Tula para sa mga magsisipagtapos
Submitted by Wensley Reyes on March 16, 2010 - 11:42am.
Filipino | Poetry | Mga Tula ni WM Reyes
Tumingala ka, iskolar ng bayan
Yakapin ang langit na bumabalot sa iyo
Sa lawak ng abot ng iyong tanaw
angkinin ang mundong naghihintay sa iyo.
Sa iyong paglisan sa pamantasang hirang
Sana lagi mong pakatatandaan
Ikaw na nakatuntong sa bayan
Siya nawa ang iyong paglingkuran.
Tanawin ang pangarap mo para sa kanya.
Sa landasin ikaw ang maghawan
Upang ang susunod na henerasyon dangal ang abutan.
Ikaw, Iskolar para sa Bayan, ang kanilang tularan.
Wensley M. Reyes


Handog
Ang tulang ito ang aking panimulang ambag sa FW. Nawa magustuhan ninyo ang munting handog. Isinulat ito para sa mga magsisipagtapos sa kanilang pag-aaral. Gayundin, magsilbi nawa itong isang paalala para sa mga nagsipagtapos na. Magtatapos man o nakatapos na sa pag-aaral, itaguyod nawa nating lahat ang kapakanan ng bayan. Paglingkuran ang sambayanan.