Tinig ng isang Anghel
Isang gabing kamunduhan
Sa pagitan ng dalawang nilalang
Binuo nila ang kawalang muwang
Na dulot lamang ng kabihasnan
Pinunit ng lalaki
Ang kinabukasan ng babae
Sapagkat ito ay nagpaubaya naman
Ninamnam nila ang tamis ng bawal
Isang gabing hindi maliwanag ang bukas
Basta bahala lamang ang naisambit nila
Pagkat mahal daw nila ang isa’t isa
Ang pag-ibig ay hindi hangal
Sa paglipas ng araw
Ay maraming ng nag-iba
Ang tamis ng kanilang pagmamahalan
Katulad na ng pulot na napag-iwanan
Ang di niya namalayan may anghel na sa kanyang sinapupunan
Pagkat sa batang tulad niya
Walang muwang sa laban ng buhay
Sa puso niya ay may takot rin
Sa sumbat ng Ama’t Ina niya
Sa puna ng kaibigan at paaralan niya
Sa pintas ng taong walang alam sa laban niya
Ang anghel sa kanyang sinapupunan
Ay inalinsa niya
Di man kayang tanggapin
Ngunit pinilit niya
Ang anghel na pinagkaitan niya
Nang buhay sa mundong ito
Nang paningin sa kagandahan nito
Saka niya narinig ang tinig ng anghel
Sa pandinig niya ay bumibingi
May sumbat na himig ang awit nito
Ngunit wala siyang magagawa
Pagkat pagkakamali’y nagawa na niya

