Tungkol sa sarili

Ako ito. Si Cherry. MAsayahing tao pero may ulap palagi sa ulo. Dahil siguro sa munting pangarap ko...

Ganito kase iyon,

Minsan, may isang bata...Nangarap na maging manunulat subalit ng minsang sumubok nakaharap siya agad sa rejection. Pakiramdam niya noon pinagka-itan siya ng talento ng poong may kapal. Kase naman, pangit ang boses niya, pareho pang kaliwa ang kanyang mga paa...di siya honor student. Magaling nga siyang gumawa ng skript kaso pang classroom lang. Ang saklap di ba? Sabi nila weird daw maging manunulat...Weird ako!Walang kokontra.

So anong dapat sa akin?

ehem...MANUNULAT...Manunulat sa Blog.


dyeppri's picture

Hello po!

Try mo magsubmit dito ng gawa mo para makilala ka namin ng lubos...

as of now ay No Comment muna ako.tenx.Cool 

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

eloisa marie hernandez's picture

oo nga

mag-post ka para makilala ka...Laughing 

Actually, sabi nga nila weird talaga ang maging manunulat. Ako nga eh, kahit nagfi-feeling manunulat eh sinasabihan din akong weird. Pati  rin yung co-writer ko. Madalas kasi mga windang kami.

Minsan nga naalala ko, nakasakay ako noon sa isang jeep tapos nag-iisip ako ng mga susunod na scenes sa ginagawa kong nobela. Eh nakakatawa yung scene kaya bigla na lang akong tumawa mag-isa sa jeep. Ang dami pa namang taon noon. Pinagtinginan tuloy ako. hehe, nakakahiya.

Ako, tagagawa din ako ng script namin nung Highschool. Pero ayokong sumali sa mga org na may kinalaman sa pagsusulat. Wala lang. Kasi ayoko ng deadline. Tamad kasi akong tao. Kahit ngayong college, gumagawa pa rin ako. Huli lang ata akong nakagawa noong Linggo ng wika, hindi ko na tanda kug kelan. Siguro noong second year college ako. Third na ako ngayon eh. Tagal na rin. Nakakamiss.

Wag mo naman masyadong i-down ang sarili mo. Eh ano ngayon kung parehong kaliwa ang mga paa mo? Hindi ka naman nagsusulat sa paa. Ang mahalaga eh yung passion mo sa pagsusulat. (Naks, wuu. Ako ba talaga ito?) Hangga't meron ka nun, iyon ang secret weapon mo.

'Wag kang titigil sa pangangarap. Iyan din ang kinapitan namin ng co-writer na si ate melayh noong dumadaan kami sa mga pagsubok para lang ma-i-publish yung ginawa naming manuscript. Grabe, kung alam niyo lang, halos lumuha kami ng dugo nooong mga panahon na iyon. Parang lahat ata taliwas sa amin eh.

Mahina talaga ang kumpiyansa ko sa mga isinusulat ko. Kaya nga kung hindi pa ako hahatakin ni Ate melayh eh hindi ako maglalakas loob na bumalik ulit sa pagsusulat. Kaya hanggang ngayon, sa kamalas-malasan writing partner ko pa rin siya. hehehe.

Just keep on writing. 'Wag mong hayaang tapakan ka ng iba. Ano naman kung makatanggap ka ng rejection? Lahat ng manunulat nakakatanggap noon. Masakit sa una pero siyempre ang laban ay laban. Subukan ng subukan. Wala namang masama di ba? Isipin na lang natin na ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang opinyon. Hindi lahat masasayahan sa mga ginawa mo.

Eloi <(='.'=)>

Hello din

Nabasa ko ang komento mo sa "Ang kapreng kapitbahay ng Andre".

Ailem23's picture

hello cherry, musta?

 graduate ka na ba? o estudyante rin katulad ni eloisa?  kung estudyante ka pa, malaki pa ang pag-asa mo... sabi nga nila, "practice makes perfect" o kahit hindi perfect basta makita mo ang improvement mo sa pagsusulat. Paano? nasa right track ka na kapatid... keep on posting dito sa site para matulungan ka ng mga readers/writers dito.natuto ako ng napakarami dito.

wag kang magpapatalo sa rejection... bago matanggap sa isang publisher ang gawa namin ni eloisa noon, personal akong nakatanggap ng rejection sa publishers. (four times). nagpatalo ba ako? hindi. dahil kung sumuko ako sa pangarap ko, hindi ako magiging writer ngayon. kaya kahit takot ako, itinuloy namin ni eloisa ang laban. We did it, next year may published book na kami. 

pero hindi roon, natapos ang kwento... ngayon...ngayon mismong oras na ito, umiiyak ako habang nagta-type ng comment. Na-reject ang isang manuscript ko na dalawang buwan kong hinintay ang result.(pang-limang rejection ko na). na-disapproved iyon. oo masakit... kahit ayaw kong umiyak at gusto kong magmatapang, umiiyak pa rin ako. kasi pati magulang ko, nadisappoint sa akin... actually, they're nagging at me right now.... I understand why... graduate ako ng finance, inilaan ko ang isang taon para sa manuscript namin ni eloisa at sa "walang kwenta ko daw na pangarap", umasa sila na matatanggap ako sa publisher na pinagpasahan ko ng solo kong manuscript kahit wala naman ata silang tiwala sa akin, pero I failed. Tingin siguro sa akin, walang kwenta, walang utak, walang silbi...o gaga siguro... kahit naman noon, ganon sila sa akin...walang pagbabago.Bumalik ako sa simula, sermon dito, sermon dyan. bulyaw dito, bulyaw diyan...sinisisi ako ng buong puso ng mga magulang ko... iyan ang natatanggap ko ngayon.. how nice... timing ang blog mo kapatid... nagdadrama na ako....

hindi ko iniwan ang paghahanap ng trabaho...pero sadyang mailap na sa akin ang tadhana... gusto pa ata akong mag-suffer pa lalo...

pero kahit ganon, buo pa rin ang loob ko... TALUNAN LANG ANG SUMUSUKO! makakapgtrabaho rin ako sa opisina at makakap g-abot ng pera sa magulang. iyon lang naman iyon eh... Iyan ang nakasiksik sa utak ko kaya kahit ilang beses akong madapa, bumabangon ako...
 sa kahit anong paraan, babangon ako...

sana ikaw rin... andami ko ng panlalait at pang-iinsultong natanggap pero nakatayo pa rin ako ngayon... hindi ako nagpapatibag kahit kanino... Fighting spirit lang iyan... sabi ko nga sa isang member dito, "if you think you have the guts, then go ahead!"

 pasensiya na sa drama....

wish you all the luck!

melay 

eloisa marie hernandez's picture

ate,

parang nauulit na naman. Feeling ko magiging limited na yung pagsusulat natin sa inyo. Balik na naman tayo sa basic problema. Ganyan na din ang problema ko dito. Bulyaw dito bulyaw diyan. Sermon dito sermon diyan. Kulang na lang ipamukha sakin na walang KWENTA yang pagsusulat na yan.

Pero kahit ganon kaya natin yan. Walang iwanan. Kung nagawa nating lagpasan yung mga problema dati, ngayon pa ba tayo aatras? Basta, walang susuko.

Feeling ko duguan na naman tayo. Bakit kaya ganon? Kada may bagong project, may bago ding gulo? Naku naman!

Naiiyak na rin ako

wid labs eynd keyr,

eloi

Eloi,

Napagdaanan ko ang lahat ng iyan. Naranasan kong mabulyawan dahil palagi nila akong nakikita sa harap ng makinilya.

Melay...

Masayahin akong tao...Hindi halata kase pag-nagsusulat na ako iba na yung nakikita ng tao sa totoong ako. Parang may magkaiba akong persona?

Tungkol dun sa naranasan kong rejection, dalawang taon na iyong nakakaraan. 3 beses akong nareject ng 3 uri ng publication.Wala akong ginawa noon kundi mag-ayos at punahin kung tama ang punto de vista ng tauhan...o ako mismo.Hanggang sa ipinasa ko ang gawa ko sa isang publication sa may QC. Hindi siya sikat, at sorry sa iba...(Nagpapakatotoo lang po)Hindi iyon ang pangarap kong pasahan na publication, nakakatuwa lang kase sila ang tumanggap ng akda ko...

Yah...Laban...Paduguan ng utak.

Tapos na ako ng pag-aaral Melay...Sa kasalukuyan. Meron akong computer shop at Botique.

Ailem23's picture

elow...

ako nga panlima na... at least ikaw may negosyo...san located ang negosyo mo?  hehehe... ako naga-apply pa rin ng job... hirap kasi ng job opportunity dito sa batangas... konti lang, dami pang competitor...kahit anong job, ayos lang sa akin. anong publisher iyon sa quezon city? i-private message mo sa akin kasi baka pareho lang tayo ng pinagpasahan... 

ako, masayahin talaga ako... dati katulad mo ako, may ibang persona kapag nagsusulat. eh napansin ko, hindi ako ung sinusulat ko kaya nagpalit ako ng style... sinubukan kong magpatawa ng konti... at gawing light ang mga kwento ko kahit na may malalim na moral values na pinaghugutan. mas lumabas iyong tunay na ako...  mas naging magaan sa akin ang pagsusulat...

may kanya-kanya tayong right time... ibibigay rin iyan ni God sa atin...

good luck sa iyo,

melay 

melay...

Nakalimutan ko na yung sa QC pero along Tandang Sora iyon.Dito ko sa Bulacan parteng Meycauayan.  Hindi ako pang-work...Minsan lang me nakapagtrabaho contractual pa. Tapos di na nasundan. Sinubukan kong mag-abroad...Ok kase yun ang pinuhunan ko.

mstmaria hellow

hello cherry,

lahat tayo may talentong bigay ng Diyos... at kung mahilig kang magsulat walang makakapigil sa'yo.

pakinggan mo sina melai at eloi. iyan sila nagpunyagi kaya nila unti-unting nakamit ang tagumpay... bilib ako sa kanila. 

hihintayin ko rin ang iyong mga akda

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."