TULANG TOKSIK: palengke
Submitted by paul h roquia on November 22, 2008 - 12:44pm.
Filipino | Poetry
talipapang pinagmula'y
limot na halos,
lumaki, lumawak
lalong umingay.
paninda'y sari-sari
at sa wari ay
lahat naroon na...
suki'y pinapatawad
nangungupit ay pinapatuwad.
mula madaling araw hanggang
inangkat ay said
na
di halos magkamayaw ang
masigasig sa buena manong
kunwari may dagdag
sa timbangang madaya
huwag lang mataon
sa tinderong buraot
na laging nakaabang
sa mamimiling natutulala
sa pinaghalong amoy ng
sariwa't kabulukan.
palengkera... magandang buena mano!


