"Tunay Na Magkaibigan [Part-02]
PAUNAWA
Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit ko po sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko po lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay na buhay ay talagang hindi ko po sinasadya. Ang lahat ng ito ay bunga lang po ng aking malikot na imahinasyon.
TUNAY NA MAGKAIBIGAN
SEQ. 11 Samantala sa bahay nina Jomar...
Jomar: Mama, Papa Bukas pala ihatid namin si Jason sa pier, paano kasi sa Maynila niya tatapusin ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
Mang Alexander: Kayo talaga, para kayong kapit-tuko, kung nasaan yung isa ay naroon din kayo.
Jomar: Pero hindi na po sa ngayon Papa. Mga ilang buwan doon si Jason at babalik din s’ya dito. Para din sa ikabubuti na kinabukasan niya ang kanyang nilalayon kaya ‘di namin siya pinipigilan sa halip at tinutulungan namin siya sa kanyang mga pangarap. Siya nga pala Ma, Pa, kasama ko rin si Camille dahil sasama rin kasi si Roxanne.
Aling Mercedes: O, sige pero mag-ingat kayo sa daan ha? Eh, paano yong mga bagahe at dadalhin ni Jason? Baka mahirapan pa kayo?
Jomar: Hindi po Ma, yong kaibigan kasi ni Pepoy na taga Talyer pinaarkela ang jeep n’ya gawa ng sinabi ni Pepoy na aalis si Jason. Alam n’yo naman si Pepoy, pagdating sa aming tatlo laging handa yon.
Mang Alexander: O, paano, umuwi kayo ng maaga baka gabihin pa kayo sa daan medyo malayo pa naman ang pier mula rito sa atin.
Jomar: Madaling araw po kami aalis Pa at sigurado ako na baka mga tanghali ay nandidito na po kami.
Aling Mercedes: Siya nga pala, bukas din namin umpisahan ng Papa n’yo ang pangugumpanya. Agahan n’yo ang pag-uwi para matulungan n’yo kami ng Papa n’yo?
Seq. 12 Kinabukasan ay maagang umalis ang magkakaibigan kasama sina Roxanne, Camille, at Mang Pepoy para ihatid si Jason. Samantala, sa tahanan nina Meyor Don Manolo Monteverde ...
Greggie: Ano Gordon, kumusta na ang pinagtatrabaho ko sayo?
Gordon: “Boss swerte! ang mag-asawa lang ang nasa bahay nila ngayon, sabi ng napagtanungan namin, hinatid daw ng magkakaibigan ang isa nilang kaibigan. Yong mestisuhin daw na matangkad at pogi.” Si Jason ang tinutukoy ni Gordon.
Greggie: Ah! Wala akong pakialan kung sino sa kanila! Ang gusto kong malaman kung ang mag-asawa lang ang nasa bahay nila ngayon!?
Gordon: Positive Boss! Tanging ang mag-asawa lang ang nandun ngayon?
Greggie: Good! Haha! Talagang sumabay sa akin ngayon ang suwerte, Walang sagabal sa ating paglusob.
Gordon: Boss a-anong ibig n’yong sabihin?
Greggie: H’wag kang magmadali Gordon, mamaya malalaman mo rin. Ihanda mo na ang mga Private Army natin at ang kotse na palagi nating ginagamit sa operasyon, yon ang gagamitin natin. Maliwanag ba!?
Gordon: Yes Boss!
Seq. 13 Sa Pier...
Jessie: “Paano Jason, paalis na ang barko, ingat ka na lang doon Pare. Isipin mo nalang na palagi kaming nandirito ni Jomar sa tabi mo.” Malungkot na tinapik ni Jesie sa balikat bilang pagpapaalam.
Jomar: “Sige pare ingat ka. At saka pare ingat ka rin sa mga tsiks doon, baka makalimutan mong may iniwan ka pa dito?...” Pabirong sabi sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Jason.
Camille: Kuya Jason ha, baka pagbalik mo dito ay ibang-iba ka na? Sinasabi nila iba daw pag nakapuntang Maynila dahil nagbabago ang ugali pagdating sa probinsya.
Jason: “Diyos ko naman! ‘Di pa nga ako nakakarating ay iba na ang iniisip n’yo? O, paano mga Pare, o Pepoy may bilin ka ba pagbalik ko?” Pilit iangat ang mukha ni Jason para makita si Roxanne na kanina pa walang imik.
Pepoy: “‘Dong Jason isa lang ang bilin ko sayo, uwian mo ako ng wig para naman magkakabuhok na ako kahit papano.” Napatawa siya sa sinabi.
Seq. 14 Aakyat na sana si Jason nang ...
Roxanne: “Jason!!!, (Sabay takbo at yumakap ng mahigpit na mahigpit sa katipan), Jason hanggang kailan ako maghihintay at magtitiis na wala ka!" umiiyak na si Roxanne.
Jason: Mahiwaga ang pag-ibig Roxanne, gagawa ito ng gagawa ng paraan upang hanapin ang tunay na minamahal.” Niyakap na rin niya s Roxanne sabay paalam dito.
Seq. 15 Halos maiyak sa lungkot ang magkakaibigan sa paglisan ng isa sa kanila. Wala silang magawa kundi ang hangarin ang tagumpay ni Jason. Balik sa tahanan ng mga Monteverde ...
Don Manolo: Greg, may kargamento na darating ngayon, isa sa mga kasosyo nating Hapon si Mr. Mishimoto. Planado na ang lahat at siguradong malaking pera na naman ito. Ako na lang at ang mga tuta kong mga pulis ang kasama ko at hoy Greggie! Kailangan ko na ang resulta sa ipinagagawa ko sayo!
Greggie: Daddy, diskarte ko na ‘to huwag kayong mag-alala at hintayin n’yo na lang ang balita.
Don Manolo: Ano ba talaga ang pinaplano mo ha Greggie Boy at ayaw mo pang sabihin sa akin?!
Greggie: “Hintayin mo na lang ang resulta Dad at magugulat na lang kayo.” Makahulugang ngiti ang ipinukol sa ama.
Don Manolo: “Ayoko ng puro satsat na lang Greg! Naintindihan mo ba, sa gawa!” Matigas ang tono ng boses na may pagbabala.
Greggie: Oh! c’mon Daddy ... Trust me. Okay?!
SEQ. 16 Sa bahay nina Jomar, masayang nagkukuwentuhan ang mag-asawang Mondragon at isa sa pinag-uusapan nila ang nalalapit na eleksiyon.
Mang Alexander: Sana maipanalo ko ang posisyon ko para matutulungan ko ang mga taong-bayan. Sisikapin kong matigil ang laganap na karahasan at kremin dito sa lugar natin.
Aling Mercedes: May awa ang Diyos Alexander, matagal ko na ring hinahangad ang kapayapaan dito sa lugar natin. Wala na kasi akong tiwala sa mga nakaupo sa pamunuan natin lalo na ang mga alagad ng pulisya wala man lang magawa sa lumalaganap na droga dito sa ating lugar.
Seq. 17 Natigil ang pinag-uusapan ng mag-asawa nang biglang may huminto na sasakyan sa harap ng gate nila na halos ibangga na ito sa pader…
BROOOOOOMMMMM!!! ... SKITTTSSSSSS!!!!!!
Mang Alexander: Ano yon?! Mercedes sandali lang at baka nabangga sa bakod natin ang sasakyan na yon!
Seq. 18 Aktong silipin ni Mang Alexander sa bintana nang ...
Mang Alexander: Diyos ko! Mga armadong tao at ... Cedes dapaaa!!!
Seq. 19 BRATATATATATATATATTTT!!! ... BRATATATATATTTT!!! Natamaan si Mang Alexander.
Aling Mercedes: "A-Alexander!!!.. (Tumayo si Aling Cedes nang mahagip at natamaan din siya ng mga bala) URGHHH!!!"
Seq. 20 Sabay na nabulagta ang mag-asawa. Nang masisiguro na mga kriminal na tadtad na sa bala ang nasa loob ay agad na nilisan ang lugar. Tahimik ... agaw-buhay na ang mag-asawa. Samantala, papalapit na sina Jomar sa pagkakataong yon.
Camille: Kuya Jomar, malayo pa ba tayo? Kinakabahan kasi ako Kuya parang naninikip ang dibdib ko na hindi ko maintindihan.
Jomar: Baka naman nagugutom ka na? Sabi ko sayo magkape ka muna baka mahihilo ka sa biyahe natin. Pero ewan ko parang ganon din ang nararadaman ko Camille, mula pa kanina pag-alis natin sa bahay ay kabado na ako. Si Mama, si Papa, My God! Huwag naman sana ... Pepoy bilisan mo naman ang pagmamaneho!
Pepoy: Nakupo Dong Jomar, kita mo naman halos paliliparin ko na itong sasakyan natin!
Jomar: “Pepoy ako na ang magmamaneho!” Binigay ni Pepoy ang manibela.
Seq. 21 Nang marating nila ang kanilang bahay, nabigla sila dahil may maraming tao at dalawang police mobile car ang naroon. Nagmamadaling bumaba sina Jomar at Camille at kasunod nila sina Roxanne, Jessie at Pepoy. Nakipagsiksikan sila sa maraming tao.
Jomar: “Makikiraan po ..? Ano bang nangyari dito? Bakit ang daming tao? “Sinalubong kaagad sila ni Aling Minay.
Aling Minay : “Jomar! Jomar!” Hindi mailarawan ang mukha ni Aling Minay. “Saan ka ba nagpunta? Akala ko’y napasama kayo sa Papa’t Mama n’yo!”
Jomar: Aling Minay ano po bang nangyari at bakit ang daming tao dito?!
Aling Minay: “Jomar anak ...” Bumuntunghininga muna si Aling Minay bago sabihin. “Kanina kasi may mga armadong mga nakasakay sa itim na kotse at biglang huminto dyan sa harap ng gate n’yo at walang kaawa-awang minamasaker ang bahay n‘yo. Walang ni isang rumisponde dahil biglaan ang mga pangyayari at armado din sila kaya walang naglakas loob na sumaklolo. Naglakas-loob na lang ang mga kapit-bahay natin na lumapit nang umalis ang mga walang pusong kriminal. Agaw-buhay na nang maabutan namin ang mga magulang n’yo. Tadtad ng bala ang buong katawan nila.
Jomar: “Si Mama’t Pa ... hindiii!!!” Tumakbo sa loob si Jomar. “ Mama!.. Papa!!!”
Camille: “Diyos ko ang Mama’t Papa ko! Hindi totoo yan!” Sumunod siya sa Kuya n’ya at sumunod na rin sina Jessie, Pepoy, at Roxanne
.Jomar: “Ma! Pa! Bakit po ito nangyari sa inyo! Sino ang mga walang pusong gumawa nito! Sino!” Napahawak siya sa ulo sabay suntok sa dingding. “Isumpa ko hindi ako titigil hangga’t di ko maipaghiganti ang mga nangyari sa mga magulang ko! Kahit saang sulok pa kayo sa mundo magtago hahanapin ko kayo, kahit sa impyerno pa! Dudurugin ko kayo!!! Hu hu hu!”
Camille: “Mama ko!!! Hu hu hu! Papa!!! Gising po kayo! Huwag n’yo po kaming iwan ng Kuya! Kailangan po namin kayo! Papaaa!!! ... Mamaaaa!!!” Halos mag-abot na ang hininga ni Camille sa pag-iyak, nilapitan siya ni Roxanne.
Roxanne: Camille?.. Tahan na, may awa ang Diyos at mahuli rin ang mga walang pusong gumawa nito sa mga magulang n’yo.
Camille: Ate Roxanne, wala na ang Papa’t Mama ko!?.. Iniwan na nila kami Ate Roxanne! Huh hu hu!...
Seq. 22 Samantala, si Stg. Flores ang isa sa mga pulis na rumisponde. Lumapit siya kay Jomar at pinangakuan ang huli.
Sgt. Flores: Hayaan mo Jomar, hindi ako titigil hangga’t di ko mahuhuli ang lahat ng may pakana nito. Huwag mong ilagay ang batas sa mga kamay mo.
Jomar: Sarhento, mga magulang ko ang pinatay na walang kalaban-laban. Oras na malaman ko kung sino ang gumawa ng lahat ng ito ay dito sila sa mga kamay ko magbabayad. Buhay ang inutang nila kaya buhay din ang kapalit! Uutangin ko sila ka kay kamatayan!
Sgt. Flores: J-Jomar maghunus-dili ka, huwag mong gawin yan may batas na magpaparusa sa kanila.
Jomar: Batas! Ha ha! May halaga pa ba ang batas ngayon Sarhento! Isipin mo sarhento marami na ang buhay na nawawala sa lugar na ‘to at marami ng kremin na nangyayari na hanggang ngayon ay wala pang kasagutan, may nagawa ba ang batas na sinasabi mo! Ha Sarhento!
Sgt. Flores: Huwag kang mawalan ng pag-asa Jomar.
Jomar: Matagal na akong nawalan ng pag-asa Sarhento at itong mga nangyayari sa mga magulang ko ay hindi ko na ito palalampasin pa. Hindi ako titigil hangga’t di ko makikilala ang sino mang mga walang pusong gumawa nito sa Mama't Papa ko!
Sgt. Flores: Jomar?...
Camille: “Kuya Jomar, wala na sina Mama’t Papa ...” Nagyakapan ang magkakapatid. “Paano na tayo Kuya?..”
Jomar: Huwag kang mag-alala Camille, 'andito naman ang Kuya mo hindi kita pababayaan kaya kitang itaguyod kahit wala na sina Mama’t Papa.
Seq. 23 Samantala, sa bahay ng mga Monteverde...
Don Manolo: Perfect! Maasahan ka talaga Greggie Boy. Manang-mana ka talaga sa Daddy mo.
Greggie: Ako pa! Pag sinabi ko Dad ginagawa ko talaga yon! Ha ha ha!
Don Manolo: Sigurado ba kayong ang mag-asawa lang ang nandodoon?
Greggie: One hundred percent Daddy! At sa ginawa namin, hindi lang ang bahay ang tadtad pati na ang nasa loob. Sa wakas ay nakapahiganti na rin ako sa mayabang na Jomar na yon.
Don Manolo: Sigurado ba kayong malinis ang pagkagawa n’yo? Baka naman ...
Greggie: Daddy naman?.. Kahit minsan magtiwala ka naman sa kakayahan ko Dad! Isipin mo Dad hawak natin ang pinakaalas sa mga pulis at garapang sa pera! At yong Sgt. Flores na yon? Walang magagawa yon Daddy yon lang naman kasi ang pinakamatigas sa lahat ng mga pulis hindi nababayaran at hindi nasisilaw sa pera. Siya nga pala Dad, kumusta na lakad n’yo?
Don Manolo: As usual pa rin Iho, kumita na naman tayo malaking pera.
Seq. 24 Masayang nagkuwentuhan ang mag-ama nang biglang ...
Cristina: Daddy ..?
Don Manolo: “A-e, C-Cristina? Kanina ka pa ba nand'yan? May narinig ka ba si pinag-uusapan namin ng Kuya mo?” Makahulugang tanong ng Don.
Cristina: “Bakit Dad? May pinag-uusapan ba kayo na di ko dapat marinig?” Madiin ang pagkakatanong ng dalaga na ikinagalit ng ama.
Don Manolo: Cristina..! Kung magsalita ka’y parang di mo ama ang kaharap mo!
Cristina: Bakit po Dad, may masama ba sa tanong ko?
Don Manolo: Estupida! Remember Cristina, I’m still your father and whatever your Dad want, you must follow it?! Maliwanag ba?!
Cristina: “I’m sorry Dad, but not at all time.” Gumaralgal na ang boses ni Cristina. “Yes, you’re my Dad, but eversince I never felt that you love me unlike before! Halos si Kuya Greg na lang ang tama, ang lahat-lahat sayo! Unfair ka Daddy! Unfair ka! Palaging si Kuya! Si Kuya! Kuya! Huh hu hu!” Tuluyan ng umiyak ang dalaga habang suntok-suntok ang dibdib ng ama.
Don Manolo: Stop it Cristina! Kung ayaw mong masaktan ka sa akin!
Cristina: “Sige Dad hurt me dahil d’yan lang naman kayo naging masaya ang saktan ako!” Patuloy pa ang pag-iyak.
Don Manolo: Cristina?!.. Hindi ka masasaktan sa akin kung sumunod ka lang sa lahat ng gusto ko! Gayahin mo ang Kuya Greggie mo!
Cristina: “Even if it is not right Daddy?! You’re crazy Dad! You’re crazy!” Tumakbo ito papunta sa kuwarto niya. “Magsama na lang kayo ng Kuya Greggie Dad!!” Nagkulong sa loob.
Don Manolo: Bulshit!!! Suwail na anak!
Greggie: “C’mon Daddy?! Huwag n’yo ng pansinin yang anak n’yong babae. Teka lang Dad…” Tumayo si Greg. “Kukuha lang ako ng ating maiinom at nang mawala yang galit at inis n’yo sa kapatid ko.”
Seq. 25 Sa loob ng kuwarto ni Cristina...
Cristina: Ang lungkot naman ng buhay ko dito sa loob, pakiramdam ko’y hungkag pa rin ang buhay ko. Mahalaga pa kaya ako kay Daddy? Kung sana nandito pa ang Mommy, pero ang aga naman niya kasing kinuha ng Diyos sa akin, tuloy wala akong mapagsumbungan ng problema ko.” Saglit na nag-isip si Cristina. “Siya nga pala, matawagan nga si Camille, matagal ko na rin siyang 'di natatawagan at nakakausap.” Dinayal ang number ni Camille, nagring na ang kabila.
Camille: Mondragon’s residence hello?
Cristina: Hello? Is that you Camille?
Camille: “Yes, speaking? If I’m not wrong you’re Ate Cristina, right? Kumusta na po kayo Ate Cristine?” Mahinang tanong ni Camille na medyo nahalata ni Cristina na malungkot ito.
Cristina: “Well ... as usual at malungkot pa rin. How about you Camille? “ Umiiyak ang kabilang linya. “C-Camille ...? Something wrong” (Nag-alalang tanong ng dalaga.), “Are you okey on there? Pinagalitan ka ba ng parents mo? Ng Kuya mo?
Camille: “A-Ate Cristine ... p-patay na po ang Mama’t Papa ko po!” Umiiyak pa rin ang bata.
Cristina: “What?!! Are you kidding Camille?! “ Gulat na tanong ng dalaga at di makapaniwala.
Camille: Hindi po ako nagbibiro Ate Cristina, totoo po ang narinig n’yo. Kaninang madaling araw ay inihatid po namin ang Kuya Jason sa Pier ng Tagbilaran City kasama sina Mang Pepoy, Ate Roxanne at Kuya Jessie. Sina Mama’t Papa lang ang naiwan sa bahay namin. And I think that the incident was happen at exactly one o’clock and when we arrived home at quarter to two o’clock, there’s a lot of people at our house together with two police mobile car. One of our cousin tell us that our house has been masacred by unknown people using high powered guns and they are riding in an unidentified black car. Hindi basta-basta ang kamatayang sinapit ng mga magulang ko Ate Cristine ...?” Patuloy ang pag-iyak ni Camille sa kabilang linya.
Cristina: My God? I can’t believe it?! Sino kaya ang mga walang pusong gumagawa nito sa mga parents mo? Anyway, may alam ka bang naging kaaway ng mga magulang mo?
Camille: Hindi ko po alam Ate Cristine, pero ang alam ko wala dahil mabait na tao ang mga magulang ko. Kaya maraming nagpursige sa kanya para kumandidato ng pagkameyor. Anyway Ate Cristine, I’m very sorry, I can’t take a longer conversation to you I'm gonna help Kuya Jomar, okay?
Cristina: It’s okay Camille and I’m very sorry, for disturbing you. Condolence na lang and I’m sorry too that I can’t be there today and maybe tomorrow na lang, okay?
Camille: No, it’s okay Ate Cristine... Bye now Ate Cristina...
Cristina: “Bye too Camille...” Ibinaba na niya ang phone. “Haaay! Poor Camille, ang agang nawalan ng mga magulang. Sino kayang ... “ May biglang pumasok sa isip n’ya. “Sina Daddy?!..
Seq. 26 Nagmamadaling lumabas sa kuwarto si Cristina at nagtungo sa nag-iinuman na mag-ama. Nagkakatuwaan pa ang mag-ama nang...
Cristina: “Daddy?!!” Galit ang boses habang matiim na tinitigan ang ama. “Dad, minamasaker ang pamamahay ng pamilyang Mondragon at sabay na nasawi ang mag-asawa.” Makahulugang titig ang ipinukol niya sa kanyang ama. “May kinalaman po ba kayo dito Daddy?!! Tell me Dad?!”
Don Manolo: Are you accusing me Cristina?! Bear in mind that I’m you father and ...
Cristina: Alam ko Dad! Pero alam kong kayo lang may galit sa mga Mondragon dahil kalaban n’yo siya sa pulitika in the same position!?
Don Manolo: And what is the connection of my candidacy of the incident happen of Mondragon’s family?
Cristina: “Malaki Dad, dahil kilala kita at maaring kasabwat mo si Kuya Greg!” Sabay tingin sa kapatid.
Greggie: “Talagang baliw ka Cristina! Huwag mo kong susubukan Cris at baka makalimutan kong kapatid kita!” Pasigaw na sabi sa kapatid.
Cristina: Hindi ko yan nakalimutan Kuya Greg pero oras na malaman kong may kinalaman kayo, kakalimutan ko kung sino kayo sa buhay ko! And I will be the one to take you to the court and witness of the crime you’ve done!” Madiin na pagsabi ni Cristine.
Don Manolo: Bulshit!!! Umalis ka na sa harapan ko Cristina habang di pa ako nakalimot!
Seq. 27 Sa presinto, tinawag ng hepe si Sgt. Flores. Pagkapasok sa opisina ay nagbigay galang kaagad ang butihing sarhento.
Hepe: “Sgt. Florres!” Makahulugan ang tingin nito kay Flores. “ Why did you go to the incedent without informing me to ask my permission!
Sgt. Flores: “Sa naganap ba na masaker sa Mondragon’s family po sir?” Kalmadong tanong ng sarhento.
Hepe: “Absolutely! Sa ginawa mo, parang di n’yo na ako nirerespeto bilang Hepe ninyo!” Galit na sinuntok ang mesa niya.
Sgt. Flores: Sir; tinatawagan po namin kayo before kami nagpunta sa insedente pero ‘di kayo sumasagot?
Hepe: Posible yan dahil dala-dala ko lagi ang radyo ko!
Sgt. Flores: “So...” Makahulugang tingin ang ipinukol niya sa Hepe. “Where have you been at that time na we’re calling you sir? Imposible naman na di n’yo narinig ang radyo n’yo na nagriring gayong paulit-ulit ang pagko-kol ko sayo? At nang maspecified namin na wala ka so... were not wasting our time, nagpunta kaagad kami where the incedent happen?
Hepe: Pero dapat ...
Sgt. Flores: I am very sorry sir but we are immediately needed to the place where the incedent happen. Sir, may itatanong pa po ba kayo? Puwede na po akong lumabas?
Hepe: Son of a bitch! Huwag mo kong bastusin Flores! Baka nakalimutan mong ako pa rin ng Hepe dito!
Sgt. Flores: Alam ko po sir, and besides di ko po kayo binastos sinagot ko lang po ang tanong ninyo.
Hepe: “Floressss !!!... Galit na galit na ang hepe.
Sgt. Flores: I have to go now sir, marami pa po akong gagawin at aasikasuhin.
Hepe: “Flores! Flores! Flores! Punyetang Flores lalong lumalaki ang ulo ng Flores na ‘to a!” Habol tingin na lang ang hepe ang papalayong sarhento.
Seq. 28 Kinagabihan sa tahanan ng mga Mondragon ...
Camille: K-Kuya?! Ba’t isinama n’yo ako dito sa Armory Room ni Papa? Anong binabaalak n’yo po Kuya?
Jomar: “Sa libing nina Mama’t Papa Camille, gusto kong lagi tayong handa ramdam ko kasing parang may di magandang mangyayari, kunin mo ‘to Camille.” Inabot n’ya sa kapatid ang 45 Calibre. “Alam mo na kung paano gamitin yan mas mabuti yong lahat tayo ay handa sa araw na yon.
Camille: P-Pero Kuya, kailangan pa ba ...
Jomar: Camille ... mas mabuti yong palagi tayong handa. Planado na ang lahat kaya bilin ko sayo, kahit anong mangyari, huwag na huwag kang lalayo kina Ate Roxanne mo at kay Mang Pepoy, naiintindihaan mo ba ako?
Camille: “Kuya Jomar, ba’t humantong sa ganito ang buhay natin...” Umiiyak na si Camille.
Jomar: Talagang ganyan ang buhay Camille. Pero di ako titigil hangga’t hindi ko maipaghiganti ang nangyari sa ating mga magulang.
Seq. 29 Kinabukasan, sa bahay ng mga Monteverde ...
Don Manolo: Cristina, bihis na bihis ka ‘ata, saan ba ang lakad mo iha?
Cristina: Pupunta ako kina Jomar Dad, kahit papano ay maiabot ko ang aking pakikiramay.
Don Manolo: “Pupunta ka sa bahay ng mga Mondragon?” Saglit na nag-isip ang Don at aktong aalis na si Cristina... “Cristina, sandali...?
Cristina: Dad, bakit? May bilin po ba kayo?
Don Manolo: Naisip ko kailangan ko rin na makikiramay sa kanila. Hintayin mo na lang kami ng Kuya Greg mo at sabay-sabay na tayong magpunta sa kanila.
Cristina: Are you serious Dad? Pupunta kayo sa bahay ng mga Mondrgon?
Don Manolo: Yeah? Hintayin mo na lang kami ng Kuya Greg mo at dadaan din tayo sa flower shop.
Cristina: Okey kung yan ang gusto n’yo. Pero Dad, baka may iba dahilan kung kaya gusto n’yo pong magpunta doon?
Don Manolo: Cristina... puwede ba? Huwag mo ng painitin pa ng ulo ko!?
Cristina: Okey, I’m sorry Dad (mahina na ang boses na may paggalang sa ama.)
Seq. 30 Sa bahay ng mga Mondragon, busy si Jomar sa pag-intertain ng mga bisita. Meanwhile, Jomar was being amaze of the newly arrived unexpected person.
Jomar: “Jessie, tingnan mo kung sino ang mga dumating!” Matigas ang pagsalita n’ya.
Jessie: “S-Sina... Jomar please?.. Isipin mo ‘andito pa ang bangkay ng mga magulang mo. Kung puwede kalimutan mo muna kung ano man ang mga binabalak mo, igalang natin ang bangkay ng iyong mga magulang. Kung anuman ang nagtatagong poot mo sa kanila, pweding pigilan mo muna ang sarili mo?” Mahinang pagpapaliwanag sa butihing kaibigan.
Jomar: “Huwag kang mag-alala Jess, kaya ko pang pigilan ang sarili ko. Huwag lang silang magkamali Jess, at makita nila ang hinahanap nila.” Madiing sabi ni Jomar.
Jessie: ‘Tol tingnan mo kung sino yung kasama ng meyor, si Cristina yan pare! Di mo ba siya salubungin?
Jomar: Wala akong pakialam sa kanya ngayon ‘tol!
Jessie: J-Jomar, anong ibig mong sabihin? Kasama ba si Cristina sa iyong paghihiganti?
Jomar: Anak siya ng mortal kong kaway at di maalis na siya’y isang Monteverde?
Jessie: P-Pero... pare, alam ko inosente si Cristina sa mga nangyayari. At isa pa, ganonna lang ba kadali sayo ang kamuhian ang babaing pinaglalaanan ng iyong pagsisikap at pagmamahal?
Jomar: Noon siguro ‘tol, pero ngayon sa nangyari sa pamilya ko, malabo na ang sinasabi mo.
Jessie: Magagawa mo yan Jomar? Ganoon ba kababaw ang pagmamahal mo kay Cristina? Baka pagsisihan mo lang yan pare?!
Jomar: Bakit hindi? Ewan ko, sa nangyari ay unti-unting nawawala ang nararamdaman ko kay Cristina.
itutuloy...
"Magkakagulo kaya sa lamay ng mag-asawang Mondragon ngayong personal na pumunta ang mga Monteverde? Si Cristina, matanggap kaya niya na hindi na pala siya mahal ni Jomar? Abangan po natin ang mga susunod na pangyayari sa Part-03 ng Tunay Na Magkaibigan."
Salamat po ulit sa inyong pagsusubaybay....


