ulan sa pasko

|

Kanina pa ako
nag-aabang
ng ulan?

Bakit ikamo?
Bakit ngayong araw pa ng pasko?

Gusto ko lang madiligan
ang ilang lupang tigang.
Bigyan ng panibagong
pagdaloy
ang mga tuyot na kaisipan

Umagos ang mga diwang matagal
ng nakabara sa isang malaking espasyo
na aking ginawa

Hayaang tangayin ng tubig
ang ilang luhang ipinipilit
iluha
ang ilang pagod, itinatago
sa buntong hininga

Gusto kong umulan ngayon.
Oo, ngayong araw ng Pasko
kasama niyang didiligin ang
nag-iisang puso
Kasama niyang lilinisin
ang makasalanang kaluluwa
hanggang sa mga bago
ang puno't dulo
nitong aking tula........

ulan ulan ulan


 ulan ulan ulan " hindi

 ulan ulan ulan

" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang  mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"

Adlesirc's picture

ulan ulan ulan

ulan.. ulan.. ul...

 

ay

 

nagbago isip ko. ang lamig lamig na e. lalong lalamig pag umulan pa. hehehe

CLOSET WRITER's picture

pwede...

baka sakaling makatulong ang ulan na ibuhos ang mga damdaming pilit tinutuyo ng dalamhati.