Uhaw sa Pluma

| |

Sa panahon ng tagtuyot

Kapag ang sulat ay nabaluktot

Hatid ay kilabot

Sa utak na malapot

 

Salita ay nababago

Kahulugan ay nagagago

Sa puso ng bigo

Ang sakit di maitatago

 

PAwis ng pagbabalatkayo

Aalingasaw sa ibayo

Amoy na parang kabayo

Sa ilong ay nakakaliyo

 

Walang hanggang kalinisan

Sa ngayon ay kasinungalingan

Saan man daanin ang usapan

Naghahari'y kamunduhan

 

Sa mundong mailap ang liwanag

Pag-asa nga ba ay may habag?

Saan kukuha ng pansalag

Sa panang nakakaduwag?

 

At sa inyo mga mambabasa

Ang tanging hiling ay pang-unawa

Ibigay ang pasensiya

Sa abang uhaw sa pluma

 

 

JorlemMohn

Ang magulong pag-iisip ay lumalabas sa aking mga sulatin... Inyo ng pagpasensiyahan kung ang mensahe ay may kadiliman....