TRUE CONFESSION
TRUE CONFESSION
Ito ay isang kwento ng isang taong matagal na nagtrabaho sa gitnang silangan bayan ng mga arabo. Sa isang kainan na kanyang pinagtatrabahuan sa gitnang silangan ang tawag sa kanila ay mga " MISS U" Sila ang mga baklang nagpapasaya at kaya sila mga binansagang " MISS U" dahil mahilig silang umarteng pang " MISS UNIVERSE".
Nangyari itong kwentong ito isang araw tuwang tuwa ang isang "Miss U" dahil sa tinagal tagal na niyang nagtatrabaho sa middle east , may nakipagkilala sa kanyang isang lalaking arabo, sa isang banda naging magkaibigan, nagpalitan ng mga numero at nagkakilanlan sila. Lumipas ang mga araw hindi tumatawag sa kanya ang bago niyang friendship na lalaking arabo, deadma lang si " Miss U" hindi rin niya tinatawagan. Hanggang isang araw walang trabaho si "Miss U" nasa bahay at kasalukuyang namamahinga ng tumunog ang kanyang cellphone." Kriiiiiinggggg , kriiiiiiinggggggggggg, sino kaya ito sa isip isip ni "Miss U" sinagot ni "Miss U" ang telepono " Hello , Who'se this" isang lalaki sa linya " oh this is tarik your friend" masayang Masaya ang baklang "Miss U" sabi niya sa lalaking nasa telepono " O yes I remember you! How are you"? ika nga ng "Miss U". sabi sa kanya ng kaibigan niyang arabo " Can I invite you to go out"? tuwang tuwa at mega kilig ang "Miss U" mabilis niyang sinabi okey, fetch me here in our accommodation. At sinabi niya ang daan papunta sa kanilang accommodation sa madaling salita nasundo na si "Miss U" at nasa sasakyan na sila dumaan muna sila sa isang kainan kumain, at pag katapos kumain nag - ikot ikot sila at sa kanilang pagbibiyahe napansin niya na iba ang kanilang tinatahak, deadma lang si "Miss U" isip isip niya kaibigan niya ito pero medyo may pangamba siya nag-iisip baka kung saan siya dadalhin ng kanyang kaibigang lalaking arabo. Madilim na noon kaya madilim na ang kapaligiran at napansin niya na may dinaanan silang check point para sa mga papasok at palabas na mga sasakyan. Lalong tumindi ang takot at pangamba ni " Miss U" dahil alam niyang napakalayo na nila sa siyudad at wala ng kabahayanang nadadaanan, sa madaling salita nasa disyerto na sila.
Sa pag-aakala ni Miss U dalawa lang sila ng kaibigan niyang arabo hindi na lang siya pumalag at kumibo Pero nagulat siya ng biglang lumiko ang kanilang sinasakyan, napakadilim pero ang alam niya nasa gitna na sila ng disyerto napakalayo na ng kanilang narating, panay dasal na ni " Miss u" matinding takot at pangamba na ang kanyang nararamdaman hanggang maya maya huminto ang kanilang sinasakyan wala siyang kaalam alam na may sasakyang naghihintay doon na may sakay na 3 tatlong kalalakihan sa loob pinababa siya ng sasakyan at pinasakay sa kabilang sasakyan, sa madaling salita nawasak ang kanyang pagkatao ng 3 lalaking arabo kasama ang kanyang kaibigan, nagmamakaawa siya, MASAKIT, MAHAPDI, WASAK NA ang kanyang nararamdaman. Umiiyak siya sa kanyang naranasan, maya maya sabi sa kanya ng kanyang kaibigan " give me your phone? At binigay naman ni " Miss U" habang nanginginig, umiiyak, at takot na takot may tinawagan ang kaibigan niya sa telepono , maya maya unti unti ng umaandar ang kanilang sasakyan, sa isip isip ni "Miss U" hay salamat sa diyos makakauwi na rin ako, nagpasalamat pa siya at buhay pa siya. Pero hindi pa pala sila uuwi nagpaikot-ikot pa at maya maya'y may dumating na isa pang sasakyan na lunan ng 3 katao. Tatlong lalaking arabo. Nagtawag pala ng
kaibigan ang kaibigan niya, maya maya'y pinababa ulit siya at pinasakay ulit sa kabilang sasakyan, iyak ng iyak si "Miss U" nagmamakaawa, nagdarasal, hirap na hirap sa kanyang dinadanas, sa pangalawang pagkakataon nawasak na naman ang kanyang pag katao, NAPAKASAKIT, NAPAKAHAPDI AT SOBRANG WASAK NA WASAK NA ANG KANYANG NARARAMDAMAN. Wala na siyang maisip pa, nawalan na ng ulirat, hindi na makatayo , hanggang sa umalis ang mga kalalakihan kasama ang kanyang kaibigan, iniwan siya sa gitna ng disyerto at tinangay pati telepono at pitaka niya. Hanggang sa sobrang pagod, hirap at sakit na kanyang naranasan , nakatulog siya sa disyerto at ng magising siya wala sa ulirat, pilit na tumayo at naglakad ng naglakad hanggang sa marating niya ang daanan ng mga sasakyan o highway ng nasabing disyerto ang layo ng kanyang nilakad kaya halos napaluhod siya na walang lakas na nag abang ng sasakyan , hanggang may mapadaan na sasakyan ng police dahil sa sobrang hirap at pagod na kanyang naranasan nawalan siya ng ulirat , hinintuan siya ng sasakyan ng police, isinakay siya sa loob at dinala sa hospital, itinakbo siya sa hospital at pagdating doon wala siyang malay tao. Matagal din bago naka recover si " Miss U" isang bagay ang natutunan niya Huwag daw basta basta magtitiwala sa mga taong hindi mo pa masyadong kakilala , lalo na ibang lahi. At kahit ganun kasakit ang kanyang naranasan at bigat ng pag subok, nagpapasalamat pa rin siya sa diyos dahil siya'y buhay pa. I to ay isang totoong kwento na nangyari na magbibigay sa atin ng aral, na mahirap magtiwala sa mga taong hindi mo pa lubusang kakilala at sa mga taong nag babait baitan lang. isang magandang aral ang nakuha ko na kahit anong bigat ng pag subok ang ating maranasan, magpasalamat tayo dahil nanatili pa rin tayong buhay.
rdm
08/12/08



