...theresa...

redwanderer's picture

akala ko natuto ka na???

oo nga po..

eh bakit ganyan ka pa rin???

ilang beses ba itong itinanong sa akin ni kuya..at ngayon ay itinatanong ko din sa sarili ko..palagi kong sinasabi na natuto na ako..na hindi na ako muling magkakamali sa desisyong gagawin ko..na hindi na ulet ako mahuhulog sa banging kinahulugan ko dati..at hindi na madadapa sa parehong pagkakataon na nagbigay ng pilat sa aking puso..

akala ko matalino na ako ngayon pagdating sa hamon ng buhay..pero sa ilang oras na pakikipagbalitaktakan ko sa isang taong hinutok na ng panahon nalaman ko na isa pa rin akong musmos..walang alam sa mundo..isang taong nagdudunung-dunungan sa buhay..nagtatapang-tapangan ngunit ang totoo pala ay hindi pa rin alam ang sariling kahinaan..

sa ilang oras na yun marami akong natutunan..marami akong natuklasan sa aking sarili..mga bagay na akala ko ay alam ko na..akala ko ay kaya kong panindigan..nagawa nyang imulat ang aking mga mata sa naghuhumiyaw na katotohanan..naghuhumiyaw na nga hindi ko pa marinig..sarado ang aking tenga..pikit ang aking mga mata..tulog ang aking diwa..ang tanging gising lamang ay ang aking puso..at dahil hindi gumagana ang aking utak, hindi ko napapansin na mali na pala ang aking mga desisyon at unti-unti na akong nahuhulog sa kumunoy na ako din ang may gawa..

mahirap tanggapin na nagkamali ako lalo pa nga at pinapaniwala ko ang aking sarili na matalino na ako ngayon..na hindi na ako magkakamali..maraming baluktot na katwiran at pag-asang wala namang patutunguhan ang aking pinanghahawakan..para saan???para sa sandaling kaligayang pwede nitong ibigay sa akin? tinanong ko si kuya kung masama bang gustuhin ko na maging masaya kahit minsan..kung hindi ba pwedeng maging madamot naman ako at isipin ang aking kaligayahan..paano kung kami naman talaga ang para sa isa't isa..paano kung kaya naman nyang iwan ang lahat para sa akin..

ang sagot nya..

wag mong intindihin ang gagawin nya para sa yo

tanungin mo ang sarili mo kung kaya mo

kaya mo ba?

kaya ko ba???kaya ko bang makasakit ng iba kapalit ang kaligayahan ko?? magiging masaya ba ako kung alam kong meron naman akong nasasaktan?? kaya ko bang tumawa kung alam kong sa kabilang panig ng mundo ay may lumuluha ng dahil sa aking kagagawan?? makakatulog ba ako ng mahimbing sa piling nya kung alam kong hindi ako ang dapat na nasa tabi nya kundi ang taong inagawan ko ng pag-ibig??

ngayon alam ko na ang dapat kong gawin..magdesisyon habang maaga pa..habang kaya pang ayusin ang lahat..habang hindi pa ako tuluyang nahuhulog..habang kaya ko pang gawin ang tama..

si theresa ay isa lamang sa mga babaeng naguguluhan..nagtatanong..isa sa mga babaeng matapang na pagkatao ang pilit na ipinakikita sa mundo subalit kapag nag-iisa ay lumalabas ang kahinaan..tahimik na umiiyak..tahimik na nananalangin na sana matagpuan din ang kabiyak ng kanyang puso..ang isang taong makakapagpasaya sa kanya..ang taong tatanggap sa kanya ng buong-buo..