totoo nga ba sila?
may mga bagay na hindi ko rin maipaliwanag.. may mga bagay na nakikita ako na hindi nakikita ng iba.. sa ngayon, hindi nako nakakakita.. pero nung bata pa ako, marami na talaga akong nakikita..
it was past 3 am in the morning ng may makita aqong isang babae, lalaki, at isang sanggol. nung una, inakal ko na ung tita, tito at ung pinsan qo lang un. pero naisip qo, bakit naman sila tatayo sa pintuan ng kwarto qo? ng maalimpungatan ako, nawala sila.. sa takot ko, lumipat na ako ng ibang kwarto. hindi nako natulog sa kwarto na iyun.
minsan, kapag ako lang mag-isa sa bahy, parang may kasama ako.. feeling ko, hindi ako nagiisa.. may nakikita ako, pero di ko nalang pinapansin.. pakiramdam ko, may dumadaan sa likod ko,. pero pagharap qo, nawawala na..
may mga instances na iniisip qo nalang, guni-guni qo lang un.. pero i admit na naniniwala ako sa multo dahil na rin sa experiences qo..
kung mabibigyan ulit aqo ng pagkakataon na makaexperience ulit, payag aqo.. sa ngayon kasi, wala ng masyadong nagpaparamdam sakin.. di na rin aqo nakakakita..
enjoy aqong nanunuod ng mga horror movies, pati na rin magbasa ng mga books na nakakatakot.. pero, believe it or not, greatest fear qo ang mga multo..
marami man ang hindi naniniwala sa kanila, alam qo na nandian lang sila sa ating paligid.. dahil ang mundo ay nababalot ng misteryo..


totoo nga ba sila?
Napadaan lamang po.
Marami ang nagsasabing hindi totoo ang mga multo at kathang-isip lamang ito. Pero nalalaman n'yo bang sa Bibliya, may mga sitas na nagpapatunay ng katotohanan hinggil sa mga multo?
Sa Lumang Tipan, ipinagbawal ni Moises ang pakikipag-usap sa mga patay at pagsangguni sa mga espritista o yaong mayroong kakayahang makipag-usap sa mga patay (Deutoronomio 18:10). Sa Unang Aklat ni Samuel, may pagkakataong sumangguni si Haring Saul sa isang espritista para makausap ang kaluluwa ni Samuel, at naganap nga ang pakikipag-usap ng unang hari ng Israel sa naturang kaluluwa ng banal (1 Samuel 28).
Sa Bagong Tipan naman, pinatunayan nang hindi mabilang na mga sitas ang pag-iral ng mga nilalang na di-nakikita. Pero, may isang pagkakataon na nagamit ang salitang multo at ito ay sa Mateo 14: 26 at sa Marcos 6: 49.
Marami na ring literatura na nagpapatunay ng pag-iral ng mga multo. Gayunman, hindi pa rin maunawaan ng ilan kung bakit nagpapakita ang mga multo o kung bakit nga ba may multo. Walang paliwanag ang Banal na Kasulatan sa pagkakaroon ng multo o mga kaluluwang ligaw maliban sa katotohanan na ang tao ay katawan, kaluluwa at espiritu - ang huli bilang pinakamukha ng Dios na ipinagkaloob sa tao (Genesis 1: 26).
Marami rin ang nagsasabi na ang mga nakakikita ng mga multo ay sa "demonyo" dahil sa maling konotasyon ng pagkakaroon ng tinatawag na espirituwal na paningin (na indirektang tinukoy sa ilang sitas ng Bibliya).
Guniguni lamang ba? Ang isang penonema ay magiging guniguni lamang kung ang pakiramdam ay madaling lumilipas o napaparam. Subalit kung paulit-ulit ang penomenon o ang pangyayari, marahil ay may bahid ng reyalidad ang nasabing pangyayari, e.g. ang pagkakita ng mga nilalang na di nakikita katulad ng multo.
Pero para lubos na maunawaan ang hinggil sa third eye, dapat na maging mapag-aral hinggil dito.
“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)