TULA 002. MUNTING ANGHEL
Submitted by danhollanda on June 27, 2008 - 2:32am.
Filipino | Poetry | parenthood / fatherhood
Paggising sa umaga,
Ngiti mo’y siyang araw
Na inaabangan.
Init ng iyong haplos
Sa aking pisngi
Ay tubig na pamawi
Ng mga agam-agam.
Daming taon ang dumaan
Nang walang patid
Na paghihintay.
Daming mga araw
Ang inabatan
Sa bunsong yayakap
Sa aking pangalan.
Ay, bakit nga ba
Dumating ka
Sa panahong
Handa nang masasabi?
Hawak ko ang iyong kamay
Sa mga gabing
Iniisip ko ang iyong paglaki.
Salamat sa pagdating mo,
Salamat sa iyong pagmamahal.
Di mo pa man ito kayang sabihin,
Kaytagal man kitang hinintay,
Alam kong ikaw ay para sa akin
bunsong anak, aking mahal.
dan hollanda



