TUKTUK NG BUNDOK NA AKING PINANGARAP MARATING
Bata pa Lang ako nangarap akong Umakyat sa isang mataas na bundok. Kaya isang araw napag-isipan kong umakyat sa bundok , syempre sa aking pag-akyat marami akong dapat ihanda or mga bagay na kakailanganin ko sa pag-akyat, mga mahahalagang bagay na aking kakailanganin. Alam kong napakahirap umakyat sa tuktuk ng bundok at alam kong maraming sagabal akong dapat malagpasan bago ko marating ang tuktuk.Sa aking unang Paglalakad papunta sa bundok ay may humarang agad sa aking isang napakabangis na leon, na halos manginig ako sa sobrang takot dahil sa kanyang mga matatalim na pangel, pero hindi ako umatras gumawa ako ng paraan upang mapaamo ko ito. Hanggang sa nakalagpas ako sa leon na ito. Ipinagpatuloy ko pa rin ang aking pag-lalakbay hanggang sa….
Pangalawang pagkakataon ay may madadaanan akong ilog na kailangan kong makalagpas dito ng sa ganun ay makarating ako sa tamang daan papunta sa bundok na aking tatahakin. Na alam kong sa ilog na ito may malakas na agos ay pwede ako madala ng agos, hindi pa rin ito naging hadlang upang ako'y umatras para marating ko ang tuktuk ng bundok. Gumawa ako ng paraan upang ako'y makalagpas sa ilog na ito, at sa pangalawang pagkakataon ay nakalagpas ako sa ilog na ito….. ipinagpatuloy ko pa rin ang aking pag-akyat hanggang sa ……
Pangatlong pagkakataon habang ako'y namamahinga sa loob ng aking tent bumuhos ang napakalakas na bagyo na halos ikinasira ng aking hinihigaan pero hindi pa rin ito naging hadlang upang ako'y umatras papunta sa tuktuk ng bundok. Humanap ako ng kweba upang makasilong habang pinapatila ko ang malakas na bagyo, kailangan ko manatili dito sa kweba na ito hanggang tumila ang ulan… sa pagtila ng ulan nag patuloy ako sa paglalakbay ko patungo sa tuktuk ng bundok. Hindi pa rin ako umatras alam kong sa kabila ng mga sagabal na aking nadaanan ay mararating ko pa rin ang tuktuk ng bundok.. hanggang sa pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa…….
Pang-apat na pag-kakataon malapit ko na marating ang tuktuk ng bundok nasa paanan na ako, pero nung tumingala ako alam kong napakaraming sagabal pa rin ang madadaanan ko.. dahan dahan akong umakyat sa mula sa paanan ng bundok papunta sa pinakatuktuk.. pero sa pag-akyat ko na ito ay napakaraming sagabal katulad ng mga batong naglalaglagan na sa tingin kong kapag nagkamali ako ng tapak ay mahuhulog ako, lakas loob ko pa rin sinuong ang mga batong iyun para lang marating ko ang tuktuk ng bundok na iyun, nasa isip ko ngayun pa ba ako aatras kung kelan malapit na ako , kung kelan nakikita ko na ang liwanag na alam kong konting araw nalang ay mararating ko na ang tuktuk ng bundok na iyun.
Pero bakit ganun kung kelan malapit na ako sa pinaka tuktuk at nalagpasan ko lahat ng sagabal bigla akong nadulas pababa..... na hindi ko alam kung saan ako kakapit upang hindi matuloy ang aking pag-kakahulog, hindi ko alam kung may tutulong ba saakin o mananatili nalang akong mahuhulog pababa, unti unti na akong nawawalan ng pag-asa na marating ko pa ang tuktuk ng bundok na iyun.Dahil sa aking pag-kakadulas wala akong makapitan, walang tutulong sa akin na pwedeng mag bigay lakas loob sa akin upang sabihin na mararating ko pa ang tuktuk ng bundok na aking pinapangarap marating. Bakit ngayun pang nakikita ko na, na alam kong malapit ko na marating iyun?. Bakit ako nadulas pababa????? Papano kung ito lang pala ang pagkakataon na maakyat ko ang tuktuk ng bundok na gusto ko marating!? Papano kung hindi na ako bigyan ulit ng pag-kakataon upang umakyat ulit? PAPANO NA? BAKIT BIGLANG NAGLAHO ANG AKING PANGARAP NA MARATING ANG TUKTUK NG BUNDOK NA IYUN……………….

Ito Po'y may kaugnayan sa aking buhay!.........
makapag-komento nga...
Ang galing naman kung paano mong kinumpara ang buhay mo sa entry na ito. Bilib na talaga ako sayo ate ROse!
Yup! Sabi nga ng ate ko kung minsan daw kahit anong gawin mong pagpupursige kung hindi para sayo hindi talaga para sayo. Kaya matuto tayong mag-let go at mag move on. Dahil everything happens for a reason. At may magandang plano sa atin ang Panginoon. Happy blogging! ^__^
Tama Ka Diyan!
Maraming salamat dayo sa pagbibigay mo ng komento, tama ka sa mga sinabi mo. alam ko naman na ang buhay ay punong puno ng pagsubok, sa gusto man natin o hindi kapag ibinigay sa atin yang pagsubok na iyan kailangan natin tanggapin at malagpasan. Wala naman binibigay ang diyos ng pagsubok na hindi natin kayang lagpasan.
Minsan lang talaga kahit anong tatag natin dumarating din sa point na nagiging marupok tayo. At minsan din sa pagiging mabait natin maraming mga tao ang nagsasamantala upang tayo'y sirain......
Kaya para sa lahat kung anong napakabigat na pagsubok man ang dumating sa atin kailangan ay lagi tayong Manalangin sa Ating Panginoon Dahil siya lang ang higit na makakatulong sa atin. Siya lang ang nag-iisa na masasabi nating kakampi natin. At katulad ng sabi ni dayo kailangan natin mag move. Sabi nga Don't dwell in the past. Dont cry on overspilt milk...
GOD BLESS TO ALL....Miss ko na lahat ng mga friends ko dito..
Rosa wen inta?
San ka na ngayon rose, long time no see ah, ano balita? sa qatar ka pa rin ba! add mo ako sa fs mo,
ingat
Spike




Naunawaan ko ang mensahe sa
Naunawaan ko ang mensahe sa sinulat mo.. minsan talaga sa buhay ng tao kahit anong hirap niya ay walang napupuntahan.. kahit ginawa mo na ang lahat lahat ng best mo ay parang wala pa rin.. kulang pa rin... minsan naman kapag abot-kamay mo na ay may humahadlang... may humihila sa iyo pabaksak...
Ang buhay nga naman...
jonsdmur