"Tunay Na Magkaibigan [Part-05 Final]

fhearl08's picture
| |

Seq. 78 Umalis na rin sina Don Manolo. May limang pandigmang tanke ang dala nila  at  limang  six by  six na Private Army ni Don Manolo  bukod pa sa tauhan ng  Hepe.  Samantala, sa kinaroroonan nina  Ka Zandro...

Ka ZAndro: Ikaw ang bahala Jomar kung yan ang gusto mo ay hindi kita mapipigilan. Irerespito ko ang naging desisyon mo sabagay hangga’t buhay  pa ang mga kalaban ay hindi rin tayo magkakaroon ng katahimikan.

Jomar: Salamat  Ka Zandro at naiintindihan ninyo ako.

Ka Zandro: Para na kitang tunay na anak Jomar, kayo ni Camille kaya naiintindihan ko ang desisyon mong  pagbaba ng bundok. Pero kung sakaling kailangan mo ang tulong ko ay nandito lang ako.  Bukas ang lugar na ito para sa inyong magkakapatid.

Jomar: Maraming salamat po uli Ka Zandro. Siya nga po, tuloy po ba ang  pagsasalakay natin  kina Meyor Monteverde bukas?

Ka Zandro: Tuloy na ‘to Jomar, wala na itong  atrasan pa at isa pa pinaghahandaan ko na talaga ang gawin nating paglusob kaya ihanda mo na rin ang sarili mo. Gusto kong maipaghiganti  ang nangyari sa matalik  kong kaibigan,  ang ama mo. Teka sinasabihan mo na ang ga kasamahan natin  na higpitan ang pagbabantay baka may makapasok na kalaban?

Jomar: Okey na ang lahat Kumander Zandro...

Seq. 79 Napatigil si Jomar  nang makita  niya si Ka Kaloy na papalapit sa kanila. Nagmamadali ito na parang may humahabol...

Ka Zandro: O, Ka Kaloy bakit para kayong hinahabol ng asong-ligaw? Kumusta ang lakad  n’yo Ka Kaloy, anong balita?

Ka Kaloy: Masamang balita Ka Zandro, palusob na dito ang mga kalaban at marami sila Ka Zandro! Isinama na rin nila ang mga pulisya sa pinamumunuan ni Chief Baldomero! Hindi basta-basta ang bilang ng mga kalaban Ka Zandro,  kalahati sa grupo nila ang grupo natin! Anong gagawin natin Ka Zandro?!

Ka Zandro: Sige Ka Kaloy, ipaalam  mo sa mga kasamahan natin na puwesto na at huwag hahayaang makapasok sa teritoryo natin ang mga kalaban. Kilos na Ka Kaloy!

Seq. 80 Pinaalam kaagad ni Ka Kaloy sa mga kasamahan. Naiwan sina  Ka Zandro at Jomar.

Ka Zandro: Jomar,  kailangan mo na ang maging matatag sa pagkakataong ito, marami ang mga kalaban at hindi ko alam kung ano ang maging  wakas sa labanang ito.

Jomar: KaZandro, nang umakyat ako sa bundok ay handa na ako sa anumang laban. Patay kung patay  hindi tayo pahuhuli ng buhay, alam natin kung anong klaseng taon si Don Manolo di ba? At ...

Seq. 81 Biglang napatigil si  Jomar biglang  matanaw ang paparating na sina Pepoy, Roxanne at Camille.

Pepoy: Dong Jomar, Ka Zandro andaming paparating na armadong mga tao at parang dito ang punterya nila. Sigurado ako Ka Zandro na  mga kalaban ang mga yon?! Anong gagawin natin Ka Zandro baka mahirapan tayo sa dami nila at ang dilim pa naman!

Jomar: Ito na ang sinasabi ko sa inyo na tatagan n’yo ang sarili n’yo sa pagkakataong ito. Pepoy kahit anong mangyari ay huwag na huwag mong pababayaan  sina Camille at Roxanne. May tiwala ako sa inyo Mang Pepoy kayo na ang bahala sa kapatid ko.

Roxanne: Jomar natatakot ako?!

Camille: Ako  rin  Kuya Jomar baka anong mangyari sa atin?!
Jomar: Huwag kayong matakot, kailangang lakasan n’yo ang loob n’yo. Isipin n’yo  na marami ang kalaban natin kaya  ilabas  n’yo na ngayon ang lahat  n’yong kakayahan. Ka Zandro kinakailangan na nating maghiwalay ng puwesto, ako doon sa kabila kasama si Ka Kaloy. Bahala na kayo rito Ka Zandro. Sige aalis na kami  ni Ka Kaloy.

Ka Zandro: Mag-ingat ka Jomar patnubayan ka nawa ng Panginoon at .... Diyos ko! Kakayanin namin ‘to!

Seq. 82 Masyadong mabilis ang mga pangyayari, nasa alanganin na ang grupo ni Ka Zandro. Hindi na maiwasan ang pagsisimula ng putukan.

BRATATATATTT!!! BRATATATATTT!!!  BANG! BANG! BANG! BANG!

Jomar: “Andiyan na ang mga  kalaban Ka Zandro! Sige Ka Zandro ikaw  na ang bahala dito!”  Tumakbo sa kabilang panig si Joemer.

Ka Zandro: Pepoy kahit anong mangyari  huwag mong pababayaan sina Roxanne at Camille! Maaasahan ba kita?

Pepoy: Ka Zandro naman! Pag nagsalita  ka’y parang namamaalam na kayo sa amin.  Ka Zandro, kayo lang po ang maysabi na tatagan namin ang aming sarili.

Roxanne:  “Ka Zandro, hindi po kayo nag-iisa, handa na po kami sa laban, kasama n’yo po kami!” Kinuha ni Roxanne ang mahabang kalibre at  ang 45 calibre naman ay inabot niya kay Camille.

Seq. 83 Pumapaibabaw na ang putukan. Kumilos na  rin si Roxanne humawak na rin sila ng baril. Samantala, sa kinaroroonan nina Jason...

Jason: Miko, malayo pa ba? Kung hindi ako nagkamali yon na ang pinangagalingan ng mga putok.

Miko: Kuya Jason malapit po tayo at yong mga putok sigurado akong nilusob na nila ang kampo nina Ka Zandro! Kuya Jason bilisan natin baka anong mangyari kina Kuya Jomar at Ate Roxanne!

Jason: Diyos ko! Huwag naman sana at hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko alam ko malaki din ang pagkukulang ko sa samahan namin. Bilisan natin Miko! Tatakbo na tayo!

Seq. 84 Sa gitna ng dilim ay halos di na iniintindi ni Jason ang mga galis  at pagkakadapa n’ya. Mahalaga sa kanya ang kaligtasan  ng kanyang mga kaibigan at higit sa lahat si Roxanne. Sa  kinaroonan ni Jessie...

Jessie: “Tamang-tama ang pagdating ko.” Bulong ni Jessie sa sarili habang nagtatago sa malaking bato at inaabangan ang pasugod na  mga kalaban sabay hinarap ang mga ito. “Mamatay kayo! Uubusin ko kayo.” Pinauulanan  ng bala ng m16  rifle ni Jessie ang mga kalaban, marami ang natamaan.

Seq. 85 Sa kinaroroonan naman ng mag-amang Monteverde...

Don Manolo: Bullshit! Lima kaagad ang napabagsak  ng mga punyeta! Gumanti kayo! Uubusin natin ang mga gunggong na yan! Maghiwa-hiwalay tayo! Greggie, sa kabila ka! At ikaw Hepe, bahalaka na sa mga tauhan mo!

Greggie: Dad, ingat kayo hindi  natin anong patibong meron sila!

Seq. 86 Patuloy  ang paglusob ng mga kalaban. Patuloy ang putukan at barilan, maraming  nasawi sa kalaban ganundin sa grupo nina Ka Zandro.  Tumindi ang labanan. Sa kinaroroonan ni Ka Zandro, natamaan ang Ka Zandro malubha at...

Roxanne: K-Ka Zandro! Diyos ko may tama po kayo! Ka Zandro!

Pepoy: “K-Ka Zandro!” Pilit ibangon ni Pepoy ang duguang kumander,malubha ang tama nito na siyang dahilan sa mabilis na panghihina nito. “Ka Zandro huwag mo kaming iwan! Ka Zandro kailangan ka pa namin!” Yakap-yakap ni Pepoy ang duguan kumander, kahit mahina na ito ay nakuha pa niya ang magsalita .

Ka Zandro: “P-Pepoy... R-Roxanne...Camille... I-Iwan n’yo na ako!  M-Marami pa ang mga kalaban. I-iligtas n’yo na ang sarili n’yo..!” Hirap na hirap na ang kumander, marami ng dugo ang lumabas sa kanya. “S-Sige na tumakas na kayo! I-iligtas n’yo a-ang... !” Nalagutan na ng hininga si Ka Zandro.

Roxanne: “Mga hayop kayo! Pinatay n’yo si Ka Zandro!” Galit na galit si Roxanne at walang takot na kinuha ang baril ni Ka Zandro at hinarap ang mga kalaban.

Seq. 87 Patay na si Ka Zandro. Papaunti na rin ang mga kasamahan nina Jomar at marami pa ang bilang ng mga kalaban. Patuloy sila sa pakikipaglaban.  Sa kinaroroonan nina Jomar at Ka Kaloy natamaan si Ka Kaloy...

Jomar:  Ka Kaloy, may tama kayo!

Ka Kaloy: J-Jomar, ahhh! Pakiramdam ko’y wala na tayong laban , marami pa  sila.  Mas nakabubuting  tumakas  na kayo Jomar ako na ang bahala  dito! Tumakas na kayo, huwag mo na akong alalahanin  pa Jomar, bata  ka pa Jomar at malayo pa ang marating mo! Iligtas  n’yo na ang sarili n’yo!

Jomar: Hindi kita maiwan sa ganyang  sitwasyon Ka Kaloy! Halika talian natin  ang sugat mo para titigil ang pagdurugo.

Ka Kaloy: Huwag na Jomar, kaya ko pa. Ang sabi ko’y  tumakas na kayo! Buhay pa ang mga kalaban, sa dami nila  maaaring...

Jomar: P-Pero  Ka Kaloy paano na po kayo? 

Ka Kaloy: Sinabi ko na sayo Jomar ako na ang bahala dito!

Seq. 88 Paalis na si Jomar at aktong tatayo  si Ka Kaloy nang muli itong matamaan.  Malubha na ang tama  na siyang ikinamatay ni Ka Kaloy.

Jomar: KA KALOYYY!!! Yakap-yakap ni Jomar ang nakabulagta  na kasama. “Ka Kaloy! Mga Walanghiya  kayo!” Galit na tumayo si Jomar  pinagbabaril ang mga kalaban.

Ka Kaloy: “T-Tumakas ka na Jo... urgh!” Nalagutan na ng hininga si Ka Kaloy.

Seq. 89 Patay na si Ka Zandro at Ka Kaloy, sina Jomar na lang ang natitirang nakikipaglaban. Walang tigil ang barilan at putukan.  Marami na ang mga nasawing buhay  nang di sinasadyang  magkasalubong ang landas nina  Jomar at Greggie. Maagap si Jomar kaya naunahan niya si Greggie kaya…

Jomar: “Ito na ang huli mong  pagdilat Greggie! Maipaghiganti ko na rin ang aking mga magulang, ikumusta mo na lang ako kay kamatayan!”  Kinalabit ni Jomar ang  baril niya ngunit hindi ito pumutok. “ Wala ng bala. A-Anong?..

Greggie: “Ha! Ha! Ha! Talagang sinadya ng pagkakataon Jomar.  Kailanma’y ang masammang damo  ay matagal mamatay! Ikaw ngayon ang isusunod ko sa mga magulang mo! Goodluck Jomar!” Aktong kalabitin ni Greggie ang gatilyo nang…

BANG! BANG! BANG! Urgh! Tatlong sunod-sunod na putok ang pumaibabaw. May biglang nabulagta! Patay na...

Jomar: “S-Sinong?.. “Nagulat si Jomar, buhay pa siya. Bago  makalabit ni  Greggie ang  gatilyo ng baril  niya  ay naunahan na ito ni Jessie.  “J-Jessie, ikaw?!” Hindi makapaniwala si Jomar  at dali-daling nilapitan ang duguang si Jessie, marami ang mga tama ni Jessie pero kahit  papano ay nailigtas niya ang nanganganib na buhay ng kaibigan.

Jessie: J-Jomar patawarin mo ako. P-Pero wala akong...

Jomar: Sssshhh..! Huwag  ka ng magpaliwanag pa Jessie, alam ko na ang lahat, naikwento na sa akin ni Miko. Maraming salamat pare lalo na sa pagligtas mo sa buhay ko.

Seq. 90  Balik-tanaw sa nakaraan, dati-rati ng nagpupunta si Miko sa bundok, sa kampo ni Kumander Zandro at naikwento na rin nito ang lahat lalo na ang dahilan kung bakit napilitang sumapi si Jessie sa kampo ni Don Manolo.

Miko: Ang totoo po Kuya Jomar ay napilitan lang po si Kuya Jessie na sumapi sa grupo ni Don Manolo sa dahilan na siya ang pinagbabayad sa isang milyong piso na naiwala ng ama ni Kuya Jessie sa operasyon kung saan naging tauhan ang ama ni niya. Nasa gipit si Kuya Jessie noon kaya napilitan na itong gawin ang lahat ng ipinagagawa ng Don kahit labag sa kanyang kalooban, dahil tulad ng Ate ko, nasa panganib din ang buhay ni Ate Roxanne. Upang hindi galawin ni Don Manolo si Ate Roxanne, ay lihim na nagseserbisyo kay Don Manolo lingid sa kaalaman ninyo. Malakas ang kapit ni Meyor sa pulisya kaya kahit anong oras ay maaaring malalagay sa panganib ang buhay nila.

Jomar: Kilala mo na ba si Jessie Miko bago pa kita makilala? Kailan lang?

Miko: Opo! Matalik na magkaibigan sina Ate Roxanne at ang Ate ko, lagi nga kaming namamasyal ni Ate dun sa bahay nila. Pero ang di ko alam na magkakilala na  pala kayo ni Kuya Jessie at magkaibigan. Sana po Kuya Jomar ay maiintindihan n’yo po si Kuya Jessie, ang totoo po, kumalas na po si Kuya Jessie sa grupo ni mayor at lihim po itong sumusubaybay sa masamang gawain ni Don Manolo kung kaya laging palpak ang mga operasyon nila nitong mga huling araw.

Seq. 91 Masaya si Jessie nang malaman niyang hindi pala galit sa kanya si Jomar.

Jessie: Kahit buhay ko’y handa kong ibuwis  alang-alang sa pagkakaibigan natin. Jomar, baka hindi  na ako abutin pa ng bukas nito. Aaahh!  Ang sugat ko!

Jomar: Huwag kang magsalita ng ganyan ‘tol iniligtas mo ang buhay ko kaya gagawin ko ang lahat para mabuhay ka.

Seq. 92  Tinulungan ni Jomar ang sugatang kaibigan. Samantala sa kinaroroonan ni Don Manolo.

Don Manolo: “Huh! Ano yon! Helikopter ng  AFP paanong..? Ah! Kailangang makatakas ako ayokong magpahuli sa kanila.” Tumakbo si Don Manolo  pero huli na, hinarang siya ni Jason.

 Jason: Saan ka pupunta Meyor Don Manolo Monteverde?!

Don Manolo: S-Sino ka!

Jason: Isa akong alagad ng batas at naparito ako  upang arestuhin ka!

Don Manolo: “Ako aarestuhin mo! Meyor ng Villafuerte, aarestuhin mo!  Hahaha! Nagpapatawa ka ba?! Hindi mo magagawa sa akin yan!  Papatayin muna kita!”   Akmang  bubunutin  ni Don Manolo ang baril niya sa tagiliran pero masyadong mabilis si Jason. Sumalpok sa malayo ang Cal. 45 ni Don Manolo na tinamaan ng flying  kick ni Jason. 

Jason: Sumuko na kayo Don Manolo! Marami ng buhay ang nasawi dahil sa kasakiman n’yo! Pati pamilya ng mga kaibigan ko ay sinira n’yo!

Don Manolo: “Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo! Anong palagay mo sa akin madaling mapaniwala! Kung talagang lalaki ka bigyan mo ako ng patas na laban. Mano-mano, matira ang matibay!

Jason: Baka pagsisihan n’yo lang yan Don Manolo!

Don Manolo: Ha ha ha! Nagpapatawa ka ba bata! Laging mong tandaan, wala pang nakakatalo kay Meyor Don Manolo Monteverde!

Seq. 93  Pinagbigyan ni Jason ang meyor sa hamon nito. Sa unang laban nila ay medyo nahirapan si Jason dahil magaling naman pala sa Martial Arts si Don Manolo. Dahil  sa katandaan, kung kaya naunang napagod si Don Manolo at nagkaroon ng pagkakataon si Jason. Binatikos niya ang dalawang kamay at nilagyan ng posas.

Jason: Ngayon pananagutan mo na ang lahat mong kasalanan Don Manolo, hindi lang sa mga tao kundi pati na rin sa Diyos!

Don Manolo: Tanggalin mo ‘to! Wala akong kasalanan pakawalan mo na ako! Mga kriminal ang tinutugis namin maniwala ka!  Kahit si Hepe patunayan niya sa inyo na  hindi ako masamang tao!

Jason: Sa korte na kayo magpaliwanang  meyor.

Seq. 94 Sa wakas ay dumating din ang AFP back-up at naubos ang mga  kalaban. Marami ang nasawi sa kasamahan ni Kumander Zandro kabilang na ang Kumander.  Hindi na nakawala pa si Don Manolo. Nadakip ang Don  pati na rin si Chief  Baldomero. Hindi nagtagal ay nagkakasundong muli  sina  Joemer at Jessie. Samantala sa kinaroroonan nina Pepoy, Roxanne at Camille...

Pepoy: Tara na  Roxanne! Camille! Wala na yatang putukan!  Hanapin natin ang Kuya Jomar mo Camille?

Camille: Mang Pepoy, kinakabahan po ako baka may masamang nangyari sa Kuya Jomar ko!

Roxanne: Huwag naman sana Camille. Sige, tara na hanapin natin sila?

Seq. 95 Nakita nila si Jomar at kasama na rin si Jessie. Tuwang-tuwa si Roxanne dahil buhay pa pala ang Kuya Jessie n’ya. Nang makita niya ang Kuya niya’y kaagad itong tumakbo palapit, nagyayakapan ang magkakapatid. Napaiyak si Roxanne dahil sa tuwa ganundin si Camille. Natutuwa naman si Pepoy sa eksenang nakita niya sa kapwa magkakapatid.

Pepoy: “Nakakainggit naman kayo! Ako rin! Ang hirap talaga ng tumandang binata!” Sabay tawa ni Pepoy.” Nagtatawanan sila nang biglang umalingawngaw ang malakas na mikropono…

Gen. Villamor: “Kumander Zandro! Jessie! Jomar! Sumuko na kayo! Bigyan namin kayo ng sampung minuto para sumuko! Si General Alejandro Villamor ito! Sumuko na kayo ng mapayapa at hayaan  n’yong batas na ang huhusga sa lahat! Ka Zandro! Jomar! Jessie! Tandaan n’yo sampung minuto lang!”

Seq. 96 Lalo silang  natigilan   nang marinig   ang boses ng dalawang babae...

Cristina: “Jomar!  Alam ko, narinig mo ako! Jomar sumuko  ka na alang-alang sa akin, sa pag-ibig natin! Mahal kita Jomar!.. Jomar please... sumuko ka na!” Napaiyak na si Cristine.

Pamela: Jessie! Si Pamela ‘to! Jessie  sumuko ka na! Alang-alang sa pag-ibig natin sumuko ka na! Oo, aaminin ko malaki ang pagkukulang ko sa  relasyon natin pero sana maunawaan  mo ako!  Sa loob ng limang taon  kong  pamamalagi sa ibang bansa ay ikaw pa rin ang sinisigaw at hinahanap ng puso  ko!  Jessie mahal kita! Sumuko ka na Jessie please..?! Jessie narinig  mo ba ako! Mahal kita Jessie!

Jessie: “Jomar si Pamela  yon  di ba?  Jomar  bilang tunay na kaibigan aaminin ko sayo, si Pamela pa rin hanggang ngayon sa kabila ng ginawa niya sa akin   ay mahal ko pa rin  siya.” Isang linggo na lang ay ikakasal na sana sina Jessie at Pamela noon nang magpasyang sasama si Pamela sa Japan ng kanyang kaibigang Japayuki. Nagpaalam si Pamela kay Jessie pero di pumayag ang binata sa dahilang kaya naman  siyang buhayin ni Jessie kahit  di na siya pupunta sa ibang bansa, pero nagpupumilit si Pamela kaya noon pinamili siya ni Jessie.  Pero ang masakit pinili ni Pamela ang pagpunta sa ibang bansa pero bago siya umalis ay nagpaalam siya ng maayos kay Jessie at nag-iwan ng pangakong babalikan niya ang binata.  “Ikaw Jomar, mahal mo pa rin ba  si Cristina?”

Jomar: Jessie, ang totoo masakit sa akin ang ginawa ko kay Cristine noon, araw gabi  ko siyang iniisip  kahit nandito  na ako sa bundok. Oo, tulad mo si Cristine pa rin hanggang ngayon ang hinahanap at sinisigaw ng puso ko. Mahal na mahal ko pa rin  si Cristina. ‘tol.

Seq. 97 Biglang  sumingit   sa usapan si Pepoy  kasabay ng pagtatanong ng kanina pang nag-alala na si Roxanne dahil di pa niya nakikita si Jason.

Pepoy:  Yon naman pala eh di anupang hinihintay natin, susuko na tayo!

Roxanne: “K-Kuya Jessie..? Si Jason ? Alam mo ba kung nasaan na siya?” Katatanong lang niya  sa Kuya niya nang makita niya sa may  di kalayuan sina Jason kasama si Don Manolo at iilan sa mga AFP rescuer.

Roxanne: “Jason!!!” Tumakbo ang dalaga palapit kay Jason.

Jason: Roxanne, mahal ko!  Roxanne I’m sorry!

Roxanne: You don’t have to say I’m sorry Jason, alam ko at naiintindihan kita. Ang mahalaga ay nandito ka na.

Seq. 98  Napaiyak si Roxanne  at nagyayakapan sila ng mahigpit na mahigpit na may pangungulila sa isa’t-isa.  Muli narinig nila ang panawagan ni Gen. Villamor.

Gen. Villamor: Ka Zandro! Jessie! Jomar! Malapit ng maubos ang oras  na ibinibigay namin sa inyo para sumuko! Huwag n’yo na kaming pilitin Ka Zandro!

Seq. 99  Balik sa kinaroroonan nina Jessie...

Pepoy: “Dong Jomar, sumuko na  tayo! Okey na kayo di ba! Panahon na siguro  para maging masaya  at mamuhay ng tahimik at mapayapa dahil sigurado akong mabubulok na sa kulungan ang mayor na ‘to!” Sabay pukol sa nakaposas na meyor.

Jomar: Tama si Pepoy,  ikaw Jessie anong ang desisyon mo?

Jessie: Ikaw ang bahala Jomar, kung anong desisyon mo ay sang-ayon na rin ako.

Camille: Kuya Jomar sumuko na po  tayo Kuya!  Kung ano man ang hatol sa atin ay tatanggapin na po natin ng maluwag sa ating kalooban at...

Seq. 100 Narinig nila  ulit ang General na nagbibilang na.  Si Pepoy ang unang natakot.

Gen. Villamor: “Naubos na ang oras na ibinigay namin sa inyo para sumuko!  Susuko ba kayo!  Isa! Dalawa!  Tatlo! Apat! Apat kalahati!..!” Kapwa sila nagpapalitan ng makahulugang tingin. Sabay sigaw ni Pepoy.

Pepoy: Hindi kami susuko! Di kami susuko!

Camille: Mang Pepoy bakit hindi susuko ang sinagot n’yo! Ha!? 

Pepoy: Oo nga pala! Huwag kayong magpapaputok susuko na kami!

Seq. 101  Nagtatawanan sila sa pagkakamali ni Pepoy. Tahimik na sumuko sina Jessie at mga kasamahan, kasama na sina Meyor Monteverde at ang Hepe ng pulisya. Samantala, malaki ang panlulumo ni Don Manolo nang malaman na patay na pala ang anak nitong si Greggie at ang kanang kamay nito na si Gordon. Pagkalapit nila sa kinaroroonan ni Gen. Alejandro Villamor  ay nakaabang na sina Pamela at  Cristina. Walang anu-ano’y nagyakapan kaagad ang dating magkatipan.

Pamela: J-Jessie! I love you very much!” Hindi napigilan ni Pamela ang sarili at napaiyak na ito habang yakap-yakap si Jessie. “Hindi mo lang if how I missed you so much even if I was in Japan.

Jessie: Ssshhh..! Tahan  na ang mahalaga   ay nandito  ka na at hindi na tayo muling magkakalayo pa. Magsimula tayong muli Pam para buuin ang ating naputol na mga pangarap. Hanggang ngayon ay ikaw pa rin dito sa puso ko.  I love very much Pam.

Seq. 102 Nagyakapan   at naghalikan sila ganundin sina Jomar at Cristina.

Cristina: Maraming salamat Jomar mapayapa kayong sumuko, bilang pagpapatunay kung gaano kalaki ang pagmamahal ko sayo ay…” sabay harap sa ama niya

Jomar: A-Anong ibig mong sabihin Cris?

Cristina: D-Daddy..? I’m  sorry pero... gaya ng sinabi ko sa inyo noon na I will be the one to testify if you are proven na nagkakasala at may pakana sa lahat ng mga pangyayari.

Don Manolo: Are you crazy Cristina! Huwag mong kalimutan na ama mo...

Cristina: “Yeah! That’s true, pero nagkasala kayo Dad kaya kailangang pananagutan   mo ang  kasalanang ikaw ang may gawa. Hindi ko pagsisisihan ang gagawin kong ito Daddy dahil bago pa man ay pinapasaDiyos ko na ang lahat. Bahala na ang Diyos sa inyo... Patawad Daddy...” Tumutulo ang luha ni Cristina kahit papano ay dinaramdam din niya ang sasapitin ng ama pero wala siyang magawa dahil nagkasala  ang kanyang ama.

Seq. 103 Samantala, inabot ng General  ang kanyang  lubos na pasasalamat kay Jason.

Gen. Villamor: Mission Accomplished  Lt. Col. Jason Villegas! That you very much for job  well done.  I really admire your ability Jason. Keep up the good and be a good model and leader in our country.

Jason: “T- thank you very  much Sir!” Abot hanggang langit ang pasasalamat ni Jason sa General hindi niya sukat akalain na ang mission na yon will promoted him  for good position  in chosen job. “And I promise to do all the best that I can to serve  people especially to our country.

Gen Villamor: Sige Jason, dadalhin ko na si Mayor Monteverde  at Hepe. Ako na ang personal na mag-aasikaso  sa files  para sa kasong  haharapain nila and I think  habambuhay siyang mabibilanggo  kasama si Chief Baldomero.

Jason: S-Sir... how about my friend’s case?

Gen. Villamor: Don’t worry about your friends because they were both innocent for the circumstancesHowever, wala silang kasalanan isa lang sila sa naging biktima sa kasamaan at kasakiman ni Don Manolo Monteverde. Kung tungkol sa mga napatay nila,  don’t worry  dahil almost  ng mga tauhan  nila ay galing sa mga takas na preso sa  iba’t-bang lugar ng  Central Visayas Region at yong iba naman ay galing ng Munti kaya sila  mabilis na nakatakas dahil na rin sa suporta  ni Chief Baldomero. Siguro  few investigation from them and  after that they  will be  dismissed at mapawalang-sala ang  mga kaibigan mo.

JASON: Thank you very much General Villamor sa lahat mong naitulong n’yo sa amin. Marami pong salamat  Sir.

Seq. 104  The  case of Meyor Don Manolo Monteverde and Chief Baldomero was fastly heard and processed. And due to a lot of cases being accused to him, he was appointed  in the court  for life imprisonment. Since, when Mayor Monteverde was captured and jailed, illegal businesses fortunately stopped and ceased. All crimes has been  solved. And when Villafuerte Vice Mayor was taking place of ex-mayor  Monteverde, the city was finally  experienced a lot  of changes and improvements.  Afterall, peace  and order was now taking  place at  the city of Villafuerte.

Seq.  105 Samantla, nagkakasundong  muli at nagkakaisa ang magkakaibigan. Bumalik din ang matatag at maganda nilang samahan.  Nang  mabatid nila na wala ng maging hadlang sa kanilang landas, napagkasunduan  nilang magkaroon ng Triple Wedding. Masayang-masaya  silang lahat.  Sa araw ng kasal...

KLEM-BANG! KLEM-BANG! KLEM-BANG!

MABUHAY ANG BAGONG KASAL! KLAP! KLAP! KLAP!

                        Bago sila sumakay sa kani-kanilang kotse ay nagyayakapan muna ang mga magkakaibigan talo pa nila ang kanilang mga asawa.

Jessie: Ang saya-saya ko mga ‘Tol, hindi ko sukat akalain  na sa kabila ng maraming pagsubok ay may nakaabang pala na liwanag at tagumpay sa ating samahan.

Jomar: Talagang mabait ang Diyos sa atin at di Niya hinayaang masira at mawasak ang ating magandang samahan.

Jason: Sana’y wala ng wakas ang lahat ng ito mga ‘Tol. Sana’y  lubos na tayong lumigaya kasama ang bawat pamilya natin. At kahit anong mangyari, sana’y  palagi kayong handa at maging matatag para mapanatili natin ang ating pagiging...

TUNAY NA MAGKAIBIGAN.

 

~EnD~

Sa lahat po ng mga sumusubaybay, marami pong salamat sa inyong pagtangkilik. Sana nakapagbigay-aral po sa ilan sa atin ang kwentong ito. 

Pasesnsya na po sa gawa ko, di ko alam kung gaano karami ang mali ko basta ang alam ko, i tried my best  kahit di ako bihasa kagaya ng mga professional writer. Masaya na ako sa ginagawa kong pagsusulat...

Muli, maraming salamat sa inyong oras at panahon... 

FhearL