Tips sa Pagpapayat (Siryus to!!)

spike_west's picture

Nung isang buwan halos lumubo ako at halos magsingkatawan na kami ni Yogi Bear dahil sa katabaan. Marami na ang nakakapansin na halos maging dalawa na ang baba ko. Kaya medyo nakonsyus naman ako ng konti. Naalala ko tuloy ang masasakit na pananalita ang aking eks gelpren noon, na ako daw ay mukhang “SEBONG NAGLALAKAD” at “LITSON MAY DALAWANG PAA” (et rele horts Koya Ede), dahil doon pinakulam ko sya este nagsumikap na akong magpapayat ng sobra at mag-gym.

Ngayon nauulit na ang senaryo na yun, kasi nakita ko ang sarili kong mukhang nakalulon ng pakwan sa laki ng tyan at mukhang may 4 na anak na! Kaya naman balik ako sa pag-eexercise at pagdidiet. Medyo nakatulong ang halos araw araw na pagjojogging at pagkain ng prutas kada gabi kaya balik uli ako sa katawang pangmodel (kapal ng mukha!!!hahaha!)

Kaya kung gusto nyo ba ng instant pagpapayat heto ang aking mga tips sa pagpapayat:

1. Wag gugutumin ang sarili. Kontian lang ang servings ng pagkain mo (liitan din ang plato para magoyo  ang sarili mo na marami na ang pagkain mo sa plato). Kung ginugutom ka kumain pero konti lang. Kada subo ng pagkain isang baso ng tubig ang katumbas (ice tea kung sosyal ka) para madali kang mabusog

2. Wag tiisin ang sarili. Okay lang kumain ng ice cream , chocolate at kung ano ano pang gusto mo paminsan minsan, ang mahalaga konti lang. At pag natikman na tigilan na ang paglamon, wag kang pasaway. Kasi ang iba tinitiis kainin ito pero nung hindi na kayang pigilin ang sarili akala mo namang hayok na hayok sa pagkain. Kaya balik mataba uli at tatamarin na!. Kaya mahalagang walang tinitiis na pagkain.

3. Mag-exercise. Sa umpisa lang yan mahirap, pero habang sumasakit ang katawan mo isipin na umeepekto na ang exercise mo. Kaya ito ang pampadagdag motibasyon mo. Mag set ng oras kung kelan ka mag-eexercise. Maglagay ng salamin sa harap para nakikita mo ang sarili mo at gawing libangan ang pagpapakyut sa salamin para masaya. Ngayon kung hindi ka nakyukyutan sa sarili mo, eh di ko na problema yun. "Face your problem, but what will you do if the problem is your face"

4. Tubig , juice o ice tea kapalit ang softdrink. Malakas kasi magpataba ang softdrink. Uminom ng maraming tubig kahit mabondat ka sa tubig gawin mo yun. Kahit magmukha kang buteteng laot sa Ilog Pasig, okay lang yan, makalipas ang ilang minuto babalik din yan sa dati. Ngayon kung mukhang buteteng laot ka pa rin, bakit di mo subukang tumira malapit sa Ilog Pasig? (Eh suggestion lang naman!!)

5. Prutas kapalit ang junk food. Medyo ngayon ko pa lang din sinisimulan ito, so far medyo epektib naman talaga. Prutas lang din ang kainin mo after six (hindi sex ha) after six P.M. Okay lang na mabusog ka sa prutas kasi di naman yun nakkakataba. Pero kung gusto mo talaga  ng may makukutkot bakit di mo subukang kutkutin ang sugat mo!hahaha! Joke lang! pop corn na lang pero wag damihan ang asin.

Subakan ang 5 easy steps na ito sa loob ng 2 linggo. Pag nalampasan mo na ang 2 linggo tyak magiging parte na ito ng lifestyle mo at papayat ka na rin. Maniwala ka sa akin papayat ka rin. Ngayon kung hindi ka pumayat sa five easy steps ko na yan tyak dinaya mo ang tips na ito. Mandaraya ka pala eh! At dahil mandaraya ka..................hindi na kita bate!!Isusumbong kita sa nanay ko!huhuhuhu!

Isipin na hindi lang pamapagwapo o pampaganda ang pagpapayat (lalo na kung di ka naman talaga gwapo o maganda) ang totoong epekto nito ay nakakabuti ito sa ating kalusugan (sa iba baligtad sekondaryo lang ang mabuting kalusugan at number sa kanila ang papagwapo/pampaganda pero wala tayong magagawa dyan trip nila yun, walang pakialamanan ng trip)

Wag mong isipin na pwedeng makuha ito sa madalian, lalo na sa larangan ng cosmetic surgery. Wag isipin na makukuha ito sa liposuction lalo na’t wala ka namang pera. Intayin mo na lang ang “kaluluwa transplant”, at least pwede kang mamili kung kaninong katawan ang gusto mo.

Basta pangalagaan ang sarili dahil walang mag-aalaga sa iyo kundi sarili mo lang. Wag ka ngang pabeybi! Malaki ka na at bilog na utot mo kaya pangalagaan ang sarili.
Tandaan "Health is Wealth", ang kalusugan ay kayamanan. Kumbaga aanhin mo ang kayamanan kung wala kang  kalusugan? (Eh di pambibili ko na lang ng iphone at laptop ) 

Ingat
P.S
Hindi po ako yung piktyur na nasa taas nakuha ko lang yan sa internet!! At sadyang  lukot lang yung damit ng bata!hahahha!!

Rhea Stone's picture

!

spike_west wrote:

Pero kung gusto mo talaga  ng may makukutkot bakit di mo subukang kutkutin ang sugat mo!

http://reyastone.blogspot.com/

 

Pahamak ka, Spike! Nandito ngayon ang boss ko sa harap ko nang binasa ko ang post mo, hindi ko napigilang tumawa nang mabasa ko ang part na nasa itaas.

 

Hanuba?!?

 

Grabe! Master ka talaga ng kalokohang may kabuluhan...

 

 

spike_west's picture

Hahaha, MEGANUN!

Huli ka! hehehhe

 

Pag tinanong ka  ng boss mo kung bakit ka tumatawa bigla bigla. Sabihin mo "ang cute mo pala Sir" Ngayon makakalimutan na nya ang insidente at mabobola mo pa sa sya.

Tapos bumulong ka sa sarili mo  "Aso ko rin cute!!", hehhehe

Ingat

Spike

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

dagdag tips lang

dagdag tip ko lang spike: para epektibong pumayat kaagad yung tipong 10 pounds a day ang bawas uminom ng tubig galing sa ilog pasig. isang baso lang pwede na.

pag nagka diarrhoea ka siguradong papayat ka instantly. ilalabas mo lahat ng laman ng sistema mo minu-minuto walang exception  pati segundo.

gawin ito isang beses lang maghapon at siguraduhing katabi mo ang banyo.

Additional Tips:

 

  • gumamit ng tubig at wag tissue paper masusugat kasi ang pwet mo sa palagiang pagpahid nito.
  • maghugas din ng maigi ng kamay matapos tumae--para healthy.
  • magsuot din ng di-garter na salawal para madali ang pagbaba nito kung sakaling humilab ang tiyan.
  • stay indoors.  
  • okey lang kumain, kahit marami kasi maya-maya mo naman itong ilalabas e.
  • wag magpagamit ng banyo sa iba, gawing exclusive lang sa iyo ang inidoro (kakailanganin mo ito)
  • para sa mga walang banyo--pwede na ang plastik na supot
Kung gusto namang may kahalong exercise ang pagpapayat, mangyari lang na lumayo ng mga 1 kilometro sa banyo. once na sumumpong ang sakit ng tiyan, tumakbo agad na parang nagja-jogging papuntang banyo (syempre with a smile) magandang motivation ang paghilab ng tiyan upang tumakbo ng mabilis, nakakaliit ng tiyan ang exercise na ito.
 
sana makatulong.

 

 

KarikaTuura

dyeppri's picture

Bro...isang lang ang epektib na pampapayat ang alam ko-

PLASTER- itapal mo sa bibig mo para di mo magawang kumain. kung di pa rin makontrol ay plasteran mo na rin ang mga kamay mo at igapos ang sarili sa poste.heheheLaughing 

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

spike_west's picture

HEhehhe

@Kuya Rom,

Mukhang marami kang suggestion sa pagpapayat ah, hayaan mo icocompile natin yan at gagawin natin libro. Tiyak bestseller yan!hahahah!

Ayaw mo nung hindi lang basta ka papayat may sakit ka pa. 

 

@Dyepri

Bat hindi na lang natin putulin ang kamay,heheh! Yung bibig tahiin na lang! Hahaha MORBID ata yun!

 

Salamat sa Suggestion nyong dalawa

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Hanan's picture

baka naman....

sa ospital ang deretso ko nyan at madiagnose na may salmonella or may amoebasis.

yong technique ko nong high school, naglalagay ako ng spandex na mga belts tapos minimal lang ang sweets intake.ang kagandahan sa spandex,namamaintain niya ang curves mo kahit medyo maggain ka ng bilbil.may korte ka pa rin. naging advantage rin ang mga garrison belts nong high school kasi yon, sinisikipan ko talaga.siyempre, bawas na sa pagkain yon.sana magawa ko ulit yon.medyo naggain  na rin kasi ako.

spike_west's picture

Ibig bang sabihin nyan.....

Ibig bang sabihin nyang Hanan, may curve ang katawan mo?Wow seksi! Yung pagsisikip ng sinturon parang di ata maganda kasi baka di ka na makahinga sa di na kumportable sa pakiramdam, pero sabagay sanayan lang! 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Hanan's picture

hahaha...meganun....

eventually ang mga primitive nang gumagamit ng technique na yan ay yong mga tiyahin ko. nauso kasi ang classic technique na yan nong mga 1970's highschool sila noon.sabi nga nila talaga raw pa liitan ng balakang talaga. payo rin ng dad ko.napansin ko kasi ang pagbabago nong ma-try ko siya nong mga 4th year ako.kahit mag-gained nga,may korte parin siya.kailangan ko kasi magpapayat para hindi mahirapan sa hagdan ng school,my God naman kasi, classroom namin, asa 3rd floor pa at asa dulo. grabe, maganda ka sa 1st floor ka,pagdating mo sa classroom mo."da" ka na lang ang sasabihin sayo.

ang mali ko lang talaga ay yong magcrash diet ako.later on mo kasi mararamdaman ang epekto non sa sarili mo.peptic ulcer ang abutin mo.medyo nag gain na rin ako. medyo nabawasan na ang curves nga eh. pero i'll use that technique again.para bumawi.hehehehe.....

aireen's picture

NIce! nice! nice

NIce! nice! nice post!

 

sige kua spikey gagawin ko yan.. hehehehe

 

cheers!Wink

spike_west's picture

Di na kailangan

Seksing seksi ka na kaya di mo na kailangan to!

Pero, kung tatanggalin nyo talaga ang kalokohan sa mga tips ko na yun, ito talaga ang nakatulong sa akin para pumayat. Medyo kunin mo na lang yung naka-bold o yung first sentence sa bawat number.

Serious naman talaga ito, medyo dinagdagan ko lang ng kalokohan!hahahha  

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

lumawig_jacinto's picture

hehehe

magtatanong lang po...pampataba po may alam kayo??? heee:D

"manatili ka sa aking mga paningin" - lumawig_jacinto

spike_west's picture

Kumain ka lang ng kumain

Kumain ka lang ng kumain tataba ka, samahan mo ng softdrink kada kain mo tapos kain lagi ng junk food within 2 months mataba ka na.

Hehhe siguro saw ka ng maging seksi,hahahha 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

lumawig_jacinto's picture

naku po!

nyak! hehe...sa totoo lang di ko pa nararanasan tumaba, mmm...di kasi ako umiinom ng kahit n anong carbonated o anomang inumin na may caffeine o kumakain ng junk foods...malakas naman akong kumain, nag-eexercise din, nutritious foods naman kinakain ko pero wala pa ring silbi, di pa rin ako manaba. minsan tuloy naiisip ko baka hyper na ang thyroid ko (uwaaa, wag naman po!.

"manatili ka sa aking mga paningin" - lumawig_jacinto

spike_west's picture

Yun naman pala eh

Alam ko na kung bakit di ka tumataba, kasi kumain ka ng nutritious food. Dapat yung hindi masustansyang pagkain. wag ding mag-eexercise, subukang matulog maghapon at manood ng tv sabay kain ng potato chips. Uminom lagi ng softdrinks, at laging pumapak ng chitcharon. Iutos ang lahat ng gawain sa kapatid (o sa katulong) limitahan ang paggalaw.

Sundin mo ang mga tips na yan tyak tataba ka (yun nga lang iikli naman buhay mo)

Ingat

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Yiennarda's picture

Ginawa ko na to...  Waa

Ginawa ko na to...  Waa epek...  Almusal ko nga marshmallow sabay chocolate drink...  for 2 months...  nasira lang ngipin ko haaay!

 

 

Suggest ka pa ng iba doc! 

 

 

(Wag lang magpapabuntis huh?  hahahah!)

 

 

     

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

spike_west's picture

Ahhh

Bat di mo subukang magpurga?hahah! Baka naman puro bulate yang tyan mo Yien, kaya hindi ka tumataba. May kashare ka kasi eh!

Minsan kasi nasa genes daw yan, kung nasa genes nyo ang pagiging seksi, eh isa kang pinagpala. Ngayon kung talagang gusto mong umiba sa genes na ito eh subukan mo yung huling choice..... intayin yung "KALULUWA TRANSPLANT".

Atat na ata na ako dyan eh, kinontak ko na si Brad Pitt pumayag na syang magkipagpalit sa akin!

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Hanan's picture

desperate procedure na yan spike,

desperate procedure na yan para hindi na gumastos sa doktor.hehehehe...

Yiennarda's picture

Anaconda??

Malamang nga meron ako nun...  Sige makalaklak na nga rin ng combantrin ng mga junakis ko...

Kaluluwa transplant...  Sigurado ka pumayag na si Brad???  

Hmmm, makontak na nga si Angelina...  hahahaha, kala mo makakatakas ka sakin hah!!!

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

spike_west's picture

Oo yien

Napapayag ko na si Brad Pitt medyo lugi nga ako ng konti. Pero hayaan ko na!

Si "Angelina" bang sinasabi mo yung inaalagaan ni YAYA at laging nagsasabi ng "Yaya, you're such a LOSER". Pwede yien!!hahahah  

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

lumawig_jacinto's picture

naku naman...

hays... kakainis din, minsan tuloy feeling ko isnumpa ako ng mga pagkain, kasi ayaw nila akong patabain (uwaaaaa!!!), nakakainis, nakakainis, nakakainis!!!!!!

nakakainis! hays...

"manatili ka sa aking mga paningin" - lumawig_jacinto

Luca's picture

pigilan niyo ko...

masasaktan ko tong babeng to...

pwede lumawig jacinto, walang sakitan ng feelings?!?!?

 

charot... di kita inaaway. arte lang yun.

mejo slight na nagiging fluffy na kasi ako. hindi na ako balingkinitan gaya ng dati.

 

kulang sa gymnastics. :)

wag kang pipikit...

lumawig_jacinto's picture

hahahaha

huwaaaag!!!!!!

mmm teka...panung... ibig mong sabihin "maaaring" kapareho mo ako noon???? tapos biglang...mahusay 'yon, binabati kita LUCA! alam mo kasi nabuburyang na talaga ako sa katawan kong manipis,o talaga lang yatang masaklap ang tadhana dahil sa iba ata napupunta yung tabang dapat ay saken. wala sa biro, gym n lang di ko nasusubak para mag-gain ng weight, eh sus mariosep!gastos na wala pa akong panahon, ang alam alam ko eh maghapong tumunganga at lumamon kahit di nagugutom...

"manatili ka sa aking mga paningin" - lumawig_jacinto

spikey

mukhang umeepekto na ang advise mo hahahahha!!!

 

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

spike_west's picture

Umeepekto na sa iyo Sani Orange

Sinunod mo ba at umeepekto na ba?hehehhe Pagkatapos mong pumayat nyan magiging baliw ka na rin tulad ko!hehhehe

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

nakow-- preparation

nakow-- preparation samidterms baliw na agad kami dito eh hehehe... ahahaha...

 

pero sana nga pumayat ako.. kailangan kasi heheheh.. not my choice ahahaha.....

 

uy wag ka na masyado kumain ng mani heheh

 

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

Luca's picture

Lu...

unfortunately, hindi ako sa otap pinaglihi.

Mesomorphic talaga ako. Yung mga kapatid ko majujuba. pero umabot sa time na 105lbs lang ako kasi nagpaka-bulimic ako. hehehe. nung mapayat ako, kahit anong gawin ko hindi ako agad tumataba.

tapos pinalamon ako nang pinalamon ng mommy ng ex-jowa ko. (five full meals a day) ngayon naman kahit anong ginagawa ko, hindi na ako pumapayat.

try mong mag-whey protein.

try mo rin magbuntis.

kung ayaw mo naman... at least try. 

wag kang pipikit...

lumawig_jacinto's picture

mariosep!!!

hahaha! cge salamat na lang luca.. hehehe, mukhang malupit-lupit ata yang advise mo n yan, dehins kakayanin ng powers ko yan , hahaha!

hard boiled egg thrice a week with milk every morning (haha, parang elem), lean meat and organ meats na-try ko na rin, matakaw ako sa kanin pramis, fruits vegies ganun din, bread, potatoes and sweet potatoes lahat halos ng mtaas sa carb nasubukan ko na, mapa-pasta man yan o kahit anong na-coconvert into carb, halos isang taon din akong kain-tulog kasi nga tambay pa ak nun, pero wala din...isa n lang di ko pa natatry inumin... "APPETON" (waaaa!!!!)

nurse din ako pero di malaman diet appropriate sakin kaya sa mga turo lang ako nakikinig, pero suko na rin ata ako...bahala na (hekhek)

"manatili ka sa aking mga paningin" - lumawig_jacinto

Ailem23's picture

gusto ko ring tumaba

 pero katulad ni lumawig, ayaw din ako tumaba e. maybe dahil sa hika ko. at dahil mahilig ako sa gulay. yun! kung gusto nyong pumayat, mag-acquire kayo ng hika. hehehe...

kuya, gawa ka naman ng tips sa mga payat na gustong tumaba pero di naman magawa.. hehehe... 

by the way, kung gusto nyong mabuhay ng matagal, wag nyong kukuning nutritionist si kuya spike! Tongue out

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

Hanan's picture

ewan ko rin kong totoo

ang ideya na nakakataba ang mag-aral magluto. hindi ako sure ha. pero may mga kaibigan ako talaga na lumobo ng magsipagkuha sila ng HRM.even after they graduate.talagang matataba sila.even my Mom gain weight when she started to learn how to cook.

spike_west's picture

Ahh ganun ba?

Meron naman kasing iba na nagsusuka sa mga luto nila,hehehhe! Naku ayos ang problema nyo ah, gusto nyong tumaba. Mamaya bigay ni Lord yan, magreklamo kayo,hehhee joke lang

 

Ingat

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Hanan's picture

hay naku,

so far kahit nagluluto ako,hindi naman ako nasusuka eh.khit may mga ulcer attacks ako.hehehehe....

mahirap lang talagang pakisamahan ang metabolism ng tao.at mahirap lang talaga maging looking wow at feeling wow.ano raw!!! lol!