Tula Ko

joenard's picture
| |

Hindi lahat ng tula ay masaya

Meron ding malungkot

Mayroong walang buhay

Minsan nga ang tula hindi na naiisilang

Minsan itoy nakukunan din tulad ng isang buhay na malayang kitlin ng tadhana.

 

Ngunit gusto ko pa din maging tula,

Nais ko pa din  magkaroon ng tugma

Pipilitin kung mabuo ang taludtod at bahagi niyon

Kaya nga

Ngayon din kukunin kita upang  maging aking tagalikha.

   

Joenard Opalsa

"Minsan nasabi ko malalathala din mga sinusulat ko, hindi lamang puso ko ang makakarinig at utak ko ang masasaling kundi kapwa ko manunulat na sa kanilang sariling paniniwala pinanganak silang makata"