Tok, tok, tok, tao po

spike_west's picture

Tok , tok ,tok, tao po

Pagbukas ng pinto

Madilim ang loob

Parang kakainin ako ng buong buo

 

 Tok , tok ,tok, tao po

Pagbukas ng pinto

Makulay ang loob

Pero bat ang hirap pumasok

 

Tok , tok ,tok, tao po

Pagbukas ng pinto

Kulay dugo ang loob

Ayoko ko ng pumasok

 

Tok , tok ,tok, tao po

Pagbukas ng pinto

Parang sasabog ang loob

Pinipilit akong pumasok

 

Tok , tok ,tok, tao po

Bakit ayaw magbukas ang pinto

Papasukin nyo ako sa loob

Tok Tok Tok Tok Tok …………….


rose's picture

TOK TOK TOK!

dinaan mo pa sa Tok Tok Tok. akala ko Pok Pok Pok..... pero nakuha ko agad ibig sabihin ha, madilim at parang kakainin (Masikip pa kaya mahirap makapasok)  ,

makulay ang loob at mahirap pumasok ( Baka Virgin pa ),

pag pasok kulay dugo ang loob ( Aba May Regla kaya nandidiri ka ), pagpasok parang sasabog (  kasi nga may kulay diba kaya sasabog talaga yan , bawal yan noh ),

bakit ayaw magbukas ang pinto ( Kasi nga virgin pa siya kaya nhihiya pa siya ibukaka at isa pa may Red alert siya).

Sensya na medyo green ang mind ko ha, kasi kahapon puti pero nung nabasa ko ito naging green agad. galing ng imaginasyun ni spike... he he eh eh he

Kiss 

spike_west's picture

hahahaha!!!

Mamamtay ako sa iyo kakatawa Rose. Berdeng berde ang utak mo rose. Kung kay Ka Dyeppri manggagaling yan kaya ko pang kayanin kasi medyo may pagkaberde  yun eh (peace manCool) . Rose,  kakaiba yung nasa isip mo ah!!Hahahaha, sumasakit ang tyan ko kakatawa!!

Sasabihin ko yung mensahe nyan, pero intay ko muna si Dyeppri na magcomment, gusto raw nya yung kubli ang kaisipan. Tingnan ko lang kung makukuha nya! Pero kakaiba ang imahinasyon mo Rose!!whahhaha!!

 Ingat,

Spike

rose's picture

Obvious Nga!

obvious nga kasi mukhang nagka-kan-dabulol ka pa sa kakatawa eh. Ha ha ha ha ha sobrang berde ba? ngayun berde bukas asul na yan kapag nag comment si dyippri!

censya kana ha nabigyan ko ng kahulugan agad! alam mo naman ako masyado malakas ang imahinasyun ko sa ganyang topic. ha ha ha ha LOL.CoolLaughing tignan natin kung ano sasabihin ni kafatid na dyippri! masyado kasi seryoso mag comment iyun minsan naman haluan natin ng medyo manamis namis at maanghang anghang na rekado.

Peace Bro! eh di napatawa kita!Wink 

dyeppri's picture

Magaling!

Magaling ang Komento at pag-aanalisa ni Bb. Rosas sa tula mo Spike. Akala ko noong una ay isang dalagang pilipina ito yun pala ay Rosas na kulay berdeLaughing

Komento sa tula: Pasuhay! Pasuhay!

 

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

Melanie Quilla's picture

di ko alam kung tama ang pagkakaintindi ko

tok tok tok... di po ba nasira ang pinto sa kakakatok? joke lang... Teka lang, di po ako sure kung tama ang pagkakaintindi ko.

ihalintulad ko siya sa isang desisyon na dumadating sa buhay ng tao. sa una, nabuksan ang pinto pero nakita niya madilim so parang may takot kung tutuloy pa ba o hindi. sa pangalawa, sinabi, "makulay ang loob pero ba't mahirap pumasok". nakita na ung advantage ng desisyon pero may hindrances o yung tipong alam niya na hindi magiging madali kung tutuloy pa siya. sa pangatlo, nakita na ung maaring consequence kaya nagdadalawang isip na kung tutuloy pa ba. sa pang-apat, parang make or break, kailangan na niyang magdesisyon kaya "pinipilit akong pumasok" at sa last, kung kelan handa na siya sa desisyon, hindi na niya mabuksan ang pinto kasi huli na ang lahat. sarado na ang pinto at hindi na niya mabuksan.

Iyon po ang pagkakaintindi ko... maganda ung tula. Kuya spike pa-explain naman ng meaning... sablay ata ang pagkakaintindi ko.. hehehe.

ewan ko po, iyon ang pumasok sa windang kong isipan eh.

Best regards,

Melay

spike_west's picture

Ang Kahulugan. Bow

Alam mo melay halos nakuha mo na eh, pero ipaliwanag ko para mas maganda, ang pagkatok ay sinisimbulo ng PAG-IBIG at pinto ay IKAW mismo . Ang apat na talata ay nagsisimbulo ng apat na emosyon ng tao. Kalungkutan, kasiyahan, takot at galit. Sa unang pagkatok DILIM ang nakita mo simbulo ng LUNGKOT , pakiramdam mo lalamunin ka ng lungkot at parang mahirap ng kumawala dito ( pagkabigo sa pag-ibig) . Ikalawang pagkatok MAKULAY ibig sabihin masaya, minsan may mga pagkakataong  dumarating sa atin saya at ligaya (pakiramdam ng umiibig), pero di ba bakit parang ang hirap makuha yung tunay at walang hanggang kaligayahan na yun. Bakit minsan parang may kapalit ang lahat, parang may katapusan din ang lahat,  kaya nga nakalagay sa huli "Pero bat ang hirap pumasok". Ikatlong pagkatok KULAY DUGO ang loob simbulo ng TAKOT, sapagkat minsan natatakot na tayong umibig siguro dala ng mga inaalala natin sa buhay at dahil sa takot ayaw mo ng umibig pang muli (kaya sa huli nakalagay "Ayoko ko ng pumasok"). Sa ikaapat na pagkatok "PARANG SASABOG ANG LOOB", ibig sabihin ay galit, minsan dahil sa galit nagagawa natin ang lahat, napipilitan tayong gawin ang maling bagay dahil sa galit at paghihiganti ( kaya nalagay dun "PINIPILIT AKONG PUMASOK").

SA Huling tatalata ay kumakatok na uli ang pag-ibig sa atin. Pero baka malamang manhid tayo, naging bato at ayaw na nating buksan ang puso natin dahil sa apat na emosyon na naramdaman natin dahil sa pag-ibig.

Buksan mo ang pinto, papasukin mo ang pag-ibig at hanggat di ka nag bubukas patuloy na kakatok at kakatokyan sa puso mo TOK TOK TOK tao po.

Yun lamang po at maraming salamat.

SpIke

rose's picture

He he he he!

Sayang Kafatid na spike naunahan mo lang ako, mag Re-Red comment sana ako eh! Pero tama ka yan nga ang kahulugan ng iyong sinulat. naku kafatid na spike binigyan ko lang ng green at berdeng meaning yun hah! pero hindi naman talaga yun yung ibig kong sabihin. ( Defensive ba)Sealed maganda pag-kakalarawan sa iyong sinulat, malalim at matalinghaga, mahirap maarok ng isipan. he he he

Ingats lagi kayo mga bro's sege post lang lagi. God bless!Innocent

dyeppri's picture

Ang sa akin po!

Komento sa tula: Ang sa akin lang po!

Hindi mo masisisi ang nambabasa kung naging green at kung ano-ano pa ideya pumasok sa imahinasyon nila sapagkat hindi pa nabuo ang imahe sa unang stanza ay nasapawan na ulit ng panibagong imahe... Pasuhay- kapag binuo mo ang isang object at bubudburan mo ito ng mga katagang susuporta dito... Pasuysoy - naman kung nauna ang mga tagasuporta bago ang saktong imahe.

Maganda nga ang mithiin ng tula ang ikubli ang mensahe pero huwag naman gawing kulang para ma-ikubli ang nilalaman! Para sa akin (akin lang po!)para itong isang bugtong-bugtong pero masmahirap pa mahulaan! Kaya masasabi ko      " S I R I T T T T T    na po ako  !!!! "

 salamat...

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Ako lang ito at bahala ka kung tatanggapin mo!Cool

 

 

 

 

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

spike_west's picture

HIndi naman

Tingin ko sakto ang bawat letra, maikli subalit makabuluhan. Subalit ang mensahe ng kubling tula ay base na rin sa pagkakaintindi ng bawat bumabasa. Para sa akin, gustong kong paganahin ang kanilang imahinasyon, mag-isip ng posibleng mensahe at gamitin ang nauunawaan sa buhay. Sa akin binigay ko yung mensahe ko ayon sa pagkakagawa ko ng tula. Hindi naman kailangang sakto sa mensaheng ibig ko pero ang mapag-isip ang mambabasa yun ang mahalaga. Ang may maiwan at may maglaro sa utak nila.

Ika nga may talinghaga sa bawat salitang ginamit, may paglalarawan ang bawat letra mga kokonting salita na may kanya kanyang pahiwatig. Kaya nga piling pili ang bawat salita ko at iilang salita lamang ang bumubo ng saknong, kalimitan ay paulit ulit pa. Gumamit ako ng mga madaling intindihin na salita na kung saan doon pa lang ay dapat nakuha na. ANG DILIM O KARIMLAN ay alam natin lungkot (alam kong ito rin ang paglalarawan mo). MAKULAY ( Hindi ba saya ang kalimitang kahulagan nito), DUGO (hindi ba takot ang una mong naisip at parang kagimbal gimbal na pangyayari ang naganap) PAGSABOG (hindi ba itoy bugso ng damdamin). Yan lamang naman ang kahulugan ng iilang salitang naroon. At nakuha ito ni Melay yung iba.

Ang pinto ay maaring magsimbulo ng ibat ibat,pag-ibig, oportunidad, desisyon o kung ano ano pa. at dito walang mali paglalarawan. Ang pagkatok ay pagdating o paglapit hindi ba? 

May mahalagang elemento ang tula ito ay ang KARIKTAN na tinatawag , itoy impresyon ng bumabasa . Kaya nga walang maling sagot at eksplenasyon sa tula spagkat tanging ang manunulat lang at ang ilang mambabasa ang makakaintindi ng nakatagong damdamin o mensahe.

Ka Dyeppri, iyong kritisismo ay aking tatanggapin, salamat ka dyeppri at sana maintindihan ko ang ilang tula mo rin, dahil nahihirapan talaga akong intindihin Whahhaha!!

Ingat bro,

SpIkE

Melanie Quilla's picture

ah pag-ibig pala siya

wahaha... aba pag-irog pala ang ibig sabihin no'n. nice one! galing... ahehehe... pagpasensiyahan at wala pa akong pag-ibig kaya ganon ang analysis ko... Salamat kuya spike sa explanation.

 

best regards,

melay

dyeppri's picture

Huhhh!!!

Yun pala yun at noong una ganito ang pagka getching ko pero di ko sinabi at baka maligaw ko ang mga tagahanga mo...

Una madilim ka naroroon at meaning may problema

pangalawa  makulay     kasi nagdrugs ka na pards

pangatlo kulay dugo  kasi balik problema tulad ng pumatay ka kc adik kn

pang apat parang sasabog ang loob nagsisisi na o nakulong na et al

at huli ayaw na magbukas  sapagkat huli na at bibitayin ka na

 

 iba-iba talaga magiging imahe dahil sa paliwanag ko sa itaas!!!

 

 

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

ako lang po ito at nasasayo kung tatangapin mo! 

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

jonsdmur's picture

Gustong gusto ko ang tula...

Gustong gusto ko ang tula... at maganda siya.... pwede ba mahiram ito para sa aking la traidora.... hehehe

oopps... pareng spike starring pala name mo sa kwento ko... abangan mo na lang role mo...

Dont ask na lang kung bakit ako nagandahan sa tula mo... baka kasi may mag react... basta gusto ko tula mo hehehehe.....

spike_west's picture

Salamat Jonsmur

Naku kaya nga excited na tuloy ako sa nobela mo. Siguraduhin mo lang maganda ang role ko dun,

Sige ingat uli,

Spike