tinta
bakit nanghihinayang ako?
sa dumi ng tinta sa iyong baro
nagkalat-kalat ang itim
sa kanina lang puti mong kwelyo.
bakit gusto kong linisin
ang mga papel na buringisin
na tangan mo sa mesa
simula umaga 'gang takipsilim?
bakit kasi ako ang maayos
sa magulo mong mundo
at ako ang tuwid
sa baliko mong isip.
ngunit di ko maikakaila
na sa iyong tula, napaibig.
kahit walang kanin ang maabot
sa aking bibig.
at kahit magkagula-gulanit
ang kwarto mong maliit
sa pagsusulat ng mga musa ng pag-ibig
dahil doon may hininga ka, may tinatagumpay pilit
kaya't isasalansan ko pa rin
mga papel na tangan ang iyong obra
tatanggalin ang patak ng tinta sa damit
ngunit hinding hindi ang tinta ng iyong pag-asa
na bukas makalawa
malilimbag sila
at mapapasaiyo rin ang Palanca.
ahahaha. nananaginip lang ng
ahahaha. nananaginip lang ng mga tauhan sa aking malikot na isip. ahahaha
kaso ate, maka-tide ako hehehe.
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
wow
wow! wow! wow!
ayos na ayos, pasok ka sa banga talulot!
uwi ko muna ang kopya...
palanca?
naisip ko lang, bakit hanggang ngayon eh wala pa silang post hinggil sa 2009 gawad palanca.
tagni!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
uu
iyong paligsahan pa lang ng maningning miclat foundation ang meron eh...
kopya ng ano ang iuuwi mo?
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
?
ang palanca ay mananatili na lamang pangarap para sa iba.
pangarap kahit na mapasa
pangarap kahit na mapasa rurok pa man
nung mataas na ulap na tinatanaw
walang pasubaling kayang magagap
buong loob lamang ang ating kailangan
salamat may tulad mong nakauunawa
sa tulay na binubuo ng manggagawang makata
na nakakakita ng walang maliw na ligaya
sa likod ng dilim naroroon ang laya
sarap siguro makapag asawa ng makata ano?? hehehe
tula ng tula sabi ni tata!





yo, sani!
isang makatang umiibig sa isa pang makata... hmm!
mahirap tanggalin
ang tintang sa dugo nanggaling...
mahirap hanapin, burahin
ang bersong nalilihim...
yehey!
sis, maganda ang tula. puno ng pangarap at pag-asa. :) btw, puwede ka ring gumamit ng ariel (teka, kasal na ba kayo at ipinaglalaba mo na siya?!)
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*