The Precious Link

Starblaze's picture
| |

“Hindi ka ba napapagod Leo?”

“Saan Lyka?”

“Sa set-up natin?”

“Okey naman tayo ah.”

“Ano ang okey sa pagiging kabit ko, sa pagiging may-asawa mo at dalawang anak?”

 

Katahimikan.

 

“Asawa ko sya sa papel hindi sa puso Lyka.”

“Kung ganun bakit hindi mo sya iwanan at magsama tayo?”

“May responsibilidad ako sa mga anak ko at hindi yun ganun kadali.”

“Kaya ba itong ginagawa natin ang ginagawa mo kasi ito ang madali ha Leo?

“Iniisip ko din kasi ang kinabukasan ng mga anak ko.”

“At ang kinabukasan ko hindi mo iniisip?”

“Maghintay tayo ng tamang panahon darating din tayo dyan Lyka.”

“Kaylan ang tamang panahon na iyon Leo? Kaylan man hindi maitatama ang ating ginagawang mali.”

“Mahal kita Lyka alam mo yun.”

“Sapat ba ang pagmamahal para ipagpatuloy natin ito Leo?”

“Oo, hindi natin dapat tinitingnan kung ano ang epekto bagkus ay kung ano ang dahilan.”

“Hindi ka ba apektado Leo?”

 

Katahimikan.

 

“Bakit mo ako minahal Lyka sa kabila ng pagiging may asawa at anak ko?”

“Hindi ko alam, basta nararamdaman ko na mahal kita.”

“Hindi mo ba inisip ang kahihinatnan ng relasyon nating ito?”

“Syempre iniisip ko yun Leo pero tinatalo ako ng nararamdaman ko para sayo, ilang ulit ko na bang sinabi sa sarili ko na ayaw ko na, pero heto pa rin ako.”

“Handa ka bang samahan ako sa pakikibaka sa buhay ko dala ang pagmamahalan natin?”

“Hindi ko alam.”

“Hanggang kelan mo ako mamahalin Lyka?”

“Hindi ko alam.”

“Hindi ka ba napapagod Lyka?”

Starblaze

Madaling magpuna, madaling magbigay ng payo, subalit kapag tayo na ang naroon sa sitwasyon hindi natin alam ang sagot....


Starblaze's picture

para sayo raquella, imbis na

para sayo raquella, imbis na payo basahin mo na lang ito..sana makatulong sa kasalukuyang dinadala mo..marami talagang mga katanungan na di kayang sagutin..

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

raquellaa's picture

Thanks.

Ikaw talaga alam ko ang tama sa mali kaya mas lagi ko pipiliin ang tama.  Ok na po ako lalo na  ng nabasa ko ito. Lumipas na ang nararamdaman ko. Salamat talaga napasaya mo ako.

 

God Bless! 

Starblaze's picture

walang anuman basta tungkol

walang anuman basta tungkol sa usapin sa pag-ibig lapitan mo ako..

kasi i am a doctor with broken hearts :(

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Friderick's picture

 Good Evening po, Dr.

 Good Evening po, Dr. StarbLaze.. Maaari po ba ninyo acong payuhan ?  

Sabi po kasi ng mga kaibigan ng crush co, my bF na s'ya...  Ano po kaya ang maaari kong gawin para makaLimutan co na ang nararamdaman co sa kanya at maging Friend naLang ang pagtingin co sa babaeng iyon ?

Salamat po.. :) 

_________________________________

 

Ako ang Batang manunulat,

nilalayon kong mapalawak

ang kaalaman sa pag-sulat. 

 

5182EiDiDiFy's picture

Sori sa pakikialam: Pag

Sori sa pakikialam:

Pag saturday at sunday kasi pansin ko lang di nag-i-FW si starblaze...

 

sabi mo kaibigan mo lang ang may sabi na may BF ang crush mo, hindi ikaw mismo ang may alam. tanong, babae ba ang kaibigan mo? kung babae, eh baka sya ang may crush sayo!

kung may BF na sya, na sasayo iyon kung mahal mo sya o hindi... ang mahalaga kasi masabi mo ang nararamdama mo sa kanya, kasi di naman agad nakakalimot ang puso at maibaling agad ang pag-ibig o paghanga sa pagiging kaibigan lang.

medyo malalim ito: para sa akin kasi kung may mahal ako at may mahal syang iba... ipapaalam ko pa rin ang pag-ibig na nararamdama ko sa kanya. then aalamin ko rin kong mahal ba syang talaga ng taong mahal nya... kung talagang mahal sya... ako ang iiwas, dahil ayaw kong sumira ng isang pag-ibig. kung hindi... ipaglalaban ko ang aking pag-ibig mahalin man niya ako o hindi.

 

sabi nga dito sa FW:

"kaibigan kita na aking minahal, pero hindi kita minahal para maging kaibigan lang!" galing kay Lemmor yan... pwede mo rin syang tanungin.

 

maharot, malikot titik sa aking tuktok!

Starblaze's picture

LOL! talgang Dr. STarblaze

LOL! talgang Dr. STarblaze eh ano? gynecologist din ako malapit ang clinic ko sa sogo alabang hehehe!

well, tama si  sis 5182eididify....una sa sabi nya na di ako nag FW kapag sat at sunday..hmmm kasi nga Big Night yun sa gay bar..hehehe dun kasi ako nag wowork eh...(hirap kayang maging dancer)

at tama din sya sa mga payo nya sayo..mali lang sya dun sa unang statement kasi "marami" ang nagsabing mga kaibigan nya di "iisa" lang hehehe!  the rest ok na (applause! applause! applause!).

Well, para nman sakin wag mong pangunahan ang puso mo..let ur heart decide..kasi kahit anong gawin mo iwasan mo man sya ur heart will always find a way to peek and see the rainbow outside..tska bata ka pa hijo..crush lang yan sabi mo nga..as you grow older malalaman mo ang totoong kahulugan ng pag-ibig sa ngayon kasi di mo pa kailangang maramdamn ang sacrifices..enjoy nyo na lang muna ang company ng bawat isa..though walang pinipiling edad ang pag-ibig pero tandaan mo din na may mga angkop na panahon sa tamang pagkakataon.

 

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

5182EiDiDiFy's picture

at tama din sya sa mga payo

at tama din sya sa mga payo nya sayo..mali lang sya dun sa unang statement kasi "marami" ang nagsabing mga kaibigan nya di "iisa" lang hehehe!  the rest ok na (applause! applause! applause!).

UU nga no! nagmamadali kasing makialam... thank you sa applause mo! :) Sogo-alabang? malapit ang school nang Papa R. ko dati dyan... hehehehehe at maganda ang Sogo A. un na!

 

ako naman Thursday and Friday Wala... un naman ang big night namin dito!

 

 

maharot, malikot titik sa aking tuktok!

Friderick's picture

 Hahaha.. saLamat po..

 Hahaha.. saLamat po.. tinanong ko po siya nitong mga nakaraang araw..  ang mga kaibigan Lang daw po niya ang may pakana ng Lahat.. wala raw po taLaga siyang bF..  Salamat po uLit..  ^^,

 

_________________________________

 

Ako ang Batang manunulat,

nilalayon kong mapalawak

ang kaalaman sa pag-sulat. 

 

Lemmor Setneuf's picture

Sabi nga

Sabi nga:

"May mga katanungang puso lamang ang makakasagot at damdamin lamang ang s'yang makakapagpaliwanag" 

 

Sadyang mahiwaga ang umibig at ibigin!

 

 

"Ang ating liwanag at muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

Starblaze's picture

tumpak! at sa kabila ng

tumpak!

at sa kabila ng hiwagang iyon..naroon ang sakit dahil kaakibat daw ng pag-ibig ang sakit (sabi ng iba sa una lang daw masakit)

ang pinaka rurok daw ng pag-ibig ay ang masaktan..at ang tunay daw na pag-ibig ay iyong umiibig pa rin kahit paulit-ulit na nasasaktan..

aray ko sakit....

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Starblaze!

parang diyalogo sa isang pelikula! May bago akong kuwento...tulad nito, ng isang bawal na pag-ibig.

timbrehan kita pag ipost ko na at aantayin ko ang iyong intelihenteng komento.

Starblaze's picture

okey ngarud

okey ngarud kapatid!

hihintayin ko po ang akda nyo..keep on writing! and thanks!

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

paruparongberde's picture

lahat naman napapagod

lahat naman napapagod diba? hanggang kelan at hanggang saan mo kayang ipaglaban ang isang pag-ibig na hiram?

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

Lemmor Setneuf's picture

Lahat napapagod... OO Kung

Lahat napapagod... OO

Kung hanggang kailan at hanggang saan: Hanggat ang kabahagi mo sa isang hiram na pag-ibig ay kaya ka ring ipaglaban, dahil kung ikaw lamang ang lalaban para sa pag-ibig na ito ay sadyang pagkatalo lang ang sasapitin... dahil nga sa simula palang talagang talo na!

Isang pagbabahagi:

http://www.filipinowriter.com/pag-ibig-na-hiram

 

"Ang ating liwanag at muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

raquellaa's picture

Guys!

 Nagulat ako dito dami niyo na pala comment. Salamat po kasi ang mga taga fw pala ay mga sadyang maalalahanin at may malasakit sa mga tao dito. Ok na po ako kasi madami ako panalangin at inspirasyon para lagi piliin ang tama isa na kayo doon mga taga fw.

 Thanks and God bless! 

 

count me in...

isama mo sa iyong panalangin ang kapatid na ito na umalis sa kawan, dati pa namang BEM.

raquellaa's picture

Hi!

BEM po kayo dati  Iglesia Ni Cristo ka ba if you don't mind kasi sa amin BEM ang tawag sa nag aaral para maging ministro.

Salamat. 

yap, bachelor of evangelical ministry...

sa new era univ.

kaso hindi nakapag-ministro dahil sa pag-ibig.

and now, hindi na rin inc.

nababasa din ako dati sa pasugo.

february 2002 issue if meron ka collection: "Isang Panalangin".

thanks din, kapatid.

 

dyeppri's picture

uhmmm...

Suhestyon lamang po: dadalawang tao lang naman ang nag-uusap dito kaya kung aayusin lamang ng may tiyak na diin ay hindi na siguro kelangang ulit-ulitin pang banggitin ang pangalan ni Leo at Lyka, nagmumukha kasing telenovelang isinalin sa tagalog.Ala Marimar eh!

Sana makatulong ito/ kung hindi ay ipagsabalewala na lamang po.Innocent

 

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

Starblaze's picture

salamat dyep..mapapansin

salamat dyep..mapapansin kasi na walang narration ang plot na ito..sa layunin na hindi malito ang readers kung sino ang nagbitiw ng salita ay sadyang nilagyan ko ng pangalan ang appropriate na lines na hindi naman lilitaw na obviously ay ginawa para lang masabi na sya ang nagsasalita..ganun pa man salamat sa suhestyon malaking bagay para sa akin/sa amin ang mga ganitong puna..hamo't babaguhin ko :)

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Similar entries