Tunay na Bayani

Dap-ay Sapata's picture

Normal 0 false false false st1\:*{behavior:url(#ieooui) }

Tunay na Bayani

ni Dap-ay Sapata

03 November 2003/1106 hours

 

Iniwan mo ang ulap mong higaan

Kapalit ng manipis na sako sa ibabaw ng lupa

Ipinikit mo ang iyong mga mata sa makulay na ilaw ng kalunsuran

At idinilat ito sa madilim na lilim ng masukal na kagubatan

Ipinagpalit mo ang mainit na yakap ng mahal mong ina

Sa malamig na piling ng hamog at ulan

Nilisan mo ang buhay na marangya

Patungo sa landas ng sakripisyo at hirap

 

Wala ka mang pangalan sa dingding ng katibayan

O medalyang ginto sa matatag mong dibdib

Larawan mo man ay kumupas sa isipan ng iilang mukha

Ngiti mo man ay malusaw sa pagbuhos ng ulan

 

Pangalan mo ay itataas sa bantayog ng pulang tala

Ikaw ay aalalahanin ng malawak na masa

Alaala mo ay sasariwain sa pahina ng kasaysayan

Pagkat ikaw ay dakilang inspirasyon sa ating dakilang mithiin

Tunay na bayani ng rebolusyonaryong Digma

Na sa daigdig ay magpapalaya sa gapos ng pagsasamantala.#