Unang Hilik
Kanina,
Matapos ang ilang araw nang walang
Balita mula sa ‘yo
Walang ha
Ni ho
Tumunog ang telepono ko
Mensahe mula sa’yo:
Papunta na ko jan baby
Sira cp ko
Hintayin mo ko sa baba.
Nagdalawang isip ang puso ko
Pipintig o
Malulusaw?
Ito ang araw na aaabangan kita
Sa pintuan
Dala ang mga gamit na iniwan mo
Sa aking aparador
Ang mabilis
At walang kabig na pamamaalam
Sinosoli ko na ang kandila mong
Upos.
Pundido.
Nguni’t di napigil
Ang puso kong tanga
Na naghihintay
Sa baba ng gusali
Sa tapat ng pila ng traysikel
Pinagtitinginan ng mga usiserong
Kapitbahay
Hithit-buga sa ikatlong yosi
Inaantok.
Umaasa.
Naghihintay sa’yo
Naghihintay sa wala.
Natapos ang tatlong magdamag
Dumating kang
Nababalot ng libog
At ng halimuyak ng
Kawalang-muwang.
Ang matulog sana sa tabi mo
Ang aking kunswelo
De bobo.
Pinalitan mo ng mga halik
Na dapat sana’y hilik
Na hindi mamutawi
Dahil natatakpan
Ng iyong mura
At nag-iinit na katawan
Na bumabayo
Sa aking katahimikan.
Ang pakikipagbaratan,
Wag muna ngayon-
Sige na-
Gusto ko lang matulog-
Wala na akong suot,
Nauwi sa barurutan.
Di mo alintanang
Nagdurugo ako.
Natapos kang kumikislot
Hinihingal
Nakahandusay ka
Sa aking kama.
Kay sarap tamnan
Ng patalim ng
Iyong hunkag na dibdib.
Mahal mo ba ako?
Huh?Mahal mo ba ako?
Oo.
Sabihin mo
I love you
Tangina mo.
Nagpahatid ka na sa baba
Gaya ng puso mo
Nahungkag ang kuwarto ko.
Hilik.
Hilik.
Hilik.
Mas matamis ang halik
Ng pag-iisa.
ang galing mo nga..
ang galing ng style mo sa paglikha ng akda,
ang ganda ng mga gawa mo.
nakakahatak ka ng musa..
nagpapa-atikabo ng diwa!
mahusay!
salamat po..
maraming salamat parasol
sana nga ay nahatak niya ang musa mo para makagawa rin ng akda.
yung musa ko kasi chikadora, maraming barkada. hehehe
salamat sa pagbabasa.
kapag tumakbo ako, hahabol ka ba?
tepella ko 'to...
ngayon ko lang 'to nabasa.
mejo busy lang...
at ala na ko koneksiyon ng internet sa bahay kasi kakalipat ko lang. hanap pa ko ka-share. hehehe!
galing ah. dahil jan, apir
galing ah.
dahil jan, apir !
;)
salamat jean!
at dahil jan, pumunta ka bukas
'sing sarap, 'di 'sing mahal...
ang bukas na yan ay ngayon
ang bukas na yan ay ngayon na.
mamaya.
sana makapunta kahit may pasok ako at dami kong subjects ngayon.:)






purihin ang
purihin ang Panginoon...
Honestly? one of the best Filipino poems i've ever read...
galing mo kaibigan..powerful at mabigat ang emosyon... WOW!
5 stars!
nasaktan ako dito ah...nakaka-relate...
GOD bless you po...