tungkol sa buhay

- Ang buhay sa mundo -

 

Ailem23's picture

Kwento para sa umattend ng FW Xmas Reunion: Inang Ko Po! Dead na Daw Ako?!

| | |

ang kwentong ito ay magiging bahagi na ng isang libro... kaya minabuti kong burahin na dito  :)

melay

sinulat ko ito para sa mga dumalo ng FW Reunion last December 19. Sana po magustuhan nyo. Pinilit ko pong magkaroon ng saysay ang kwento (sana nga lang meron). Sa inyong lahat,'tenkyuberimats!'

noelablon's picture

Lamat ng Kahapon

| |

Sa tuwing maaalala ang sugat ng nakaraan,
Mga kirot at siphayo sa buhay kong naging patapon.
Sa murang edad, mga hirap ay sinapit,
Puso'y natutong dumaing, natutong maghinanakit.

Kinagisnang buhay, wasak man ay aking inunawa
Pait ng buhay, pilit kong nginuya.
Bakit kailangan mawasak pati ang pamilya
At magpalipat-lipat sa piling ng bawat isa.

Dalisay na buhay, saan ka matatagpuan?
Tanong na nabuo sa'king murang kaisipan.
Saan at hanggang kailan ako aasa?
Sa buhay na inaasam o sa bagong pag-asa.

Sa paglipas ng panahon,
Kaakibat ko'y aking wasak na kahapon.

Noel Ablon

Hango ito sa aking tunay na buhay. Alay ko sa mga taong sa pagmulat ng mata'y kahrapan ang nalasap. Huwag mawalan ng pag-asa.

Alay ko ito kay kapatid na Ilyana at iba pang nasawi ng kahapon, di kayo nag-iisa marami tayo at para sa bawat mambabasa itong tulang ito. Nawa ay maibigan niyo.

Unang pasada ko po ito para sa tulang ito, kung may comment ay tatanggapin ko po ito. Sana maging maayos lang po sa pag-comment - respect lang po sana sa may akda (ako pala yun!). Maraming salamat sa inyong pagdaan.

Ailem23's picture

Buhay… Isang Paglalakbay

| |

Noong unang masilayan ang mundo

Nakangiti silang lahat habang umiiyak ako

Napuno ng saya ang paligid ko

Habang patuloy lang ang pagluha ko

Melay

sinubukan ko lang ulit ang poetry... nasa college pa ako nung sinulat ko ito.

Syndicate content