Tunggalian at Paglilingkod

Dap-ay Sapata's picture
|

 

Tunggalian at Paglilingkod

ni Dap-ay Sapata

06 June 2004

Ka Tyron at Ka Maya Kasal sa Partido

 

Mapangahas ang tunggalian sa aking damdami’t isipan

Tunggalian ng pananatili at pamamaalam

Sa piling ng mga kaibigan at mga mahal sa buhay

Tungo sa piling ng estranghero’t kawalan

 

Kailan ang pagpapasya sa panawagan ng kasalukuyan?

Ano ang halaga ng kasalukuyan sa kinabukasan?

 

Ang paglilingkod ay hindi hiwalay sa pag-ibig

Gaya ng pag-ibig sa magulang at sambayanan

Tulad ng ngayon at bukas ng panata’t makidigma

Para sa paglaya ng bayang sinisinta

 

Mapusok man ang tunggalian,  mapangahas natin itong labanan

Hirap man ay danasin ng ating digmaan

Dadaloy ang himagsikan saan mang dako ng bayan

 

Kung sa aking paglisan at buhay ay humandusay

Hinagpis ay puputok sa bayang puno ng poot

 

Ang pagtangan ng sandata ay tanda ng pagmamahal

Tulad ng mga tula at mga awit ng pakikibaka

Ang bawat paglaban ay may tagumpay.#

 

Dap-ay Sapata