Tinga ni Dyeppri
Tinga
ni: dyeppri
ano ba ang aking halaga?
buong maghapon
magkasama`
tayong dalawa
sa iyong paghikbi at pagtawa
lahat ng iyong kakilala
ako ang nakikita
pilitin mo man
na ako’y mawala`
asahan mo
isi-sik-sik ko pa rin
ang aking sarili
sa iba man ako’y kawawa`
mahal kita
wala akong magawa
ito lamang siguro ang silbi ko
ang maging palamuti sa’yo
Hehehe
Nagsenti kasi ako noong isang gabi matapos ang pagpapalitan ng maa-anghang na salita sa aking kabiyak... Yan ang lumabas>>> witty naman sa palagay ko kaya na-post ko. Hehehe... (ayan pa nga ang tinga sa ngipen ko...waaah! ayaw matangal eh. Baka matulungan mo ako sa spike mo!)
Medyo patago pa din naman (kaso nga medyo hayag pa din sabi ng mga kainuman ko sa kabila)!!! At least!
Double meaning pa din naman.
Tnx n mdmi!!!
...........................................................
mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...
Sabi na nga ba eh!!
Oo naman witty naman ang iyong ginawa, teka anong patago, eh nakita ko nga eh, tago ba yun!Hahaha!! Nalinlang mo lang kami siguro sa title pero bunyag ang kaisapan, pwede na ngang hindi na intindihin yung title kasi alam mo na agad ang gusto mong ipahatid.
Tungkol naman sa tinga mo, hindi talaga maiiwasan na may kumapit dyan sa ngipin kasi kasama ito sa pagkain mo eh, kahit gaano ka pa kalinis kumain tyak may tinga at tinga pa ring kakapit dyan, pero kaya nga may toothpick eh para maalis at hindi tuluyang makasira ng ipin. So nasasaiyo na lang yun kung iluluwa mo at idura na lang, pero I suggest na kainin mo na lang ulit, namnamin at gawing parte ng katawan mo, kahit tinga yun may sustansya pa rin namang makukuha dito. (Pre may tagong mensahe yan siguro naman alam mo yun)
Paano ka dyeppri ingat na lang,
SpIkE
senti to the max
maikli ngunit makahulugan... parang bago ata sa image mo kuya ang ganitong sulatin.. enewei.. i like the sentimyento... martir??? parang ganon ang tingin ko... akalain nyo na habang binabasa ko ito ay ang background music ko ay "your guardian angel"
NP: ...My true love, my whole heart... please don't throw it away... coz I'm here for you, please don't walk away and please tell me you'll stay...
Ikaw na kuya ang bahalang bumirit...
best regards,
melay
Ha ha ha ha ha!
Sabi ko na nga ba eh! pagkabasa palang naisip ko na agad na sigurado may LQ he he he he. hay ayan na bumibigay kana kuya dyippri, masyado kana nagiging malambot at emotional.... ganun talaga minsan ang buhay nagiging palamuti lang tayo kung hindi man nagiging martir... aba ibang hinirasyun na tayo kuya, dati binabaril ang martir ngayun binibitay na. jokes!!!
Akalain mong kahit ipag sik-si-kan mo ang iyong sarili wag lang siya mawala sayo. he he he nakakatuwa simple pero may dating...
Aprub ang pagiging senti mo nung isang araw....... basta kuya huwag lang aabot sa punto na maging TAKUSA ka ha!. he he he hay sarap siguro feeling kung asawa mo eh member sa TAKUSA GANG!
GOD BLESS YOU & YOUR FAMILY!






Naku akala ko ba, ayaw mo ng
Naku akala ko ba, ayaw mo ng mga hayag na kaisipan? Eh heto medyo lantad eh!! Kahit sabihin natin gumamit ka ng metaphor pero huli pa rin ang simpleng kaisipan,pero kung meron ka pang ikunukubli mensahe dyan, eh nasa iyo yun, pero all in all nakuha ko naman agad ang gusto mong sabihin.
Maigsi pero okay lang, kumabaga para lang salawikain o kaya slogan, yung tipong ilang linya lang pero alam mo naman ang gustong ipahayag.
Maganda rin naman ang mahaba bagamat kahit batid mo na yung mensahe, binabasa mo pa rin kasi sa mga sayaw ng mga salita ng tula. Mga katagang masasarap basahin at mga salitang nakakakaliw o nakakagiliw at hindi lang dahil sa mensahe (pero syempre mahalaga yun). Kumbaga sa pelikula kahit alam mo na yung kwento pinapanood mo pa rin kasi maganda ang setting at ang artista, o di kaya nakakaaliw lang talaga. Subalit, hindi naman masyadong mahaba na makakawala ng interes ng mambasabasa kundi lawakan mo pa at dadagdagan pa ng taludtod para lalong nakaaaliw at nakakaenganyong basahin o di kaya dagdagan pa ng rekado, kabitinan o pagpapaliwanag.
Subalit sa kabuuan ay maayos mo namang naipahatid ang mensahe.
Ingat
SpIkE