unahan.....sa pila
pak..... pak.....pak........
tunog ng mga taong,
naghahabulan at nag-uunahan
sa pag akyat sa hagdan
at pagsampa sa batangan
marami sa atin nabubuhay para bumuhay,
nag-aaral para mabuhay
naglalako ng ikabubuhay
naghahanap ng kabuhayan
at sa huli patungo rin pala sa kamatayan
bawat tao naglalakbay
maraming bumibitaw
meron ding umaayaw,
pero patuloy sa pagsayaw
itong hiram nating buhay
panahaon ay patuloy sa pagtakbo
unti-unti taung magugupo
kakainin tayo ng siglo
hanggang sa tayo ay maging abo
kung hindi ka nagpakatotoo
ikaw rin ang talo
malamang kalaban mo pati konsenya mo,
kakainin pati katawan mo,
hanggang sa kaluluwa mo .
_passersby_
__________________________________________
gabi ng kalungkutan, wala na kasing natira
umalis na silang lahat, ako na lang ang naiwan.....
censya na po!!!!!!!!!! nakikiraan lang po....


