Thirty Minutes

sinta isaac's picture
| |

 

tik tak tik tak...

One minute

dumating na s'ya. napigil ko ang aking paghinga. bumaba s'ya sa puting corolla. ngiting ngiti s'ya sa akin.

...kanina ka pa namin hinihintay, akala ko 'di ka na sisipot...

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at inabot n'ya ito na para bang nahihiya.

two minutes

hinila n'ya ako sa isang sulok ng garden. kung saan malayo kami sa paningin ng iba pang panauhin.mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa bulaklak.

...kinakabahan ako...

aniya.

...h'wag ka kabahan, ganyan talaga...

pinunasan ko ng panyo ang gilid ng kanyang mukha na tinatagaktakan ng pawis.

three minutes

titig na titig kami sa isa't-isa. magkahawak kami ng kamay. mahina s'yang nagsasalita.

...ito ang araw ng mga araw sa buhay ko...

katahimikan.

four minutes

...dapat maging masaya ka. gusto ko lagi kang masaya...

katahimikan.

muli s'yang ngumiti. muli kaming nagtitigan. dapat ko na bang sabihin sa kanya? dapat nga ba?...

muli kaming nagtitigan.

five minutes

...sampung taon na din tayong magkaibigan, nakakatawa 'no? hindi ko kasi inaasahan na aabot t'yo sa ganito...

six minutes

...oo nga, akala ko noon, magiging isang pangarap lang ang lahat...

...pagkatapos nito, magiging isang pamilya na lang t'yo. ang magulang mo ay magiging magulang ko na 'din. ang mga kapatid mo, magiging kapatid ko na 'din...

seven minutes

...iyon naman talaga ang gusto ko mula umpisa, mula pa noong unang araw na nakilala kita...

ngumiti s'yang muli sa akin. hinaplos n'ya ang aking pisngi. batid kong may nais s'yang sabihin ngunit nanatiling tahimik ang kanyang bibig.

eight minutes

hinagkan n'ya ang kamay ko.

matagal na katahimikan.

nine minutes

...ito ang pangarap natin, ang maibigay ko sa iyo ang apelyido ko...

ngumiti s'ya.

ten minutes

...at manalaytay naman sa ugat ng mga magiging anak ko ang dugo mo. malamang, magiging kamukha mo ang first baby ko...

nagyakap kami. hinagkan n'ya ako sa pisngi.

twelve minutes

lumuha s'ya. lumuha ako. nanatili kaming magkayakap.

thirteen minutes

saglit na panahon na lamang nang pagkurap ng mata. saglit na panahon...

dapat nga ba akong tumakbo?

tumakas habang buhay?

o harapin ang lahat?

fourteen minutes

ilang sandali na lamang upang pagmasdan ko s'ya sa mukha. ilang sandaling pagbulong sa kanyang pangalan.

fifteen minutes

mga minutong kapiling ko s'ya. mga minutong papasanin ko ang pagdurusa.

sixteen minutes

mga minutong alam kong akin s'ya. mga minutong nakatitig ako sa kanyang mga mata...

seventeen minutes

...umalis t'yo, lumayo t'yo, iwan natin ang mundo...

marahan akong umiling.

...hindi maaari...

eighteen minutes

...nandito lamang ako sa tabi mo hanggang sa pagtanda natin...

nineteen minutes

ilang sandali na lamang upang baguhin ang aming buhay. ilang sandali... napakaiksi. pwede kaming mabigo, pwede kaming manalo...

twenty minutes

nauubusan na ako ng oras. pabilis ng pabilis ang pagtakbo ng orasan. umiikot ng umiikot ang mundo.

twenty one minutes

tinawag s'ya ni mama. malapit na palang magsimula ang lahat. nagbitiw kami sa pagkakayakap.

twenty two minutes

inayos n'ya ang kanyang damit. pinunasan ko ng aking daliri ang luha sa kanyang mata.

twenty three minutes

saglit n'ya akong tinitigan, ikinawit n'ya ang kanyang braso sa aking batok at inilapit ang kanyang labi sa aking taynga. mahina s'yang bumulong.

...mahal kita...

twenty four minutes

tumalikod na s'ya at lumapit kina mama at papa at sa mga magulang n'ya.

twenty five minutes

...itakas mo s'ya...ilayo mo s'ya...dahil mahal ka n'ya...dahil mahal mo s'ya!...

...hindi maaari!...

twenty six minutes

tumugtog ang piano. ito ang pangarap namin noon pa man, Garden wedding. amin ang pangarap na iyon. sa amin lamang dalawa.

magsisimula na...

malapit na malapit na...

twenty seven minutes

tinawag ako ni papa. pumuwesto na daw ako at magsisimula na ang entourage. kailangan kong gampanan ang aking papel. mamya, ako ang magpapapirma ng marriage contract at kailangang nasa tabi n'ya ako.

ngumiti ako kahit sa loob ko ay para akong dinudurog.

twenty eight minutes

hindi ko na maiwasang h'wag maluha habang pinagmamasdan ko s'yang naglalakad sa aisle na dinekorasyunan ng mga rose petals. nakatingin s'ya sa akin, at nang malapit na s'ya...

twenty nine minutes

inabot n'ya ang kamay ni kuya jonas at inalalayan s'ya palapit sa santwaryo ng kanilang mga pangako.

thirty minutes

at pinanood ko ang pag-iisang dibdib ng aking kapatid at ng nag-iisang babaeng aking iniibig...

...Goodbye my love...

 

ArdnassaK

ako daw ay dog magnet


Yiennarda's picture

Sh**...  ang

Sh**...  ang sakit.... 

torment...... 

torture....

madness...

 

galing sinta, nawasak mo na naman ang durog durog na ngang puso ko...  waaaahhhhh!

             http://wattuduyanie.blogspot.com/

             -an empty bucket

keira's picture

dog magnet! hahahaha

 

God, I laughed so hard with your joke. well, is that supposed to be a joke?

*bows to your awesomeness*

a very typical filipino kagaguhan.

out of lane ata ang comment ko, malungkot kasi yung story, pero after ko ma sad sad, when I read your bio, wow, bigla ako natawa talaga.

now i realized that i just need to humor myself and  be patient. i'm really an impatient person and this is stressing me out. thanks for making me feel so sad and uhmmmm stupid but funny today.

pero just a little question, 'di ba gawain ng maid of honor ang magpapirma ng marriage contract sa mga sponsor or ninong at ninang? girl ba yung narrator? oh god, My mind is a whirl.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

like a game of pick-up sticks played by fucking lunatics

sinta isaac's picture

...

yun na nga yun, swak na swak. kung ano yung iniisip mo, ayun na yun, kaya nga sabi nung narrator, hindi maaari... LOL!

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

aligaga's picture

huhuhuhuhu

bakit ganyan?

 

 

 

ang galing. nanikip na naman dibdib ko.

 

 

panalo ka pa rin sinta. ang galing.

oh! no! hala

oh! no! hala ka!........hay.......sakit namn nun!.........

 

Astig!

 

Galing nio po tlaga sir! ;) 

Babae

Babae po si sinta. .d po xa bagay tawaging sir. Isa po syang sexy at kaakit-akit na babae. .

Galing. .galing galing. .

                  I bet it makes you laugh, watching me work so hard to reach you

blackwidow's picture

hahahaha

 

hahahahaha tang ina, dog magnet ang gago mo. yan napagkamalan ka tuloy lalaki tinawag kang sir,buti nga pero atleast sinabihan kang magaling. hahahahaha.

goodbye my love.

 

 

ganda ng story, nakakasawang mag comment kasi lagi naman yun ang sinasabi sa post mo, wala na ko ibang maisip na magandang sabihin. ito siguro ang sinasabi mong a very subtle ejaculation of spaces. wahahaha!

the best.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

blackwidow, personal friends kayo?

 

ate, pwede makuha number ni miss sinta and friendster n'ya? mukha kasi kayong personal friends eh, sige na, pareho naman tayong la salle eh...

blackwidow's picture

hay naku

hello? bakit hindi kaya sya ang tanungin mo.

hindi kami magkakilala personally eh, pero we do exchange e-mails,at hindi nya binigay skin ang e-mail ad nya, nakuha ko lang sa mga comment sa isa sa mga post nya,never kaming nag chat dahil tamad syang mag chat so hindi ko din alam ang ym nya, hindi din kami mag ka text dahil never nyang binigay ang number nya sa akin dahil hindi ko din naman hiningi sa kanya at according to her, hindi nya ugali ang basta basta nagbibigay ng contact info nya, at friendster nya? alam ko pero sya na lang tanungin mo. kung gusto mo ask mo si gretta or sangkalupaan kasi sya ang kaibigan talaga ni sinta o kaya si keira, mukha kasing yun ang girlfriend nya eh. chuz. nan tsismis pa ako. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

keira's picture

ha?

 

natawa ako sa sinabi mo blackwidow. muntik na akong ma choke dun. wala ako ma-say.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

like a game of pick-up sticks played by fucking lunatics

blackwidow's picture

ay sorry keira

 

uy joke lang yun ha, don't take it seriously. baka mapikon ka.

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet

sinta isaac's picture

...

may pagka tsismosa ka pala ngayon ko lang nalaman. sira ka talaga, hindi ko nga kilala yang si keira, pag isipan daw ba?

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

keira's picture

kass,

 

may sasabihin akong important sa'yo, PM mo ko pag may time ka. open na ako sa message.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

like a game of pick-up sticks played by fucking lunatics

Naku!!!!!!!!!pasensya nman

Naku!!!!!!!!!pasensya nman po sa pagtawag ko sa inyo ng sir.

 

 

Patawad po.Frown

sinta isaac's picture

...

okay lang blinded, alam ko naman na pagnabasa mo talaga to ang maiisip mo agad lalaki ang gumawa. 

:) 

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

blue_raven80's picture

Kainis!!!!

pambihira namang ending ito!!!

ang sakit naman!!! 

torture!

torment!

tsk tsk tsk!Frown

sinta isaac's picture

...

sa lahat ng mga nagbasa at nag comment, salamat ng marami...

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

Patrickman's picture

yan ang malupit na

yan ang malupit na narration, not giving away the twist until the very last minute. galing!

 

keep it up! 

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com

Hanan's picture

oops...

oops..she did it again,ang husay sinta, thumbs up!.naligaw mo ko ron ah.

 

ingat ka always and God Bless :)

franzsorilla's picture

wow

galing.. ganda ng story saka yung pagkakayari.... medjo nakakahilo nga lang pero ok lang,,,,, maganda yung style na ginamit mo..

 

hehe. wow talaga..

 

<<FrAnZsOrIlLa>>

sinta isaac's picture

...

salamat ng marami at nagustuhan nyo ang kwento kong ito... sa totoo lang tragic ang original na ending nito, pero ginawa ko na lang na simple pero makapunit puso (whew!)

salamat! salamat sa mga nagbasa.

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

aireen's picture

sa una, medyo walang

sa una, medyo walang excitement-- 

para kasing pangkaraniwan lang ang kwento.

pero ang ending heart breaking talaga.. sapul!

maganda rin ang pagkakagamit ng minuto sa buong kwento..

Ano pa ba ang masasabi ko sinta...???

As usual IDOL ka pa din... hehehehe

cheers!

aireen Laughing

sinta isaac's picture

...

salamat aireen...

talagang nakakataba ng puso ang mga comment ninyo.

salamat!

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

kawawa naman

..so sad... ; (

sinta isaac's picture

...

:)

parang napaka effective ata nung sad story na 'to, makagawa nga ulit.

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

Francheska's picture

shitness

ang sad. uber sa kasadan.

sad. sad. sad.

sana marami ka pan ganito.

 amputa! galing! nalamukas

 amputa! galing! nalamukas ko yung mukha ko sa depresyon..  

 nakagat ko ang labi ko sa sakit.

 Ayus.

 

 

 

 

 damhin ang lamig ng simoy ng hangin...

Luca's picture

hay

sinta... cras na kita

 

wag kang pipikit...

sinta isaac's picture

...

Salamat!

:')

...Ang cheap ng smiley ko, 'di kasi pwede ang emoticons.

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

hay talaga

fan mo ako matagal na,as in sobrang tagal na,naiinlab ako sa mga blogs at stories mo. Sana ma meet kita in person,kikiz kita. ↲↲Maxado ako nadadala sa mga sinusulat mo, wish i could be the cure sa loneliness mo.

whoa!!!

How could i missed this one so great and marvelous?
Tear jerky. 
sinta isaac's picture

...

 

Akid,

 

Salamat. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


ramtes08's picture

OMG!bat now kulan nakita to

perfect score ang ibibigay ko dito. . . Ganitong writing style kase ang gusto ko.

Sa mga kwentong katulad nito, ay mas lalo akong nainspire magsulat. At masasabi kulang; na ang FW, ay hindi lang isang site, kundi isang programang nagbibigay ng inspirasyon, at impluwensiya sa ibang tao na nangangarap maging isang manunulat

Someday, ikaw naman ang magbibigay ng perfect score sa'ken.

 

life ends,but love doesn't

sinta isaac's picture

...ramtes

 

Salamat sa pagbabasa.

 

 

Hihintayin ko ang panahon na ikaw naman ang bibigyan ko ng perfect score. Hindi iyon magiging mahirap, maniwala lang t'yo sa kakayahan natin.

 

Salamat muli. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


sinta

 

kami ay isang magkakabarkadang taga state university ng bulacan na mga tagahanga mo. sana naman ay mabasa namin ulit ang mga kwento mo. ang mga kwento mo at tula ang inaabang abangan namin dito sa site na ito at ngayong hindi ka na nagpo post dito eh parang wala na din kameng ganang sumubaybay dito. hinihintay namin ang mga bago mong post at sana ay hindi ka matulad sa ibang magagaling at datihang writer dito na bigla na lang naglaho.

hinahangad namin ang iyong tagumpay sa larangan ng pagsusulat.

mabuhay ka.

 

Jack A. Alvarez's picture

Parang di na kailangan pang banggitin yun.

Bakit ang dami mong ginamit na '...'? Parang nakakaumay tingnan. Pero kung kailangan naman sa akda ay okay lang.

Nagustuhan ko 'to. Wala na akong masasabi pa. Tila naghahabol din ako ng oras para malaman kung ano ang susunod na mangyayari. Sa paggamit mo ng minutes-minutes epek, isang mabisang technique para masabik ang reader. Kahit limitado ang iyong mga saknong, di ako naboring at di ako nabitin. Maayos ang pagkakalahad ng buong kuwento.

Yung sa ending lang. Parang di na kailangan pang banggitin yung

...Goodbye my love...

Hayaan mong ang mga mambabasa na ang magbigay ng kanilang sariling interpretasyon doon sa eksena.

 

 

http://jackofspades01.multiply.com/