The Closet I Got For You 1
CHAPTER ONE
“My life was constant uphill climb. Never got it right. Each one I love went through a change of heart. You came and my world turned upside down. You sung a different tune I can’t let go. It keeps playing on my mind. Now there’s a reason to wake up each day, a reason to shake my blues away. Now I am whole, a lucky soul. I wanna thank you for your love. Thank you, thank you for your love…”
**********
“Hay….Life…is like a knife…” napapailing na sambit ni Loise habang nakahilig siya sa bintana ng sasakyan.
Malalim ang iniisip niya habang nakasakay siya sa bus papuntang Batangas. May event kasi siyang aasikasuhin doon. Isa siyang Events Coordinator at nagmamay-ari ng Dernadez Events Services. Lahat ng events ay pinapatos niya mula sa kasal, debut, binyag, birthday parties, reunion of all kinds, JS Prom, Graduation Ball, at maging mga beauty contests pang lalaki, babae o bakla, at kung anu-anong fiesta events. AB Communication Graduate siya. Kung tutuusin ay marami ring companies ang nag-o-offer sa kanya ng matinong trabaho na may mataas na suweldo pero mas pinili niya ang asikasuhin na lang ang iniwang negosyo sa kanya ng mga magulang niya. Service ang main course ng business niya kaya bilang proprietor ay hands-on talaga siya sa pag-aasikaso ng mga events na tinatrabaho nila kahit na may mga tauhan naman siyang exemplary ang trabaho.
Napabuntong-hininga siya. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas nang tuluyan na siyang nakipaghiwalay sa boyfriend niyang si Lem. Alam din naman niyang di talaga siya ang mahal nito. Dahil ang tanging minahal lang nito ay si Aya. Hindi siya plastic na tao para sabihing hindi siya affected lalo na’t nang huli niyang makita ang dalawa sa premiere night ng isang Indie film ay magka-holding hands pa ang mga ito. Pero ano bang magagawa ko eh sa sila nga ang nagchuchuvachuchu eh. Natural lang naman na maging affected siya pero di siya ang tipong sisira sa relasyon ng may relasyon. Nangako siya sa sarili na magiging kaibigan pa rin niya ang dalawa kaya tinutulungan pa niya si Lem sa mga dapat nitong gawin para mapakita nito kay Aya ang pagmamahal nito. Pero ang lalong nagpapasakit ng ulo niya ay ang sitwasyon ng dalawang kaibigan niyang ito ngayon. Mukhang di pa nagkakaintindihan ang dalawa na sila ang nakalaan para sa isa’t isa. At kanina nga lang ay binulabog siya ni Lem para kaladkarin sa kalapit na cafeteria sa bahay na pansamantalang tinirahan niya sa Maynila para ikwento sa kanya na pinalayas na ito ni Aya sa bahay. Kung magkakaharap lang silang tatlo kaninang umaga ay baka napag-untog na niya ang ulo ng dalawang iyon. Iyon din ang dahilan kung bakit naiwan siya ng service ng firm niya, wala siyang naabutang aircon na bus, at nagtityaga siya sa pasaway na sinasakyan niya ngayon.
Ordinary bus ang nasakyan niya at nagpapatunog ng nang-aasar na kanta ang driver.
… Bukas na lang kita mamahalin. Sabay sa paglaya ng ating mga puso!!!…. At sinabayan pa talaga ng sintunadong pasaway na katabi niyang binata ang kanta. Lalo siyang nainis kaya nilingon niya ito. Naka-shorts lang ito, simpleng tsinelas, at ‘flowery’ na polo. Nakasuot din ito ng shades at may suot na fisherman’s hat. Walang duda na papunta rin itong beach o resort. Pero wala na siyang pake do’n. Mas gusto niyang sakalin ito dahil ayaw talaga nitong magpaawat sa pagkanta.
Binalingan na lang niya ang bintana bago pa niya maisakatuparan ang bayolenteng bagay na naiisip niya para sa inosenteng katabi na nage-exercise lang naman ng “freedom of singing” na para sa kanya ay nakakadagdag lang sa noise pollution.
Nag-beep ang message alert tone ng cellphone niya at binasa niya ang message galing kay Lem.
Nasa terminal ako ngayon, I saw her. She rode the bus. Uuwi na siya sa Caliraya for sure and that means the end… Loise, hindi ko pa nasasabing mahal ko siya.
Napabuntong-hininga siya habang nagta-type ng reply dito. Sa totoo lang, naaawa na siya sa ex-boyfriend niyang ito. He looked so depressed and frustrated.
Okay, I’ll do what I can do. I’ll try to talk to her.
Pagka-send niya ng text message ay nagulat pa siya nang bumirit na naman ang katabi niya. …Kung kaya kong iwanan ka, di na sana aasa pa. Kung kaya ko umiwas na di na sana lalapit pa… kung kaya ko saaa-naaa…! Naiinis na talaga siya. Kung puwede nga lang na ibato dito ang backpack na dala niya. Mukha kasing walang pakialam ang binatang ito kung may magtarak man dito ng balisong dahil sa pag-iingay nito. Nilingon ulit niya ito. At sa kanyang paglingon dito ay napansin niya na medyo good-looking din ito kung kutis at built ng katawan ang pagbabasihan. Ewan nga lang niya ang face dahil natatakluban ang mukha nito ng shades at ng hat nito. Pero nahahalata niya na feel na feel nito ang pagkanta. May pa-sway-sway pa ito sa beat ng kanta na waring damang-dama ang kanta kahit na masakit sa tenga ang birit nito. Natawa na lang siya. Ang mga tao nga naman sa mundo, sari-sari ang trip sa buhay.
Hindi na nag-text si Lem kaya naisip niyang tawagan na lang ora-mismo si Aya para paliwanagan ito ng husto.
“Aya! Anong nangyari sa inyo ni Lem?” bungad agad niya nang sagutin nito ang cellphone. “Nakipagkita sa akin si Lem kani-kanina lang and he looked so hopeless. Broken-hearted na naman daw siya. Ano bang nangyari?” Although alam na niya iyon ay tinanong pa rin niya para malaman ang both sides ng kwento.
“Broken-hearted?”
Hay naku, Aya masasabunutan kita talaga!!! “Oo dahil daw sinabi mo na umalis na siya sa bahay mo. Girl, naloloka ka na ba? Magpo-propose na iyong tao sa ‘yo tapos pinalayas mo agad sa bahay mo! Nahirapan ako sa paghahanap ng wedding ring n’yo ano! Tapos hindi pala matutuloy. Nag-volunteer pa nga ako na maging wedding coordinator n’yo for free!”
Totoo iyon, minsan na niyang nasabi kay Lem na siya lang dapat ang maging wedding coordinator ng dalawang ito kung sakaling ikasal ang mga ito. Tinulungan din niya si Lem na humanap ng magandang singsing para kay Aya. Ginawa niya iyon hindi para saktan ang sarili niya kundi dahil pareho niyang kaibigan sina Lem at Aya. Labas doon ang puso niya. Sa totoo lang naman ay wala siyang naramdamang bitterness nang mga oras na siya ang tinatakbuhan ni Lem para humingi ng tulong para sa panunuyo nito kay Aya. Hindi niya alam kung bakit ganon.
Natahimik lang ang nasa kabilang linya. Nasapo niya ang noo. Hindi ata talaga siya maintindihan nito. Patience lang, Loise sadyang nabubuwang ang mga in love. “Hay naku, kung magkaharap lang tayo nahila ko na ang buhok mo. Hindi mo pa ba nage-gets?” Sa puntong iyon ay nilingon siya ng katabing nagsawa na atang mag-concert pero di niya ito inintindi. Bumaling siya sa bintana. Aba, ang sintunadong ewan na ‘to, oozi rin ata.
“Ang alin?” untag ni Aya.
Napabuntong-hininga siya. “Kaya walang nagwo-work sa past relationships niya kasi po ikaw ang palaging bukang-bibig ni Lem pati sa mga girlfriend niya. At tuwing mababanggit niya ang pangalan mo, para siyang na-possess na kung anu-anong pagbibida tungkol sa iyo ang sinasabi.” Siyempre, alam na alam niya iyon dahil maging siya ay iyon din ang naranasan noong sila pa ni Lem.“Ikaw si someone else.”
“Oh, all this time akala ko kasi ikaw-”
“What? Na ako si someone else?” Napatawa siya dahilan para balingan ulit siya ng katabi. Hindi na suot ng binata ang shades nito kaya nakita niya ang expressive eyes nito. Pero ang hindi niya alam ay kung bakit pangiti-ngiti ito sa kanya. Inirapan niya ito at ibinalik ang atensyon sa kausap niya sa phone. “Mare naman, ikaw lang kaya ang kabukod-tanging nakatiis sa windang na ugali ni Lem. Tsaka, di ko type si Lem. Ikaw talaga mahal noon.”
May halong pagsisinungaling iyon. Of course, type niya si Lem pero hindi ito ang tamang panahon para malaman ni Aya ang totoo na siya ang huling ex-girlfriend ni Lem.
“Salamat, Loise.”
“Wala iyon. Nilinaw ko lang naman sa inyong dalawa ang lahat. Matutuwa ang sangkatauhan kapag kayo ang nagkatuluyan kaya umayos kayong dalawa. Sumasakit ang ulo ko sa kadramahan nyo!”
Kahit papaano ay nakahinga na siya ng maluwag dahil napaliwanagan na niya si Aya. Napabuntong-hininga pa siya at nagbalik sa malalim na pag-iisip. “Haay, life…is like a knife talaga!”
Biglang nagpreno ang bus at sa sobrang impact ay hindi agad siya nakakapit kaya na-out balance siya. Napapikit siya dahil alam niyang sasalpok ang noo niya sa bakal na support ng nasa unahang upuan. Nagulat na lang siya nang mainit na kamay ang kinahantungan ng mukha niya at hindi bakal.
Ang bango!!!! Parang kamay ng artista! Dahan-dahan niyang iminulat ang mata habang inaayos ang pagkakaupo. Sinalubong siya ng nakangiting katabi. Isa lang ang naging conclusion niya- papable at gentleman ang sintunadong lalaking nasa harapan niya.
“Salamat!” nakangiting sambit niya dito.
“Ah wala iyon.” May kung anong hinugot ito sa dalang backpack. Ipod pala iyon. Agad nitong isinalampak sa magkabilang tenga ang earphones. Pagkatapos ay pumara ito. “Lagi naman akong tumutulong sa mga taong laging wala sa sarili.”
Nagpanting ang tenga niya. Aba, anong ibig sabihin mo do’n? Wala ako sa sarili ko? Pero hindi na niya nagawang gumanti sa binata dahil bago pa siya matauhan ay nakababa na ito ng bus. Nagngingitngit niyang binalingan ang nabakanteng puwesto ng sintunadong lalaki. Doon niya nakita ang isang digicam.
Kinuha niya iyon at nakitang may nakadikit doon na letter stickers na bumubuo sa pangalang ‘Choco.’ Choco as in chocolate? Napakunot ng todo ang noo niya. Masyado na siyang malayo sa binabaan ng lalaki kaya hindi na niya nagawang ihabol dito ang camera nito. Isu-surrender na lang niya iyon sa pinakamalapit na police station sa resort na pupuntahan niya. Naisipan niyang buksan ng camera. Baka may naka-save doon na picture ng binata. Aminado naman siyang na-cute-an siya dito. Hindi siya nabigo. Solo pic agad ng guwapong binata ang tumambad sa kanya. 37 ang pictures na naka-save doon kaya lalo siyang naengganyong tingnan lahat ng pictures. Napakunot ang noo niya nang makita ang picture ng binata na nakaakbay sa isang babae. She zoomed the picture to see the woman’s face as clearly as possible. Familiar kasi sa kanya ang mukha ng babae. Ilang minuto pang pagtitig ay natukoy na niya kung sino ang babae. Ka-schoolmate niya ito noong college at kung hindi siya nagkakamali ay kabarkada ito ng kaibigan niyang si Aya. Ano nga ba ang pangalan ng girlaloo na ‘to? Thealyn?
Kunot-noo pa rin siya nang isalpak niya sa dalang backpack ang digicam. Pumara na siya at sumakay ulit ng jeep para marating ang resort na destinasyon niya. Marami pa siyang dapat pagtuunan ng pansin kaysa pakaisipin kung ano ang relasyon ng Choco na iyon kay Thealyn.
MAKALIPAS ang ilang buwan, naisipan ni Loise na magpa-company outing sa lahat ng empleyado niya bilang reward sa pagiging loyal at mahusay ng mga ito sa trabaho. Laiya San Juan, Batangas ang napili niyang venue. Bukod kasi sa maganda ang beach doon, mayroon siyang kinausap na client na malapit lang sa beach resort na iyon ang opisina.
Suot niya ang bagong pink na halter type na malong blouse at puting fitted shorts na one-inch above the knee ang haba. Kasalukuyan siyang nag-iihaw ng isda nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Nag-register sa screen ng cellphone niya ang pangalan ng kanyang kaibigang Hapon na isang community doctor na nakadestino sa Caliraya. Agad niyang sinagot ang tawag.
“O, Dr. Hirotomashi, ano na namang problema mo?” bungad niya. Parati na lang kasing problema nito sa puso ang laging dahilan kung bakit siya naalalang tawagan ng kaibigan niyang Hapon. Ewan ba niya. Hindi naman siya love counselor pero parati siya nitong iniistorbo para lang pakinggan ang sentimyento nito kay Hyde, ang romance novelist na siyang nakakuha ng atensyon ng praning niyang kaibigan. Pinsan din ito ni Aya.
“Wara ako plobrema, Roise!” Magkabaliktad sa dila ni Hiro ang R at L lalo na kapag kinakabahan ito o sobrang natutuwa.
“Ah, mabuti iyan. So anong rason at nanggugulo ka na naman?” tanong niya habang inaasikaso ang iniihaw na isda.
“I’m happy, vely happy!”
Napangiti siya. Nahihimigan niyang masayang-masaya nga si Hiro. “Mukha nga. So bakit nga? Okay na kayo ni Hyde?”
“Ikakasar na kami!”
“Ha?” Napatalikod siya sa iniihaw na isda dahil dumami ang usok nang baligtarin niya ang tilapia. Nagbilang siya ng buwan sa kabilang kamay. “Hoy Dr. Hiro wala ka pang isang taon dito sa ‘Pinas, mag-aasawa ka na agad? Ang bilis naman ata.”
“Mahar niya ako. Mahar ko siya. Ikaw gusto niya mag-ayos ng wedding namin. Okay rang ba sa ‘yo?”
“Sure, sure. I’m happy for you, Hiro.”
“Arigatou! Sana ikaw kita mo good guy pala sa ‘yo.”
“Thanks.” Ang sweet talaga ng kaibigan niyang ito.
“Dou itashimashite!”walang anumang tugon niya.
Napabuntong-hininga siya matapos ang usapan nila ni Hiro. Masasabi niyang kahit papaano ay may parte siya sa love story ng dalawa. Kung hindi niya ipinakiusap kay Aya na doon muna si Hiro patuluyin sa bahay nina Aya sa Caliraya, hindi makikilala ni Hiro si Hyde. Masaya siya sa mga nangyayaring maganda sa love life ng mga kaibigan niya. Ilang buwan pa lang ang nakakaraan nang ibalita ni Lem at Aya sa kanya na okay na relasyon ng dalawa. Nasolusyunan na ng dalawa ang naging problema. Tapos ngayon, ikakasal na si Hiro. Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni-muni ng maulingan niya na parang may nasusunog at naramdaman niyang tila lalong umiinit ang likod niya. Doon niya naalala ang iniihaw na isda. Nang balingan niya ang ihawan ay medyo lumalaki na ang apoy noon at sunog na ang isda. Walang nakapansin sa insidente dahil ang mga empleyado niya ay aliw na aliw sa dagat.
May apoy! May sunog! Ang isda ko. “Na-su-su-nog!!! Waahhh!! Nasusunog… nasusunog.” Nagtititili siya to the highest level. “Sunog! Sunog! Suuuu-noggg!!”
Natigil siya sa pagtili nang biglang may isang talipandas na nagbuhos sa kanya ng isang baldeng tubig. Sa isang iglap ay napatay rin ang apoy sa ihawang nasa harap niya habang siya ay mukhang binasang pusa. Nagngingitngit na iminulat niya ang mata at tumambad sa kanya ang isang binatang may dalang balde. Nakuyom niya ang kamay habang matalim na tingin ang ipinukol niya sa binatang hindi mo maintindihan ang hitsura kung sisibangot ba o mapapangisi na lang. Sinugod niya ito.
“Hoy lalaki bakit mo ako binuhusan?!!!” Dudutdutin niya sana ang noo nito kaya lang masyado itong matangkad kesa sa kanya kaya balikat na lang nito ang naabot niya. “Anong karapatan mong buhusan ako ha? Sinayang mo ang outfit ko!!!!”
Ngunit sa halip na masindak ito ay mataman pa siyang tinitigan nito na parang sinaniban ng masamang espiritu. Nakatingin ito ng diretso sa kanya ngunit blanko ang facial expression nito. Parang nahipan ng hangin. “You look familiar. Do I know you?” sambit nito.
“Tse! May pa-do-I-know-you-do-I-know-you ka pang nalalaman dyan. Di mo ako madadala dyan. Hoy lalaki, ang kapal ng face mong buhusan ako ha!”
Tila biglang natauhan ito sa taas ng tono ng boses niya. “Ahm, kasi Miss nakita kong masyado ng malaki ang apoy ng ihawan mo tapos narinig kitang nagwawala dyan kaya pinatay ko ang apoy. Sa kapal ng usok at sa liit mong iyan, hindi kita nakita. Sorry.”
Nagpanting ang tenga niya. “What? At ano namang pake mo kung maliit ako ha? Kahit na, wala ka pa ring karapatang paliguan ako!” Sinubukan niyang kalmutin ito pero maagap siyang inawat ng mga empleyado niya.
“Ma’am, easy lang kayo,” sambit ni May na nakakapit sa isa niyang braso.
“Oo nga Ma’am, baka makapatay kayo. Mahirap lang po kami at wala kaming pampiyansa sa inyo,” segunda ni Russel na nakakapit naman sa kabilang braso niya.
“Bitawan n’yo nga ako,” sabi niya.
Pero hindi siya sinunod ng kanyang empleyado. Masama pa rin kasi ang tingin niya sa binata. At unti-unting naalala niya na medyo pamilyar nga rin ito sa kanya. Ilang saglit pa na nagtitigan sila ng binata at nakumpirma na niya kung saan niya ito nakita. Ito ang binatang sintunado na nakatabi niya noon sa bus. Lalong naningkit ang mata niya ngunit bigla na lang nadagdagan pa ito ng pagkabog ng puso niya nang bigla itong ngumiti. Impit na nagtilian ang dalawa niyang empleyado. Hay… ang guwapo ng kumag!
Binulungan siya ng mga ito. “Ma’am, ang guwapo ng ungas. ‘Wag mo ng awayin.”
“Oo nga Ma’am, nakakabakla!”
“Now, I remember. Ikaw iyong dakilang love counselor ng kaibigan mong bigo sa pag-ibig di ba? We rode together on the same bus di ba? Hmmm, I remember,” sambit nito.
Napamulagat na lang siya. “Hindi ka lang pala antipatiko ano? Usisero ka rin!” Pasalamat ka at inaawat ako ng dalawang ito na nagka-crush pa ata sa ‘yo! Hihirit pa sana siya nang maamoy niyang tila amoy usok at lupa ang nabasa niyang buhok. “Tarantado, anong ibinuhos mo sa akin?”
“Tubig-dagat,” pangiti-ngiting sambit nito.
“’Langya ka. Nakakainis ka talaga! Bad trip!” Sinipa niya ito sa tadyang ng ubod ng lakas. Napasinghap ito at bumaksak sa buhanginan. Nabalian niya ata ito pero wala siyang pakialam. Masyado siyang natuwa sa nangyari kaya iniwan na niya ito ng bitawan siya nina May at Russel.
“Ang sarap mong magpasalamat, Miss. You’re Welcome!” pahabol nito.
“Tse!”
***ano ang magaganap kung sakaling muling magkita sina Loise at Choco?*** abangan....
Ang nobelang ito ay buong puso kong inaalay sa aking labs na si eloisa marie hernandez na pinagbasehan ng ugali ni "Loise" at para sa kanyang nag-iisang minamahal... ang chocolate... In love talaga siya sa chocolate. Kaya niya akong ipagpalit sa chocolate...hehehe... kaya binigyan ko siya ng one of a kind kalabtim with a name Suencho Covey Sandoval aka "Choco"...
At ang kanilang theme song... Thank You for Your Love by Dimsum...
enjoy reading... sana abangan nyo ang mga sunod na chapters...
Ingatski...
kaya kita labs eh
ay naku eloi, kaya kita labs eh... ang sarap mong magmahal...hahaha... ano ba yan insan! pero if i know, ilang linggo mo ring pinagpantasyahan si choco... kinikili-kilig ka pa jan lalo na sa ending! hehehe...
hello
pwede magtanong paano gumawa nag kwento heheehe gusto ko gumawa pero hindi ko magawa i hope nmn na tulungan mo ako sorry if ala akopic kasi hindi ako marunong mag upload nag pic dito...sorry talaga im just waiting your respond godbliss muawh:)
callie:(
hello callie
new ka ba sa site? cnxa na ngayon lan kasi ako nakapag'online kaya ngayon ko lang nabasa comment mo...
paano gumawa ng kwento? Napaisip ako sa tanong mo ah... sa aking amateur experience, nag-iisip lang ako ng scenes...iyong parang scenes sa tv show pero hindi ko gagayahin ung napapanood sa tv... pero bago ako gumawa ng eksena, nag-establish muna ako ng concept: topic, tema, genre, at goal kung bakit ko isinulat ang kwento. tapos, una ko iniisip ang ending... kasi ang ending ang mag-justify kung bakit nangyari ang mga eksena mula simula hanggang sa huli... iyon...
kung may gusto ka pa itanong, PM ka lang ha...
thanks sa pag-drop by sa post ko...
ingatski,
melay
Maganda ang simula ng
Maganda ang simula ng kwento. Para akong nagbabasa ng isang pocketbook. Napakilala mo ang iyong pangunahing tauhan at nakapagbigay ka ng ilang impormasyon sa pagkatao nito.
Nabigyan mo ng magandang simula ang takbo ng pag-ibig sa nobelang ito. Kaabang-abang ang muli nilang pagkikita.
Para sa akin napakahusay ng pagkakasulat mo lalo na sa tamang gamit ng mga salita. Marami na naman akong natutunan sa nobela mo.
Aabangan ko ang susunod na kabanata nito....
Bidang bida ang role ni Eloisa dito ha....
JOnsdmur
salamat soulmate
salamat... salamat at nambola ka na naman... hehehe... marami rin atang palya ang kwento na ito....
maraming salamat sa pagbabasa... isa nga itong pam-pocketbook na kwento.. pero wholesome ha... hehehe.
post ko na ang chapter 2...
Ingatski,
melay
hi melay
eto na naman ang demanding mong reader at ang walang katapusang tanong, nasaan na po ang kasunod? pasensya na po matindi ang stress at kailangang magrelax para mabuhay pa sa kinabukasan.
hello kristine
musta ang work mo? Naka-adjust ka na ba?
salamat at nagde-demand ka na naman.. hehehe...
post ko na nga ang chapter 2...kakaedit ko lang kasi busy sa work...
ingatski,
melay
Ate labs, ang totoo niyan,
Ate labs, ang totoo niyan, tayo talaga ang nagmamahalan! Whahaha!
kakatapos lang ng semi namin. Wuuu, bakasyon ako ngayon at walang duty! It's my time to shine! Haha! Susulitin ko ang aking bakasyon. Lahat ng pagpapasarap sa buhay gagawin ko na hangga't pwede pa. Araw-araw na akong makakapag-log in dito!
kuya Jons, kaugali ko ba si Loise? Musta na? Tagal nang walang chikahan ah.
Matagal ko ngang pinagnasaan yung ending hehe. Alabyu choco... late!
Ate labs, kita kits na lang ulet..
teka pabati muna:
kumusta na sina kuya Spike, Kuya Dyeppri, Kuya Sanjie, Ate rose, Mcleri, Ate Fhearl, Manilyn, Talutot, love, Leipink (kita kits sa duty), Kuya Jons, Ate pauline, kuya Yolak, Pareng orthochild, Babaylang Luna, Kristine ann... sa iba pang mga katropa, kamusta kayong lahat!
<(='.'=)> eloi.
me naalala ako si helen meriz
melai,
habang binabasa ko ito, para talagang hawak ko na ang libro mo.. para akong nasa ilalim ng puno ng mangga at nagbabasa ng pocketbook. naalala ko ang mga likha ni helen meriz.... keep up.
eloisa,
salamat sa pagbati... at pagturing na katropa. salamat din sa pag-add sa friendster..
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
salamat friendship
talulot, maraming salamat sa pagbabasa... at talagang sa ilalim pa ng puno mangga ha... hehehe... maraming salamat talaga...
melay
Hello again...
'di me makadaan parati sa site kasi po navirus ang laptop ko... (wala akong OS at mga drivers dito, mahirap maghagilap ng resources sa bansang bawal ang pirata)
nakikigamat na lang tuloy ako sa iba.huhuhu!
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
wawa ka na naman... wala ka
wawa ka na naman... wala ka ba frendster buti pa si pareng spike naka gawa na heheheehh sana maayos na PC mo.... miss ka na ng mga fans mo
ingats...
musta pala bro... salamat
musta pala bro... salamat pala sa pag add sa friendster... cute ng baby mo ha... gards...
ako yata unang nakakita sa iyong kagwapuhan ha... proud me sayo kasi meron kang one happy family... cute ng chikiting mo... mana sa tatay....
jonsdmur
huh! ano ba yun...
ano ba yang pinagsasabi mo jonds dito.Baka may maniwala na nyan sa'yo<wink>.Kakahiya. Nilebre ko lang po siya ng isang sago gulaman.ahihi
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
sarap nga ng sago at gulaman
Thanks Eloi...
Ui, muzta ka na rin?
Okay lang na minsan ka lang mapdaan d2 sa site basta aral u lang mabuti ah?
ge, ingatz kaw palagi...
Kaw pala yung main character ha?! Actually hanggang chapter 2 palang aq, bz din kc aq, ang galing talaga ni Ate Melai mo, pagbutihin n'yo pa ang pagsusulat n'yo at sana hindi ka magsasawa sa pagsupport kay Melai...
wow! ang galing mo naman..
wow! ang galing mo naman.. pangarap ko lang ang makasulat ng pocketbook eh.. hehe.. idol ko noon si gilda olvidado at helen meriz.. galing! keep it up!
Weee...
Nakakatouch at nakakainggit naman yung sweetness n'yong magpinsan, buti ka pa, may mga totoong tao sau, totoong friend na masandalan sa tuwing kailangan u ang support nila, pero ako... ewan ko... di ko pa 'ata nakikita ang totoong kaibigan, friendly naman ako, di ko alam cguro may problema din sa side ko, pero di naman ako plastic at lalong di ako loner pero pakiramdam ko lagi akong nag-iisa o baka lang almost bz lang ako sa work q kia dq sila napapansin.
Marami naman akong mga kaibigan dito, halos sila na ata lahat friends ko dito, pero iba tlga ang true friend, gus2 ko ring magkaroon ng totoong kagaya sa mga nobelang isinusulat mo, isinulat ko at isinusulat nila... haaayy!.. malabo 'at na mangyari un...












<(='.'=)> Si Choco... ay
<(='.'=)>
Si Choco... ay si... choco mucho.. hehe.
Lab na lab ko talaga ang chocolate. kaya nga madalas i-pansuhol sakin ni Ate labs eh iyan. Kahinaan k talaga ang choco. hehe.
Teynks ate labs.. naks.. naiyak tuloy ako! haha!
Pero magkaganoon man.. kahit ilang chocolate pa ang itapat sakin, kapag ang pinagpilian ay ikaw syempre ang pipiliin ko ay... chocolate pa rin. Ganyan kita kamahal.
Siya sige... naawa na ako sa sarili ko eh. Hindi na ako madalas makapagbukas ng site.
Eloi