Ang Nahalukay (na Tula) sa Basura

Yuco's picture
| |

 

 

 

Ang Nahalukay (na Tula) sa Basura

Ika-29 Octubre 2010
01:30 PM

 

lahat ng sulok kakalkalin
hapdi ng tyan tatawirin
makikipag-unahan sa dilim
may maisubo lang at makain.

napapaawit ang mga bangaw
sa bawat kagat,
sila'y napapahiyaw.
"oh, spaghetting gumagalaw.
kay sarap mo,
kahit umaalingasaw"

napapasayaw ang mga ipis,
lilipad lipad
sa sobrang inis.
"oh, kaysarap naman lantakan,
inuuod na beef-steak".

kahit paano hapdi ng tyan
nawawala din.
matapos maubos
pagkain sa dilim.
"hay salamat kami naman!"
sigaw ng mga ipis at bangaw.

at wala silang kaalam alam...

ako ngayo'y nasusuka
gutom sa utak, di nawawala.
gutom sa pag-asang makaahon,
kahit di alam kung saan
ito naroon ngayon.

walang magagawa
kundi ipikit ang mga mata.
di alam kung muling didilat pa
o tuluyan nalang mangingisay
sa ilalim ng tulay.
kakainin ng mga daga,
mas malaki pa sa pusa.

 

 

YUCO

Alay ko sa mga nagugutom at walang makain sa lansangan.  Umaasa sa pamumulot ng basura at panlilimos sa mga dumaraan.
Sa araw-araw na pagdaan sa pwesto nila, hindi ko pa rin maisip kung paano sila nakikipagdigma sa kahirapan, kung paano sila nakakatagal. Ngunit makikita mo sa kanilang mga mata ang tibay at kawalan ng pag-asa.

Ito ang tunay na nangyayari sa lansangan... sa basurahan.

Maraming salamat!

http://ayawmatulog.blogspot.com


dyeppri's picture

:)

maganda ang layunin ng tula ang ipamulat ang nagaganap na kabulukang sistema sa lipunan, ang naghihikahos na bayan ngunit sa paglalahad nito ay parang kinulang. tulad ng nagsasalita ay hindi natukoy kung sino itong tumtula. sana ay naitawid muna ang literal na sinasabi nito upang mas makita nang mambabasa ang tunay na imahe at sinasaad sa kabilang banda. Kung sa literal na batayan palang ay sumablay na ang tula ay napakahirap ng maitawid ang kung ano mang gustongipahiwatig nito.Ang kaganapan din sa oras ng pandiwa ay hindi nagtutugma may roong nasa anyong perpektibo kagaya ng umawit tapos binanghayan ito ng sumusunod na mga kontemplatibo na gumagaliw, umaalingasaw atbp.

nahahalintulad din ito sa mga politikal na tula ngunit (para sa akin) napakababaw. maihahalintulad sa mga nagwewelga sa kalye tuwing mayo 1 na haggang sigaw na lamang at hindi naman naghahayag ng mga kalutasan sa problema ng bayan.

 

*ang lahat ng ito ay sa ganang akin lamang naman at nasasyo kung tatanggapin mo.kung hindi ay ipagsawalang bahala na lamang.ahihihi.sulat lang kapatid.sana ay makita ko pa ang iyong iba pang mga gawa.

 

 

 

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

Yuco's picture

Tama po kayo

sang-ayon po ako na maraming kulang sa tulang ito, mga linyang hindi ko maibigkas, mailabas sa isipan at mailatag sa tula. halos ilang oras kong sinubukan ayosin, ilang beses pinalitan ang mga linya pero yun parin ang lumalabas at parang may kulang basurang ngang matatawag..

kaya naisip ko ipost nalang sa site at hayaang may pumuna at makapagbigay ng sohestyon para maisaayos ito.

sana ngayong weekend mareview ang tulang ito, sa ngayon ang unang stanza ang nakikita kong dapat bagohin. ito ang naglalayo sa oras. kung hindi ako nagkakamali.

Yuco's picture

Polikal na Tula?

ang hindi ko lang po mainitindihan sa komento nyo ay ang pagpasok ng salitang "politikal" sa tula ko at pagkukumpara sa mga nagwewelga na wala namang kinalaman sa tula. totoo, mataas ang respeto ko sa kanila pero sa tulang ito wala muna ang usapin na yan baka maslalong gumulo at tuluyang maitapon na ito sa basurahan.

sinubukan ko lang ilagay ang sarili sa mga taong nabubuhay sa basura at maramdam ang kalagayan nila kahit dito man lang sa tula. kaya naiintindihan kita kung bakit mo nasabing napakababaw dahil hindi ito polikal na tula para sa akin. ganun pa man, maluwag na tinatangap ko ang opinyo nyo.

maraming salamat dyeppri sa komento, malaking na itulong sa pagsusulat ko ng tula. hangang sa muli kaibigan.