...

j luna's picture

Block

| |

Neruda,

never blooms

from

John Robert Luna

...

sinta isaac's picture

Andrea VII

| |

Ephemeral

 

 

buong magdamag na pag-iisa…

             aariin ko ba?

  Aangkinin ko, at ang ilaw ko’y hindi kailanman magiging sagrado.

…alam kong nais mong lumaya,

lalaya ka,

      lalaya ka,

palalayain kita…

ang kwento sa loob ng mga espasyo at tuldok,

sinta isaac's picture

Mga pusong naglalaro sa ilalim ng buwan

| |

Taguan

 

Magkubli sa dilim,

sa pag-asang hindi ka

lilisanin,

mga aninong naghahanap,

sa bawat mong

pag gayak,

Kailangang magtagong

mabuti,

At baka sa puso mo'y

may sumalisi,

Isa, dalawa tatlo,

magbilang ka hanggang

sampu,

Sumiksik ka sa sulok

na iyong pinagtataguan,

dahil ang unang makita'y

siyang talunan.

 

 

Luksong tinik

 

Mga daliring nakataas

sa ihip ng hangin,

ang pag-iwas dito'y

nais mo bang pumasok sa aking mundo? halika, kilalanin mo ako...

 

Noong unang panahon, may isang pusong bigo...

sinta isaac's picture

A N D R E A (isang prosa mula kay sinta)

| |

 

 

Kung kailan ang tula’y nilamon ng kawalang lumukob sa malaking distansiyang sa ati’y nakapagitan, kung kailan ang mga talinghaga’y naging kasing babaw na lamang ng mga damping nginig sa katawang dinaluyan ng pasmadong bathaluman, kung kailan ang mga higanteng kataga’y nagmistulang dwendeng detalye ng mga alaala ng iyong mukha, kung kailan ang puso’y kusa nang tumigil sa pagtibok at tumangging namnamin ang una’t huli nating pagkikita…

Sinta is the name baby...
sinta isaac's picture

Isang tag-ulan sa tag-tuyot, isang babae, isang pag-ibig (ganito gumawa ng love story si Sinta)

| |

 

11

“Babalik siya, alam ko, nararamdaman ko na babalikan niya ako, kaya mananatili ako dito, dahil gusto kong matagpuan niya ako dito sa araw nang kanyang pagbabalik…”

Nakaupo ako sa gilid ng burol, kung saa’y kitang kita ko ang paghampas ng asul na mga alon na agad nagiging mga kumpol kumpol na puting bula tuwing hahalik ito sa mga batong habangbuhay nang natutulog doon.

Unti unting bumuhos ang ulan. Sinalo ito ng aking palad at pilit hinawakan.

s i n t a

hindi ako mabait, hindi din naman ako kagandahan, at hindi ako palangiti, pero nagawa kong paibigin ang isa sa pinakamagandang babae sa mundo. 

sinta isaac's picture

TAMOD

| |
S i n t A

halika, lakbayin mo ang aking mundo...

sinta isaac's picture

Hindi ako nakapasa sa UP Likhaan Journal

Iyon ang unang pagkakataong sumali ako, hindi naman ako umaasa na manalo o matanggap ang gawa ko, kumbaga, gusto ko lang sumubok kaya n'ung natanggap ko 'yung email sa akin at sinasabi nga na hindi makakasali ang kwento ko, natawa na lang ako.

Walang bitterness. Walang regrets.

Basta, sumubok ako 'yun ang mahalaga, kahit papaano hindi na ako ganoon kaduwag pagdating sa mga bagay na ganyan.

sinta isaac's picture

bulaklak na tinuyo nang pagkalanta

Pagod ako. totoo, pagod ako. emosyunal at pisikal na aspeto, pagod ako.

Hindi ko alam kung dahil ba sa trabaho o kung ano pa man, ngunit parang gusto ko na agad bumigay, para bang wala ng maluwang na espasyo para makahinga ako ng maluwag.

Ikaw at ikaw parin

Mas nauna kang dumating sa kanya

Di ko akalaing s’ya ang mauuna

Pinunan n’ya ang kahungkagan iyong iniwan

Ngunit ang binigay nya’y di ko kayang suklian

sinta isaac's picture

Thirty Minutes

| |

 

tik tak tik tak...

One minute

dumating na s'ya. napigil ko ang aking paghinga. bumaba s'ya sa puting corolla. ngiting ngiti s'ya sa akin.

...kanina ka pa namin hinihintay, akala ko 'di ka na sisipot...

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at inabot n'ya ito na para bang nahihiya.

two minutes

hinila n'ya ako sa isang sulok ng garden. kung saan malayo kami sa paningin ng iba pang panauhin.mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa bulaklak.

...kinakabahan ako...

aniya.

ArdnassaK

ako daw ay dog magnet

Syndicate content