Tinimbang ko ngunit kulang
kahapon ng umaga pagising ko diretso ako ng kubeta, bubuksan ang gripo at sabay buhos ng tubig 'whooosh put@*#$ ang lamig!" (yan ang madalas kong ritwal sa umaga). Tapos kukuha ako ng paborito kong shampoo ('di ko na sasabihin kasi magiging product endorser na dating ko). Medyo nagulat ako sa paborito kong shampoo kasi naiba yung kulay at lumaki. Sabi dito 30 persent more! WoW naka tipit kami! akalain mo yun may libre din pala sa hirap ng buhay ngayon... Subalit hindi dyan nagtatapos ang kwento ko. Kasi naghihinala pa rin ako (Tamang hinala kasi ako nung araw na 'yun) kinuha ko yung dating lalagyanan kinumpara ko yung laman ng luma at laman ng bago. Alam mo ba kung ano nalaman ko? (sumagot ka ng "ano?" para maganda usapan natin). "Ano?" eh di parehas lang ang laman ng bago at luma. Walang hiya yan!. Lumaki lang ang lalagyanan at nadagdagan ng babaeng modelo na mas maganda kesa sa dati (pero mas malaki yung sakop ng buhok kesa sa mukha ng babae). Hindi lang yan, tinanong ko din ang nanay ko kung magkano ang bili sa bagong paborito kong shampoo (sumagot ka naman ng "magkano?"). "Makano?" mas mahal ng dalawang piso kesa dati kasi daw may "30 persent more" anak ng tinapa! nagdadag tayo para sa lalagyan?. Bwiset talaga naloko at ninakawan nanaman tayo ng mga punyetang bisnesman na yan ok lang sana kung mahihirap maiintindihan ko pa. Dito sa pilipinas yung mga mayayaman at makapangyarihan ang syang magnanakaw at manloloko! ang mayayaman lalong yumayaman ang mahihirap patuloy na niloloko ngunit walang magawa (dayain ka ba naman sa pamamagitan ng mga produktong kailang mo tulad ng pagkain at gamit sa pangaraw-araw). Wala na talaga! masyado na kurap, maitim ang budhi, kili-kili singit at kuyukot ng mga taong ito..... Kaya ako? bibili parin at gagamitin parin ang paborito kong shampoo kasi nga paborito ko eh! at wala na akong magagawa. Kung pwede lang pigain yung lalagyanan eh gagawin ko para lang masulit ko! ayaw mapiga eh! nasugatan lang ako...bye! uuwi nako!
maraming TY
TYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTYTY
Madaming TY po yan!
salamat sir, napaligaya mko sa reply mo... kaw ang kauna-unahang nagreply sa akin! di man po ako isang manunulat pero nagnanais maging.
Ayon sa aking opinion
Napag-aralan namin ang mga strategies na iyan noong college pa ako sa Ethics class namin… ang tawag daw diyan ay deceiving product strategy . Iyon tipong babaguhin ang packaging tapos lalagyan nila ng 20% more o kung anu-ano pang idinagdag daw kahit wala naman. Eching lang. Bakit nila ginagawa iyon? Promotion…marketing strategy…sa hirap kasi ng buhay ngayon, ang gusto ng lahat ay makatipid. Eh alam mo naman ang tao ‘pag nahagip ng mata ang salitang “sale” “discount” at “off”, parang biglang may bombilyang magliliwanag sa ulo nila. Ting!
Marami pa ‘yon eh…tama si kuya spike… ang 99.99 at 100..anong pinagkaiba? .01… anong silbi ng .01? wala namang magsusukli sa ‘yo ng 1 centavo! Deceiving price naman ang tawag do’n. Kasi nga naman, mas maganda tingnan ang 99.99 kaysa 100, mukhang mas mura pero pareho lang sila. Deceiving… niloloko lang ang tao o mas magandang sabihin, ginogoyo lang ang tao.
Legal ba ito o hindi? According sa ethics, wala namang masama sa mga companies na gumagawa nito…parte talaga siya ng kalakaran ng negosyo. Kung di ka nga daw tuso, di ka aasenso!
pero para sa akin... asar pa rin kasi nagbayad ka ng tama sa isang bagay na kulang pala...
Best regards,
melay
hahahahaha... ganyan tlga
hahahahaha... ganyan tlga orthochild.. khit nga sa mga sale ganyan din.. sbihin nila 50-70% pero d naman yun totoo...
Naaliw ako sa kwento mo... nyahahahahahaha





Nice!!
Alam mo iyan ang tinatawag na marketing strategies. Hindi naman panloloko but more on paggamit ng psychology. Tulad sa department store ang nakalagay sa tag ay P99.59 tapos ang nakalagay sa kabila ay P100 ano s ating mo ang mas mura. Syempre yung P99.59 na alam mo naman na pagnagbigay ka ng isandaan ay di ka naman susuklian so P100 din. Hindi na rin uso ang P99.99 o yung may point 99 sa huli kasi ayon sa psychology naging mautak na ang tao ngayon nagroround off na. Kaya yung point 5 effective yun kasi sa iba round off pa rin yun sa mababa. Naku marami pa yan, ang dami kong alam dyan (Nasa marketing industry po kami eh, kaya marami akong alam dyan).
Totoo naman ang nakalagay na 30% more......more hangin sa loob ng sachet, and more laki ng sachet.
Ngayon, wala ng mura sa mundo kundi yung salitang put@#%, gago, sira ulo at yung salitang MURA mismo. Kaya nga maging wais tayo katulad ni Lumen (hay naku strategy din yan).
Heto ang helpful Tips
Sa paliligo gumamit na lang ng bulaklak ng gumamela(yung ginagawang palobo) imbes na shampoo. Singbula pero di singmahal. Sa paligo, maligo ng nakasuot ang damit tapos gumamit ng sabong panlaba sa ganung paraan ay nakakaligo ka naglalaba ka pa, kuskusin ang damit tulad ng pagkuskos mo ng libag sa katawan mo. Ipunin ang tubig, mas magandang maligo sa batya o malaking palanggana. Yung naipon tubig galing sa paglalaba/paliligo, itabi ang 1/3 at ipanghilamos mamaya bago matulog, yung 1/3 ipandilig sa gumamela para mamulaklak din at yung 1/3 pwedeng pampaligo ng baboy. Hindi ba nakapahelpful nito. Hahahaha!!
Joking aside, maganda ang pagdedeliver ng kwento light kaya madaling nakuha ng mamababasa. Ipapagpatuloy mo lang ang maganda simulain at huwag kalimutan ang lagda ng magulang ( Report card???)
Ingat
Spike