"Tunay Na Magkaibigan [Part-01]
PAUNAWA
Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit ko po sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko po lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay na buhay ay talagang hindi ko po sinasadya. Ang lahat ng ito ay bunga lang po ng aking malikot na imahinasyon.
JESSIE, JOMAR & JASON
In
TUNAY NA MAGKAIBIGAN
Supporting Casts:
Roxanne, Jessie’s sister and Jason’s fiancée.
Don Manolo Monteverde, Villafuerte city Mayor
Greggie, Mayor Monteverde’s son
Camille, kapatid ni Jomar
Cristina, anak ng mayor na kapatid ni Greg at fiancée ni Jomar
Pepoy, kaibigan nina Jessie, Jomar, at Jason
Sgt. Flores,, butihing Police Sergeant ng Villafuerte
Ka Zandro, kumander ng mga rebelde
Gordon, kanang kamay ni Greggie
Mang Alexander, ama ni Jomar na kalaban ni Don Manolo sa posisyon bilang mayor
Aling Mercedes, asawa ni Mang Alexander at ina ni Jomar
Gen. Villamor, AFP Commanding Officer
Ka Kaloy, informer, kaibigan at kasapi ng rebelding grupo ni Kumander Zandro
Chief Baldomero, tiwaling Hepe ng Lungsod ng Villafuerte
Miko, kaibigan at informer nina Jomar
Pamela, Jessie’s fiancée
Diane, kaklase ni Jason sa Unibersidad na pinapasukan niya na nagkagusto sa kanya
Aling Minay, Kapit-bahay nina Jomar
Mr. Mishimoto, kasosyo na Hapon ni Don Manolo
OTHER’S:
AIRFORCE GROUP
KA ZANDRO’S GROUP
VILLAFUERTE POLICE
MONTEVERDE’S PRIVATE ARMY
GRUPO NI BALDO
MARKET VENDORS
TINDERA NG YOSI
GUARD NG MONTEVERDE
Sa gitna ng kagubatan malapit sa pinakamataas na burol ng Chocolate Hills sa siyudad ng Villafuerte unang nagsumpaan ang tatlong magkakaibigan kung saan dito nila unang binuo ang bahay kubo bilang simbolo ng kanilang pagkakaibigan. Si Roxanne, kapatid ni Jessie ang saksi sa kanilang tapat at pagiging tunay na magkaibigan.
Jomar: Ibig sabihin ‘tol kapag nasira ang kubong ito ay wasak na rin ang tunay nating samahan o di kaya’y may nagtaksil sa ating pagkakaibigan? “Dugtong naman ni Jomar ang pinakamatapang sa tatlong magkaibigan.”
Jessie: Pupuwede rin na ganon pero sa tibay at tatag ng mga kagamitan sa pagbuo natin dito ay imposibling mangyayari yan? Pero sana naman ay walang masamang trahedyang darating sa maganda nating samahan. “Bakas ang lungkot sa mukha nito.”
Jason: Jessie naman! Ang sama naman ng nasa isip mo? Parang iniisip mo na may nag-aabang na trahedya sa samahan natin.” Ani Jason.
Jessie: Hindi naman sa ganon ‘tol, nangamba lang ako. Pero sana maging matatag ang bawat isa sa atin sa kahit anong mga pagsubok na darating sa ating samahan.” Paliwanag ni Jessie sa mga kaibigan. "O sige tama na yan, hangga’t buhay pa ang kubo na ‘to ay mananatili tayong matatag. Ito ang nagsilbing simbolo sa ating pagkakaibigan at sa ating mga pangarap sa buhay.” Dugtong pa ni Jessie sabay nagyakapan ang magkakaibigan, hindi nila alam na nasa harapan nila si Roxanne na siyang tanging saksi sa kanilang mga sumpaan bilang matalik na magkaibigan.
Jessie: Oppps! Tama na at nakakahiya sa kapatid ko baka sabihin niyang may lahi pa tayong bading!” Pabirong sabi ni Jessie sabay tingin sa magandang kapatid nito na si Roxanne.
Roxanne: Kuya naman! Naiintidihan ko po kayo Kuya at ipi-pray ko na sana walang hanggan ang tunay n’yong pagkakaibigan.” Nakangiting paliwanag ni Roxanne.
Jomar: “Ay! Salamat akala ko ay nagdududa ka na naman sa pagkatao namin.” Ani Jomar na nakatingin kay Roxanne sabay halakhak.
Jason: “Si Roxanne pa! Na napakabait at masunurin na kapatid! Di ba Roxanne?” Sabay tingin ni Jason kay Roxanne na ikinamumula ng mala-angel na pisngi nito. Halos hindi makatingin ng diretso kay Jason siya dahil napahiya ito sa sinabi ng binata. Hindi kasi siya sanay sa biro, pero agad naman itong binawi ni Jason. “Sige na nga! Mukhang galit ka na e!”
Jessie: “O, Roxanne! Are you okey? Totoo naman ang sinabi ni Jason di ba?” Pabirong sabi ng kapatid sabay naghalakhakan ang magkakaibigan na lalong ikinamumula ni Roxanne. “O, s’ya s’ya! baka lalong magdadabog pa itong beautiful sister ko.” Pabirong sabi ni Jessie sabay yakap sa kapatid.
Seq.02 Habang binaybay ng magkaibigan ang daan papauwi ay di sinasadyang makasalubong nila ang Private Army ni Don Manolo at kasama pa nito ang binatang anak na si Greggie na medyo may kayabangan din.
Jomar: Mga ‘tol tingnan n’yo kung sino yong makasalubong natin?” Ani Jomar sabay turo sa kinaroroonan nina Greggie at mga kasamahan.
Jason: Diyos ko! Ang Private Army yan ni Don Manolo baka anong balak gawin ng mga yan sa atin ‘tol!” Kabadong sabi ni Jason na hindi naman nagustuhan ni Jomar.
Jomar: “Bakit? Natakot ka ba Jason?! Sino ba sila para katakutan natin? Nagmamayabang lang ang mga yan dahil may baril sila! Kung hahamunin mo yan ng mano-mano ay mabilis pa sa alas-kwatro ang mga yan!” Gigil na komento ni Jomar.
Jessie: “Okey, okey relaks lang kayo, wala naman sigurong balak manggulo sa atin ang mga yan. Sisiguraduhin n’yo lang na palagi kayong handa sa kahit anong mangyayari.” Ani Jessie na pinapanatag ang kalooban ng mga kaibigan.
Jomar: “Hindi lang sa handa pare, talagang uupakan ko ang Greggie na yan pag umarte yan ngayon!” Ani Jomar sa mga kaibigan na hindi nakapagpigil sa sarili dahil may kimkim na siya na galit sa pamilya ni Greggie at kay Greggie mismo.
Jessie: “Relaks ka lang ‘tol ikaw naman lumabas na naman ang pagkamainitin ng ulo mo.” Ani Jessie sabay hawak sa magkabilang balikat ng kaibigan para pakalmahin ito.
Roxanne: “K-kuya Jessie natatakot po ako Kuya!...” sabi ni Roxanne na hindi mapigil ang pagkaramdam ng takot.
Jessie: “Dito ka lang sa tabi ko Roxanne at wag kang lalayo sa akin. Huwag ka lang nilang babastusin at makikita nila ang hinahanap nila!” Paninigurong sabi ni Jessie sa harap ng kapatid.
Jomar: “O, Jason! Ba’t natatamimi ka d’yan?” tanong ni Jomar kay Jason na kanina pa walang imik.
Jason: “W-Wala pare, hinanda ko lang ang sarili ko sa anumang mangyari ngayon.” Mahinang sagot sa kaibigan.
Jomar: “Buti naman, akala ko lumabas na naman ang pagkaduwag mo!” Ani Jomar sabay harap sa kaibigan.
Seq.03 Nang magkatapat na ang dalawang grupo, ay agad na pinansin ni Greggie si Jessie. Bumaba ito sa sasakyan nila at lumapit kay Jessie.
Greggie: “Jessie! Sabi ko na nga ba! Kung hindi lang dahil sa maganda mong kapatid ay ‘di kita makikilala. Kumusta ka na pare? Sabay tapik sa magkabilang balikat ni Jessie.
Jessie: “Okey lang naman ...” Mahinag tugon ni Jessie sabay tanong kay Greggie. “Naligaw ‘ata kayo?”
Greggie: “Hindi naman matagal na kasi akong hindi nakadalaw sa lugar na ‘to.” Pasakalye ni Greggie na nahalata naman ni Jomar ang kaplastikan nito. Biglang sumingit si Jomar, di niya kasi gusto ang pagkasabi ni Greggie.
Jomar: “Gustong dumalaw! O may binabalak na naman kayong di maganda sa lugar na ‘to at sa mga likas-yaman dito na balak n’yo na namang sirain! Hindi pa kayo natutuwa sa ginagawa n’yo sa kabilang baryo? Ang pagkalbo sa mga kagubatan doon! At ngayon dito na naman kayo sa lugar namin! At siguro balak n’yo na namang kalbuhin ang mga punong-kahoy dito! Pabulyaw na sabi ni Jomar na siyang labis na ikinagalit ni Greggie. Pumorma sana si Greggie pero maagap naman itong hinarangan ni Jessie.
Greggie: “Tarantado ka pala!” Gigil na sabi ni Greggie. “Gago ka! Pinagbibintangan mo ba ako! Hindi mo ba alam kung sino itong kaharap mo!” Ani Greggie na may pagmamayabang.
Jomar: “Bakit?! Sino bang tinatakot mo! Mayabang ka lang dahil may baril ka, yan ba ang ipinagmamalaki mo!” Galit na sabi ni Jomar na lalong ikinaiinis ni Greggie.
Greggie: “Tarantado ka talaga, sinusubukan mo ba akong hayop ka!” ani Greggie na nakakalas sa pagkakahawak ni Jessie sabay bitaw ng malakas na suntok kay Jomar na nailagan naman ng huli.
Seq.04 Nagkagulo na sila at walang nagawa sina Jessie at Jason kundi tulungan ang kaibigan nila dahil kumilos na rin ang Private Army ni Greggie. Natalo sina Jessie at Jason dahil tinutukan ito ng baril ng mga kalaban. Samantalang hawak naman si Roxanne ng isa sa mga tauhan ni Greggie. Maagap at marunong naman si Jomar dahil ex-military ang kanyang ama kaya alam niya ang lahat ng uri ng self-defense. Natalo niya si Greggie.
Jomar: “Sige, gawin n’yo ang gusto n’yo ng matudas itong bosing n’yo!” ani Jomar habang binatikos ang magkabilang balikat ni Greggie. “Baka mapaaga ang pakipagkita n’ya kay kamatayan! Ano Greggie!” dugtong ni Jomar na lalong hinigpitan ang pagkakahawak nito.
Greggie: “Gordon sundin mo s’ya! Galit na si
Greggie.” Pakawalan mo na sila!" Ayaw pang
sumunod ni Gordon. “Gordon ano ba!
Inuutusan kita!”
Gordon: P-Pero Boss..? B-baka...
Greggie: "Gordonnn ...!" Galit na galit na si
Greggie kaya sumunod na si Gordon.
Jomar: “Very good! Takot ka ba Greggie
Boy !?..? Bakit? Ayaw mo ang makita ang
pagmumukha ni Kamatayan!” Humahalakhak
sa tuwa si Jomar habang naniniil naman ang
bagang ni Greggie sa galit. “Jessie, Jason
disarmahan n’yo na sila at hoy mga balimbing
‘wag na ‘wag kayong umarte d’yan at nang
mauna itong Bosing n’yo!”
Greggie:Sundin mo siya Gordon bilis! Punyeta!
Jomar: Relaks ka lang Greggie at baka matuluyan ka pa. Sige sumakay na kayo sa dyip n’yo at baka magbago pa ang isip ko!
Greggie: "Hindi pa ‘to ang huli nating pagkikita Jomar, at hindi ko kalilimutan ang araw na ‘to! Sabihin mo sa ama mo na iurong na niya ang kanyang kandidatura bilang meyor dahil wala siyang kalaban-laban!"
Jomar: Satsat ka ng satsat Greggie wala ka namang binatbat! At isa pa hindi n’yo kami puweding takutin dahil Diyos lang ang kinatatakutan namin! Tandaan mo kahit anong mangyari ay ituloy pa rin namin ang laban!
Greggie: Binabalaan kita Jomar, kung ayaw mong may masamang mangyari sa pamilya mo!
Jomar: “Greggie ... di mo ‘ko makuha sa takot! Siguro ikaw ..?” Sabay tingin sa harapan ni Greggie na basang-basa na.
Greggie: "Bullshit ..!" Bulalas ni Greggie habang napatingin sa harap niya.
Jomar: Ano ba! Hindi pa kayo aalis at pasabugin ko na itong sasakyan n’yo!
Greggie: O-oo! Aalis na kami! Gordon paandarin mo na ang makina, daliii!" Mabilis na pinaharurot nina Greggie ang kanilang sasakyan samantalang natutuwa naman si Jomar sa hitsura nina Greggie.
Jomar: O, kita n’yo mga ‘tol, mabilis pa sa alas-kuwatro ang Greggie na yan. Akala n’ya siguro lahat ng tao dito sa Villafuerte ay kaya niyang takutin.
Jessie: Hindi kaya tayo mapapasama sa ginawa natin Jomar? Alam kong hindi palalampasin ng anak ng meyor ang ginawa natin sa kanya at gagawa yon ng paraan para makaganti!
Jomar: Kung ano man ang binabalak n’ya ay handa na ako at maging kayo rin.
Jason: Alam n’yo mga ‘tol parang pagulong-pagulo na ang sitwasyon natin umpisa pa noong malaman ni Meyor Manolo Monteverde na tatakbo ang ama mo bilang meyor dito sa lugar natin sa darating na eleksiyon. Nangamba ako na baka may masamang binabalak ang mga Monteverde sa pamilya mo at maging sa mga taong malalapit sa ama mo.
Jomar: Naisip ko rin yan Jessie pero wala akong magawa buo na ang desisyon ni Papa. Alam ko mahal na mahal ni Meyor Montverde ang posisyon niya dahil magagawa niya ang lahat-lahat pati batas ay kaya niyang bilhin lalung-lalo na ang may matataas na posisyon sa pulisya, kaya laganap na dito sa lugar natin ang mga ipinagbabawal na gamot, ang karahasan at kremin na hanggang ngayon ay wala pang solusyon at lalung-lalo na ang pagsira sa ating kalikasan at isa na rito ang Chocolate Hills na balak naman nilang sirain at kalbuhin.
Jessie: Siya nga pala Jomar, tatakbo ba talaga ang Papa mo?
Jomar: Siyento porsyinto Jessie at sana suportahan n’yo kami ni Papa para maipanalo n’ya ang kanyang kandidatura. Ang kapanalunan ni Papa ang siyang susi upang matigil na ang mga karahasan at kremin dito sa lugar natin.
Seq.05 Biglang naputol ang pag-uusap ng magkaibigan nang biglang sumingit si Roxanne.
Roxanne: Ano ba Kuya! Hindi pa ba tayo uuwi baka mamaya babalik na naman dito ang mga yon!
Jason: “Huwag kang mag-alala Roxanne ‘andito naman ako kayang-kaya kitang ipagtanggol!” Pabirong sabi ng binata sabay ngiti kay Roxanne.
.Roxanne: “Heh! Puro ka lang satsat kanina wala nga kayong nagawa ni Kuya Jessie kung hindi lang magaling si Jomar...” Natigil si Roxanne dahil sumingit ang Kuya n’ya.
Jessie: Opps, opps! Ano ba yang pinagtatalunan n’yo ha?!
Roxanne: "Si Jason kasi Kuya ..." Naglalambing sa Kuya n’ya.
Jason: Kuya ah este! Jessie si Roxanne kasi?..
Jessie: Sige tama na yan baka gagabihin pa tayo sa daan mahirap na.
Seq.06 Umuwi na ang magkakaibigan sa kanya-kanyang tahanan. Kasama naman ni Jessie ang kapatid niya na si Roxanne. Sa bahay nina Jessie ...
Roxanne: "Kuya Jessie ..?" Naglalambing ang boses. "Ano... k-kasi bukas ay..." Nag-alangan pang magsabi."Magpunta ako sa doon sa may sapa na malapit sa kubo."
Jessie: Sa sapa? Ano naman ang gagawin mo roon? Alam mo naman na delikado doon bukod sa tahimik ay malayo pa dito sa atin? At isa pa mahirap umalis ka sa bahay na nag-iisa gayong alam mong laganap na dito sa atin ang panggagahasa?
Roxanne: Kuya naman, mag-ingat naman po ako Kuya eh? Kuya please?.. At isa pa malapit lang naman yon sa kubo ninyong magkakaibigan?
Jessie: Sino naman ang kasama mo? O sige, kung hindi nga lang kita labs ay hindi talaga kita papayagan. Pero hoy, ‘wag kayong magpapagabi doon ha? Teka ... sino nga ba talaga ang kasama mo doon?
Roxanne: "Ah-eh ... si Camille po ang kapatid ni Jomar, alam n’yo naman na siya ang palagi kong kasama." Palusot ni Roxanne, samantalang si Jason ang katagpuan niya doon.
Jessie: Sige, mag-ingat kayo doon ha? Baka may mga ligaw na hayop na gumagala roon. Kapag maaga akong makakauwi bukas ng tanghali dahil pinapupunta kasi ako ni Don Manolo sa Mansion n’ya susunduin na lang kita doon.
Roxanne: Kuya ‘wag na lang , kaya ko naman ang umuwi mag-isa e.
Jessie: Basta susunduin kita doon. O sige na matulog na tayo at nang maaga tayong magising bukas.
Seq.07 Kinabukasan sa may sapa, naunang makaratig si Roxanne.
Roxanne: “Limang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin s’ya. Baka nakalimutan niya ang usapan namin." Bulong ni Roxanne habang nakaupo sa malaking bato sa gilid ng sapa nang ...
Jason: Bulagaaa!!!
Roxanne: “Ayyy! Anak ng pating na walang buntot! Jason ano ka ba! Alam mo, hindi ako mamatay sa pakikipag-away kundi sa panggugulat mo!” Sabay kurot ng pino sa tagiliran ng binata.
Jason: “Nagulat ka ba? O sige sorry na.” Naglalambing. “Siya nga, kanina ka pa ba dito?” Sabay tabi sa pag-upo kay Roxanne.
Roxanne: “Kani-kanina lang, akala ko hindi ka na dadating. Yung ugali mo talaga, di pa rin nagbabago lagi na lang late!” Pairap na sabi ni Roxanne.
Jason: Pasensya ka na, paano kasi hinanda ko muna kasi yong mga gamit ko para sa pagluwas ko bukas ng Maynila.
Roxanne: “Hindi ka na ba talaga papipigil?” Malungkot at mahinang tanong ni Roxanne. “Kailangan ba talagang doon mo tatapusin ang iyong pag-aaral sa kolehiyo?”
Jason: Kailangang-kailangan Roxanne at isa pa, doon lang ang magandang paaralan sa kursong kinukuha ko. At saka ‘wag kang mag-alala dahil isang semister na lang at gagraduate na ako. Malaking tulong na rin sa akin, sa atin ang pagtatapos ko.
Roxanne: “Paano na ako? Ang pag-ibig natin?” Medyo nangangatog na ang boses. “Alam ko, maraming babae doon at seksi pa! Baka ...”
Jason: “Roxanne ...” Sabay yakap sa katipan. “Mahal na mahal kita, ikaw lang ang lahat sa akin. Hindi kita kayang ipagpalit ng ibang babae. Sana magtiwala ka sa akin at sa pagmamahal ko sayo Roxanne.” Paliwanag ni Jason sa humihikbi ng kasintahan habang yakap-yakap ito.
Roxanne: “Jason ...” Napaluha na s’ya. “Aasahan kita Jason at idadalangin ko na sana’y magtagumpay ka sa mga nilalayon mo.” Nagyayakapan na sila nang biglang dumating si Jessie.
Jessie: “Anong ibig sabihin nito!!!” Galit na galit ang boses.
Roxanne: “Kuya Jessie!” Gulat na napakapit sa bisig ni Jason dahil sa takot.
Jason: P-Pare..!?
Jessie: “Hudas ka Jason!” Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Jessie na nagpatumba kay Jason. "Binaboy mo na pala ang kapatid ko! Akala ko Roxanne si Camille ang kasama mo dito!" Madiin ang bawat salita. "Pero bakit?! Kailan ka pa natutong magsisinungaling ha Roxanne! Kailan!" Galit na galit na hinablot si Roxanne sa pagkakayakap kay Jason.
Roxanne: Kuya Jessie nasasaktan ako ...?!
Jessie: Talagang masasaktan ka kapag magkamali ka sa pagsagot ng mga tanong ko!
Roxanne: "O-Opo! Opo! Nagsisinungaling po ako Kuya!.. " Napaiyak na siya. "Pero alam ng Diyos na wala kaming masamang ginagawa ni Jason. Kuya mahal na mahal ko po si Jason at mahal din po niya ako. Kuya patawarin n’yo po ako natatakot po kasi baka paghiwalayin n’yo kami ni Jason. Kuya please..?" Umiiyak habang nagpapaliwanag sa Kuya niya.
Jessie: Jason ... gaano ba katotoo ang lahat?!..
Jason: "J-Jessie, I’m sorry pero totoo ang lahat. Pero maniwala ka pare hindi kami lumampas sa limitasyon. Ganon ko kamahal ang kapatid mo." Napayuko siya.
Jessie: "Okey ..." Medyo malamig na ang boses. 'Andiyan na yan. Pero sa isang kondisyon pananagutan mo ang kapatid ko! May nangyari man sa inyo o wala. Kailangang magpakasal kayo sa lalong madaling panahon!
Jason: "P-Pero Jes ..." Sabay kamot sa ulo.
Roxanne: Kuya naman... Kuya please?.. napag-usapan na namin ni Jason ang tungkol po d’yan kaya kami naparito, nakalimutan n’yo po ba na bukas na siya luluwas papuntang Maynila?
Jessie: Oo nga pala, pero paano na yan ‘tol, iiwanan mo na lang na parang basahan ang kapatid ko! Alam kong anong klaseng lugar ang Maynila?!
Jason: "‘Tol, saglit lang naman ako doon tatapusin ko lang ang huling semister at gagradweyt na rin ako at pangako, walang makakapalit kay Roxanne dito sa puso ko. Babalik ako para buuin ang aming mga pangarap. Sana magtiwala ka sa akin pare..." Sabay tapik sa magkabilang balikat ni Jessie.
Seq.08 Nagulat na lang sila nang biglang dumating sina Pepoy at Camille.
Camille: Hello everybody!!
Roxanne: Camille!? Kasama ka ba ni Pepoy? Nasaan na ang Kuya Jomar mo?
Camille: 'Andoon sa kabilang ilog, nalilibang sa pamimingwit.
Roxanne: Namimingwit? Ibig sabihin ay nauna na kayo ditong dumating?
Camille: “Of course yes! At kitang-kita namin ni Kuya Pepoy ang ginagawa n’yo ni Kuya Jason. “
Jessie: "Ginagawa ..?" Biglang singit habang namangha. "Anong ginagawa nila Camille?"
Roxanne: "Bakit Camille? Ano bang nakikita n’yo sa amin ni Jason? Kayo ni Mang Pepoy?" Kabadong tanong kay Camille.
Camille: "Nakita namin kayo na nakaupo d’yan, (sabay turo sa malaking bato) at seryosong nagkukuwentuhan. At maya-maya ay nagyayakapan.
Jessie: Bukod doon Camille, may iba ka pa bang nakikita sa kanila?
Camille: "Bakit Kuya Jessie, bukod sa nakita ko ay may nakita rin kayo na hindi ko rin nakikita?" Seryosong tanong ng inosente.
Jessie: "Haaayy Naku!.. Camille bata ka pa talaga. Napakamot na lang sa ulo si Jessie.
Jason: O, paano pare maihatid n’yo ba ako sa pier bukas?
Jessie: Oo naman! Ikaw pa! Bukas na bukas ihahatid ka naming lahat. Pare ... (Biglang nalungkot sina Jessie) paano yan, aalis ka, magkakahiwalay na ba tayo nito? Baka pagbalik mo dito pare ay ibang-iba ka na hindi mo na kami papansinin?” Malungkot pa rin.
Jason: Sobra naman kayo, kahit kailan ay ‘di ko malilimutan ang ating magandang samahan at mga pangako’t pangarap sa buhay. Jason akong umalis dito kaya Jason pa rin ako sa pagbalik ko.
Pepoy: Totoo kaya yan Dong Jason? Pa’no naman pagbalik mo dito ay long hair ka at may buntot pa, si Jason ka pa rin ba?
Jason: ‘Tado kang Pepoy ka ! Anong palagay mo sa akin, halimaw!
Seq. 09 Naghalakhakan sila dahil sa biro ni Pepoy nang biglang dumating si Jomar ...
Jomar: "O, ano okey na ba kayo? Tara na sa kubo para makapag-ihaw tayo nitong nahuli kong mga tilapia, anlalaki pa naman nito!" Masayang sabi ni Jomar.
Seq.10 Sabay-sabay silang nagtungo sa kubo at doon nagkasiyahan sila para sa pag-alis ni Jason kinabukasan. Samantala, sa bahay ni Meyor Don Manolo Monteverde ...
Don Manolo: Ano bang resulta sa ipinagagawa ko sayo Greggie? Alalahanin mo na bilang na lang ang mga araw at eleksiyon na? Kaya sa madaling panahon kailangang makumbensi mo si Jomar na iurong ang kandidatura ng kanyang ama bilang meyor.
Greggie: Alam mo Dad, ginawa ko na ang lahat at kita mo naman napapalaban pa ako sa hayop na Jomar. Hindi ko malilimutan ang ginawa n’ya sa akin. Sa katunayan Dad ay inalok ko na ng malaking halaga si Mang Alexander Mondragon pero hindi talaga pweding bilhin. Mataas ang kanyang panindigan Daddy at di siya nasisilaw sa pera.
Don Manolo: Ibig sabihin inalok mo na sila ng malaking halaga katumbas sa ...
Greggie: Ganon na nga Daddy, pero ‘wa epek parin. Isa lang ang alam kong paraan Dad.
Don Manolo: Anong ibig mong sabihin Greggie Boy?
Greggie: Diskarte ko na ‘to Dad at hintayin mo na lang ang resulta.
Don Manolo: Siguraduhin mo yan Greggie at apat na araw na lang at eleksiyon na, alam mo naman na wala na akong panahon sa pag-aasikaso. Alam mo naman ang negosyo natin, kaunting burilyaso ay malaki ang mawawala sa atin.
Greggie: Akong bahala Dad, hintayin mo na lang ang magiging resulta. Mamaya ihanda ko na ang mga Private Army ko para sa nabuo kong plano.
itutuloy...
"Ano kaya ang naisip na paraan ni Greggie? May masama kayang mangyayari sa pamilyang Mondragon? Abangan po natin ang nakakabagbag damdamin na eksena sa susunod na sequel sa "TUNAY Na MAGKAIBIGAN [Part-02].
Maraming salamat po sa inyong panahon sa pagbasa...



hey
hey there...are you a real writer?