ang pagsipa nito sa mukha at katawan ni Owen. Tad. Pug.

Kita rin ang pagsabunot-pagsampal nito kay Sidney. Pak. Pak. Pak.

Nasa video rin ang anyong pagdakma ng kamay nito sa bra ng dalaga bagay na hindi naman itinutuloy, pagtatangka lamang ng butuhan at maruming kamay.

Ang kabastusan ay trade mark na yata ng napakawalanghiyang taong ito. Ilang beses nitong itinutok sa cleavage ni Sidney ang video cam.

Pati nga ang crotch ng dalaga ay ibinabad ang close-up. Walang kamalay-malay ang nakapiring na biktima na siya ay namomolestiya sa ibang paraan.

May voice-over pa ang kampon ng demonyo: “Dapat parusahan ang dalawang ito dahil sila ay kaaway ng Dakilang Sikreto! Nag-trespass sila, nakialam sa di-dapat pakialaman! They must die slowly but…soon!”

 

ITO mismo ang napanood at napakinggan ng maraming tao. Ang pagak na boses na may kasamang hingal at ubo ay naging markado sa pandinig ng mga nakapanood.

Sari-sari ang reaction, mostly ay nasa-shock sa torture scene. Hindi nila pinagdudahan ang authenticity ng video; alam na ito ay tunay, totoo.

 

SAMANTALA’Y alalang-alala na ang mommy ni Sidney sa hindi pag-uwi ng nag-iisang anak. Wala ito sa unibersidad at wala rin sa usual places na pinupuntahan. Halos 20 hours nang walang balita sa anak ang butihing mommy.

Tinawagan na nito ang mga kaibigan ni Sidney. “Gracia, nawawala si Sidney. Baka kinontak ka, iha?”

“Magkasama po kami ngayon ni Penelope, mam. Ngayon lang namin nalamang nawawala…” Nagkatinginan sina Penelope at Gracia. Kinabahan.

“Dati namang tumatawag sa cellphone si Sidney. Alam niyang labis akong magwo-worry…”

“E, mam…may pinanonood po kami sa net na…na nakakaligalig…”

“Ano’ng ibig mong sabihin, Gracia?”

“May torture video po na ang victims ay lalaki at babae…Blindfolded po at may busal sila pero ‘yung girl ay…parang si Sidney.” ...................

 

 

KINILABUTAN ang mommy ni Sidney sa nalaman kina Gracia at Penelope, sa telepono. “N-Nasa internet ‘ka mo ang babaing bihag na…kamukha n-ng anak ko?”

“Tama po, mam. Pero hindi po kami tiyak ni Penelope…”

Para nang tinatambol ang puso ng ginang. “N-ngayon di’y titingnan ko sa net…Oh my God, huwag Mo pong itutulot…”

Madaling natukoy ng ginang ang sinasabing video. Ang bumulaga mismo sa kanya ay ang leading news for the day. Genuine Torture Video Stirs The Net.

Isang tingin lang sa larawan ng babaing nakapiring at nakabusal, na sinasampal ng butuhang kamay ng isang lalaki, ay natiyak agad ng ina na ang anak na nawawala.

“Oh my God! Si Sidney nga! Natitiyak kong siya si Sidney!” palahaw ng mommy. Kahit pa siguro dulo lang ng buhok ay makikilala nito ang anak na pinakamamahal.

Halos hysterical na lumabas ng bahay ang ina, naghahanap ng mahihingan ng tulong.

 

HINDI rin pala nalingid kay Cashmere ang nagaganap na karahasan. Nahulaan agad ng hacker na sina Sidney at Owen ang bihag ng baliw-baliw na tormentor.

“Gardemet! Hindi sila dapat nagpahuli! It’s a sin to get caught!”

Kung tutulong si Cashmere sa pagtunton sa kinaroroonan ng masamang lalaki at nina Sidney at Owen, si Cashmere lang ang nakakaalam.

May isa pang natawag ang pansin. “Hinayupakpak…tagilid ‘yung dalawang ‘yon! Sadista ang taong nagpaparusa sa kanila!”

Si Cool Toy, ang unang hacker na nilapitan ni Sidney; na ang tanging alam ay kung magkano ang ibabayad ni Sidney.

Nang malaman sa dalaga na ang gagawing pagtunton kay Death Watcher ay ‘labor of love’, walang bayad o talent fee, tumanggi agad si Cool Toy. Para sa hacker na ito, gagawin lang nito ang bawal kung tama ang bayad; if the pay is right.

Pero dahil hindi naman nagkita nang personal sina Sidney at Cool Toy, hindi nalaman ng huli na si Sidney pala ang kausap noon sa telepono.

Kung tutulong ang hacker na ito ay ito lang ang nakakaalam.

 

MATALINO ang pekeng blogger na nagkanlong noon sa ngalan ni Death Watcher; sa bagong blog na may kasamang torture video nina Sidney at Owen, nagpakilala ito bilang si…

Akong the Terminator. ............

 

“MAGSIKAIN kayo, dal’wang ulul!  Tatanggalan ko muna kayo ng busal! Sampung minuto lang ang breaktime!

Kapag may sumigaw at humingi ng saklolo, mapapadali ang inyong pagkamatay!” mahabang sabi ng The Blogger a.k.a. Death Watcher. “Hindi nagbibiro ang baril ko!”

Kinabahan sina Owen at Sidney. Hindi sila dapat sumalunga sa gusto ng taong bumibihag sa kanila. Kaydali nitong sila’y paputukan.

Nasakop sila ng gutom. “Inasal chicken ‘yan with unlimited rice, mga ulul! Last supper n’yo na kaya lamon nang lamon!”

“Puwede bang kalagan muna kami ng gapos?” pakiusap ni Owen. “Para m-makakain naman kami nang maayos.”

“Hindi! Mahirap na, baka ninyo ako matakasan,”  tanggi ng masamang blogger. “Susubuan ko na lang kayo!”

“But I have to go to the rest room. I need to…” Nagtapang-tapangan si Sidney. “Ayaw mo naman sigurong dito ako magkalat…”

“Okay, pati sa paa ay kakalagan kita Miss Beautiful. Huwag ka lang talaga tatakas at pauulanan kita ng bala. Papatayin ko pa agad ‘tong kasama mong higanteng asungot! Sa harap ng video cam!”

Nais manginig sa takot ni Sidney. Alam na baliw-baliw na nga ang blogger; handa nang pumatay. 

Ang banyo ay isang dipa lang ang layo. “Huwag mong ilalapat ang pinto, hindi kita sisilipan, miss! Wala akong hilig sa chicks!”

“Pawalan mo na kami, kaibigan. Hindi ka  namin isusuplong, maniwala ka.  Naligaw lang naman kami…” Sinisikap ni Owen na pakiusapan ang blogger. Mahahapdi na ang kanyang mga pasa at sugat.

“Ulul!  Matapos n’yong malamang ako ay peke?  Hindi ako tanga! You must DIE!” Idinuro nito sa mukha ni Owen ang baril.

Tahimik nang kumain si Owen, nakagapos pa rin ang mga paa, habang binabantayan ng malupit na lalaki. Kailangan niya ng lakas.

Lumabas ng banyo si Sidney, gaya ni Owen ay kumain na rin. Ang galit nila sa lalaking pumapel na Death Watcher ay dapat tapatan ng back-up energy, alam din ng dalaga. Naibutones na niya ang kanyang blusa.

Pero lihim na nag-uusap ang mga mata nila ni Owen.  Paano ba nila maililigtas ang sarili?  Paano kung bigla na lang silang pagbabarilin?

“Time’s up! Finish or not finish, stop eating!”  Muli silang iginapos at binusalan nito. “Itutuloy natin ang torture video--the Final chapter! By Akong the Tormentor!”           

Napansin ang blusa ni Sidney. “Bakit mo isinara? Dapat may makita ang publiko! Hubarin ‘yan! Now na!”...................

 

 

NAPANOOD na ng maraming sector ng lipunan ang torture video ng dalawang blindfolded victims. Pero iilan ang nakakakilala kina Sidney at Owen. Nakatitiyak ang mommy ni Sidney.

Gayundin ang mga batikang hackers na sina Cool Toy at Cashmere.

“Iligtas ninyo ang anak ko, hepe! Papatayin sila ng demonyong bumibihag sa kanila!”

“Misis, relax lang ho. Hindi pa namin alam kung saan matatagpuan ang taong nagto-torture sa anak ninyo at sa kanyang kasama.” Nasa presinto na ng pulisya ang mommy ni Sidney, humihingi ng saklolo.

“Hindi ko kilala ang kasama niya sa video! Basta ang buhay ng anak ko ang inaalala ko, hepe!”

 

SINA Cool Toy at Cashmere, na dating magkaribal sa trabaho, ay nagsanib-puwersa. Pilit inaalam ang identity ni Akong the Tormentor.

“Duda ko’y ito rin ang torturer ni Death Watcher and family. Nahuli niya sina Sidney at Owen --nais ding isama sa mga papatayin,” seryosong pahayag ni Cashmere.

“Gagong Owen ‘yan, magaling na hacker pero tanga pala. Biruin mong nagpahuli.”

“Wait, tingnan mo ito.” Naka-focus sila sa kopya ng torture video. Sa isang eksena doon ay nakita ang butuhang bisig ni Akong the Tormentor.

Inenhance nila ang bisig, nakilala nila ang nakatattoo doon. 

“Initial na DW.”

“Dwight Wadela. Ang addict na IT expert?”

“The blogger wannabe! Sira-ulo ‘yan, Cool Toy!”

“Nanganganib nga sina Owen at Sidney! Cashmere, by this time ay hindi na pahuhuli ng buhay si Dwight Wadela a.k.a. Akong the Tormentor!”

“Also known as…Death Watcher! Tama ang sapantaha ko fictitious name lang si Death Watcher! Kaya lalong nagwawala, dahil nabuko nina Sidney at Owen!”

 

NAHUBARAN na ng blusa ng napakasamang blogger si Sidney. Si Owen ay walang magawa kundi umungol lamang.

“Showtime na tayo, guys. Hayan, bukod sa wala na kayong piring, naka-bra na lang ‘tong si Miss Sexy. What a way to die, ha?” patuloy sa pagkuha ng bagong video ang tagabihag.

Ang baril ay kalapit nito, handang iputok sa sandali ng kagipitan.

Sa voice-over sa video ay naghamon pa ito: “Magsilabas ang lahat ng rescuers! Catch me if you can!

Tatlong oras mula ngayon, mapapanood ninyo ang pagpatay ko dito sa dalawang trespassers!”........

 

 

TATLONG oras na lang at papatayin ng malupit na blogger si Dwight Wadela alias Death Watcher a.k.a. Akong the Tormentor sina Sidney at Owen. Taranta ang mga alagad ng batas kung paano mahuhuli ang mala-demonyong lalaki.

Ang mommy ni Sidney ay mamatay-matay na sa pag-aalala; sina Penelope at Gracia ay walang magawang tulong sa kaibigang dalaga.

Sina Cool Toy at Cashmere ay nagkapag-asa. Natumbok nila ang kinaroroonan nina Sidney at Owen. 

“Hopefully pati si Dwight Wadela ay madakip natin!”

“That’s the idea. Pero possible ring sa mga sandaling ito ay umiba na ng lugar ang hayup na blogger na ‘yon, Cashmere!”

“Bakit pala hindi tayo nagsama ng mga pulis?”

“Nalimutan mo na bang mainit ang mata sa atin ng mga parak? Kapag nalaman nilang balik tayo sa pagiging hackers, yari tayo!”

“Pero pagtulong sa kanila itong gagawin nating pagliligtas kina Sidney at Owen!”

“Hulihin muna natin ang kriminal saka tayo magpakita sa mga pulis at media! Para tayo ang bida, Cashmere!”

Nasa vicinity na sila ng kinaroroonan supposedly ng dalawang bihag. “Tandaan mo, bro, gulatan is the name of the game. Pagbukas ko ng pinto ay banatan mo agad ang kalaban!”

“Paano kung marami?”

Saglit na natigilan si Cashmere. “B-bahala na.”

 

SA LOOB ng halos abandonadong building, pinipiga nina Owen at Sidney ang mga utak—kung paano matatakasan ang napakalupit na blogger.

Abala ito sa pagkuha ng video sa tapat ng dibdib ni Sidney. “Kung alisin na kaya natin pati B-R-A, ha, Miss Beautiful?”

“Huwag po. Huwag naman po,” pagmamakaawa ni Sidney.

Si Owen ay pasimpleng nagsisikap makalag ang gapos. Hindi siya bayolenteng tao pero sa pagkakataong ito ay nais niyang durugin sa suntok ang mukhang addict na kalaban.

Ang video cam na nasa tripod ay itinutok nito kay Owen.

Kasunod ay pinagsasampal ang guwapong hacker. Rapido. Pak-pak-pak-pak-pak-pak.

Nakunan ng video ang kalupitang iyon. Napakagat-labi na lang si Sidney sa awa sa binata.

Tumingin sa oras ang malupit na tagabihag. Ihinanda ang baril.

Luhaang bumulong si Sidney sa kapwa-bihag. “If we must die, Owen…ngayon pa lang ay inuulit ko sa iyo ang paghingi ko ng tawad. Nadamay ka dahil sa kagagahan ko…”................

 

 

Talleyrand