Tulog
Submitted by jeNadriano on November 4, 2008 - 10:51pm.
Filipino | Poetry
Hindi ko kailangan
pang maligo
dahil
wala naman akong katabi
na makakaamoy
sa alingasaw
ng alak
at yosi.
Hindi ko na rin kailangan
pang magsipilyo.
Wala naman akong hahagkan
sa pagtatagpo
ng hamog at araw.
Ngayong gabi:
Magpapahele na lamang ako
sa tunog ng patak ng ulan
at sa mga salita
ng librong binabasa.
Maghihintay
sa pagyakap ng lamig
at antok.
Ihahatid ako ng panaginip
sa bukas
na
ganito rin
ang pagwawakas.
jeNadriano
Matapos mapakinggan ang "I'll Never Cry" ni Alice Cooper.


