TULIRO

rose's picture

TULIRO 

Hatinggabi na hindi ako makatulog, panay ikot sa aking higaan , kinakausap ko na ang aking sarili, yang  tumagilid, tumihaya na ako sa aking higaan, tumitig sa kisami, kumanta at libangin ang aking sarili. Hay anong oras na madaling araw na gusto ko na matulog pero buhay na buhay ang aking isip bumangon ako at umupo nagtimpla ng gatas at naisip ko na buksan ang aking laptop

Wala naman ako maisulat para akong tanga na nakatitig sa mga larawan na nasa aking laptop

 

Nagbabasa ng mga storyang paulit ulit kong binabasa. Bakit ganito ilang buwan ng magulo ang aking isip, ilang buwan nang hindi mapagkatulog, maraming mga bagay bagay ang nag lalaro sa aking isipan,  ang hirap ng ganito na gusto mo na matulog sobrang hapdi na ng mata mo pero ang diwa at isip mo ay naglalakbay pa kung saan saan pa nakakarating , habang ako'y nakaupo nagmumuni muni sa kawalan, nag-iisip kung paano at ano ang nangyari. Sa ganung sitwasyun hindi ko namalayan na 5:30 a.m. na pala kailangan ko nang bumangon upang pumasok, habang ako'y naliligo panay hikab na para bang ako'y hinahatak na sa aking higaan.

 " Nakakainis kung kailan papasok na ako saka ako aantukin."

 Hanggang dumating na ang aking sasakyan papunta sa trabaho, pag dating ko sa trabaho una kong binuksan ang aking computer, check ng mga emails at magbasa sa FW. Magbabasa muna ako bago mag-umpisa sa trabaho pero habang ako'y nagbabasa ito naman ang oras na ang utak ko ay natutulog na hindi ko na namamalayan sa aking pagkakatitig sa monitor ng computer ay may tumatawag pala sa akin. Para akong binasang isda, wala sa ulirat, bangenge dahil sa walang tulog. Bigla nalang akong ginulat ng aking ka trabaho na

" Hoy ano nangyayari sayo?, bakit tulala ka diyan!". Na hindi niya nalalaman ay natutulog ang aking diwa mula sa aking pag-kakaupo at pagkatitig sa aking computer. Ito na naman kringgggggg na naman ng telepono, sa tuwing naririnig ko ang telepono na tumutunog ay parang gusto ko ihampas dahil natutuliro ang natutulog kong diwa.

Ewan ko ba kung ano nangyari sa akin daig ko ba ang naka shabu na sobrang bad trip ko ngayung araw na ito. Ibang iba ang aking mga kilos na kahit ako'y naguguluhan sa mga inaasta ko itong nag daang araw. May mabigat na dahilan kung bakit ako ganito.Kung ano man yun bahala na kayo mag-isip ? parang hindi ko kayang magtrabaho ngayung araw na ito hikab ng hikab first day pa naman sa trabaho.Kahit pag ngiti parang hindi ko kayang magawa, papano na ito kahit anong gawin ko sumasalubong ang kilay ko na hindi ko namamalayan. Hay buti nalang may Filipinowriter na nakakatulong sa akin sa pamamagitan ng pag-babasa nalilibang ako at naiibsan konti ang aking mga problema.  

Pero inaantok talaga ako , kinakausap ako ng ka opisina ko na sumasagot lang ako ng "OO" na hindi ko naman naiintindihan ang kanyang sinasabi na pilit akong ngumingit dahil may sinasabi siyang sigurong kwentong nakakatawa, sumasagot ng telepono na hindi ko alam kung ano na ang aking pinagsasabi. Sa mga makakabasa nito pag pasensyahan ninyo na ako ngayung araw na ito kung ano ba ang pinag-susulat ko dito at pinagsasabi , kung wala mang saysay ito pasensya na po ako'y tao lang na may matindi at mabigat na dinadala sa buhay.  GOD BLESS YOU ALL!

Sealed


dyeppri's picture

ganyan din ako...

I felt the same experience you have ryt now a few weeks back and i think it is just a normal thing 4 a normal person... parang napakabigat ng dinadala ko at hindi mapakali... nag-isip ako at nomoblema kasi akala ko ay...buntis ako! hindi pala kasi lalaki ako noh!!!  Sealed

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

rose's picture

Ha ha ha

Salamat sa komento kapatid na dyippri! ganun ba akala mo buntis ka, kaya lang lalake ka. oks na oks ang na isip mo ang bilis mo talaga mag-isip he he he galing mo ahh.. actually masyadong mabigat talaga ang problema na dinadala ko kasi iniisip ko kung sasama ba ako mag rarally para bukas sa SONA. Kaya lang nandito ako sa qatar kaya panay isip ko na hindi ako makakasali sayang!Cry gusto ko pa naman sana mamuno sa rally. Dibale pag uwi ko nalang ipagpapatuloy ko nalang aming simulain.

Sege kapatid isipin mo lang mabuti ko ano ba nangyayari sa akin he he he.

God bless...

dyeppri's picture

masaya kung...

masaya talaga ang sumama sa rally lalo na kung may kasama ka na naniniwala sa pinaglalaban mo....partner kung baga! Pwede ka rin naman magrally kung asan ka mang lupalop ng daigdig at ang mahalaga ay paninindigan mo kung ano ang pinaniniwalaan mo. Maghanap ka ng makakasama at makakaintindi sayo at makikita mo na napakasaya ng lahat lalot  makikita mo sa huli ang bunga nito paghihirap mo....ganyan din ako dati eh! pero nalagpasan ko. Rally mo yan kapatid kaya huwag mo tatalikuran. Hev Faith in Him and i know He is always beside u no matter what! Marami talagang dadalo sa Sona at iba-iba ng pinaglalaban na kagaya mo... Kita-kits tayo pagdating ng panahon....kaya mo yan 'day!

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

jonsdmur's picture

Nararamdam ko rin yata

Nararamdam ko rin yata ngayon yan... hindi ko alam kung ano ang gagawin ko... pakiramdam ko hindi ako mapakali.. kapag may ginawa ako hindi ko natatapos.... nagsusulat ako ng stories kaso di matapos tapos.. ang mahirap di ko alam kung alin sa dalawa ang unang tatapusin... dagdagan pa ng rally... buti na lang hindi natuloy dito sa laguna... jonsdmur

WDZHPiIpqbZQkv

i63CpS rxneugaryang, [url=http://hmoehctzmnyx.com/]hmoehctzmnyx[/url], [link=http://szmdejribcuv.com/]szmdejribcuv[/link], http://dilttlmgzyjz.com/