The Search Is Over!

rose's picture

To all the girls Out there.... Just let me share with you this... I had a friend, she's smart, beautiful, loving , simple, thoughtful, broadminded, she's almost perfect, she has a good carrer. Ilang beses narin siya na broken hearted, but she keep trying to open her heart, keep loving para maging masaya. She is a kind of woman na kapag mahal niya binibigay niya lahat at tinatanggap niya kahit ano meron ang minamahal niya, kahit nasasaktan na siya she keep going and saying it's okey mahal ko eh.

Her first BF is a family man, she knew it already but still minahal pa rin niya yung guy , unconditional love daw, wala siyang hinihingi sa guy kung hindi mahalin din siya kahit konti, dahil sa mahal din siya ng guy tumagal ang kanilang relasyun ng 4 years, pero hindi pa rin naging sila for ever dahil dumating na ang oras na kailangan na nila mag hiwalay, tinanggap niya iyun, she was crying all night and day, until she realized na it's over, kailangan ko nang mag move on, hanggang bumalik na ulit siya sa dati niyang buhay ang mag focus sa carrer.

Then once again umibig ulit siya second time around. Sabi ng guy binata daw siya, ginawa ng guy ang lahat para mapaibig siya, the guy keep on calling her, giving her a gift, chocolate & flowers, until ma fall in love ulit siya. Again she found out na niloloko lang pala siya ng guy, the guy was trying to used her, the guy keep asking her a money, hangang dumating ang time na nalaman niya na niloloko lang pala siya kasi married man na ang lalake. Sabi na naman niya sa sarili niya, ito na naman nasaktan na naman ako, ayoko na umibig. same scenario...

The third time around, she met a guy from the agency, the guy asked her number and she gave it.. he started calling her again & again, visit her place, and inviting her to go out. he showed sweetness, sending a sweet message everyday, hanggang ito na naman na fall na naman ang kaibigan ko. Pero this time sobrang aware na siya hindi na niya binibigay lahat lahat , nakikiramdam na siya, at naging matigas na ang loob niya, oo minahal yung guy pero natuklasan niya na ginagamit din siya ng guy, hanggang she gave up, it's over. same scenario na naman but this time, she never cried. sinabi niya lang na siguro hindi siya para sa akin.

Until panandalian niyang kinalimutan ang lovelife, nag focus siya sa kanyang carrer at naging aktibo siya sa mga activities ng simbahan, sumasali siya sa mga semenar, and she always praying na si lord nalang bahala sa lovelife niya, dahil sa mga failures na nangyari sa kanyang buhay she becomes matured, meron na siyang mga qualifications na hinahanap, meron narin siyang mga sign na hinahanap, she keep on praying..... praying.... helping to her family, and spending her time with her family and giving time to the churchs activities..3 years na hindi siya nag karoon ng relasyun sabi niya hay sakit lang ng ulo yang lalake, pare pareho lang yan, wala ng matino ngayun swerte kung matagpuan mo ang matino at totoo. Yan na ang naging takbo ng pag iisip niya.

Masaya na siya sa mga ginagawa niya, sa work , sa family niya at sa umatend ng mga pangsimbahan na gawain, lagi siya nag sisimba, lagi siya nag darasal na sana kung iibig muli siya ay galing na kay lord ang guy na mamahalin niya...maraming nanliligaw sa kanya, mga katextmate, mga ka chat, mga reto ng friends niya asking for a date but she never went out with them..

Until one day may na met siya sa simbahan, it was amazing kasi sa tama palang daw ng kanilang mata parang meron na agad silang connections sa isa't isa, love at first sight ba iyan tanong ko sa kanya? isip isip ko parang imposible yun hah na sa unang pagtatama ng paningin ninyo parang love ninyo na isat isa. Posible ba ito?????yes it was possible...dahil in 3 days walang nangyaring ligawan , nangyari sila na agad, hindi siya niyaya ng guy kung saan man, umakyat ang lalake sa kanilang bahay at doon kinausap ang kanyang magulang na malinis ang hangarin ng guy, at sa pag kakataong ito paalis ang lalake papuntang abroad, pero sobrang respeto sa kanya ng lalake , he never kiss to her lips before he left, he never asked a sex or anything...at pinatunayan ng lalake na totoo siya sa kaibigan ko, na he has a pure intention to her, na sa dami ng pag subok na dinaanan nila hanggang after 2 years ng long distance love affair nila umuwi ang guy at nag pakasal sila.

Nakikita ko na napakasaya nila, nakikita ko na sobrang mahal nila ang isat isa at naisip ko na ito siguro talaga ang sinasabing soulmate na meron talagang nakalaan para sa atin. Kaya i believed na ang pagmamahal ay hindi hinahanap, hindi hinahabol, kusa itong darating sa tamang panahon at tamang oras, at mas masarap lasapin na kung ang pagmamahal na iyan ay galing sa DIYOS. Kasi kapag ang taong minahal mo ay may malaking takot sa diyos hindi niya kayang manakit , bagkus ay mamahalin ka niya bilang ikaw, at kahit anong mangyari for ever magkasama kayo na nag tataguyod ng isang masayang pamilya.. Kaya para sa aking kaibigan masaya ako para sayo, na sa lahat ng mga failures mo in life, naging strong ka at hindi ka sumuko at nanatiling matatag ang pananalig mo sa ating Panginoon na lumikha sa lahat.

GOD BLESS US    Innocent             


Johanne Light's picture

Parang Maalaala mo kaya,

Parang Maalaala mo kaya, hehe. I guess it's true. Someday lightning could strike. 

I am the weaver of dreams and the and the musician of nightmares...

ang ganda naman ng istorya

ang ganda naman ng istorya nya. totoo pala talaga ang love at first sight. hehe:) hmmm...kaya pala may kantang ganon...

rose's picture

Thanks!

Hello thanks for reading this... yes mga sis believe it or not, it was really true..kaya naniniwala talaga ako na meron itinakda ang diyos para sa atin, kailangan lang natin na mag tiwala sa kanya ng lubos, at sa kanya natin hilingin dahil hindi man niya ito agad ibigay surely he will give it in a right time, right place pag alam na niyang ready na tayo. even me i couldn't believe na meron pa palang ganyan, totoo pala ang sinasabing love at first sight. alam ninyo ang unang pumasok sa isip ko ay siguro sila talaga ang soulmate.. kasi kung iisipin natin napakarami ng lugar narating ang friend ko at ang naging asawa niya, but sa isang lugar lang pala sila mag kikita at sa simbahan pa.

And one thing maraming signs siyang hiningi na nakita niya dun sa guy. Diba kung isipin natin it was amazing, para silang pinag tagpu ng tadhana, they almost had the same situation in life, personality, and attitude kaya masasabi ko na talagang sila ang itinakda ng DIYOS sa isat isa.

Kaya para sa lahat ng mga single ladies outthere, Just pray hard, don't search tru net or texmate, pray for it ibibigay ni lord ang tamang tao na magmamahal sa inyo ng lubos, yung masasabi ninyo na ito na siguro ang sinasabing love, kasi kahit sa mga simpleng bagay na gagawin ninyo mararamdam ninyo ang saya, ang love, ang enjoyment.

 

GOOD LUCK AND GOD BLESS US  Innocent

Johanne Light's picture

Haha, I'm a guy po. I just

Haha, I'm a guy po. I just seem to date endless girls but I can't seem to find the right one. Though gusto ko rin iclear na I don't enter a relationship na hindi  ko rin naman siniseryoso. I'd like to believe that there's a right person who'll come someday.

I am the weaver of dreams and the and the musician of nightmares...

loredojs's picture

kaylan ko pa ba kaya

kaylan ko pa ba kaya makikita ang babaeng tulad yan...kaso hindi ako marunong dumiskarte nagpapakamalan pang stalker lang...minsan kase mahirap kung pati mga kibigan muh sumusuhot rin..Kaya ikaw tuloy yung napupunta sa napaka kahihiyang sitwasyon..