tula ng Paglalahad
Minsan lang kung dumating, ang isang magandang pagkakataon sa atin, kaya bago pa mahuli ang lahat, sa iyo na ay magtatapat.Ilang taon ko ring itinago ito, itong pagmamahal na inilaan ko sa iyo, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahulog ang loob ko sa iyo. Mula sa malayo, ika'y pinagmamasdan, lihim na tinitignan at binabantayan, pinipilit na makalapit sa iyo, nugnit lalo ka pang lumalayo. Ilang beses ko na ring tinangkang ipagtapat sa iyo, itong nilalaman ng puso ko, nugnit ako'y nangangamba na ika'y mawala sa oras na malaman mo ito. Ngunit ngayon, sa pang-anim na taon, ilalahad ko na upang hindi na mahirapan pa. Sa loob ng anim na taon, ikaw ang minahal,IKAW lang at wala nang iba pa.

