there must be a god

ellise dominic's picture

kanina lang lumabas ang mama ko at pumunta sa gilid ng bahay namin para silipin kung kita ba kami sa bintana pag patay na ang mga ilaw sa loob.  dahil sa nagtu-toothbrush ako at gusto kong makiusyoso sumama ako sa kanya.  ang dilim pero maliwanag pa ang mga bahay dahil sa mga bukas na ilaw.  tumingala ako sa langit at nakita ko ang daming stars.  napangiti ako at biglang naisip na paanong hindi naniniwala ang ibang tao sa god?  tingnan lang nila ang mga stars sa langit sigurado makukumbinsi na sila.  kahit magtumbling ang tao ng isang milyong beses hindi siya makakagawa ng kahit na anong kasing ganda ng mga stars.  si god lang ang makakagawa nun. 

ikaw kelan mo huling napansin ang mga stars?  try mo mag-time-out muna kahit three minutes lang sa hectic mong buhay at tingala ka sa langit.  pansinin mo naman ang mga bituin, lagi silang nasa langit pero wala namang pumapansin sa kanila.  di ba ang lungkot nun? 

kapag burn out ka na sa buhay at work tigil ka muna.  pansinin mo naman ang magagandang gawa ni god.  gaya ng mga stars sa langit sige ka sa tag-ulan hindi mo na naman sila makikita, magtatago na sila ulit sa mga ulap... parang nagtatampo lang di ba?  baka kasi one day wala na sila or wala ka na para i-appreciate ang beauty nila... i hope you get my message...


Adlesirc's picture

Stars

I was 10 or 11 years old when I saw too many stars. Sa Pangasinan yon at sobrang dami talaga, as in! It was so amazing. Galing galing talaga!

 

Hay, you bought me back to my special memory with the stars. Sayang nga lang at wala pang digital cameras noon or camera phones. hmp.

ellise dominic's picture

adlesirc

sayang nga no pero okay lang yun madami pa din namang stars ngayon eh buti na lang di ba?  thanks for reading ha take care ka

my soulmate is worth the wait...

Adlesirc's picture

=)

welcome

 

tc too!