tite nga naman...

| |

              BOOOM!!!!

            Wala lang. Wala lang akong maisip na simula. Sabi kasi ni Rae, GMA staff, (I worked with him when we had a concert back in high school. Naks English! Oy, ‘wag ka, concert coordinator ang lola mo?! Sa’n ka pa?!? yabang ko noh? Hehe)… ay! Oo, eto na nga ‘yung sinabi nya… “sa isang show kung may papasabugin ka, sa simula pa lang magpasabog ka na, kundi lalangawin ‘yung show mo”… Ayan. Kaya nagpasabog agad ako! Literal na pasabog! At kung agree ka sa ginawa ko, tange, mali ‘yon! Sa susunod, wag kang magpapapaniwala sa’kin. Ok? Basta intindihin mo ‘yung sinabi ni Rae kung ayaw mong magmukang mabahong taeng inulan na pinagpipyestahan ng berdeng bilugang bangaw! Hindi ako galit, nagpapaliwanag lang

Sabi nila bastos daw ako. (ano ka ba? Hindi ‘yung bastos na tipong papatirin mo ‘yung nananahimik na lolang bumababa ng hagdan…’wag ganon, bad ‘yon..). ewan ko ba sa kanila. Baket duket pwet kalawet?! Wala ba silang mga puke, tite, suso, at utong?! Anong masama do’n?! Tapos sasabihin pa nila mas magandang pakinggan kung English! Lintik na English na ‘yan. Nilalaet na nga tayo ng mga kanong ‘yan, gusto nyo pang gayahin. Kumusta naman ‘yung mga HRM na 3rd year twing Byernes? Tagaktak na ng pawis balot na balot pa. pede ba?! Tigil tigilan na nga ‘yang pagpapaka-Westernized na ‘yan. Ang init kaya dito sa Pi’nas. Kayo kaya try nyo mag coat and tie maghapon pabalik-balik mula Rotonda hanggang Gate 3. Isa pa ‘tong pagta-taglish ko, ampanget pakinggan, mukan-tanga. “Hey guyz, may naiwan ako there sa room. Yung something. Very important ‘yon eh. Di ako makakatulog without it”… nyayks, kadiri.. ahh, balik tayo sa kabastusan ko daw.  Female organ, penis, boobs, teats. Pareho lang kaya… bakit ba?! Pilipino ako at nasa Pilipinas tayo! Magtatagalog at magtatagalog ako hangga’t gusto ko. Tsaka mas magagaling tayong mga Pilipino. ‘di nyo ba napapansin na kaya nating tumbasan lahat ng tunog? Tunog-kano, Intsik, Bumbay, o kahit tunog-sakang pa ‘yan, ipupusta ko si Tere, sisiw sa Pinoy ‘yang mga ‘yan. Tanong mo pa kay Sir Pil. Isa pa, kelan pa naging bastos ang puke, tite, suso, at utong? Ikaw, kelan mo naisip na ang suso ay isang napakahalagang parte ng katawan ng isang ina, na pinanggagalingan ng masustansyang gatas na syang nagbibigay buhay sa kanyang supling? Kelan? Ops teka, ‘wag ka nang sumagot dahil di ako makakapag-reply. Matakot ka ‘pag nagsalita ang kokomban. Ako’y isang hamak na papel lamang  na pilit pinag-print-an ng isang ubod ng gandang babaeng may akda ng ‘yong binabasa sa kasalukuyan. ‘wag ka nang mag-react. Magrereklamo ka pa, e naka-print na. Gusto mo bang i-revise ko pa ‘to at isang puno nanaman ang putulin ng mga pulitikong yan?! Wala akong pake kung pulitiko ka! Hindi iginagalang ng taong nag-oobserba ang pulitiko. F.Y.I. hindi pulitiko ang iginagalang at kelangan ng mga Pilipino, ang kelangan naming servant…tagapag-silbi…

Aray! Ansaket ng batok ko. Nakakangawet. Pero infairview, ampresko ng pakiramdam ha.. Kakatapos ko lang magbunot ng “unwanted hair”. Unwanted hair? Is unwanted hair really unwanted? Baket? Requirement ba na makinis ang kilikili ng gerlalu para maging Goddess of Beuty? Matanong ko lang, may tsani o pang-shave din kaya si Venus? O baka naman sosyal ang bakla at alagang Vicky Belo ang kilikili nya.

Naalala ko nanaman si Tere…Kung may quotable quotes si Melanie Marquez, si Tere naman may questionable questions…

questionable question # 1:

TERE: hi! ‘di ba bagong lipat ka? Sa’ng room ka galing?

REG: 210

TERE: second floor?

questionable question # 2:

REG: kanina nung mag-sha-shower na ‘ko, nakita ko ‘yung isa naglalakad sa loob kita pekpek

TERE: babae?

            Haayyy Tere, iba ka talaga. Iba timpla ng dorm ‘pag andun ka…

Minsan parang ayoko na mag-dorm. Masaya pero nakakalungkot. Gusto ko nang umuwi sa’min, namimiss ko na ‘yung sirang plakang bunganga ng Nanay ko. Lam mo ba (malamang hindi pa) nung bata pa ‘ko walang araw na ‘di ako tinatatakan ng Nanay ko. Pero ‘di katulad nung pantatak na maliliit, may Hello Kitty, Garfield, heart shape..iba iba kulay… ‘yung pantatak na ginagamit sa’kin ni Nanay special: kamay, sinturon ni Tatay, tsinelas, hanger, patpat na ginagamit sa flag pag UN Day, suklay, remote, walis tingting, walis tambo, kung pede yata pati ‘yung walis ng metro aid pag nasa palengke kami. Si Nanay, bente kwatro oras alerto! Dahil hinding-hindi ka nya tatantanan! Walang pinipiling panahon o lugar: mapasa bahay, kapitbahay o sa kabilang baranggay, kukurutin at kukurutin ka nyan pag may ginawa kang mali. Ansaket, putek, tanong mo pa sa mga kapatid ko. Si Tatay naman, once in a blue moon kung mamalo, pero pag nagalit na ‘yan, bumalik ka na sa pinanggalingan mo. (‘yun eh kung makakabalik ka! Try mo hirap kaya sumuot ulit don, paluin ka pa ng Nanay mo).

Ilang beses ko na ding pinlanong maglayas nung bata pa ‘ko kasi latay talaga, kung alam mo lang, it hurts, it hurts you know…(mabuhay si Booba!)… kaya lang palpak lagi plano ko kasi pagkapalo sa’kin, ngumangawa na ko, magkukulong sa kwarto, mag-iimpake, makakatulog; pagkagising ko hapunan na,  ‘tas makakalimutan ko na plano ko. Pero kahit na all time favorite akong paluin sa bahay ok lang kasi mahal na mahal ko ‘yang dalawang ‘yan. Naiintindihan ko sila, sabi kasi ng teacher ko nung elementary, “ang pamamalo ng magulang sa anak ay simbolo ng pagmamahal” Naks, Oo nga no?! Ano kaya kung buntot-pagi ang ihataw ko sa dal’wang ‘yon para maramdaman nila kung ga’no ko sila kamahal…

Nga pala, ba’t kaya baligtad mag-isip mga Pinoy?! Parang ‘yung libro ni Bob Ong, nakasulat bawal basahin ‘yung nasa page na ‘yon pero binasa ko pa din. Kulet. Dun nga lang sa’min andaming nakasulat na bawal pero ‘yun ‘yung gustong gustong gawin ng mga Batangueño. Langyang kulet ng wala: Pinakapamilyar- “Bawal magtapon ng basura dito, multa:100piso”, Makita mo tambak ng basura, inuuod pa; post no bill; don’t block the driveway; no to drugs e pugad ng mga adik dun sa Sambat, ‘yung sementeryo samin. Joke pa nga dati d’on kaya daw di makapag-Darna si Narda kasi nasa sambat ‘yung bato; aso lang ang umiihi dito, marunong ka bang kumahol?; minsan naman “bawal umihi dito” tang-ina parang nanunuot ‘yung panghe sa ilong mo ‘pag dun ka dumaan, ampalot talaga, putek!; tas may nagkwento sa’kin imbis na no trespassing, eto ang isinulat “gusto mong mamatay? pasok ka dito”; ano pa ba… ikaw may alam ka pa? Pero kahit “baligtad magbasa ng libro ang mga Pilipino” wag mo ‘yang iismolin. Napansin ko mapamaraan ang Pinoy: gawin ba namang bangka twing baha sa Maynila ang kabaong.. wala lang nabanggit ko lang. sarap ng bawal noh?

Ha? Paiba-iba ng topic? Sino? Ako? Tapos di pa related bawat paragraph? Wala lang. Di ko din alam eh. Patigil tigil kasi ako mag-type. Syempre minsan bigla na lang ako nagugutom okaya nangangate bigla kilikili ko. Pag nag-type na uli ako, iba na ‘yung gusto kong sabihin. ‘yun lang. ‘yun siguro dahilan. Sabi nga ng iba ang wirdo ko daw. Kung anu-ano daw kasi sinasabi o tinatanong ko. ‘Pag daw ako na ang nagsalita, panigurado change topic ang drama ng lola mo. Hala! Paiba-iba ng topic? Kung anu-ano sinasabi’t tinatanong? Wirdo? Sinasabi ko na nga ba’t tama ang hinala ko! Senyales! Senyales na ako’y isang tite! Waaahhh! Tite ako! Tite ako?! Hindi naman ako mukang tite; lalong ‘di ako amoy tite noh?; pero parang tite din ako. (anong bastos? Ikaw nga dyan ang bastos eh, parang enjoy na enjoy ka pa sa pagsasabi ng tite, inuulit-ulit mo pa). Tite. Nakakain ka na ba ng binatog? Ah..ok…wala lang. ‘di naman ‘yun ‘yung itatanong ko eh, ‘yung batingaw na gamit nung naglalako. Oo, batingaw, kampana. Sige na nga, ‘yung kampana na nga lang ng simbahan para malaki. Anlaking tite din no’n! oo nga, tite. Kulet mo. Our lesson for today is all about tite. Sa Batangas nanggaling ang salitang tite. ‘yun ‘yung mahabang bagay sa gitna ng kampana. Tumutunog ‘yung kampana kapag tumatama ‘yung tite sa gilid o palibot nung pinaka-cover, ‘yung parang sumbrero. Kaya nga tite ang tawag sa ari ng lalaki eh. Pagka-ihi, ipinapagpag nila ‘yung clitoris (‘yung mahabang parte)---jumijingle. Jingle bells jingle bells jingle all the way… naks naman. Galing kumanta ah. Akalain mo ‘yon. May tinatago ka palang talento? Itago mo na ulit.. At ikaw naman gerlalu, ‘pag nag mam may I go out ka ‘wag mo sabihing jijingle ka kasi wala kang ijijingle. Ok? Ngayon alam mo na kung ba’t tite ang turing ko sa sarili ko. Parang tite ng kampana, nasa gitna nga ako napapalibutan at natatakpan naman. ‘di mo ‘ko mapapansin maliban nalang pag pinagalaw mo na ‘yung kampana. At ‘pag pinagalaw mo na, kung san-sang parte ako tatama…kung anu-anong direksyon… pero sigurado… tutunog ako…tutunog ako… at tutunog ako… pero di din naman ako tutunog nang ako lang… kaylangan ko yung mga nasa paligid ko… Kaylangan ko ang mga mahal ko. Mag-drama ba daw?..haaayyy…tite nga naman….

 

Regine Juan

Regine Juan
18
DLSU-D
Tanauan City, Batangas


sang-ayon ako sa mga punto mo, kapatid

Marami ngang ipokrita at ipokrito ngayon. Pilit na nagpapakasosyal, hindi naman bagay.

Kung talagang tite, tunod ang tawag sa nakalawit sa pagitan ng mga hita ng isang lalaki, bakit hindi ito masabi? Mabuti pa sa probinsiya, kapag kinagagalitan ka - "Titi mo lang ang hindi mo nalilimutan!"

Iyong puki o kiki, ayaw din nilang gamitin. Pamputa raw kasi. Anak ng puta, oo!

Tungkol naman sa pagbubunot ng bulbol sa kilikili (bulbol, hindi buhok, kasi tinatawag ding pubic area ang kilikili o armpit) - sa tradisyon ng mga Asyano noong una, hindi dapat ito binubunot. Ang nagbubunot lang ay yaong mga puta o mga pagerper. Kahit sa Korea, Tsina, at iba pang bansang may singkit - ang tingin nila sa ahit o bunot ang bulbol sa kilikili, masamang babae. (Trivia ito).

Mahusay ang artikulo mo... Nagustuhan ko. Magsulat ka pa nang magsulat!Ala eh! Mabuhay ka! Huwag ka lamang matatangkas ng tuko at baka eh, mahibang! Hahaha!

 

 

Que sera, sera