Tungkulin ng mga Kabataan sa Paghubog ng Isang Maunlad na Sambayanan

asassin's picture

Ni: E.Cruz

        Mga kabataan, Kumilos! Kumilos! Tayo ang magsisimula ng bagong pag-asa sa ating bansa.Panahon na para baguhin ang sistema na ating kinalakihan, na hindi nagdulot ng kaginhawaan sa ating mga kababayan.

        Marahil ay kitang-kita ng ating mga mata, ang kabulukan na nangyayari sa ating bansa. Mga Opisyales na kay galing magpanggap, na kanilang sinasabi, na sila ang makakapbangon at makapag-uunlad ng bansa, na sa kanilang magandang pananalita ay nabibilog nila ang ulo ng sambayanang Pilipino, na gustong magkaroon ng isang pinuno na iniisip ang nakararami kaysa sa kanyang sarili.

        Mga kabataan, huwag natin gayahin sila, makakapagbuo tayo ng bagong simula, basta tayo ay magtutulong-tulong, ipraktis natin ang ating mga kakayahan sa pagsisilbi sa ating mga kapwa Pilipino. Itigil na PAGCACRAB MENTALITY! Sabay-sabay tayo maghatakan pataas.

        Isulong natin ang pagbabago, huwag natin aksayahin ang ating panahon, MAGKAISA TAYO! Tungkulin natin iayos ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng pag-aaral, pagsunod sa ating mga magulang, pagsunod sa ating mga batas at higit sa lahat ang pagsunod sa batas ng Diyos.


aldrin t garcia's picture

sang ayon ako diyan...

sang ayon ako diyan..

tayong mga kabataan ang susi sa kaunlaran ng ating bayan...

wag tayong mabulag,...

wag tayong pabanjing banjing lang...

 

nasa ating mga kabataan ang init ng pagbabago...

 

...itaga mo sa bato...tiyak sira ang itak mo!!!