Devil's Prayer

Starblaze's picture
| |

Loobin mo ama

na maghari

ang iyong

kalooban

sa san sinukob

kung saan

laganap

ang

iyong

kasuklam suklam

na

kasamaan.

Iligtas mo ako

sa puting

alapaap ng langit;

kung saan naglipana

ang mga anghel

ng kanilang Diyos.

Panatilihin

mo ako

sa apoy ng iyong impyerno

upang patuloy kong

maihasik ang kalooban mo

sa lupa.

Patuloy na magputa

ang mga anak ni Eva

at magpatayan

ang mga anak ni Adan.

Punuin mo ng pagnanasa

ang alagad

ng kanyang simbahan-

ng pagbabalat-kayo

upang lahat sila

ay magnilay

sa iyong kaharian-

Doon

sa

Impyerno.

 

In the name of the father

and of the son

and of the holy spirit...

 

- at ang mainit na abo

ay isinaboy ng hangin

sa katahimikan ng gabi.

 

Starblaze

 

"Si starblaze ay nagtapos sa isang catholic school at nangarap din na maging sakristan subalit masyadong malapit ang kumbento.."


napoleon1815's picture

Para itong paradox poem,

Para itong paradox poem, parang contrasting ang dating. Ang galing!

daily_sam's picture

Well-penned! :D

Inubo ako sa pagbabasa nito! Hahaha :D

I read this again and internalize as a religious worshipper of darkness. This prayer can't get any more 'Holier'. Another title suggestion could be "Apostles Creed". Hahaha :P

A very creative and imaginative composition. Not for everyone to appreciate the satirical humor but I'm sure it perfectly works for most... and I'm one of those.   

 

"Sometimes, I think the things I remember are more real than the things I see..."

Starblaze's picture

may cough syrup pa ako dito

may cough syrup pa ako dito natira kagabi hati tayo hehehehe!

thanks again for reading..im missin ur posts!

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

daily_sam's picture

Ako rin, I miss doing tagalog poetry :-(

Ako rin, I miss doing tagalog poetry :-(

I've been busy lately due to the holiday season. Sunod-sunod kasi from Thanksgiving 'til New Year na. Then I've been sick also at the start of the year. I'm still recovering actually, medyo hindi carry ng powers ko ang winter this year. What I have done recently are in english. Hopefully soon, makagawa ako ulit ng mga tagalog pieces. Mas "dibdiban" kasi ang pagsulat nyan kaya nakakamiss gumawa :-)

Happy New Year to you and stay brilliantly creative!      

"Sometimes, I think the things I remember are more real than the things I see..."

dj Prestousa's picture

nice Prayer....

Nasabi ngang nagbabalat kayo ang mga katoliko...

Starblaze's picture

bro walang nabanggit sa tula

bro walang nabanggit sa tula na nagbabalat kayo ang mga katoliko :)

 

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

dj Prestousa's picture

:)

Simbahang Katoliko :)

Everyone who reads this,

Everyone who reads this, skipping the Title will either branded you as "Righteous" [for atheist and alike] or "Blasphemous" [for religious people]

The title generated an equillibrium state that produce multiple impression of what the true context of this poem is all about.

Nicely done.

Starblaze's picture

thanks for the comments

thanks for the comments rayanuki..

dont worry i'l stand in between :)

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

lyndaniezerofour's picture

sariling composition ba ito?

Ang kulit naman! Tula ba ito o dasal mo pag-gabi? just kidding...

Actually nice, ang galing mong mag-baybay ng mga salita (bay-bay nga bang tawag dun?). Pero, sana naman po next time hindi na against catholic's prayer yung isulat mo...Smile 

Starblaze's picture

Sariling composition ba ito?

Sariling composition ba ito? Opo..bawal po ang plagiarism sa FW.. :)

Pero, sana naman po next time hindi na against catholic's prayer yung isulat mo.

Actually hindi po sya against catholic prayer..kung babasahin nyong muli..lalo na ang huling bahagi ng tula..pro catholic nga sya eh..bakit? dahil natupok sya ng mag sign of the cross sya..:)

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Friderick's picture

Langhiya, isang

Langhiya, isang katakot-takot na dasal.. 

sir, anti-christ po ba kayo ? 

--------------

"I'm a writer that never write down notes."

5182EiDiDiFy's picture

Ang Author's notes panalo...

Ang Author's notes panalo... wagas na wagas....

ako naging sakristan dati... may malapit din namang kumbento sa simbahan... pero sa kapwa ko sakristan pa rin ako nahulog!

"Ama patawarin mo sila kahit alam nila ang kanilang ginagawa" -Felmo-

Starblaze's picture

Friderick: Sir Anti Christ

Friderick: Sir Anti Christ po ba kayo?

hmm what made you say so? :)

 

 5182EiDiDiFy hahahaha! i like ur quote sis "Ama patawarin mo sila KAHIT alam nila ang kanilang ginagawa"

from Luke 23:34

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

robleza's picture

There's no such bad boy on this poem

You know, I love poems like this one, I mean religous as a theme..but still I noticed that some people really get sensitive and curious about the author's personal belief when they write words that are against theistic beliefs. I guess the personal belief of the author is not that much important to know rather the message itself are much in need to be prioritized. This poem is great, especially the "Eve's daughters thing" hahaha thanks starblaze!! I miss your frequent comments.. hahaha       

 

 

 

 

 

 

"Tandaan mo, hinding hindi pwedeng ipantay ang malayang pagsulat sa sarap na dala ng isang platitong fried chicken" 

Starblaze's picture

thanks bro cheers!

thanks bro cheers! :)

 

 "katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

dyeppri's picture

:)

Langit, langit...im-im-impyerno...La-ngit...

Kung naglaro ka sa kalye noong kabataan mo ay maihahalintulad mo ang tulang ito.Hinahati lamang ang dilim at liwanag ng isang hiblang-guhit. heaven or hell/ bad or good/  -walang in between.

 

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

Starblaze's picture

thanks jepp...pero wala

thanks jepp...pero wala naman talagang "in between" life is just a matter of two opposite directions..and there is no such word as neutrality

 

"katulad ka din ng nakaraan, isanga pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

aligaga's picture

nong una...

naalala ko ang Batter My  Heart ni John Donne.hehehe

 

 

hindi pala ganoon. paano nga ba manalangin (nang may kaengotan) ang isang masama na humihiling ng kasamaan. pero sa huli'y talo?

 

 

 

alcor eldioan's picture

such a dark piece... grin

such a dark piece...

grin pa din. :) 

try writing like davinci code

 

nga pala kuya starblaze, can i contact you? marami ako itatanong please.magkaibigan naman tayo dito sa FW eh thanks :) 

Starblaze's picture

tungkol saan Alcor? email mo

tungkol saan Alcor?

email mo na lang ako

starblaze02@yahoo.com

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

j luna's picture

Puna lang sa pagkakagawa ng

Puna lang sa pagkakagawa ng tula, siguro ang weak point niya ay ang pagpasok ng linyang:

Arrrggghhh!!! (silence)....and the word was made flesh..

Una sa lahat, papel ng mambabasa ang i-analyze ang tula o magkaron ng introspection o malalim na pagbasa dito.

Dahil sa punchline, naging mababaw ang sana'y malalim nang pagkakalatag ng tula dahil ibinuyangyang na ng makata ang mga dapat ay magpapaisip sa mambabasa. Add to the damage pa ang cheesy at corny na humor.

Ang mas masaklap pa rito'y ang pagpapaliwanag ng may katha sa kanyang gawa sa author's notes na labas na sa tula:

Author's Bio/Notes:
mag sign of the cross ba naman kung di engot..

Tandaan, di papel ng makata ang pagpapaliwanag ng kanyang tula o ang paggawa ng hakbang para maintindihan ito ng tao.

Ang laki sigurong diperensiya kung itatago ang dulo kung saan dapat na pinakamalakas ang tula,

halimbawa:

...upang lahat sila

ay magnilay

sa iyong kaharian-

Doon

sa

Impyerno.

Sa ngalan ng ama,
nga anak,
at ng diyos...

at binalot
ang kadiliman
ng nakabibinging

katahimikan.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Starblaze's picture

salamat J.  sa mga puna..i

salamat J.  sa mga puna..i appreciate it :)

ni add na nga pala kita sa FB ko

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

j luna's picture

No problemo. Ako di'y

No problemo.

Ako di'y nageedit ng mga tula ngayon matapos ang ilang critique mula sa ilang makata.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Jack Alvarez's picture

mas maganda ata kung nasa

mas maganda ata kung nasa wikang filipino pa rin to o kaya sa latin at italicized...

In the name of the father

and of the son

and of the holy spirit...

 

at yung title something karaniwan lang. naiisip ko lang yung mga salitang diablo, demonyo, berso, novena, at iba pang mga katulad nila. :)