"Tunay Na Magkaibigan [Part-03]
PAUNAWA
Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit ko po sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko po lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay na buhay ay talagang hindi ko po sinasadya. Ang lahat ng ito ay bunga lang po ng aking malikot na imahinasyon.
TUNAY NA MAGKAIBIGAN
Seq. 31 Samantala, nakabantay lagi si Camille sa lamay ng mga magulang nila nang biglang ...
Cristina: “Camille?!” Hinawakan ang magkabilang balikat, condolence... pasensya ka na hindi kaagad ako nakapunta kahapon.
Camille: “It’s okey Ate Cristine.” Napayakap siya kay Cristina. “ Ate Cristina wala na ang mga Mama’t Papa ko. Iniwanan na nila kami ng Kuya ...” Napaiyak habang subsob ang sarili kay Cristina.
Cristina: Tahan na Camille, siguro ang lahat ng mga pagyayari ay bahagi lang ng mga pagsubok natin sa buhay. Magpakatatag ka lang at huwag tumigil sa pag-pray kay Jesus.
Seq. 32 Yumakap ng mahigpit si Camille kay Cristina. Samantala, sina Greggie at Don Manolo ay palapit na kina Jomar at Jessie at nang magkaharap na sila ...
Don Manolo: “Magandang hapon Jomar, ikinalulungkot ko ang nangyari sa pamilya mo.” Iniabot ang kanang kamay ng Don kay Jomar pero napahiya ito dahil di tinaggap ni Jomar ang kanyang pakikiramay. “Nakikiramay ako Jomar...
Jomar: “Anong ipinunta n’yo dito Meyor Monteverde! Bakit nandirito kayo!” Pigil ang mahinang galit na boses.
Greggie: Pards, hindi kami pumunta dito para manggulo, nakikiramay lang kami sayo pare.
Jomar: “Salamat na lang Don Manolo, Greggie, pero di ko kailangan ang pakikiramay ninyo!” Galit na sabi ni Jomar. “Kaya kung pwede, umalis na kayo dito! Please lang..?!
Seq. 33 Napabuntunghininga si Don Manolo sa pang-iinsulto ni Jomar sa kanila. Mukhang nagpipigil ito dahil karamihan sa mga dumalo ay residente ng Villafuerte.
Greggie: Dad, iniinsulto yata tayo ng Jomar na yan! Mabuti pa’y umalis na tayo dito Daddy at baka di ko mapipigiln ang sarili at ...
Don Manolo: Oh! C’mon Greggie Boy, alalahanin mong maraming mga tao dito ayokong masira ang pangalan natin dahil di pa tapos ang eleksiyon. Okey, tara na sa kotse.
Seq. 34 Kakaalis lang ng mag-ama nang lumapit si Cristina kay Jomar.
Cristina: J-Jomar?... Condolence... ikinalulungkot ko ang nangyayari sa parents mo. Kahapon ko lang nalaman kay Camille ang lahat.
Jomar: Bakit nandidito ka? Dapat di mo na pinahihirapan pa ang sarili mo para makapunta dito?
Cristina: J-Jomar?.. Wala kang dapat ikabahala dahil kinansela ko na ang lahat ng appointments ko ngayon just to be here.
Jomar: I’m very sorry Cristina but I’m not expecting your presence. Well ... you can go now, don’t worry about us we can handle this situation. Again, thanks for coming...
Cristina: “As I’ved said I canceled all my appointments and if ever, I will stay here for the whole day?” Gumagaralgal na ang boses ni Cristine.
Jomar: “I don’t care if you canceled all your appointments! And besides we don’t need your presence here?! So ... you better go now Miss Monteverde!” Puro pasakit kay Cristine ng binitawang salita ni Jomar na lalong ikinagulat ng dalaga.
Cristina: “J-Jomar..? I guess you’re not the real Jomar na nakilala ko. Jomar bakit? Do I’ve done wrong to you? Ba’t ka nagkakaganyan, hindi ka naman dating ganyan Jomar?” Halos maiyak na ang dalaga sa hindi magandang pagtanggap sa kanya ng binata.
Jomar: “You can go now Cristina at naghihintay na ang Daddy’t Kuya mo and maybe this is our last meeting. Kalimutan mo na ako Cristine at kalimutan mong may nakilala kang Jomar Mondragon dahil ngayon pa lang ay nilimot na kita.” Masakit ang bawat salita ni Jomar.
Cristina: Noooo!!!...Jomar?! Napaiyak na siya. Tell me your kidding?!
Jomar: “Katotohanan ang lahat mong narinig Cristine.” Yon lang at tumalikod na si Jomar na halatang hirap din ang kalooban. “Maiwan na kita at marami pa akong gagawin.”
Cristina: “J-Jomar!..” Umiiyak pa rin siya, saka niya hinarap si Jessie na kanina pa walang imik. “Jessie? Ano ba talaga ang nangyari kay Jomar at bakit ganoon na lang kalaki ang galit niya sa akin? Jessie please...sabihin mo sa akin ang totoo, please?.. “ dugtong ng luhaang dalaga.
Jessie: Intindihin lang muna natin ngayon ang kaibigan ko Cristina at baka dala lang yan sa mga nangyari sa pamilya niya.
Cristina: “Pero ang sakit naman ng ginawa niya sa akin Jess? Pero handa akong maghintay at umintindi sa kanya dahil ma…” Hindi na itinuloy ni Cristina ang gusto niyang sabihin at nagpaalam na ito kay Jessie.
Seq. 35 Sa loob ng kotse ng mga Monteverde...
Don Manolo: Punyetang Jomar! Pag di lang ako nagtitimpi kanina ay baka tinuluyan ko na ang hambog na yon.
Greggie: Kahit ginawa n’yo yan kanina Dad ay wala na ring magagawa ang mga taong-bayan, patay na ang kanilang iniidulo at siyento porsiyentong mananatili pa rin kayo sa puwesto n’yo bilang Meyor dito sa Villafuerte.
Don Manolo: Kahit na Greggie Boy. Siya nga pala, bukas na ang libing ng mag-asawang Mondragon kinakailangang ‘andon tayo. Ikaw Cristina, nilingon niya ang kanyang anak na nasa backseat na kanina pa walang imik. Sasama ka ba?
Cristina: Hindi na siguro Dad, bukas na kasi ng madaling-araw ang flight ko papuntang New York, I have to take one month vacation or more if I feel comfort there.
Don Manolo: Cristina? You’ve never been mentioned it to me before that you are going to have a vacation? Biglaan yata ang desisyon mo anak? Ba’t di mo pinapaalam sa amin?
Cristina: Isn’t necessary Dad, I know you have no time for me Dad. Lahat na lang sayo ay negosyo, wala ka ng panahon para sa akin kaya naisipan kong magbakasyon muna wihout informing you about my plan. Sana Dad ay maiintindihan n’yo ako ng Kuya Greggie.
Don Manolo: Okey, kung d’yan ka masaya. Pero tawagan mo kami ng Kuya mo dito ‘Pinas para malaman namin if you are okey on there, okay? So magshopping tayo ngayon para sa daily needs mo doon.
Cristina: No Dad, ako na lang, alam ko marami ka pang appointments ngayon, idaan n’yo na lang ako sa Mall.
Don Manolo: Okey, kung yang ang gusto mo. Dideretso na lang kami ng Kuya mo sa bahay.
Seq. 36 Binaba si Cristina sa Mall ng Daddy niya. Pauwi na ang mag-ama at seryoso itong nagkuwentuhan sa mga naging balak nila.
Greggie: Ano Dad, pupunta ba talaga tayo sa libing ng mga Mondragon bukas?
Don Manolo: Sigurado Greggie at bilin ko sayo na ihanda mo na rin ang mga tauhan mo para bukas mas mabuti yong handa tayo palagi. Tamang-tama at aalis si Cristina bukas, mabuti yong lumayo muna ang kapatid mo. Ikaw na ang bahala sa mga tauhan mo Greggie at tatawagan ko pa ang Hepe para maihanda ang mga tauhan niya.
Seq. 37 Araw ng libing ng mga magulang ni Jomar. Marami sa mga kababayan nila ang nakikilibing. Tulad ng sinabi ni Meyor, nakikilibing din sila.
Jessie: Jomar, nakita mo ba ang nakita ko?
Jomar: Kanina ko pa sila napansin Jessie. Basta ang usapan natin hintayin kita doon kung sakaling manggulo ang mga yan. Huwag kang mag-alala sa kapatid mo at si Pepoy na ang bahala doon basta tumupad ka lang sa usapan natin. Sige dumistansiya ka muna, mas mabuting maghiwalay tayo.
Seq.38 Dumistansiya si Jessie kay Jomar nang biglang may lumapit kay Jomar.
Jomar: S-Sinong?! K-Ka Zandro, ikaw? Ba’t ka naparito? Paano mo nalaman ang ...
Ka Zandro: Ssshhh... Huwag mong masyadong lakasan ang pagbanggit ng pangalan ko baka may makarinig? Condolence Jomar, nakikiramay ako. Isa sa mga secret informer ko ang bumaba sa bundok at nang magbalik ay dala na ang balita sa nangyari mga magulang mo. Alam ko, nag-iisa ka ngayon at gusto mo ang tulong ko ay ‘andito lang ako at handang tumulong sayo.
Jomar: Ka Zandro...? Mahinang boses. Sa sinasabi ko na sayo na ...
Ka Zandro: Oo, hindi kita pipilitin Jomar kung ayaw mo talagang sumapi pa sa amin, pero ‘andito ako para makikiramay kahit papano ay hindi ko pa rin makalimutan ang pinagsamahan namin ng ama mo.
Jomar: May mga kasama ka ba Ka Zandro?
Ka Zandro: Oo, nasa paligid lang sila nagmamanman ng mga kalaban.
Seq. 39 Samantala, sa kinroronan nina Don Manolo ...
Greggie: Dad, tumawag si Gordon, may nakita daw sila ng mga tao na kakaiba ang kilos at parang namukhaan ito ni Gordon.
Don Manolo: O, ano nakilala ba niya? Sabihin mo sa kanya na bantayan ang tao na yan at kung maaari ay tigukin ng tumahimik.
Greggie: Huwag kang mag-alala Dad at si Gordon na ang bahala doon.
Seq. 40 Nang biglang ... KRINNGGG..!! Ang cell ni Greggie.
Greggie: Hello? Yes, Gordon o ano na ang balita dyan?
Gordon: Boss Greg nakilala na namin? Isa ito sa mga kasamahan ni Ka Zandro na minsan nating nakasagupa sa may ilog?
Greggie: Sige, wag n’yo ng patagalin Gordon, banatan n’yo na at kung pupuwede ay hulihing buhay at dalhin mo sa amin, maliwanag ba?!
Gordon: Yes Boss!
Seq. 41 Balik kina Jomar at Ka Zandro...
Jomar: Ngayong nailagay ko na sa maayos sina Mama’t Papa, uumpisahan ko na ang paghahanap at paghihiganti sa mga nangyayari sa kanila.
Ka Zandro: Kung kailangan mo ng tulong ko Jomar ay andito lang ako at alam mo na kung saan mo ako maaring makita.
Jomar: Salamat Ka Zandro, pero hindi pa sa ... Ano yon?! Nabigla si Jomar nang may biglang magputukan.
BRATATATATTTT!!! BANG! BANG! BANG! BRATATATATTTTT!!!
Ka Zandro: Sige Jomar puntahan ko muna ang mga kasamahan ko baka sila na ang napalaban. Tandaan mo ang sinabi ko Jomar? Tumakbo na si Ka Zandro at naiwan sina Jessie at Jomar.
Jomar: Kailangan ko na ring kumilos Jessie!
Jessie: Jomar anong gagawin natin? Hindi basta-basta ang kalaban marami sila Jomar!
Jomar: “Magtiwala ka sa kakayahan mo Jessie dahil kailangan na nating lumaban ngayon! Basta huwag mong kalilimutan ang usapan natin!” Halos pasigaw na sabi ni Jomar dahil pumapaibabaw ang putukan. Mabuti na lang at kaunti na ang mga natirang nakikilibing kina Jomar
Seq. 42 Usapan nina Jomar na kahit anong mangyari ay doon na sila magkikita ni Jessie sa dati nilang tagpuan sa pinakalikod ng Villafuerte Cemetry. Samantala papalapit sa kanila sina Pepoy, Roxanne at Camille na nabigla din sa pangyayari.
Pepoy: Dong Jomar! Wala na! Bagong taon na naman!
Camille: Mang Pepoy, putukan na po ng baril! Hindi bagong taon, giyera na po!
Pepoy: “G-Giyera?! Oo nga! Ito na yata ang napanood ko sa sine, live na live na at tayo pa ang bida! Dong Jomar anong gagawin natin!” Takot na sabi ni Pepoy.
Jomar: “Pepoy sa usapan natin at ikaw na ang bahala kay Roxanne at ng kapatid ko. Alam mo na ang sekretong daan papunta sa kampo ni Ka Zandro di ba? Mang Pepoy...” sabay hawak sa kamay ni Mang Pepoy. “Kung saka-sakali.., kayo na po ang bahala sa kapatid ko, huwag n’yo po siyang pababayaan Mang Pepoy pangako n’yo po yan sa akin..?”
Pepoy: Dong Jomar naman?... huwag ka namang magsalita ng ganyan akala mo ba naman madali lang para sa amin yon ang mawala ka! Pero huwag kang mag-alala kahit di mo pa sabihin sa akin yan ay handa kong ibuwis ang buhay ko alang-alang sa inyong magkakapatid. Mahal ko kayo pareho ay itinuturing ko na kayong mga tunay na anak. Pangako di ko pababayaan ang kapatid mo, pangako yan Jomar...
Jomar: Salamat Mang Pepoy, maraming salamat. Sige po kumilos na kayo, iligtas n’yo na ang sarili n’yo!
Roxanne: “J-Jomar? Kuya Jessie, Paano na kayo?” Nag-alalang tanong ni Roxanne.
Jomar: Kami na ang bahala sa sarili namin Roxanne. Sige kumilos na kayo mahalaga ang bawat minuto iligtas n’yo na ang sarili n’yo!
Seq. 43 Masakit sa kalooban ni Roxanne pero pinilit niya. Tumakas na sila at naiwan sina Jomar at Jessie na nakipaglaban sa mga kaaway na tauhan nina Don Manolo.
Jomar: “Jessie, kailangan natin ang maghiwalay, marami ang kalaban. Dito ako at doon sa kabila.” Sabay punta sa kanang bahagi ng sementeryo.
Jessie: Sige ‘tol ingat ka!
Jomar: Mag-ingat ka rin pare!
Seq. 44 Patuloy ang putukan.Mahina ang laban nina Jomar dahil masyadong marami ang mga kalaban kaya umatras na lang si Jomar. Pumunta siya sa kabilang kalye sa medyo maliit na iskinita na pwede pang daanan ng dyip nang biglang ...
SKITTTSSSS!!!
Ka ZAndro: Sakay na Jomar! Bilisan mo!
Jomar: K-Ka Zandro si Jessie..? Hindi pupuweding... may usapan kami!
Ka Zandro: Jomar papalapit na ang mga kalaban! Sakay na Jomar! Hayaan mo na si Jessie at mailigtas din niya ang sarili niya! Sakay na!
Jomar: P-Pero Ka Zandro may usapan kami? Ka Zandro...
Ka Zandro: Jomar huwag mong sayangin ang oras at marami ang kalaban! Sakay na Jomar! Sakay na! Bilis!
Seq. 45 Napilitan si Jomar na sumakay nang makita niyang papalapit na sa kanila ang mga kaaway. Samantala, sa kinaroroonan ni Jessie...
Jessie: “Araayyy!! Ahhh!!! Patuloy pa rin ang pagdugo ng sugat ko kailangang matalian ko ito para matigil ang pagdudugo.” Nagkaroon ng tama si Jessie sa kanang braso. “Nakaligtas kaya si Jomar? “Bilisan ko ang pagtali para makaalis na rin ako dito.”
Seq. 46 Pagkatapos matalian ni Jessie ang kanyang sugat sa balikat ay agad niyang kinuha ang kanyang baril na kalibre 45 at nang di mahanap ay...
Don Manolo: “Ito ba ang hanap mo?” Sabay tutok ni Don Manolo sa ulo ni Jessie. “Talagang sinadya ng pagkakataon ang mahuli kita Jessie!”
Jessie: D-Don Manolo?! Ikaw! Tatakbo sana si Jessie pero ...
Don Manolo: Sige gawin mo Jessie! Tumakbo ka nang maaga mong makita si Kamatayan! Nakalimutan mo na ba Jessie na marami ka pang utang na dapat bayaran sa akin!
Jessie: Wala akong utang sayo Don Manolo Monteverde! Matagal na ang pangyayaring yon at isa pa, hindi sinadya ng ama ko ang maiwala ang perang yon!
Don Manolo: Limang milyon Jessie baka nakalimutan mo! Limang milyon at kahit buhay n’yo pang magkakapatid ay kulang pang pambayad sa kasalanan ng ama mo!
Jessie: Hayop ka talaga Don Manolo, hayop!
Seq. 47 Nabihag si Jessie. Sa kinaroroonan nina Jomar at Ka Zandro.
Jomar: Ka Zandro, baka may masamang mangyari kina Pepoy at ng kapatid ko?
Ka Zandro: Relaks ka lang Jomar, maya-maya ay nandidito na ang mga yon.
Seq. 48 Kakasabi lang ni Ka Zandro ay natanaw na nila sa may di kalayuan sina Roxanne, Camille at Mang Pepoy at kasama nila si Ka Kaloy. Sinasalubong nila ito.
Ka Zandro: Ka Kaloy, kumusta na ang pinalakad ko sayo?
Ka Kaloy: Kumander Zandro, bihag nila ngayon si Jessie. Paalis na ako kanina sa sementeryo nang makita kong hila-hila si Jessie sa mga tauhan ni Don Manolo at wari ko’y sugatan ito!
Jomar: Diyos ko! Wala sana silang gawing masama sa kaibigan ko. Ka Zandro, tulungan mo ako, iligtas natin ang kaibigan ko!
Ka ZAndro: Huwag kang mabahala Jomar, hindi natin basta-bastang mailigtas ang kaibigan mo? Kailangang planado ang lahat dahil malakas ang puwersa ng mga kalaban.
Jomar: “Baka may masama silang gawin kay Jessie Ka Zandro?” Nag-alalang tanong ni Jomar.
Ka Zandro: Alam kong wala silang gawing masama kay Jessie dahil malaking tulong sa kanila ang pagkabihag ni Jessie. Maaring gamitin nila itong pain para mabilis tayong mapasuko.
Jomar: Sana ganyan lang ang gagawin nila Ka Zandro dahil kung sakaling gawan nila ng masama si Jessie ako ang katapat nila!
Seq. 49 Lumipas na ang eleksiyon at nanatiling si Meyor Don Manolo Monteverde sa Siyudad ng Villafuerte. Wala ng tigil ang kremin at karahasan sa Siyudad at kahit si Sgt. Flores ay wala ng nagawa sa kabi-kabilang kremin. Minsan, lantaran na ang ginagawang pang-aabuso ni Greggie sa kababaihan. Hawak na rin ni Don Manolo si Jessie at palaging kasa-kasama sa lahat ng mga illegal na operasyon nila. Labag man sa kalooban ni Jessie ang kanyang gagawin pero wala siyang magawa. Sa tahanan ng mga Monteverde...
Don Manolo: Humanda ka Jessie, kasama ka ngayon sa operasyon nina Greggie. Ikaw ang magmamaneho sa sasakyan na gagamitin n’yo ni Greggie. Siguraduhin n’yo lang na madala sa Hide Out ang dalawang Van na naglalaman ng mga Armas at epektus,maliwanag ba?!
Jessie: D-Don Manolo... S-Si...
Don Manolo: Huwag ka ng magreklamo Jessie! Planado na ang lahat! Hintayin ko mamayang tawag n’yo. Maliwanag ba?!
Seq. 50 Matagumpay ang operasyon nila, habang binaybay ang kahabaan ng tahimik na daan papuntang Hide Out nila nang biglang...
KA-BLAM!!! BRATATATATTTT!!! BANG! BANG! BANG!
Greggie: Bull shit!! Inambush tayo, gumanti kayo Gordon!
Gordon: Boss, di namin makita ang mga kalaban!
Seq. 51 Pinasabog ang isang Van ng Armas, di nila alam kung nasaan ang kalaban. Sunod na pinasabog ang pangalawang Van, na tense si Jessie kaya pinabalik ang menamanehong sasakyan. Galit na galit si Greggie.
Greggie: Punyeta! Bakit mo pinabalik!?
Jessie: Bulag ka ba! Pinasabog na ang dalawang Van, anong gusto mo pati itong sasakyan natin ay pasabugin nila! Ni hindi nga natin makita kung saan galing ang mga putok! Ano ibabalik ko na!
Greggie: H-Huwag! Sige balik na!Bilisss!!!
Seq. 52 Tumawag kaagad si Greggie sa ama at ikinuwento ang mga nangyayari.
Don Manolo: Hello? O, Greggie nasaan na kayo? Kumusta na ang lakad n’yo?
Greggie: “Palpak Daddy!” Si Greggie sa kabilang linya. “Hinarang kami ng grupo nina Jomar at Ka Zandro at pinasabog ang dalawang van. Wala kaming nagawa Dad kundi ang umatras!
Don Manolo: “Punyeta! Sige umuwi na kayo dito! Mga buwisit kayo! Inutil!” Ibinagsak ng Don ang telepono. “Unang pagkakataon na pumalpak ang operasyon ko! Ang laki pa ng halaga ng nawala sa akin! Hayop ka Jomar, Ka Zandro! Isa kayo sa mga sagabal ng landas ko!” Nagwala ang Don.
Seq. 53 Samantala, nakabalik na sa kampo sina Jomar, Ka Zandro at mga kasamahan.
Ka Zandro: O ano, maniwala ka na ba na kasabwat si Jessie ni Meyor Monteverde? Kitang-kita mo kanina na siya pa ang nagmamaneho ng sinasakyan nila. Isang taksil ang kaibigan mo Jomar hindi siya karapatdapat na maging kaibigan n’yo!
Jomar: Hayop ka Jessie pinapaniwala mo pa kami! Halos maiiyak si Jomar sa katotohanang natuklasan niya. Isusumpa kita Jessie! Isusumpa kita!
Seq. 54 Kinagabihan, sa tahanan ng mga Monteverde...
Jessie: “Kailangan ko ng tumakas habang hindi pa huli ang lahat. Alam kong nakarating na kina Jomar ang lahat lalo na ang pagsapi ko kay Meyor Monteverde. Panahon na para tapusin ang gulong ito.” Hatinggabi nang itinakda ni Jessie ang pagtakas. “Kailangang makakuha ako ng kumpletong armas bago ako tatakas. Ang katiwala sa Armory Room, kailangang lansihin ko siya, doon na lang ako dumaan sa likod ng mansion.”
Seq.55 Bago pa man ay nilason muna ni Jessie ang dalawang German Dog upang walang sagabal sa binabalak. Nagtungo siya sa Armory Room at nang matanaw siya ng guwardiya ay kunway umarte siya. Nabigla ang guwardiya.
Guard: S-Sinong? J-Jessie? Anong ginagawa mo dito? Ba’t ka naparito? Di ba nasa taas ka bakit ka bumaba, wala ng bantay roon?
Jessie: Guard di ko na kasi mapigilan eh! Nakasara na kasi ang C.R. sa taas at tulog na ang katiwala doon nakalimutan ko kasing kunin ang susi. Guard puwede bang dito na lang ang C.R. di ko na talaga mapigilan ang ...
Guard: “Sige, pero sandali lang ha baka makita tayo ni Don Manolo alam mo naman na ipinagbabawal sa sinuman sa inyo ang magpunta dito basta pag di kasama ang Don.” Akmang pagbubuksan ng Guard si Jessie ay biglang tinutukan niya ng 45 kalibre ang guard.
Jessie: “Huwag kang pumalag kung ayaw mong pasubagin ko ang ulo mo! Akin na ang susi sa Armory Room! Bilis!” Pabulong na utos ni Jessie habang nakatutok ang baril sa ulo ng guard.
Guard: J-Jessie huwag kang magbiro ng ganyan! Kapwa tayo pagagalitan ng Don niyan! At isa pa wala sa akin ang susi!
Jessie: Huwag kang magmatigas alam kong nasa sayo sayo ang susi! Ibigay mo na! Isa! Dalawa!...
Guard: I-Ito na, ibigay ko na wag mo lang akong patayin Jessie maawa ka may pamilya pa ako at mga anak!
Jessie: “Hindi naman kita papatayin ganito lang ang gagawin ko sayo.” Sabay pukpok sa ulo ng Guard ng Cal. 45 na siyang ikinawalan ng malay ng Guard.
Seq. 56 Nang magkamalay ang guwardiya ay nakatakas na si Jessie dala ang kumpletong gamit pandigma. Ipinagbigay-alam kaagad ng guard kay Don Manolo ang ginawang pagtakas ni Jessie. Galit na galit ang Don nang malaman na tumakas si Jessie at dala ang ilan sa mga High Power na armas nila.
Don Manolo: Punyeta! Naisahan mo ako Jessie! Hayop! Maliit lang ang mundo Jessie para sa ating dalawa magkita pa rin tayo! Kahit saan ka magtago hahanapin kita! Ipapalasap ko sayo ang matinding parusa!
Greggie: Huwag kang mag-alala Daddy,alam kong walang magawa ang Jessie na yon dahil wala na siyang mapupuntahan ngayon. Pati kaibigan niya’y galit na sa kanya.
Don Manolo: Hanapin mo siya Greggie at dalhin mo sa aking buhay! Maliwanag ba!?
Seq. 57 Sa kabilang ibayo naman, sa Maynila, sa paaralang pinapasukan ni Jason sa Philippine Military Academy, sa loob ng canteen kasama si Diane...
Diane: Jason ano ba! Manhid ka ba? Jason I love you! Mahal kita! Mahirap bang intindihin yon!
Jason: I’m very sorry Diane, as what I’ve have told you before, may girlfriend na ako, mahal niya ako and I love her too. We love each other so much at walang makakapalit sa kanya dito sa puso ko even you Diane. If I were you Diane, turuan mo na lang ang sarili mo to forget me. Maganda ka Diane at mayaman pa and I assure you marami ang magkakagusto sayo at mababaliw sayo. Kalimutan mo na ako Diane.
Diane: But I love you so much Jason! Tell me, ano ang gagawin ko para mahalin mo ako?
Jason: Kalimutan mo na ako Diane, yan lang ang mabuting paraan. Kalimutan mong may nakilala kang Jason. Sige, kailangan ko ng umalis Diane at marami pa akong aasikasuhin magrereview pa ako. One week na lang at graduation na kailangan kong mai-maintain ang performance ko. Bye now Diane.” Iniwan na ni Jason ang dalaga.
Diane: “Jason!Jason! Damn you Jason! Shit ka! Shit ka!” Tuluyan ng umiyak si Diane.
Seq. 58 One week after, tapos na ang graduation, natapos rin ni Jason ang kurso niya. Siya ang most outstanding student of the year ng PMA. Marami rin siyang mga parangal na natanggap aside from being Magna Cum Laude. Dahil sa ligibility n’ya ay nakapasok siya kaagad ng trabaho sa tulong ni General Alejandro Villamor. First day ni Jason sa trabaho ay pinatawag siya sa opisina ng general. Sa opisina...
Jason: “Good morning Sir?” Sumasaludo siya bilang paggalang sa general.
Gen. Villamor: Good morning too, Jason. Please take seat. Maybe nagtataka ka kung bakit kita ipinatawag? So, if I’m not wrong, totoo lahat ang mga narinig ko tungkol sayo Jason, right? I believe I can trust you and I know you can handle the job which I am going to appoint to you.
Jason: What do you mean Sir?.. Ililipat n’yo ko ng..
Gen. Villamor: No no no, actually this is a part of your training. I have heard a lot of your ability Jason, sabi nila magaling ka, and I believe I can trust you even if you are a newly trained soldier. So, I want to let you know, that one of the city of the Central Visayas Region VII encountered great problems. We had been recieved a letter from the Visayas Police Task Force and they were mentioned about there problems regarding the crimes and mysteries at Villafuerte City. So, one of your mission is to solve the crimes and also the illegal buisnesses that are being raised at this place. As what our informer told us na maaring kagagawan ito ng isang punong-bayan but we have still insufficient evidence to give a warrant of arrest of the possible suspect kaya I intrust you to solve the crimes at Villafuerte City.
Jason: When do I start my mission Sir?
Gen. Villamor: Immediate response at Villafuerte City was frequently needed that’s why tomorrow na ang flight mo sa madaling-araw. And take note, you have only one week to accomplished your mission? I trust you Jason , I know you can make it. Goodluck to your mission Jason Villegas.
Jason: Thank you very much Sir and I promise to do all the best that I can to serve our country.
itutuloy...
Babalik na si Jason sa Villafuerte... Sundan po natin sa part-04 ng Tunay Na Magkaibigan.
Salamat po sa panahon...
Salamat po sa panahon na inilaan n'yo para basahin ang kwento ko. Actually, isa po ito sa entry ko nung 2nd Annual Script Writing Contest ng Star Cinema, unfortunately, disqualified po yung entry dahil sabi ng taga Star Cinema Staff, mali daw yung gawa ko. Kailangan ko raw ayusin ang format, so ibig sabihin uulitin ko lahat, eh kapos ako sa time na yun, as-in wala akong pera talaga dahil kulang pa 2k mo para mabuo ang entry. E nung time na yun biruin n'yo nagwork aq sa Baclaran nun bilang saleslady tapos 80pesos isang araw, tapos nag bedspace pa aq na 600pesos monthly, Diyos ko, pano kaya ako makapagbudget, isang beses lang ako sa isang kumakain dahil lahat inilaan ko sa script dahil kailangan apat na kopya ang gagawin, isang original at 3 copy, my gosh buti kung mura ang print 3pesos isang page. Nung time na yun na dinisqualified niya yung entry q, parang binagsakan talaga ako ng langit. kaya umpisa sa pangyayaring yun, tumigil na ako sa pagsusulat... Haaay... ayoko ng magkwento sa buhay ko dito sa Maynila, nakakalungkot balikan ang nakaraan...
Muli, salamat po sa inyo... inilabas ko lang ang sama ng loob ko...
Pasensya na kayo jonsdmur, medyo wala akong gaanong time lalo na sa pagbabasa ng mga gawa mo kasi nasa internet cafe ako nagwork, e medyo mahigpit dito kaya di ako gaanong makapagbasa...
Salamat po ulit, pag medyo mahaba yung time ko,sisikapin kong makapagbasa ng mga entry dito sa filipinowriter at lalo na yung gawa...
Byebye po! Just Keep on writing na lang po and inspired everyone...
God bless po!
Huwag kang mawalan nang
Huwag kang mawalan nang pag-asa. Subukan mo uling sumali sa susunod na contest baka makalusot ka na.. buti ka pa nga nagkaroon ng pagkakataon na makapag submit...
Pareho pala tayo.. sa isang Internet Shop din ako nag wowork...
Sabagay sa panahon ngayon magastos talaga... kahit sa pagsusulat... sa printing... sa rental kung walang pc sa bahay... tama ka hirap talaga ng buhay sa manila...
jonsdmur
OK LANG YAN
medyo mahaba ang kwento mo kaya hindi ko masyadong natapos pero maganda ang takbo ng kwento parang isang scrip sa pelikula at ganito din ang paraan ng pagsulat ko noon na pwedeng pang teleserye ehehe.Ah kung may oras pala ako tatapusin ko ang pagbasa ng iyong kwento, at buti ka pa nga may nakabati ng maganda sa kwento mo at naka try kanang magsubmit at sa star cinema pa buti ka pa dahil ako matagal ko ng gustong matry yan pero hindi ko kase alam kung paano pero parang nawalan ako ng gana kase dito palang ay may negative ng coment sa nobela ko marami kaseng mali first time ko palang kase at parang nawalan na ako ng ganang ituloy ang kwentong inumpisahan ko pero marami pa namang pagkakataon bata pa naman ako 17 ikaw ilang taon ka na at matanong ko lang pano mo naientry ang iyong kwento dahil wish ko din sanang gawin yan sa mga film production na nagpapacontest din dahil hindi naman mabubuo ang movie kung walang writer diba ikaw alam mo ba kung san nanggagaling ang pinapalabas sa tv kung pano nila ito napapadala dahil wish ko maging ganyan mula pa noon.Kaya ngayon itinutuwid ko na ng tama ang aking mga naisulat para maging maganda kase alam ko kahit gano kaganda ang kwento mo kung mali naman ang pagkasulat mo ay wala na yan pero marami naman talagang talent na hindi nadidiskubre kaya kahit na ganito nangangarap pa rin ako na balang araw mabigyan ako ng pagkakataon at maibahagi ang iba pang akinnaisulat baka may himala wala namang imposible at gaya mo tuloy mo rin ang iyong goal try and try para umasenso bye ang haba no GOD BLESS




Gusto ko ang style ng
Gusto ko ang style ng pagkakasulat mo... parang isang script ng isang pelikula... madaling basahin at unawain... keep up the good work...jonsdmur