Umpisa ng Palihang LIRA
posted by bebang_ej at the UPFI yahoogroup:
Pormal na bubuksan ng
Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA)
ang kanilang taunang klinika sa pagtula sa isang panayam na
pinamagatang
"Reklamasyon sa Pambansang Gunita."
Ito ay ibibigay ng tagapayo at tagapagtatag ng LIRA,
ang Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan,
na si Virgilio S. Almario o Rio Alma .
Ang panayam ay magsisimula dakong
1:30 ng hapon
Hunyo 7, 2008
sa Room 201 ng College of Arts
and Letters sa UP Diliman.
Ang pagtatala ay magsisimula ng 1:00 ng hapon.
Ang nasabing panayam ay libre at bukas sa publiko.
Para sa karagdagang detalye maaring makipag-ugnayan kay
En Villasis sa numerong 09224596365
o bisitahin ang kanilang website,
http://liraonline. org.
************ ***
Simula pa noong 1985, nagbibigay na ang LIRA ng kanilang taunang
klinika sa pagtula.
Nagiging lunsaran ito hindi lamang sa pagsulat ng mahusay na tula
bagkus
maging ng pagtatalakay at pagbibigay-puna sa mga tulang Filipino.
Ilan sa mga produkto ng LIRA ay sina Michael Coroza, Jerry Gracio,
Roberto at Rebecca Anonuevo, Vim Nadera, Romulo Baquiran, Jr. at
Edgar Samar.


