"Tunay Na Magkaibigan [Part-04]"
PAUNAWA
Ang mga tauhan, pook o lugar, pangalan at pangyayaring ginamit ko po sa kuwentong ito ay pawang kathang-isip ko po lamang at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad o pagkakahawig sa tunay na buhay ay talagang hindi ko po sinasadya. Ang lahat ng ito ay bunga lang po ng aking malikot na imahinasyon.
Seq. 59 Eksaktong 1700 hours nang marating ni Jason ang Villafuerte City. Hindi kaagad dumiretso sa kanila si Jason at dumaan muna ito sa pamalihang bayan ng Villafuerte. Sa loob ng palengke...
Jason: “TSK! TSK! TSK! Hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago sa palengke dito. Mas lalo pang pumaget at mukhang wala ng alaga. Masyado ng madumi ang palengke dito. Siya nga, makapagyose nga muna. Hayun! yong Aleng Mangyoyosi.” Bulong ni Jason sa sarili. Sinindihan ni Jason ang sigarilyo nang biglang...”
TINDERA: “Ano ba! Maawa po kayo! Napakaaga pa po at wala pa kaming buena mano! Maawa naman po kayo maysakit pa po ang anak ko!” Nabigla si Jason sa nasaksihan, lalo na nang magreact ang tindera ng yosi.
Mangyoyose: Mga walanghiya talaga ang grupong yan ni Baldo! Ang aga-agang nanghihingi ng “TONG” mga hayop!
Seq. 60 Naglakas loob si Jason na magtanong sa Ale sa di pangkaraniwang nakikita.
Jason: Ale, sino po ba ang mga yan? Ano po ba ang ginagawa nila dito, dyan sa Ale na yan? Dati na ho bang ganyan sila dito?
MANGYOYOSE: Ay nakuh! Mama, huwag mo ng pansinin ang mga yan at ikaw din ang mapapasama pag nakikialam ka sa kanila. Walang sinasanto ang mga yan palibhasa tuta ng meyor ang mga yan!
Jason: Ganon po ba? Pero mali po yong ginagawa nila, kailangang matigil na ang masamang gawain nila. Humakbang si Jason papunta sa grupo nina Baldo.
MANGYOYOSE: Mama! Mama saan ka pupunta? Mapahamak lang ho kayo! Mama! Diyos ko kung sino man ang Mamang ito na naglakas-loob patnubayan n’yo po sila Panginoon ko! Sigurado ako, baguhan lang siya dito!
Seq. 61 Sa kinaroroonan nina Baldo...
Baldo: Ano ba! Magbigay kayo o ipagtatapon itong paninda nyo!
TINDERA: O-Oo! Magbigay na po kami huwag n’yo lang galawin ang mga paninda namin! Akmang ibigay ng Ale ang pera nang bigla itong hinarang ni Jason.
Jason: “Opppss!!” Binalik ni Jason ang pera sa Ale. “Ale, para sa inyo po yan, pinaghirapan n’yo po yan kaya dapat kayo lang ang may karapatan niyan..?”
TINDERA: Mama! Maraming salamat sayo! Masiglang sabi ng Ale.
Seq. 62 Galit na galit si Baldo.
Baldo: Pakialamerong ‘to ah! Ang lakas naman ng loob mo pare! Hindi mo ba alam kung sino itong kaharap mo!
Jason: Pare wala akong pakialam kung sino ka! Ang gusto ko lang malaman n’yo na matuto naman kayong magbanat ng buto! Huwag kayong magpakasarap sa pinaghihirapan ng iba! Sa laki ng katawan n’yong yan ay marami pa kayong magagawa! Ito, kaunting hanapbuhay pinagnanasaan n’yo pa!”Ani Jason na medyo napataas ang boses na ikinagalit lalo ni Baldo.
Baldo: Aba! Tarantadong ‘to ah! Mga kasama, bigyan nga natin ng leksiyon at ng magtanda ang hinayupak na ‘to!
Seq. 63 Biglang bumitiw ng malakas na suntok si Baldo pero mabilis itong nailagan ni Jason. Gumanti si Jason na siyang ikinahandusay ni Baldo. Nagkagulo na sila at handa na rin si Jason sa laban. Wala silang nagawa sa galing ni Jason. Natalo ang grupo ni Baldo at halos nabalian ng buto ang mga ito kasama na si Baldo. Kinantiyawan sila ng mga market vendors.
MARKET VENDORS: “Akala namin mga matapang kayo! Isa lang naman pala ang katapat n’yo!” Pinagsisipa ng mga Vendors sina Baldo na halos di na makagalaw sa tinamo nila.
Jason: Sa tinamo nilang yan ay magtanda na ang mga yan. Isa lang ang sasabihin ko sa inyo, huwag kayong matakot ninuman, sa Diyos lang kayo dapat matakot! Nasisiguro ko na magtanda na ang mga yan. Tandaan n’yo mga kaibigan…” Ani Jason sa harap ng mga vendors. “Walang mang-aapi kung walang magpapaapi! Ipaglaban natin ang karapatan natin!
MARKET VENDORS: Iho, maaari bang malaman ang pangalan n’yo? Puwede ho bang malaman kung saan kayo galing? Anong ginagawa n’yo rito? Tagarito ba kayo?
Jason: Hindi na ho mahalaga ang makilala n’yo ako, ang mahalaga ay wala ng manggugulo sa inyo rito.
MARKET VENDOR: Maraming salamat sayo iho, ikaw pa ang unang naglakas ng loob para lumaban sa kanila. Takot kasi kami dahil tuta ng mayor dito yan. Kapag malaman ni mayor na may lumabag sa pamamalakad niya ay baka ano pang gagawin nila sa pamilya namin kaya minabuti na lang namin ang tumahimik para walang gulo. Pero sa ginawa n’yo ngayon, natauhan na kami, dapat na magkakaisa pala tayo para ipaglaban ang tama. Mag-ingat ka anak, sa ginawa mo sa kanila, sigurado akong makakarating kay mayor ang lahat at maaaring manganganib ang iyong buhay.
Jason: “Salamat po sa inyong paalala, pero ‘wag po kayong mag-alala dahil lagi po akong handa. A-e sino nga pala ang mga ito?” Sabay turo kay Baldo na hawak-hawak pa rin ang kanang paa na kanina lang ay pinilayan ni Jason.
MARKET VENDOR: Yan si Baldo, ang leader ng grupo nila.
Jason: “Ikaw pala si Baldo?” Sabay lapit kay Baldo. “Pakisabi mo kay meyor na nalalabi na lang ang masasayang araw niya. At ikaw Baldo, magbago ka na habang may panahon pa.”
Seq. 64 Matapos maiayos ni Jason ang lugar ay nilisan na ito. Samantala, nakarating kay Don Manolo ang mga nangyari kina Baldo. Galit na galit ang Don.
Don Manolo: Mga gunggong kayo! Mga inutil! Isa lang ang kalaban n’yo ay tinalo pa kayo! Mga wala kayong silbi! Bahala na kayo sa buhay n’yo at huwag na huwag kayong kayong magpakita sa akin baka mapatay ko pa kayo! Mga inutil! Binagsak ng Don ang telepono. Mga buwisit! Sunod-sunod na ang kapalpakan ng operasyon ko! Ang laki na ng nawala sa akin! Humanda kayo Jessie, Jomar at Ka Zandro dahil pupulbusin ko kayo! Sino naman kaya itong nagmamagaling na nakalaban nina Baldo!? Ahhhh! Buwisit!!!
Greggie: Daddy? Ano bang nangyari sa inyo at mukhsng galit na galit kayo!?
Don Manolo: Buwisit! Isa ka pa! Mabuti pang ihanda mo na ang mga tauhan natin at may dadating na naman na kargamento mamayang alas siyete ng gabi. Siguraduhin n’yo na ‘to Greggie na mapalusot n’yo ang mga epektus dahil kung hindi, malaki ang mawawala sa atin! Maliwanag ba!
Greggie: Huwag kayong mag-alala Daddy at sisiguraduhin ko sa inyo na magtatagumpay ang operasyon na ito. Relaxs ka lang Dad?!
Don Manolo: “Anong relaxs! Tandaan mo Greg, malaki na ang nawala sa atin! Kaya wag ka lang mangako kundi gawin mo!” dugtong pa ng galit na Don.
Seq. 65 Samantala, tumuloy si Jason sa lugar nila at malaki na lang ang pagkamangha ng binata nang makarating sa kanilang lugar.
Jason: “Gosh! Ano bang nangyari dito habang wala ako? Nasaan na ang mga kaibigan ko? Si Jomar? Si Roxanne? Nasaan na sila? B-Bakit ... pati bahay nina Jomar ay wala ng tao, anong ibig sabihin nito?” Malugod na pinagmasdan ni Jason ang paligid nina Jomar na halos matatabunan na nang mahahabang damo nang biglang...
Miko: PSSSTTT!! Dito po sa likuran n’yo!
Jason: S-Sinong?.. B-Bata anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?
Miko: Ako po si Miko. Mama, sino po ang hinahanap n’yo po dyan? Kung sina Kuya Jomar po, matagal na po silang wala rito maglilimang buwan na po ang nakalipas. Nasa bundok na po sila umpisa pa po noong namatay ang kanilang mga magulang. Naging mahigpit po nilang kaaway ang mga pamilyang Monteverde na hinihilaan nilang may kagagawan sa pagmamasaker ng bahay ng mga Mondragon na siyang ikinasawi ng mag-asawang Mondragon.
Jason: Bakit alam mo ang buhay nina Jomar?
Miko: Kaibigan ko po si Kuya Jomar at ang kapatid niyang si Camille at nangako po siya sa akin na tutulungan din n’ya ako sa paghihiganti sa mga nangyari sa yumao kong Ate na biktima sa karahasan ng pamilyang Montverde.
Jason: Paano mo nalaman na ang mga Monteverde ang may pakana sa lahat lalo na sa nangyari sa Ate mo?
Miko: Biktima ang pamilya ko po at saksi po ako sa kawalanghiyaan ni Greggie at kung paano niya ginahasa ng walang kalaban-laban ang Ate at pagkatapos ay pinatay.
Jason: Ilang taon ka na ba Miko?
Miko: May tatlong taon na po ang nakalipas mula nang nagahasa at pinatay si Ate at tanging si Kuya Jomar lang ang nakakaalam. Ayaw po nilang ipaalam sa inyong magkakaibigan dahil ayaw ni Kuya Jomar na mag-alala kayo sa maaaring gawin niyang hakbang sa paghihigante. Dahil sa balak kong maghigante sa nangyari kay Ate kaya di po ako nagsasalita. Eight years old na po ako ngayon pero hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa nila kay Ate. Nangako ako na balang araw ay makaganti rin ako sa sinapit ng Ate ko. Teka, sino po ba kayo? Tuloy napahaba ang estorya ko. Pero di naman po kayo mukhang masamang tao. Ano po ba ang ginagawa n’yo rito? Kung magtanong po kayo ay talo n’yo pa ang NBI? Kung hindi po ako nagkamali kayo po ang kaibigang hinahanap sa akin ni Kuya Jomar at palaging itinatanong sa akin. Siguro kayo na po kasi sabi ni Kuya Jomar kahawig raw po nito si Piolo Pascual! Yon ang sabi ni Kuya Jomar sa akin at saka po, para po talaga kayong si Piolo Pascual! Ang guwapo n’yo po sobra!”
Jason: Sobrang daldal mo pala Miko, pero tama ka Miko, ako nga si Jason, ang kaibigan ni Kuya Jomar mo, isa akong alagad ng batas at misyon ko ang paglutas sa lumalaganap na krimen dito.
MIKO: Ibig sabihin, kayo po ang kaibigan na hinahanap ni Kuya Jomar? Siya nga ho pala, galing po ako sa bahay ng mga Monteverde at nabalitaan kong may operasyon sila mamayang alas syite ng gabi. Mga ipinagbabawal na gamot ang laman ng kargamento na bigas nasa loob daw nito. Baka gusto n’yo pong mag-imbistiga?
Jason: Miko, sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?
Miko: Opo! Siguradong-sigurado po ako dahil isa po ako sa mga suki nila na binilbilhan ng yosi. Wala ho kasi silang kakyemi-kyeming magsalita porke’t bata lang po ako ang hindi nila alam na ginawa kong sideline ang pagtitinda ng sigarilyo para makakuha po ako ng impormasyon.
Jason: Sa liit mong yan Miko ay hindi ako makapaniwalang magawa mo yan. Siya nga, saan nga pala ibabagsak ang mga kargamento?
Miko: Sa pier po ng Tagbilaran City doon daw ibabagsak ang mga kargamento. Mag-ingat po kayo Kuya Jason dahil malakas ang mga kalaban, armado din ang mga ito ng matataas na kalibre.
Jason: Sige Miko salamat sa mga paalaala mo lalo na sa impormasyong ibinigay mo sa akin at siguraduhin kong hindi makakalusot ang mga epektus na ito. O s’ya, umuwi ka na? Mag-ingat ka Miko ha?
Miko: Opo! Mag-ingat din po kayo Kuya Jason? Bye po!
Seq. 66 Kinagabihan sa pier ng Tagbilaran, nakaabang na si Jason at nag-iisa lang siya hindi na niya ipinaalam sa mga pulis ng Villafuerte at Tagbilaran ang operasyon. Mga ilang oras din ang kanyang paghihintay at dumating din ang barko na may dala ng mga ipinagbabawal na gamot. Tama si Miko mga sako ito ng bigas para hindi gaanong halata. Nakita ni Jason ang isang grupong armado na sumasalubong sa mga taong may dala ng epektus. Bago pa man mag-abutan ng pera, ay biglang nagputukan na ang mga baril. Sa kinaroroonan ni Jason...
Jason: “Uubusin ko kayo!” Galit na sabi ni Jason habang kalabit ang M-16 Rifle niya at pinapaulanan ng bala ang mga kalaban na hindi alam kung saan nanggagaling ang putok. Nang biglang nagulat si Jason dahil hindi lang pala siya nag-iisa, may tumulong din sa kanya pero di niya ito kilala at ang punterya nito ay ang grupo nina Don Manolo at Mishimoto. “Sino kaya siya?” Bulong ni Jason sarili habang patuloy ang pagbabaril ng mga kalaban. “Wala namang binanggit si Miko sa akin na may iba pang nakakaalam sa operasyong ito. Ah, kung sino man siya salamat din sa tulong niya. Siguro isa din siya sa lihim na may galit sa pamilyang Monteverde.” Sabi ni Jason sa sarili.
Seq. 66 Sa kinaroroonan ni Jessie...
Jessie: S-Sino kaya siya? Ang alam ko ako lang ang nakakalam sa operasyong ito. Bukod pa sa akin ay meron pa kayang lihim na nagsusubaybay kay Meyor Monteverde? Ah, kung sino man siya’y salamat na lang sa tulong niya. Siya nga kailangan ko ng umalis dito at sigurado akong may isa sa mga yon ang natakas at nakapagsabi na kay Meyor. Aangkas na ako sa motosiklo ko. Darating na siguro maya-maya ang mga pulis.
Seq. 67 Mabilis na nilisan ni Jessie ang lugar nang mabatid nitong patay na ang lahat ng mga kalaban. Balik sa kinaroroonan ni Jason...
Jason: Tatawagan ko na si Sgt. Flores sa binigay na telepono ni Miko at ipaalam ko ang mga nangyari. Sana totoo ang sinabi ni Miko na si Sgt. Flores lang ang natitirang matino sa mga pulis at hindi nasisilaw sa pera. Aalis na rin ako pagkadating ng mga pulis.
Seq. 68 Nakontak ni Jason si Sarhento Flores at sinabi ng huli ang mga nangyari. Tinanong ni Sgt. Flores ang pangalan ni Jason pero hindi nito ibinigay. Hindi nagtagal ay dumating din ang mga pulis na pinamumunuan ni Stg. Flores. Patay na ang Japan Drug Lord na si Mr. Mishimoto at mga kasamahan nito at napasama na rin ang iilan sa mga kasamahan ni Greggie.Nakaligtas naman si Greggie pero di nito nadala ulit ang pera dahil tumapon ang lahat ng mga ito nang magbarilan. Nilisan na rin ni Jason ang lugar pagkadating ng mga pulis at nagtungo ito sa kubo. Samantala, nabalitaan ni Don Manolo ang mga nangyayari at galit na galit ang Don.
Don Manolo: Punyeta! Palpak na naman! Ang laki na nang nawala sa atin! Hindi na ako makakapayag pa Greggie, kailangang kumilos na tayo habang di pa huli ang lahat! Malaki na ang nawawala sa atin at higit sa lahat sa kapalpakan ng ating mga operasyon umpisa nang tumakas dito si Jessie at alam ko may kinalaman din nito sina Jomar at Ka Zandro!
Greggie: Ano ang plano mo ngayon Daddy?
Don Manolo: Ihanda mo ang mga tauhan natin Greggie at lulusob tayo ngayon din sa kampo nina Jomar!
Greggie: Are you serious Dad? Hindi ka ba nagbibiro? Hindi basta-basta ang gagawin nating Dad? Isa pa, hindi natin alam kung saan nagtatago ang hinayupak na yon!
Don Manolo: Sundin mo ang iniuutos ko sayo Greg! Planado na ang lahat!
Greggie: Paanong..? Ibig sabihin Dad, alam n’yo na kung nasaan sina Ka Zandro at Jomar ngayon?
Don Manolo: Wala ka bang tiwala sa ama mo Greggie?! Noon palang ay pinasubaybayan ko na ang iilan sa mga tauhan ni Ka Zandro. Kaya oras na lipulin ang mga hampas-lupang yon! Ihanda mo na ang tauhan natin Greg at kokontakin ko ang Hepe para maihanda na rin ang mga tauhan niya. Ngayong hatingggabi ang ating gawing paglusob, kilos na Greg!
Seq. 69 Samantala, naunang nakarating sa kubo si Jessie. Sa loob ng kubo...
Jessie: “Ang dilim naman, sindihan ko muna ang lampara para magkaroon ng kaungting liwanag.” Umilaw na ang lampara at sumandal sa dingding si Jessie dahil medyo napagod siya sa lakad niya. “Hayyy! Ang sakit ng buo kong katawan. Siya nga pala, sino kaya yong mahiwagang tao na tumulong sa akin kanina. Hindi ko sukat akalain na may iba pa palang nakakalam sa operasyong iyon.
Seq. 70 Lubos na pinag-iisipan ni Jessie kung sino yong mahiwagang tao na tumulong sa kanya nang biglang may ugong ng motorsiklo na huminto sa harapan ng kubo. Dali-daling pinatay ni Jessie ang ilaw.
Jessie: S-Sino kaya itong dumarating? Kung sino ka man magpasensyahan nalang tayo, masyado kang mapangahas. Ihanda ko na ang baril ko. Malas mo ngayon!
Seq. 71 Samantala, hindi kaagad pumasok sa loob ng kubo si Jason. Kahit masyadong madilim na ang paligid ay naaninag pa rin niya ang mahahabang damo na halos matatabunan na ang maliit na kubo nila na yari sa kawayan. Naalala pa niya na dito sila nagsumpaan na magkaibigan na walang iwanan. Pinagmasdan ni Jason ang kabuuan ng kubo na halos wala ng alaga.
Jason: “Oh my God! Ang laki na talaga ng ipinagbago ng kubo ilang buwan lang akong nawala pero... God..? huwag n’yo namang ipahintulot na tuluyan ng mawasak ang tunay naming pagkakaibigan. Kailangang gagawin ko ang lahat para maibalik ang aming magandang samahan. Papasok na ako sa loob. P-Pero bakit para bigla ‘ata akong kinakabahan? Ah, wala ‘to, tutuloy na ako.”
Seq. 72 Samantala, sa loob ay nakahanda na si Jessie nang biglang may pumihit sa siradura ng pituan na yari sa kawayan. Nang makapasok ay biglang tinutukan ng baril ang ulo nito.
Jessie: Huwag kang kikilos ng masama at sasabog ang bungo mo! Sino kang mapangahas na pumasok dito!
Jason: “P-Pare hindi ako masamang tao! Ako ang...” Napatigil si Jason nang mabosesan ang kaharap. “J-Jessie? Ikaw?!
Jessie: “Jason, ikaw rin?!” Nabosesan din ni Jessie ang kaibigan. “Paanong..?”
Seq. 73 Hindi na natuloy ang sasabihin ni Jessie at nagyakapan ng mahigpit na mahigpit ng may pangungulila sa isa’t-isa. Kapwa sila napaluha dahil di nila napigilan ang kanilang mga emosyon.
Jessie: “Ang tagal naming naghihintay sayo at ngayon 'andito kana.” Biglang lumungkot ang mukha ni Jessie. “Sayang Jason dahil pakiramdam ko’y tuluyan ng mawasak ang ating pagkakaibigan. Pero hindi ako titigil hangga’t di ko mapatunayan na hindi ako isang taksil at tapat ako sa samahan natin. Handa kong ibuwis ang buhay ko alang-alang sa samahan natin.” Ani Jessie sa kaibigan.
Jason: Jessie, ano ba talaga ang nangyari dito? Nasaan na sila? Si Jomar? Si Roxanne?
Jessie: Mahabang estorya Jason, hindi ko alam kung saan ko dapat umpisahan ang lahat.
Jason: Huwag kang mag-alala Jess, magtulungan tayo para maibalik ang dati nating magandang samahan. Siya nga pala, last week tumawag si Pamela sa akin at nabanggit niya na uuwi siya rito and maybe this week hindi ko alam kung kailan. Ipinagbibilin niya sa akin na hanggang ngayon ay nag-iisa ka pa rin sa puso niya, ikaw ang inspirasyon sa pagtatrabaho niya sa ibang bansa. Babalik daw siya dito para buuin muli ang inyong nasirang mga pangarap at pangako.
Jessie: Wala ng pag-asa pa Jason, hindi na ako nababagay sa kanya. Kaya ngayon pa lang ay tuturuan ko na ang sarili ko na limutin siya.
Jason: Kahit masakit para sayo Jess? Jessie, I believe ikaw pa rin ang nagmamay-ari sa puso ni Pamela. Pare, makapangyarihan ang pag-ibig at ang sugat ay kayang limutin ng panahon. Huwag mong hayaan na basta na lang mawala sayo ang lahat-lahat pati na si Pamela.
Jessie: Mahalin pa kaya ako ni Pam kung saka-sakaling malaman niya na...
Jason: Jessie, walang sukatan ang tunay na pagmamahal at kahit gaano man ito katagal ay handa itong maghintay at magparaya alang-alang sa taong minamahal. Siya nga pala Jessie, nasaan na si Jomar? Si Roxanne, ang kapatid mo? Ilang buwan din akong nagtitiis na di makita si Roxanne.
Jessie: “Mahabang estorya Jason pero isa-isahin ko sayo ang pagpapaliwanag sayo” Isinalaysay ni Jessie ang lahat ng mga nangyayari simula pa nang umalis si Jason hanggang sa planong pagtakas ni Jessie sa poder ni Meyor Don Manolo. “Alam kong iisipin ni Jomar na nagtaksil ako sa ating samahan nang malaman niya ang minsan kong pagsapi sa grupo nina Meyor kaya naisipan kong tumakas. Umpisa nang makawala na ako sa poder ni Don Manolo ay palagi ko ng sinusubaybayan ang mga masasamang gawain ng Don. Ngayon, tatapusin ko na ang gulong ito para mapatunayan ko kay Jomar na hindi ako isang taksil. Sa totoo lang ay kakarating ko lang galing pagharang da mga pinalusot na mga epektus ni Don Manolo.
Jason: Anong..? Ibig mong sabihin, ikaw yong mahiwagang tao na tumulong sa akin kanina para harangin ang pagbaba ng mga epektus?!
Jessie: Ibig mong sabihin ika din yong ...
Seq. 74 Hindi natuloy ang sasabihin ni Jessie nang biglang ... K-KRIKKK!!! May gustong bumukas ng pinto. Nagsipaghandaan ang magkaibigan.
JASON/JESSIE: “S-Sino kag mapangahas na ...!”
Miko: Kuya Jessie! Kuya Jomar huwag po! Si Miko po ito!
Jessie: Diyos ko naman Miko akala ko kung sino na, bakit ayaw mong kumatok?! Mapapahamak ka lang sa ginagawa mo!
Jason: Mabuti na lang Miko at hindi ka namin binaril kaagad!
Miko: “Sorry po Kuya Jessie, Kuya Jason, naniniguro lang po kasi ako baka may makakita po sa akin dito. Siya nga ho pala, pasensya na po kayo pero importante lang po kasi ang ipinunta ko dito. Galing po ako sa mansion ni Meyor Monteverde at nalaman ko ang balak nila.” Iniabot ni Miko ang Tape Recorder. Maririnig n’yo po lahat diyan ang mga pinag-uusapan nina Meyor.
Seq. 75 Binuksan ng magkaibigan ang Tape Recorder at pinakinggan nila ang pinag-uusapan ng meyor.
TAPE RECORDER: “Malaki na ang nawawala sa atin kaya kailangan na nating kumilos habang hindi pa huli ang lahat! Ihanda mo ang mga tauhan natin Greggie at lulusob tayo ngayon din sa kampo nina Jomar at Ka Zandro! Tawagan ko na rin ang Hepe para maihanda ang kanyang mga tauhan.” Di na nila tinapos pa ang mensahe ng Tape mas mahalaga sa kanila ang unang nabanggit na impormasyon.
Jessie: Miko, paano mo nakuhaan ng record ang kanilang pinag-uusapan?
Miko: Matagal ko na pong pinaplano Kuya Jessie dahil gusto kong makakuha ng matibay na ebidensiya laban kina Meyor at sa anak niyang si Greggie. Dala-dala ko ang tape kanina at di sinasadyang napag-usapan nila ang tungkol sa kapalpakan ng opersyon nila. Galit na galit si Don Manolo kung kaya nakapagdesisyon iton lumusob sa kampo nina Kumander Zandro. Nabigla ako sa narinig ko kung kaya kaagad ko inirecord ang pinag-uusapan nila. Kuya Jessie, Kuya Jason, nanganganib ngayon ang buhay ng isa n’yong kaibigan at mga kasamahan.
Jason: Jessie, kailangan na nating kumilos habang di pa huli ang lahat. Kailangang matapos na ang gulong ito Jessie.
Jessie: Ito na ang hinihintay kong pagkakataon Jason para mapatunayan ko kay Jomar na hindi ako isang taksil.
Jason: ‘Tol anong ibig mong sabihin..?
Jessie: Kailangan ngayon ni Jomar ang tulong ko kaya gagawin ko ang lahat kahit buhay ko pa ang kapalit. Jason, kahit anong mangyari ipangako mo sa akin, huwag mong pababayaan ang kapatid ko. Mahalin mo siya tulad ng pagmamahal ko kay Roxanne. Pangako mo yan pare, please...?
Jason: “Huwag kang magsalita ng ganyan Jessie.” Sabay hawak ng mahigpit sa kamay ng kaibigan. “Pare alam ko di papayag ang Diyos na basta na lang masira ang ating magandang samahan. Jessie kaya natin ‘to manalig ka sa Kanya.
Jessie: Salamat Jason pinalakas mo ang loob ko,sige kailangan ko ng umalis mahalaga ang bawat minuto. Malayo pa ang kampo nina Jomar at Kumander Zandro mula rito.
Jason: Sige Pare, ingat ka! Susunod na lang kami sa iyo, tatawagan ko muna si General Alejnadro Villamor para magpapadala ng mga AFP Rescuer dito.
Jessie: P-Pero Jason..?
Jason: “Huwag kang mag-alala ako ang bahala, maniwala ka sa akin mabuting tao si Gen. Villamor.” Tinapik niya sa balikat si Jessie palatandaan ng pag-asa. Pangako ko yan sayo Jessie. Sige ingat.
Seq. 76 Umalis na si Jessie at naiwan sina Miko at Jason.
Jason: Miko puntahan mo si Sgt. Flores at ipaalam mo ang tungkol sa balak nina Meyor Monteverde.
Miko: Pa’no ka Kuya Jason? Hindi mo alam kung saan matatagpuan sina Kuya Jomar?
Jason: Siya nga pala, saan nga ba nagtatago sina Jomar at mga kasamahan? Masyado bang malayo mula dito sa kinaroroonan ng kubo?
Miko: “Medyo may kalayuan po Kuya Jason, doon sa pinakahuling maliit na burol ng Chocolate Hills at dadaan pa po tayo ng ilog at palayan. Nakita n’yo po yan.” Sabay turo. Yan ang pinakagubat ng Villafuerte d’yan ang kampo nina Ka Zandro. Kapag hindi mo kabisado ang lugar maaaring maliligaw po kayo at delikado ang lugar na yan sa mga ligaw na hayop.
Jason: Okey Miko, naisip ko na kailangan kita para maging guide ko sa pagpunta doon. Teka, kabisado mo ba ang lugar Miko?
Miko: Kabisadong-kabisado po at pati na ang sekretong daan papuntang kampo nila.
Jason: Okey hindi na tayo magsasayang ng panahon at medyo palalim na ang gabi. Kailangang matawagan ko rin muna si Gen. Villamor para magpapadala ng back-up natin.
Seq. 77 Balik sa mansion ni Don Manolo...
Don Manolo: Ano Greggie handa na ba ang lahat? Okey, tara na at palalim na ang gabi. Tingnan ko lang ngayon kung ano ang magagawa nina Jomar at Kumander Zandro.
Greggie: Alam mo Dad, parang nakikita ko na kung papano magtatakbuhan sina Kumander Zandro, Jomar at mga kasamahan nila. Ha! Ha! Ha!
itutuloy...
Lulusob na sina Don Manolo, ito na kaya ang katapusan nina Jomar at Ka Zandro? Patuloy po nating subaybayan ang nalalapit na pagtatagpo nina Jomar at Greggie sa susunod pang sequel ng Tunay na Magkaibigan...


