umaga sa hardin
isang paru-paro
ang biglang dumapo
sa balikat kong
halatang nalulumo
*sa gitna ng hardin
sa pagitan ng hangin
kislap ng mga mata'y
ako'y nasasalamin
**gumising ka, hagkan ang paglaya
ika'y tumingala
ngumiti sa Bathala
halika na, halika na
Yumabong para sa...
bagong umaga.
guni-gunita
mga rosas na ilang
samu't saring halaman
kanya-kanyang
kababalaghan.
Ulit*
Ulit **
----
napanood ko muli ang secret garden.... kaya ang kantang ito.
hanggang ngayon hinahaplos pa rin ang puso ko ng scene sa loob ng hardin na ang tatlong bata'y naging malaya sa ilang tanikala ng malaking mansyon. at doon sa loob ng hardin naging malaya silang musmos.... hinagkan ang lupa at ang imposible ay kanilang nagawa......
ate pauline.. heto nakanakaw ako ng sandali para sa mga ilang himig at tula... sana mabasa mo.


