Umibig Ka

joenard's picture
| |

Umibig ka! Sapagkat nakabubuo ito ng buo nating pagkatao"

032909 ( 02:46 AM) JLOpalsa

Mahalaga ang bawat tao sa ating buhay sapagkat sila’y may kanya kanyang parte at iniiwang alaala sa atin. Mula ng ako’y natutong makipagkaibigan at umasa sa ligayang maibibigay sa akin ng aking kapwa, natuto na din akong magmahal at magpahalaga. Nais ko’y kapiling sa bawat oras kundi ma’y kaagapay sa masasaya at malulungkot na sandali ang ilang taong minamahal.Tunay ngang walang katumbas ang pagpapahalaga at pagibig, itoy kusang nararamdaman at biglang dumarating. Hindi kaylangan ng kung ano pa mang materyal na bagay upang ibigan ang isang pagkatao. Itoy nagkukusa at nilalambing nito ang ating puso.

Isa sa pinakamasarap na tagumpay ang umibig at maging buo sa kabila ng pagsubok at agam agam. Naniniwala ang ilang matatalinong tao na pag daw umibig ka hindi mo ito maipapaliwanag o di kayay maisasatinig sapagkat ito’y pakiramdam na walang katumbas sa mundo.

Nakikita mo ito sa iyong mga mata, nadarama mo ito sa iyong puso. Kulang ang buong magdamag upang isaisip mo ang ligayang iyong nadarama sa tuwing kapiling sya. Masaya ka habang ikaw ay nasasaktan at nabubuhay sa katotohanang hindi sa inyo ang habang buhay. Marahil nga mabait lamang sa iyo ang Diyos kung kayat’t hinayaan niyang ikaw ay umibig sa maling paraan at pagkakataon. Sa pagkakataong ito , nais mo lamang na sana’y bigyan ka pa ng pagkakataon na lubusin ang mga araw na kasama sya at mahalin ang kanyang mga ngiti at lambing . Sadya ngang makapangyarihan ang pagibig pag itoy natagpuan mo na. Sadya ngang masarap ito habang kapiling ang taong pinaglalaanan mo. Sadya ngang walang masamang sandali sa piling niya, lahat maligaya at lahat ay tila sapat na upang mabuhay ka.

Ngunit paano natin masasabi na ang pagibig na ating nadarama ay tama? Kaylangan bang may batas at alituntunin na susundin at lalampasan? Bakit kaylangan pa na tama ? Bakit kaylangan pa na may magtiis at masaktan? Bakit may maling pagibig sa mga taong umibig at umiibig din naman? Ganito ba talaga ang mundo, walang sapat na hustisya at paninindigan? Kaylangan ng ilan sa ati’y pang unawa at pusong bukas sa katotohanang may puso din ang ilan kaya nadarama ang ganitong damdamin. Kapag nadama mo ito, madarama mo ang maliwanag na kalooban. Kaloobang umunawa sa ibang tulad mo ding umiibig. Sapagkat walang maling damdamin at walang maling pangarap sa taong may pag ibig sa puso. Simple lamang naman ang hiling ng taong nakadarama ng pagibig, iyon ay pagbigyang silang isakatuparan ito habang may buhay ang kanilang minamahal. Ang tunay na pag ibig ay palaging nadarama kahit may suliranin at damdaming bigo. Tunay din ang pag ibig pag ito’y may tinig , galaw, nakapagbibigay kulay, nagkukubli sa dilim at nagaabang ng pagsikat ng araw. Ang sarap nitong damhin kapiling ang iyong tunay na mahal. Sana’y madama mo ito , sana’y nadama mo na ito at sanay naghihintay pa din siya sa iyong pagibig na wlang maliw….Umibig ka! Sapagkat nakabubuo ito ng buo nating pagkatao…

Joenard Opalsa

 

"Minsan nasabi ko malalathala din mga sinusulat ko, hindi lamang puso ko ang makakarinig at utak ko ang masasaling kundi kapwa ko manunulat na sa kanilang sariling paniniwala pinanganak silang makata."


joenard's picture

Salamat po sa mga Nagbasa ng likha ko

Masaya po ako...

 

 

Sana maging magkakaibigan tayo..

 

 

"Minsan nasabi ko malalathala din mga sinusulat ko, hindi lamang puso ko ang makakarinig at utak ko ang masasaling kundi kapwa ko manunulat na sa kanilang sariling paniniwala pinanganak silang makata"

manhater.xxiv's picture

Friends? :)

Friends? :)

joenard's picture

Friends? :)

Kung ok lang sana?

 

 

 

 

 

Cool

manhater.xxiv's picture

LOL.

Ang tagal na nito sorry.

 

Friends. :D

 

http://forcedengineer.wordpress.com