The Closet I Got for You 2
CHAPTER TWO
Isa sa maipagmamalaki ni Loise na service ng business niya ay ang mag-organize ng kasal. Kaya naman madalas siyang inere-recommend ng mga kaibigan niya sa mga kaibigan ng mga ito. Tulad ngayon, kasalukuyang nasa reception siya ng kasal nina Setty at Florenz. Kaibigan ni Aya ang bride kaya siya ang nilapitan ng mga ito para mag-organize ng kasal.
“Hay… this is really the happiest moment of this job!” sambit niya habang pinapanood ang bagong kasal sa ‘you may kiss the bride, part two’ moment ng mga ito sa reception ng kasal.
“Ikaw Loise, kelan ka magbo-boyfriend?”
Kunot-noong binalingan niya ang katabing si Aya. “Ano namang tanong iyan?”
“Di ka ba naiinggit sa mga ganyang couple?” sulsol pa ni Thea.
“Wala pa si Mr. Right,” matabang na tugon niya.
“Asus. Iyang padale mong iyan, laos na,” patutyada ni Aya.
Nasa iisang mesa lang sila. Nang ayusin niya ang kasal nina Setty at Florenz, naging close na rin siya sa mga kaibigan ni Aya at doon na rin niya nakilala ang boyfriend ni Thea. Kung ganon, bakit tagung-tago ng Choco na ‘yon ang pictures ni Thea kung may boyfriend naman pala si Thea? Teka, bakit ko nga ba iniisip iyon? Ano namang magandang maidudulot no’n sa buhay ko?
“Siguro bongga pa sa bongga kapag ikaw na ang ikinasal ano,” hirit ni Hyde. “Naalala ko tuloy ‘yong kasal namin ni Hiro ko.”
“Aba, siyempre. Nahirapan ata ako sa pag-aasikaso ng wedding na iyon ano,” sabi niya.
“Ha? Iyong wedding mo?”
“Hindi. Iyong wedding n’yo ni Hiro.”
“Iyong wedding mo ang sinasabi ko,” kunot-noong tugon ni Hyde.
“Wala naman sa isip ko ang mag-asawa at magpakasal.”
“Hay naku Loise, sinabi ko rin iyan noon, pero kinain ko lang lahat ang sinabi ko nang makilala ko ang Hapon na ito.” Walang-anu-anong niyakap pa ito ni Hiro.
Nagkibit-balikat siya sa komento ni Hyde.
Lumapit ang newly-weds sa table nila.
Ibinigay ni Lem ang dalawang wine glass kina Setty at Florenz. Itinaas ni Carvin ang isang baso na may white wine. “Para sa newly-weds.” Iniangat rin nila ang kanilang wine glass.
“Cheers!!!” At nagkanya-kanya na silang lagok ng alak.
“Finally, two beautiful women down in your group. Oh, kelan susunod ang natitirang dalawang couple dyan at ng kumita na naman ako ng maraming salapi? Ay! Hindi pala ako kikita ng marami kasi nangako ako na libre na ang service ko sa kasal nina Lem at Aya,” biro niya.
“Ah, magandang topic ‘yan. Sabihin na nating paghandaan mo na ang utak mo sa conceptualization,” sabi ni Carvin. “Gusto ko ng engrandeng kasal.”
“Simpleng kasal,” pakli ni Thea.
“Engrandeng kasal.”
“Simpleng kasal!” giit ni Thea.
“Engrande!”
“Simple!”
“Hep!” awat ni Setty. “Kasal namin ngayon. Moment namin ni Florenz ito kaya bukas na kayo mag-away sa kasal n’yo ha. Pero kung ako ang tatanungin, engrandeng simpleng kasal na lang para walang gulo. Everybody happy.”
“Ha?” korong sambit nila.
“Meron bang ganon?” kunot-noong tanong ni Hyde.
“Ah Setty, paano naman magiging engrandeng simple ang kasal nila?” segundang tanong ni Florenz habang nakayakap sa baywang ng lovely bride.
“Hmmm…” nag-isip ng malalim si Setty. “Ah! Problema na ni Loise iyon. Siya naman ang wedding coordinator di ba, mare?” baling nito sa kanya.
Nalilito pa rin siya sa mga sinasabi nito. “Ah...eh…”
“Hay naku, ‘wag mo na rang intindihin iyang si Setty. Hilap taraga niya kausap,” nakangiting hirit ni Hiro.
”Aba, nagsalita ang madaling kausap,” pakli ni Setty.
Nagtawanan sila.
“So, ibig sabihin may aasikasuhin na naman akong kasal. Kelan naman ang date ng wedding n’yo Thea at ng mapaghandaan na?” tanong niya.
“Next year pa naman iyon. Hmm, mga seven months from now,” tugon nito.
“Oh I see.” Nagsimula na ang utak niyang mag-picture out ng perfect wedding ng happy couple na ito habang sinisimsim ang red tea niya.
“Ngapala, it’s a double-wedding,” dagdag ni Aya.
“Napag-desisyunan namin na pagsabayin ang kasal namin,” segunda ni Lem.
Sa gulat ay inihit siya ng ubo nang sumabit sa lalamunan niya ang red tea. Agad siyang dinaluhan ng kalapit na si Hiro at hinagod ang likod niya. Hindi niya alam kung bakit siya nabigla sa sinabi ng mga ito. Si Lem at Aya, ikakasal na. Parang gusto na niyang umurong maging wedding coordinator nila. Pero bakit? Di ba’t nakapag-let go na siya? Bigla siyang naguluhan sa mga pangyayari? Bakit siya biglang naging affected?
“Are you okay now?” tanong ni Hiro sa kanya nang maka-recover siya.
“Oo, bigla lang pumasok sa utak ko na… na… mas complicated pala ang kasal na aasikasuhin ko kesa inaasahan ko. Well, Don’t worry, I promise to make that wedding day as perfect as it is.”
Natigilan siya at napatungo nang mapansing mataman na nakatingin sa kanya si Lem. Patay, buking ata ako.
Binalingan na lang niya si Florenz. “Nasaan nga pala ang magaling mong kapatid? Dapat na pagpurihan si Chandy sa sobrang sarap ng luto niya. Sa tingin ko, resto n’yo na lang ang palagi kong kukuning caterer.”
“Ah, ando’n sa loob, pinagtataguan iyong assistant mo. Hina-harass daw siya eh. Ewan ko do’n,” tugon ni Florenz. “May alam ka ba?”
“Ah. Type ata ni Russel iyon. Sinabi ko ng pareho sila ng tipong isda, ayaw maniwala.”
“Ibig sabihin, si Chandy hinahabol ng babae? Wow, mukhang magkaka-identity crisis ang lola mo eh lolo na pala!” hirit ni Hyde.
“Wow, exciting iyon!” sabat ni Aya.
“May pag-asa pang maging macho si Chandy!” singit ni Setty.
Nagpaalam ang iba na magsasayaw sa dance floor.
“Loise…”
Binalingan niya si Thea nang tawagin siya nito. Iniabot nito sa kanya ang digicam ni Choco na pinasauli niya dito. Napag-alaman niya kasi na empleyado pala ito ni Choco sa isang school.
“Anong ibig sabihan niyan?” tanong niya.
“Isinauli ko sa kanya, tinanggap niya pero kinahapunan binalik ulit niya sa akin. Sabihin ko daw sa nagpabigay na ikaw daw mismo ang mag-abot sa kanya. Tutal naman daw, ikaw naman daw ang nakapulot niyan at hindi ako,” sabi ni Thea.
Napaismid siya. “Ang arte ha. Pasalamat nga siya binabalik pa sa kanya ang hi-tech na digicam na ‘to. Kung sa iba baka, inangkin na ‘to,” pakli niya.
“Ganon talaga kasi iyon. May trip sa buhay na ewan ba kung saan planeta galing. Puntahan mo na lang siya sa school para isauli iyan.”
“Ahm, puwedeng magtanong? Sinong pinag-uusapan n’yo?” usisa ni Carvin.
“Sa amin na lang iyon ni Loise,” malambing na tugon ni Thea.
Mukhang hindi nagustuhan si Carvin ang sagot nito. “I can feel it’s kinda secret. May kinalaman ba ako do’n at di mo mabanggit kung sino iyon?”
“Wala.”
Umiwas ito ng tingin kay Thea. “I don’t believe you… Wait. Si Sandoval iyon ano? Hanggang ngayon ba naman, lapit pa rin ng lapit iyon sa ‘yo?”
“Ayoko ng away Carvin.”
“Fine.”
At tuluyan na ngang nanahimik ang dalawa kaya pati siya ay nanahimik na lang din. Silang tatlo lang kasi ang naiwan sa mesa dahil nasa dance floor pa rin ang iba. Nabalingan niya ang digicam at napabuntong-hininga siya nang maalala ang lalaking nagmamay-ari noon.
Zeus-Apollo Academy. Ano bang klaseng school ito? School ng mga Greek Gods? Pinuntahan niya ang school na pinagtatrabuhan ni Thea para isauli kay Choco ang digicam nito. Matagal na niyang napapansin ang pamosong school na iyon na ilang kilometro lang ang layo sa office niya sa Los Baños. Ayon kay Thea, private school for preparatory, elementary, at high school iyon at ang may-ari nito, walang iba kundi si Suencho Covey Sandoval aka Choco.
Papunta na siya sa Principal’s Office nang mapadaan siya sa gym. May mga estudyanteng sumasayaw ng ballroom dance combination sa saliw ng kanta ni Shakira, Hips Don’t Lie. Naalala tuloy niya ang high school life niya. Kinakaya-kaya lang niya ang ballroom dance dahil may angking talento siya sa pagsasayaw. Napatigil siya sandali at pinanood ang mga estudyante hanggang sa madako sa teacher nila ang kanyang atensyon. Nakatalikod sa kanya ang PE teacher kaya malaya niyang napagmasdan ang likod nito habang kumekembot kapartner ang isang babaeng estudyante. DI ang drama ng lolo ah. In fairness magaling kumembot. Lihim na itinawa niya ang sariling biro. Sa tindig at built ng katawan nito, palagay niya ay bata pa ang teacher. Mga ilang taon lang siguro ang tanda sa kanya. Guwapo ang likod ng lolo mo. The face kaya?
Bilang sagot sa tanong niya, bigla siyang itinuro ng isa sa mga estudyante nito.
“Sir, may nanonood sa inyo oh. Magandang babae.”
Aalis na sana siya nang biglang lumingon ang teacher at nginitian siya. It was no other than, Suencho Covey Sandoval. Ang damuho, PE teacher din pala.
Dahil sa pagngiti ni Choco ay kinantyawan ito ng mga estudyante.
“Si Sir, may dalaw! Ang lakas ng appeal n’yo Sir. Dinadalaw-dalaw na lang kayo dito.”
“Sir, sabi n’yo ala kayo gf. May gf pala kayo eh.”
“Maganda siya, Sir. Bagay kayo!”
Binalingan nito ang mga estudyante. “Kayo talaga, ang babata n’yo pa alam n’yo na ang mga bagay na iyon. Mga hijo, hija, mag-aral muna kayo. ‘Wag n’yo muna intindihan iyang love life. Marami kayong oras para dyan kapag nakatapos kayo ng pag-aaral,” baling ni Choco sa mga first year students.
In her mere surprise, nagsitahimik ang mga ito nang magsalita si Choco. It only spoke of one great word- respect.
“For now, we had enough of dancing. Did you enjoy it, class?” pagpapatuloy ni Choco.
“Yes…Sir!”
“Good. I’m expecting all of you to memorize the dance steps and we’re going to have a practical test next meeting. Class dismissed. Ingat kayo sa pagtawid n’yo, sa pag-uwi. And always remember,…”
“God will guide us along the way.” At sinabayan pa ito ng mga estudyante.
Nagsialisan na ang mga estudyante nang lapitan siya ni Choco. Seryoso na ang mukha nito na parang di siya kilala. Well. Hindi nga naman sila magkakilala di ba? Pero bakit nginitian siya nito kanina na parang close sila? Ang gulo.
“Naligaw ka ata dito, Miss…,” bungad nito.
“Maria Luisa Dernadez,” tugon niya.
“Huh? Eh ano ngayon?”
Aba, magtatanong ka kung sino ako tapos iyan ang isasagot mo sa akin? Antipatiko! Piniglan niyang mapikon. “Iyon ang pangalan ko. Nagpakilala lang ako kung sakaling nakalimutan mo na ako.” Dinukot niya sa dalang body bag ang digicam at iniabot iyon dito. “Naiwan mo ito sa bus na sinakyan natin noon. Pasensiya ka na kung natagalan bago ko ito naisauli. Walang gasgas iyan at never kong ginamit. Nahirapan lang talaga akong humanap ng paraan para maisauli iyan sa iyo kasi hindi naman kita kilala. Si Thea, this past few months ko rin lang nakilala ng husto at saka lang ako nakakita ng paraan-”
“Enough. Too much talk.” Kinuha nito ang digicam sa kamay niya at bigla itong ngumiti. “Thanks, pero hindi ko talaga nagustuhan na pinadaan mo pa ito kay Ms. Malabanan noon.”
“Kaya nag-inarte ka at ibinalik mo sa akin?” Grrr… imposible talaga ang kumag na ito.
Tumaas ang kilay nito. “Nag-iinarte? Hay ewan. May kailangan ka pa ba sa akin? If you don’t mind, I need to go back to my office dahil may mga naghihintay pang paperworks sa akin doon.”
Snob…snob…antipatiko…suplado… “Ah wala na sige, you’re welcome ha,” pabalang na sambit niya sabay talikod dito. Pero hindi siya papayag na ganon na lang kaya binalikan niya ito.
“Mr. Sandoval!” Nilingon siya nito. Sumeryoso ang mukha niya. Di niya kasi alam kung tama ba ang sasabihin niya dahil marahil pareho lang sila ng sitwasyon ng tsokolateng ito. “Sana hindi mo na pinagnanasaan si Thea. Ikakasal na sila ni Carvin. Nasa preparation na nga sila ng kasal. ‘Wag ka sanang makikigulo-”
“What? Ano bang alam mo?” Gumuhit ang iritasyon sa boses nito. “Look. Wala akong balak manggulo sa kanila at never akong nanggulo. At paano mo nasasabi iyan? Dahil lang sa pictures sa cam na ito? Narrow evidence!”
“Okay, I’m sorry. Kalimutan mo na iyon. Sige. Bye.” At nilayasan na lang niya ito bago pa siya ipakaladkad nito sa mga guards.
***Isang pangyayari ang maglalapit kina Loise at Choco... Abangan ang makwelang chapter 3 ng kanilang kwento.***
sa mga nagbasa...maraming salamat po...
pati ako hanggang ngayon ay kinikilig pa kina choco at loise... isa ito sa pinaka-paborito kong novel na naisulat ko...
Para kay Eloisa at sa chocolate niya....
nakow!
mukhang basted nga ang lola mo...hehehe tahimik lang talaga siya eh...pag di maiwasang mabanggit ung blog ko kapag magkatext kami, dalawa lang nangyayari..either nag-change siya ng topic o kaya naman di siya nagre-reply... post ko ang chapter 3 ngayon..kakatapos ko lang edit..
Tsk, tsk, pasensiya na ate
Tsk, tsk, pasensiya na ate labs at naging manhid ako! whaha.
Hindi ka pa naman siguro totally basted. Kasi naman! Sasabihin lang eh. tsk,tsk patumpik tumpik pa. Sabihin na kasi kung ayaw o hinde. Di ba ate? haha! masyado na bang patama yun? Kung nakakapanaksak lang yung sinabi ko matagal nang naliligo sa dugo yon. whehe.
<(='.'=)> eloi
aha, ano kaya ang di alam ni loise? abangan!
gusto ko ending nito, hanging. tingnan mo effect kay kristine.. ayos un para naka-hook kami... san na po ang chapter 3?
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
wehehe...
nakaw oras nga lang pag-edit ko nito kaya for sure may mga errors pa... sana makaabot kayo sa ending...
maraming salamat! Ingats kayo palagi....
melay
wow... talagang nakaka kilig
wow... talagang nakaka kilig na mga eksena... siguro ang laman ng closet puro mga chokolate... chokolate na para kay loise... o di kaya si choko ang nasa loob ng closet...
Iba talaga kapag gawang melay....
Jonsdmur
wehehe...
none of the above soulmate... basta... kakaiba ang mga laman ng closet...
Clue: ang closet ang magtatapat kay Loise at hindi si Choco... hehehe...
Ingatski,
melay
Woah!!!!
Ang haba ng every chapter? whew di ko mahanap ang chapter 1 melai, pasend naman sa links... Heheh di ko kasi ma gets ang umpisa e... chapter one aq kaagad huhu

May bago na naman akong napuna sa nobela mo... lam u bang kinukuha ko ang mga yon para magamit ko rin sa nobela ko?
Salamat sa story Melanie...
"Just keep on posting and writing to inspired every filipinowriter..."
fhearl Amisyah!!
hehehe... tagal mo nawala ah... maraming salamat sa pagtiyagang basahin... oo nga mahaba ang novel na ito...
eto iyong link...
http://www.filipinowriter.com/the-closet-i-got-for-you-1
Thanks ha...
ingatski,
melay
ang ganda talaga..
keep going on writing ate melay...heheh
hello callie
maraming salamat s pagdaan...
ingats palagi...








thanks melay
thanks melay pero bitin pa din (super demanding) pero ok na ko hintay na lang alam ko busy ka eh. Ingat at regards sa 'bestfriend' mong feeling ko hindi na manhid masyado hahaha uyyy inspired talaga si melay!